Chapter 58

"Sure ka?" paninigurado ni Jude.

"Oo." Pat answered. Naisip niya na nakakahiya sa binata. Wish niya lang hindi tumawag si Alex. Medyo napangiwi siya nang maisip yun.

Tumango lang si Jude. Without taking his eyes off the road sabi nito, " Salamat Patrice. Akala ko hindi ka papayag na sumama sa akin for lunch." then sumulyap ito sandali sa kanya ."Namiss kita." seryosong sabi nito.

Nakagat na lang niya ang ibabang labi. Mabuti pa siguro sabihin na niya ang totoo.

She was about to tell him about Alex when he said, " Patrice? Can we just make this time special? Kung meron kang sasabihin pwedeng huwag na lang ngayon? Lalo if it's something na hindi maganda? I just want to pretend na normal lang lahat .Gaya nung una kitang nakilala. Gusto lang talaga kitang makasama mula kagabi pa." pakiusap nito.

Pat frowned a little. Parang may laman ang sinabi ni Jude. Hindi kaya alam na nito yung tungkol sa kanila ni Alex?

"S-Sige." mahinang sagot niya.

Malcon: Hmmm..'te sure ka diyan? Di ba nga sinabihan ka ni baby Alex na bastedin mo na si architect pag nagkausap kayo ulit? Hayan pa nga maglulunch-out pa kayo. Pag nagkataon basag ang guwapong face niya, sayang Dennis Trillo look-alike pa naman..tsk..tsk..tsk..

Jude is a real gentleman. Palagi itong naka-alalay sa kanya .Mula pagbaba sa kotse hanggang sa restaurant. They chose an Italian restaurant. Nag-order si Jude ng insalata caprese for their appetizer .For the main course,spaghetti allae vongole para kay Pat and ossobuco for himself. He also ordered wine, Lambrusco and para sa dessert, tiramisu.

Naghiwa ang binata ng karne from his dish then inilagay sa plato ni Pat. Naglagay din ito ng carrots at risotto. "Tikman mo." sabi nito .

Tipid na ngumiti si Pat. "Thank you. Gusto mo ding tikman ang pasta?"she asked.

"Pwede?" tanong nito na nakangiti at titig na titig ito sa kanya.

Kumurap si Pat ng dalawang beses . Jude is also very good-looking but she needs to stop staring at him. He might get the wrong impression.

She forked some of the pasta then ilalagay sana niya sa plato ng binata ng hinawakan nito ang kamay niya. He guided her hand sa bibig nito. He opened his mouth then isinubo ang spaghetti na nasa tinidor niya. Napaawang ang bibig ni Pat. She got her hand back then she sipped a little wine. The way he looks at her really makes her conscious. She tried to recite her mantra inside her head to compose herself .Para kasing si Alex kung makatitig ito.

"Patrice," tawag nito after they had their dessert. "Salamat ulit." he said.

"Thank you for the lunch, Jude." sabi niya.

"Alam mo ba na kahit anong gawin ko palagi kitang naiiisip?"

Napatuwid ng upo si Pat. "Jude.." she began.

"Pinilit kong ayusin agad ang problema sa farm kasi gustong-gusto na kitang makita." he continued to say.

"Jude kasi.."

"Gusto kang makilala ng pamilya ko. Naikwento kita sa kanila."

"..boyfriend ko na si Alex." she chose to say it directly. Naramdaman niya na he is trying to evade the topic.

Sumandal si Jude sa upuan then put his hands on the table. One of his hands began playing with his fork. Seryoso ang mukha nito.

He forced a laugh and shook his head."Why am I not surprised?"

Pat stared at her plate. Ewan niya pero she feels guilty. Naisip niya ang sama niyang babae kasi parang pinaasa niya si Matt and Jude kasi all these time si Alex lang ang laman ng puso niya.

"Sorry." she said quietly.

He sighed. "Alam mo ba na seryoso ako sayo?" tila may hinanakit na sabi nito.

Naglakas loob si Pat na tignan ito sa mata. His eyes look so sad and disappointed.

"Kasalanan ko. Hindi ko ipinakita na determinado ako na mapasagot kita. Nanibago kasi ako sa naramdaman ko sayo." mapait itong ngumiti.

She touched his hand then inalis niya ulit ang kamay. She wants him to know na wala itong kasalanan. She's at fault. "I am sorry.Ako ang may kasalanan." she admitted.

He raised one of his brows,"Anong ibig mong sabihin?"

She nervously played with her table napkin. "Nasaktan na ako dati ni Alex without him knowing about it. I wanted to move on. Then I met you." she eyed him warily.

Jude rested both of his elbows on the table to closely look at her. "But he came back..." sabi nito and she bit her lower lip.

"Kung nasaktan ka niya dati kahit hindi niya pa alam, pwedeng saktan ka niya ulit." he said matter-of-factly.

Umiling si Pat. "He will not do anything to hurt me."

"Lalake din ako Patrice. There's something about him that I can't pinpoint. From what I know galing siya sa Amerika. I am sure that he's used to one-night stands and short-term relationships. Yun ang impression ko sa kanya. He is too aggressive and too sure of himself. Hindi kaya niligawan ka niya cause he knows you are still in-love with him?" he asked.

Nagbaba ng tingin si Pat. May katotohanan sa sinabi nito.

"It was very obvious that he wanted to show me that he has a hold on you. Na sa kanya ka lang." umiiling na sabi nito.

Hinawakan siya nito sa kamay. "Were you saving yourself for him?" tanong nito. He squeezed her hand as if asking her to look into his eyes. She did just that.May nakita siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito. His hand feels warm on top of hers.

" Patrice, ayaw kong ipilit ang sarili ko sayo but I will just be watching from the sidelines. Sooner or later he will make a mistake and he will hurt you badly. If that happens, I can be your shoulder to cry on .I don't care if from a rebound ka pa .You'll never regret it if you'll give me a chance." seryosong sabi nito.

It was very quiet in the car. Hindi maalis sa isip ni Pat ang sinabi ni Jude. He seems preoccupied as he drives. She chose to be silent to think about things. Paminsan-minsan sinusulyapan niya ang binata.

May kasiguraduhan nga ba talaga siya kay Alex? Hindi kaya tama si Jude? Alex pursued her kasi alam nito sooner or later bibigay din siya. Kaya ba niya pag nagsawa na sa kanya si Alex, he will drop her like a hot potato? Nahimas niya ang noo. She feels she's beginning to have a headache.

"Are you okay?" alalang tanong ni Jude and tumango lang siya.

Nang ipasok ni Jude ang kotse nito sa compound ng opisina nila, nakita ni Pat na nasa parking lot ang Toyota Supra ni Alex.

"Jude!" nerbiyos na tawag niya sabay hawak sa kamay nito. "Please ilabas mo ulit ang kotse,bilis!" tarantang sabi niya bago pa nito ma-ipark ang kotse.

"Why?" takang tanong nito.

"I'll explain later! Please!" pakiusap niya and Jude reversed his car out of the big gate.

(Alex)

Kanina pa niya tinatawagan si Pat but ring lang ng ring ang telepono nito. Pagkasabi pa lang ni Arianne na umalis ito kasama ang tarantadong arkitekto na yun nag-init na ang ulo niya .Natakot nga ang dalaga ng marinig siya nitong magmura and ng dumilim ang mukha niya. Dali-dali itong nagpaalam.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong naitext at natawagan habang pabalik-balik siya sa corridor ng opisina .He feels that all the blood in his body rushed to his head. Alam niya pag hindi siya lumabas ng gusali baka mag-umpisa na siyang magbasag. Naiisip niya na sinadya talaga ng nobya na hindi sagutin ang telepono nito.

"SON OF A BITCH!" madiin na mura niya habang palabas ng gusali. Sa kotse na lang siya maghihintay. Aabangan niya ang pagdating ng dalawa.

May kalahating oras na siyang naghihintay ng mapansin niya ang pulang Avanza na pumasok sa gate. Tumuwid siya ng upo dahil malakas ang pakiramdam niya na ito ang kotse ng gagong arkitekto na yun. Lalo pang lumakas ang kutob niya na sila nga ang lulan ng kotse ng bigla itong umatras para lumabas ulit. Siguradong nakita ni Pat ang kotse niya.

"FUCK IT!" he cursed then nag shift siya ng first gear.

Paglabas ng kotse ni Jude,"Jude, dito na lang ako bababa! Please umalis ka na!" tarantang sabi ni Pat.

"Bakit?" litong tanong nito.

"Basta! Please! Tsaka na tayo mag-usap." dali-dali niyang binuksan ang pintuan. Bago siya lumabas she said ,"Alis na please!" then closed the door.

Halos kakausad pa lang ng kotse ni Jude ng makita niyang lumabas ng gate ang kotse ni Alex. Natakpan niya ang bibig ng isang kamay sa gulat when the car abruptly stopped then mabilis na lumabas ng nobyo. Napaatras si Pat sa takot. His face and neck are red from anger. Mabilis itong lumapit sa kanya then hinablot ang braso niya.

"A-Alex..." takot na takot na tawag niya.

Kinaladkad siya nito papunta sa kotse. Binuksan nito ang pintuan then shove her inside. He closed the door with a force kaya napapapikit si Pat. Alex looks ready to kill someone. Naiiyak na siya sa takot. Mabilis itong sumakay and pinaandar ang kotse.

"B-Baby..saan tayo pupunta?" she asked, her voice trembling.

Tinignan siya nito ng masama. “ I will kill that fucking son of a bitch Ginagago niyo ako!!" galit na galit na sigaw nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.