She can’t seem to breath ! OMG! Naninikip yata ang dibdib ko! Pat thought. Kitang-kita niya kung paano nilapitan at hinalikan ng malanding babaing yun si Alex. She recited her mantra inside her head. Hindi siya dapat magpahalata na gusto niyang kalbuhin si Kate. At gigil na gigil din siya kay Alex dahil hindi ito agad umiwas. Pakshet! Nalawayan ito ng malanding ex nito. Sex manyak ka! Makikita mo! Ngitngit niya. Ang dami niyang naiisip kung paano mananagot sa kanya ito mamaya.
For the meantime, kailangan muna niyang harapin ang babaing hadhad/ jock hitch . ( yan ang itatawag niya kasi nga makati di ba?)
Lumapit sa kanya si Alex na bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Baby..” tawag nito sa kanya.
Pat masked her feelings kahit sa totoo lang gusto niyang pisilin ang mga itlog nito dahil sa gigil. Tignan lang niya if hindi ito magkikisay sa sakit. But she has to remember what she learned sa personality enhancement school.
Alex frowned when he saw Pat's eyes became blank and her lips broke into a smile. He is pretty sure that he saw certain emotions in her eyes a few seconds ago .Ngayon, they are expressionless. Hinapit nito ang dalaga sa bewang and kissed the top of her head.
Gustong-gustong itulak ito ni Pat dahil diring-diri siya na hinalikan siya nito matapos itong halikan ni hadhad. Baka mahawaan pa siya ng kati nito. But all she did is tilt her head to him and smiled sexily at him. Tapos tumingin siya sa likod ng binata to look at the people around the table behind him and at Kate na nakasimangot.
And in a sweet voice na sinigurado niyang maririnig ng iba, "Baby, aren't you gonna introduce me to the others?" she flashed her beautiful smile.
Para na naman nasipa sa dibdib si Alex. Ibang klase kasi talaga si Pat. Ang lakas ng higop ng dalaga sa kanya. Alex sighed then he turned around while he has his arms around her. Lumapit sila sa lamesa.
Pat made sure that she is wearing her sexy smile. Tinapunan niya ng tingin si hadhad. She has to admit na may hitsura naman pero mukha talagang malandi. Parang hind na magmamake-up ulit sa kapal ng kolorete nito sa mukha. Pat wonders kung nakakahinga pa ito sa sikip ng black short dress nito. Jock hitch has a fair compexion at matangkad ito sa kanya. Aminado siya na mas maputi ito but she knows na mas makinis naman siya. And Pat is confident that she's sexier than Kate. She looked at hadhad’s boobs. Tinaas pa niya ang kilay na para bang sinasabi na, "I know you had a boob job." sabay tingin sa mata ng babae.
Kung nagsusukatan ng tingin ang ex ni Alex at si Pat, si Mike naman halos nakapako ang tingin kay Pat. Puno ng paghanga ang mga titig nito na napansin ni Ale kaya napamura ito ng mahina. The others didn't hear him but Pat did.
"Aray!" mahinang protesta niya when Alex's hand dug deeper in her waist. She looked at him in surprise. Nagtataka siya kasi mukhang galit ito .His neck is red. Ibang klase din naman talaga itong lalaking ito.. she thought, ..ito pa talaga ang may ganang magalit?
Nang hindi pa din nagsasalita si Alex para ipakilala si Pat sa iba,tumayo na si Mike. "Hi! I'm Mike! Kaibigan ni Alex." nakangiting sabi nito.
Pat ran her eyes on him. May hitsura ito. Magkasing-tangkad sila ni Alex. Moreno ito at mukhang bumbayin. Tall,dark and handsome.
Malcon: Girl, baby Alex is hunkier and yummier. Kaya nga pamatay ang kamandag eh. Sweet na, napakapogi pa at ang laki pa ng katawan at ng....
Pat blinked.Umeksena na naman si Malcon.
"Hello,I'm Pat. Sorry my boyfriend seems to have forgotten his manners." she flashed him her million dollar smile.
Mike extended his hand and before Alex could react ,iniabot ni Pat ang kamay niya. He enveloped her hand in his bigger one. Pasimple nitong diniinan ang kamay niya which made her a little uncomfortable. Nakita ni Anton na nakamayan ni Mike si Pat, so mabilis itong tumayo para samantalahin habang hindi pa nag-rereact si Alex.
"Ako ulit si Anton!" sabi nito sabay agaw sa kamay niya from Mike.
Natawa si Pat. Dun pa lang parang natauhan si Alex. Kinuha nito ang kamay ni Pat kay Anton then said in an annoyed voice, "Tama na!" Kaya nagkamot na lang ng ulo si Anton.
Kunwari nagulat si Pat sa inasal nito. "Baby..." tawag niya and pouted at him.
Nailing na lang si Mike then he turned to the woman beside Alex's ex.
So ito yung babaeng kasama ni hadhad sa C.R. Pat thought. Matangkad ito at maiksi ang buhok. Morena and simple ang ganda.
"This is Brenda, pinsan ko." pakilala nito sa babae. The woman just said hi.The woman is looking at her from head to toe but .Pat doesn't care cause she knows she looks good. Nag-smile lang siya dito.
"And I am Kate." biglang sabi ng babaeng makati. Maasim ito na ngumiti sa kanya." I am Alex's..."pambibitin nito.
Biglang tumahimik ang lahat. They all look as if they are holding their breath. She felt Alex tensed up beside her. "Alex's ex?" Pat asked na nakangiti na ikinataas ng kilay ni Kate.
"How did you know?" kunot noong tanong nito.
"Nahalata ko by the way you look at my Alex ." nakangiting sabi niya. Mas inilapit niya pa ang katawan kay Alex while she seductively gazed at him for a few seconds. Dinikit niya ang malulusog niyang dibdib malapit sa six-pack nito. She saw his eyes turned darker.
"And how do I look at your Alex?" sarcastic na tanong nito.
"I have a male friend. He has an ex-girlfriend who is still into him. She looks at him with longing. But unfortunately ,my friend doesn't want her anymore. Ganun ang mga tingin mo sa boyfriend ko eh." kunway nagsisi siya sa sinabi niya. She covered her mouth with her right hand but in a sexy manner. "Oh I am sorry. I could be wrong..." she said with a saccharine tone. Kunway nanlaki pa ang mata niya.
Lukot na lukot ang mukha ni Kate. Iba-iba naman ang reaction ng mga nakapaligid. Ngumisi at umiling ang mga lalake and nagbulungan naman ang mga babae.
"Baby," Alex kissed her temple, "Pahangin tayo sandali sa labas. "Then he looked at the others ."Mga pare,solohin ko lang sandali ang girlfriend ko ha? Balik kami agad.” H e took hold of her hand and lumabas sila. Diring-diri si Pat dahil hinalikan na naman siya nito ng mga labi na nalawayan ng hadhad . Nang wala ng nakakakita, binawi niya ang kamay niya. "Bitawan mo nga ako!" she said as she walked faster and Alex sighed.
He knows na galit si Pat. But he has to give it to her for not making a scene inside. She handled the situation well .He knows that Kate is pissed. Akala nito mapo-provoke nito si Pat.
"Baby ,mag-usap tayo sa kotse." he took hold of her hand again. Sa haba ng biyas nito, kahit mabilis maglakad si Pat kayang-kaya nitong abutan.
"I said don't touch me! Kaya kong maglakad mag-isa!" galit na sabi niya sabay binawi ang kamay.
Hindi na lang kumibo si Alex. He know Pat is really in a foul mood. Ayaw niyang lumaki ang away nila. They look like a normal couple. Nagseselos si Pat kay Kate. Alex hid a smile. He opened the car's door for her. Padabog na sumakay ang dalaga. Napailing na lang si Alex. Napangiti na naman ito while he goes around to get inside the car. His woman becomes more beautiful when she is pissed and jealous. Mas grabe ngayon ang reaction nito lalo't totoo namang ex niya si Kate. Lalo namang uminit ang ulo ni Pat ng makitang nakangisi si Alex. Pagkasakay ni Alex, she said angrily, "Don't ever kiss me again! Nakakadiri ka! I don't want that woman's yucky saliva on me!"
Bumuntunghininga si Alex. "Baby huwag ka ng magalit. Nagulat din ako sa ginawa niya."
Pat sulked while she looks out the window.
"How did you know that she's my ex?" takang tanong nito. "Baby.."mahinang tawag ni Alex .Pat is not looking at him.
"I heard them talking in the restroom." malamig na sabi niya habang di pa din nakatingin dito.
"Matagal na yun .Nothing to worry about." he said gently. He badly wants to touch her but alam nitong she will be angrier.
"Ilan ba ang na-devirginize mo?" nanguuyam na tanong niya. Masamang-masama ang loob niya. Alam naman niya na madaming babae ang dumaan sa buhay ni Alex pero ang masakit kasi narinig niya pa mismo galing sa bibig ng babae. Tapos ang masama pa may balak pang landiin na naman nito si Alex. Overflowing sa kalandian eh!
Hinimas-himas ni Alex ang batok nito then he let out a heavy sigh. "Baby,hindi ko mabubura ang nangyari na, I'm sorry. Madami nga akong naka-relasyon pero lahat naman yun hindi seryoso. Kahit yung kay Kate .Bata pa kami nun."
Lumingon si Pat para tignan ito. Tumingin din sa kanya si Alex. Sinubukan nitong hawakan ang kamay niya, Napapikit pa ito ng hindi niya binawi ang kamay.
Pagmulat nito, he said while gazing at her eyes, "What I feel for you is different. Very different. Please huwag mong pagdudahan ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita." ma-emosyong sabi nito.
Nakatingin lang si Pat. "Baby, please say something" pakiusap nito.
"We can't change the fact na madami pa ring babae ang naging parte ng buhay mo. But sabi mo nga hindi mo na maibabalik ang dati. Kahit masakit sa akin, I have no choice but to accept.” She finally said. Kaya parang nabunutan ng tinik si Alex.
"Baby, hold on." sabi nito as he opened the car's compartment. Kinuha nito ang hand sanitizer na nasa loob.
Kumunot ang noo ni Pat. "Anong gagawin mo diyan?" tanong niya.
May inabot ito sa likod ng upuan niya .Nakita ni Pat na tissue paper. Kumuha ito ng two sheets of tissue then spritzed some of the hand sanitizer. He then wiped his mouth.
"Alex??!" gulat na tawag niya dito.
Nang matapos magpunas, he said habang may pilyong ngiti, "Now I can kiss you." Hinapit nito si and kissed her on the mouth.
"Mmmmpp!" piglas ni Pat. Pinilit niyang kumawala.
Nakasimangot na tumigil si Alex sa paghalik sa kanya."What is it baby?" he asked.
Tinulak ito ni Pat palayo. She leaned her back on the car's door .She wants to be as far from him as possible. "You are being unfair! " sabi niya na naka-kunot ang noo.
Alex's eyes narrowed. "Me? Unfair? " inis na tanong nito.
"Ikaw nakadami na ng babae. Ako ,ikaw ang nakauna sa akin sa lahat. Bakit kailangan mo pa akong bakuran ng sobra? "
Tumigas ang expression nito then angrily got out of the car. Umikot ito to open her door. Pat just sighed.
"Pare alam ko yang mga titig mo na ganyan. Ang lagkit-lagkit ng tingin mo sa bebot ni Alex." mahinang sabi ni Anton kay Mike .Nasa isang lamesa silang apat kasama sina Brenda at Kate. Natawa lang si Mike habang uminom ng beer.
"Anak ng...!" galit na bulong ni Anton, "Pare,tama na yung tinalo mo si Kate dati kahit sabihin pa nating hiwalay na sila nun. Okay lang kay Alex yun. Pero namputsa pare! Iba ngayon! Magkakasira kayong dalawa."naiiling na sabi ni Anton.
Kate has seen the way Mike stared at Alex's tramp. She wants him back and Mike has the hots for that tart. She thought of a brilliant plan. Hindi niya hahayaan na maging bida si Pat.
Nang makita nitong papasok si Alex at Pat, Kate stood up.
"Guys! Let's play a game!" she said to get everybody's attention.
Tumigil naman bigla ang mga nasa loob sa ginagawa nila. She got their interests.
Alex pulled a chair for Pat let her sit before ito naman ang umupo.
"Okay yan! Parang highschool lang!" sigaw ng isang dati nilang kaklase.
"Walang party pooper ha ?Lahat sasali!" hiyaw naman ni Anton.
Mike is just quiet habang umiinom .Pasimple itong nakatitig kay Pat.
Sa kasaamaang palad, nakatingin naman pala dito si Alex. Kitang-kita nito ang lagkit ng tingin ng kaibigan kay Pat. He clenched his fist. Namumuro na talaga ito. Hindi ito papalampasin nito kahit sabihin pang magbarkada sila.
Pat is just looking at Kate. In her mind, Ano na naman kaya ang pakulo ng hitad na to?
"Truth or dare tayo! But this time, bago pumili if truth or dare ,kailangan iinom ng isang shot ng tequilla!" Kate announced.
Everybody cheered except for Pat and Alex. Parehong kumunot ang noon g dalawa. Mas galit nga lang ang expression ni Alex. Pat looks puzzled with the whole thing. Ewan niya but she can sense something. Woman’s intuition ika nga.
After Kate’s announcement, malanding tinignan nito si Alex. Nakaplano na ang lahat sa utak nito ang gagawin. She will make sure that during the game, she'll kiss Alex in front of his hoe.
Palihim naman na ngumiti si Mike. Ayos talaga si Kate at ang mga naiisip nito .Pwede siyang maka-first base kay Pat at hindi nito papalampasin ang tsansa na tikman ito kahit slight.
Pat's eyes narrowed as she looks at Kate. Sa sulyap pa lang nito sa binata, super obvious na may balak gawin ito para halayin ito. Hadhad alert! Sarap lang kayurin ng hollow blocks ang ex ni Alex para bawas kati,
Dumilim naman lalo ang mukha ni Alex nang makita nitong napangisi pa si Mike habang nakatingin kay Pat.
Si Anton naman nailing na lang.
“Giyera na to!” tila bulong nito sa sarili.