"You wanna see for yourself baby?" malamig na tanong ni Alex but Pat didn't move from the spot where he left her. She doesn't want to see what they are looking at. Kung siya lang ang masusunod she would rather run upstairs to her room.
"Taba! Halika! Bilis!" sabi ng kuya Allan niya.
Naman! Naman! Hihirit pa ang kuya niya eh.
Hindi pa din siya kumikilos. She has her eyes on her French tip manicure. Ayaw niyang tignan si Alex.
"Patricia...come here.." came his chilling voice. Hindi pasigaw pero nakakatakot.
She hid her hands behind her then crossed her fingers bago siya lumapit sa dalawa .She tried to have a glazed expression. Kaso ang galing-galing talaga ng kuya niy. Bago pa siya tuluyang makalapit, binuksan nito ang malaking gate. Ang resulta kitang-kita sila ni Matt.
"Di ba yun ang kotse ni Enchong?" sabay nguso sa sasakyan na nasa hindi kalayuan. "Mukhang wala naman balak bumaba. Baka gusto ka lang makita taba!"
Kotse nga ni Matt ang sinasabi nito. Naka-patay ang headlights.
"Baka namimiss ka." Alex commented sarcastically.
Lumingon si Pat para tignan ito. His expression is very hard. A muscle in his left jaw twitched.
"Baka nga taba! Dati halos araw-araw magkasama kayo eh!" naiiling pang sabi ng kapatid niya.
Nakagat na lang niya ang loob ng lower lip. Hindi ba alam ng kuya niya na siya ang mapapahamak sa kadaldalan nito?
Medyo nagulat siya ng maramdaman niya ang kamay ni Alex sa bewang niya. He pulled her closer to him then kissed the top of her head . Pat knows that he wants Matt to see na sila na.
Lumiwanag bigla ang headlights ng kotse ng huli. Akala ni Pat dadaan ito sa tapat ng bahay nila pero umatras ang kotse and lumiko ito going back to the direction where it came from. Napailing ang kuya niya habang sinasarado ang gate. "Malamang may maglalasing nito." he said bago tumingin ito sa kanila. "Tara na sa loob. Kunin ko lang ang beer. Hintayin niyo na lang ako sa dining."
"Sige bayaw. Susunod na kami." sabi ni Alex without removing his arm around her. Pat felt his hand is almost digging on her waist. She looked up to meet his eyes.They are so cold.
"A-Alex..masakit.." reklamo niya habang pilit na inaalis ang kamay nito but imbes na bitawan siya, iniharap siya nito and tilted her head by her chin. Dikit na dikit ang katawan nila. His other arm now is around her lower back.
"Di ba sabi mo binasted mo na ang gagong yun?" gigil na tanong nito.
"O-Oo. I did." mahinang sagot niya.
"Kung binasted mo na, bakit nagpunta pa ngayon dito?" he rasped.
"H-hindi ko alam. Baby, andun na si kuya.Pasok na tayo." she almost sighed with relief ng makita niyang palabas na ng kusina ang kuya niya.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap." banta nito before releasing her.
"Kuya akala ko tig-isang beer lang kayo? Bakit anim yan?" takang tanong ni Pat.
"Baka lang mabitin. Tsaka light lang naman ito. Kayang-kaya ni bayaw. Di ba bayaw?" tanong nito kay Alex as he raised his beer can to him. Tumango lang si Alex as he opened his own beer then gulped some of it.
"Bayaw bakit may benda ang mga kamay mo?" kunot ang noong tanong ni Allan.
"Wala bayaw, nagka-minor accident lang kanina sa get-together." Alex lied.
Both men are sitting on the dining table while nakatayo si Pat sa tabi ni Alex. Nun naman bumaba ang mama nila.
Tumayo si Alex then said,"Good evening po tita."
"Magandang gabi din Alex." nakangiting sabi nito tapos nakakunot ang noong tinignan ang mga beer na nasa lamesa. "Allan, bakit gabing-gabi na umiinom pa kayo? Paano mag-dadrive si Alex niyan pauwi?"
"Ayos lang naman po tita. Isa lang naman ang iinumin ko. Paalis na din po ako maya-maya." magalang na sabi nito.
"Ma,c elebration lang."nakatawang sabi ni Allan.
"Anong okasyon?" takang tanong ng mama nila.
Ngumiti si Allan, "Taba! Ikaw na ang magsabi."
Lumipat ang tingin ng ginang kay Pat at Alex. Magkatabing nakatayo ang dalawa.
Medyo nakayuko si Pat. "Ma,sinagot ko na po si Alex." mahinang sabi niya. Nang inangat niya ang mukha niya, nakita niyang tumango-tango ang mama nila at ngumiti.
Inabot naman ng kuya niya ang kamay nito kay Alex, "Bayaw na talaga kita niyan."tuwang sabi nito.
Kinamayan naman ito ni Alex,"Oo nga."
"Mga anak,masaya ako para sa inyo. Nasa tamang idad naman na kayong pareho. Basta be responsible for your actions ha? Sa makalawa uuwi na ang papa niyo. Tamang-tama Alex,pumunta ka dito para makilala ka niyang mabuti. Magluluto ako ng espesyal na hapunan."
"Ma, hindi naman kaya pinapapunta mo si bayaw para tulungan kang magluto?" pang-aalaska ng kuya niya.
Alex chuckled. " Okay lang yun bayaw. Sige po tita,maaga ako para makapagluto tayo." Nakangiting sabi nito.
***
Pat had changed into her sleep wear after mag-shower. She is applying body cream on her arms habang nakaupo sa gilid ng kama niya. May kalahating oras ng nakaalis si Alex. Buti na lang sa sobrang tuwa yata ng kuya niya na sinagot na niya si Alex, pati sa paghatid sa labas sumama pa ito. Nakaligtas si Pat pansamantala. She knows her bf will not let the issue about Matt rest. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Alex will never allow her to continue her friendship with Matt and a part of her misses the latter. They shared good and bad things for more than a year. Nun naman niya narinig ang cellphone niya na nagriring. She turned it on again bago siya nag-shower. She hopes na hindi si Alex. She sighed when she saw Matt's name on the screen.
"Angel?"
"Matt..."
"Kayo na ba?"malungkot na tanong nito.
Pat suddenly realized na ayaw niyang saktan si Matt but she needs to be honest .She is torn between her love for Alex and her friendship with Matt. Kung maiintindihan lang sana ni Alex.
Malcon:'Te! You can't blame your boyfriend .For you, friend lang si Matt pero he wants more than friendship. Kung baligtarin kaya natin ang sitwasyon? Okay lang sa'yo na makipag-friend pa din ang dyowa mo sa girl na may pagnanasa sa kanya? Answer that!
"Angel? Kayo na?” tanong ulit ni Matt.
"Oo." Maiksing sagot niya and she heard his heavy sigh.
"Kailan pa?" malungkot na tanong nito.
"Kanina lang."
"DAMN!" He cursed. Pat closed her eyes. Ngayon lang niya narinig na nagmura ito.
"Sorry.." she apologized in a quiet voice.
"Andito ako sa tapat ng bahay niyo."
"Ha?" She headed towards her balcony para sumilip sa bintana. Asa baba nga ang kotse nito. Nakasandal ito sa gilid ng sasakyan. Nakatingala sa kanya while talking to her on the phone.
"Pwede ba tayong mag-usap?" he requested sa malungkot na boses.
Lumayo si Pat from the closed glass sliding door then looked at her sleep wear. Naka sleeveless white cotton sando siya and matching cotton shorts. Hindi siya pwedeng bumaba ng ganito ang suot niya.
"Matt gabing-gabi na. Pwedeng sa isang araw na lang?" pakiusap niya.
He forced out a laugh. "Kelan pa mangyayari yun angel? Nung hindi pa nga kayo, you were already heavily guarded.! Ngayon pa kaya? Di ba nabanggit ko na din dati sayo yun? Sa umpisa pa lang he has been acting as if he owns you."
Pat bit her lower lip. Matt is right. Alex will never let her see him.
"Hindi ako aalis dito." he said,sounding determined.
Nasapo ni Pat ang noo. "S-Sige.Sandali lang."
Kilala niya si Matt. Gagawin nga nito ang sinabi. So she went to her closet to get her pajama bottom. Okay na ang cotton top niya she just have to put on her bra. Dahan-dahan siyang bumaba. She doesn't want to wake up the household .Mag-aala-una na. She slowly opened the front door then dahan-dahan din niyang isinarado. Paglabas niya ng gate, Matt is waiting for her. He took hold of her elbow. Hinayaan na lang ni Pat.
"Mag-usap tayo sa kotse." he said. He sounds different. Alam niya na masama ang loob nito.
"D-Dito na lang tayo Matt. If gusto mo dun tayo sa garden set." sabi niya.
Parang walang narinig ito. He opened the door for her. She just slid inside.
Pagsakay ni Matt he said," Hindi mo man lang talaga ako binigyan ng chance."
"Matt..sorry." sabi niya sa mahinang boses.
Nagulat si Pat ng paandarin nito ang kotse.
"Matt? Saan tayo pupunta? I can't go with you!" she said,suddenly scared.
Iba na ngayon, boyfriend na niya si Alex. Talagang magkakagulo pag nalaman nito na umalis siya with Matt and to make things worst, disoras na ng gabi.
Matt’s face looks angry and hurt.
"Matt! Ano ba? Huwag mo namang gawin to." pakiusap niya.
He glanced at her .His face looking grim. Then he accelerated the car.