Chapter 75

They are in a restaurant having lunch. Balak ni Alex na mag-civil wedding sila sa isang linggo. They will talk to her parents the day after tomorrow. Sa isang buwan naman uuwi ang magulang nito from the States para makapamanhikan. Wala pa siyang pinagsabihan about their plans. Her fiance got all the copies of her photos and he instructed Kate na idelete lahat ng kopya na nasa camera ng photographer .Binantaan din nito na once may lumabas kahit isa sa litrato niya ,ilalabas din nito ang video nila.

Naturally he was furious nung makita ang mga still photos niya. Hindi na lang nag-react si Pat .Sa isang saksakan ng seloso like him, 100% sure na mangagalaiti ito sa galit .Tinanong nga niya kung ano ang gagawin niya sa mga yun, tinignan lang siya ng masama nito without saying anything. Lihim na nangiti si Pat. She knows na itatago ang mga yun ng nobyo . Sayang kaya ang mga yun. Ang ganda kaya ng mga kuha niya. She looks so sexy and beautiful at FYI walang editing na nangyari.

Alex just told her now na kahapon pala pinuntahan nito si Mike .Nagpumilit daw si Anton na sumama. Hindi pa naka-fully recover from his injuries ,binanatan ulit ito ni Alex. Kung hindi nakiusap si Pat na huwag ng idemanda ito, he wanted him behind bars. Ayaw na lang ni Pat na kumalat pa ang nangyari .She hasn't told her family about it. Alam niya na mas lalong lalaki ang gulo. So kahit bugbog-sarado na naman,hindi mag-sasampa ng demanda si Mike. Mas mabigat ang kaso nito if ever.

"Anong ginawa ni Anton?" Pat asked.

He shrugged his shoulders."Malamang dinala ulit sa ospital."

Natawa ng bahagya si Pat ."Kawawa naman si Mike nagiging suki ng ospital."

Alex chuckled too. "Serves him right." sabi nito ."I hope he really have learned his lesson this time." He frowned a little ng makitang hindi siya kumakain.

"Salad na nga lang yan pero hindi mo pa maubos? Are you dieting again baby?"

She guiltily looked at him. He sighed. Sumandal ito sa upuan.

"You need to eat. Nag-gym naman tayo kagabi and the night before that. Besides, we always make love .Exercise din yun. Sa tingin ko nga you have become skinnier." he said.

Nilagyan nito ng chicken breast ang plato niya. "Finish up your food please." malumanay na sabi nito.

Tumango na lang si Pat and forked some of the salad.

"How nice naman to see you here." sabi ng boses ng babae.

Lumingon si Pat to her left kung saan galing ang boses.

Alex looked up from his phone. Kakatapos niya lang itext si Ron.

"Ella!" gulat na tawag ni Pat.

OMG! She hopes na hindi ito mag-eskandalo ngayon! Lalo't kasama pa naman niya si Alex.

Ngumiti ito ng matamis. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" maarteng tanong nito as her eyes run appeciatively at Alex.

Alex gazed at Pat with furrowed brows. She was about to speak when Ella sat down on the vacant chair uninvited.

She extended her hand to Alex, " I am Ella Cortez."

"Alex Llamarez." he said as he held the woman's hand for a second or two .

Ang tamis ng ngiti ni Ella. "Client ka ni Pat?" she asked sweetly.

Medyo tumaas ang kilay nito when Alex leaned on the table to take Pat's hand. "No." maiksing sagot nito.

"Friend?" she asked.

He flashed his wonderful smile and kissed Pat's hand.

"I am her fiance." he said habang nakatitig sa nobya.

"Fiance??!" gulat na nasambit ni Ella.

Naman! Naman! Naisip ni Pat na mukhang may hindi magandang mangyayari.

"Oo." maiksing sagot ni Alex. Kumunot ang noo nito."May problema ba sa sinabi ko?"

"Nag-break na ba kayo ni Matt?" tanong ni Ella kay Pat.

Nakagat ni Pat ang loob ng bottom lip niya. Humigpit ang hawak ni Alex sa kamay niya.S he didn't have the courage to look at him.

"Ella.." began Pat.

Hawak ang dibdib nito as if she couldn't believe what she heard, Ella said ,"Pinaubaya ko na nga si Matt sayo dahil akala ko you will take care of him. Yun pala lolokohin mo lang siya." tila garalgal pa ang boses nito.

Bago pa makasagot si Pat to deny what Matt's ex said, Alex's very cold and menacing voice asked Ella. "What..the..fuck..are..you ...saying??!!"

Nataranta na lalo si Pat ,"B-Baby..please..let me explain."

Ella butt in , "She is playing with you and Matt. Pinagsasabay niya kayo!" sabay tumayo ito.

Pat heard Alex's ragged breathing.

"That's not true!" protesta ni Pat.

"I have to go." paalam ni Ella. Bago ito tuluyang umalis tinignan nito si Alex. "Don't be deceived by her innocent look. She is a two-timer!"

Namutla si Pat. OMG! Ella is such a bitch! How can she say those lies to Alex?She really wants her revenge .Sisirain nito ang relasyon nila ng nobyo niya. Tila napasong binitawan ni Alex ang kamay niya.

"Baby..hindi totoo yun.She is.."

Alex stood up then kinuha ang wallet nito sa bulsa. Naglabas ito ng pera and inilagay sa lamesa.

"Tumayo ka na diyan!" malamig na malamig ang boses na sabi nito.

He didn't even open the door for her unlike he used to .She got inside then looked at him. Sobrang nakakatakot ang mukha nito.

"Alex..."

"I don't want to hear what you have to say." he said icily.

Napaiyak na lang si Pat. Hindi siya kinausap nito sa buong biyahe.

"We're here. Bumaba ka na." malamig na sabi nito without looking at her.

"Baby please pakinggan mo naman ako." pakiusap niya, her eyes are full of tears.

"Get off Patricia." walang emosyong sabi nito.

She unlocked the door, "Kailan tayo magkikita ulit?" tanong niya.

She got no reaction from him. Derecho pa din ang tingin nito sa dashboard. Napilitan na lang bumaba si Pat.

Hindi pa nga siya nakakapasok sa gate, pinatakbo na ni Alex ang sasakyan.

Tinawagan niya si Matt para sabihin ang ginawa ng ex nito. Sa galit niya, she told him na ayaw na niyang makita kahit sino sa kanila ni Ella . He was very apologetic and he promised that he will make it up to her .Hindi na lang siya sumagot basta ibinaba na lang niya ang telepono.

She checked the time. Alas nuwebe na ng umaga. Mula kahapon after ng insidente sa restaurant, hindi pa sila nag-uusap ulit ni Alex. Buti na lang weekend ngayon hindi niya kailangang bumangon ng maaga and lumabas. Mugtong-mugto na ang mata niya sa kakaiyak .Wala pa din siyang tulog. She has been texting and calling him pero hindi nito sinasagot hanggang sa mag-unattended na lang ang phone nito.

She decided to call Shelly.

"Pat?" bungad ng bestfriend niya.

Napahagulgol na lang siya.

"Sandali! Papasok ako sa kwarto .Nandito kami kasi nila Jake at mga bayaw ko sa garden .Kakatapos lang naming magsimba." sabi ni Shelly.

In between sobs nasabi din siya sa kaibigan ang nangyari.

"Nagpanggap pala kayo ni Matt na mag-nobyo? Kailan? Wala kang nabanggit sa akin."tila may tampo sa boses nito.

"Isang beses lang yun bestie. Nakiusap lang siya talaga kasi nga hindi siya tinatantanan ni Ella."

Shelly sighed. "Ngayon nakahanap ng magandang tiyempo ang babaeng yun para makaganti sayo."

"Bestie, natatakot ako sa reaction ni Alex. Hindi siya nagwala or sumigaw. He just gave me the cold shoulder." naiiyak na naman na sabi niya.

"Pat, I don't know what to say. Nakakagulat nga if that is how he reacted .It's so unlike Alex.

"Kasi bestie, kakaayos pa lang nung isyu about my photo shoot tapos ngayon heto na naman. Hindi kaya tuluyan ng nawalan ng gana si Alex sa akin?" she sobbed.

"Huwag kung ano-ano muna ang iniisip mo. Napuntahan mo na ba siya sa condo niya?" tanong ni Shelly.

"Hindi pa."malungkot na sagot niya.

"Pag hindi pa niya sinagot ang tawag mo or hindi ka niya pa tinawagan hanggang bukas, puntahan mo na sa condo niya. Maybe he just needs time and space Pat. Hayaan mo muna siya." Shelly suggested.

Hindi siya lumabas ng kwarto niya maghapon. Sabi na lang niya sa mama niya na masama ang pakiramdam niya. Pinadalhan siya ng pagkain sa kwarto pero hindi niya ginalaw. Unattended pa din ang telepono ni Alex. Kahit sinabi ni Shelly na maghintay pa siya hanggang bukas ,nagdesisyon siya na puntahan na si Alex ngayon. Tinawagan niya si Jenna. Nakiusap siya na sunduin siya nito. Ayaw niyang mag-drive dahil magulo ang isip niya. After daw nag-gym nito dederetso na sa kanila.

Fifteen minutes bago dumating si Jenna, nagshower ulit siya. Ang bigat ng ulo niya sa kakaiyak.

Kakalabas pa lang niya ng banyo ng marinig niya ang ring-tone ng phone niya. She hurriedly picked it up. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Alex ang tumatawag.

"Baby?" tuwang sagot ni Pat.

"PAT! Si Anton to!"

"Anton? Bakit gamit mo ang cellphone ni Alex?'

"Naku Pat! Nag-aaya na namang uminom si champ eh. Nabanggit niya kagabi pa may problema daw kayo .Hinatid ko lang siya kaninang madaling araw sa sobrang kalasingan niya."

"Ha? Kagabi uminom kayo?" alalang tanong ni Pat.

"Oo. Tapos ngayon nga naisipan ko siyang pasyalan sa unit niya .Nadatnan ko na lasing na lasing na naman."

Napapikit si Pat.

"Papunta na ako diyan Anton! Please huwag mong iiwanan si Alex."pakiusap niya.

"ANTON! NAMPUTSA! LIKA NA!" tawag ni Alex sa tono nito mukhang lasing na lasing nga.

Then she heard a woman giggled. She held her breath.

"Bilisan mo Pat! Ayaw ko talagang umalis kasi kani-kanina may dumating na babae. Hayun nga parang sawang nakalingkis kay champ. Baka pag umalis ako ano pa ang mangyari."

"B-Babae?Sino ?" kinakabahang tanong niya.

"Zoey daw eh!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.