"Hala Ma'am! We will miss you talaga," saad nito saka yumakap sa akin nang biglaan.
"Joan? She is Ficarro, why could yo—"
"Hey! It's okay! Naging kaibigan ko rin naman ako Joan dito. She took care of me for a while. Pero kailangan mo nang umalis. Hinihintay na ako nila tito roon," ngiting sambit ko sa kanila sa mismong opisina.
Tumayo ito na hudyat na dapat na rin akong tumayo, ito ang isa sa mga hinihintay naming mangyaring mga negosyante. Ang pakikipagkamayan. Tapos na ang negosasyon. Ngumiti kami sa isa't-isa na para bang tapos na ang napag-usapang kontrata.
"Well, see you soon. More clients to come, Ms. Ficarro."
Si Joan na lang ang naghatid sa akin hanggang sa pampang, sumabay kasi ang meeting sa pag-alis ko kung kaya't hindi na nila ako masasamahan. But, they make sure na mayroon pa rin akong kasama papunta sa ariport. Tahimik lamang ako sa bangka, unti-unting lumalayo sa islang madalas kong puntahan sa tuwing nabablangko ako.
Sinadya kong lingunin ang isang isla na tahimik at sadyang liblib. Kung saan nakatira ang isang taong naging dahilan kung bakit unti-unti kong natutunan na tanggapin ang bawat pangyayaring natapos na. Dahil sa kaniya, nahanap ko ang sarili ko. Nakilala ko ang sariling ako ngunit kailangan ko nang lumayo.
Matapos kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin noon, nagpasya na akong talikuran sila. Sila Mang Lando na madalas umalalay sa akin at magiliw akong tinanggap. Gusto ko man kausapin ang matandang una kong nakilala rito noon ngunit wala na akong oras. Malapit na ang flight ko.
Isa lang ang kasama ko at ang driver na umalalay sa akin noon. Hapon na, ilang oras lang naman a h byahe lalo na't through airplane ako. Nang maikabit ko na ang seatbelt, ay doon ko lang malaya na isinandal ang aking likuran, nasa pampang pa rin naman kami.
Ngunit agad akong napakunot dahil sa pagtama ng aking paningin sa side mirror. Isang lalaking mabilis na bumaba sa kaniyang bangka kahit wala pa siya sa pampang. Lumusong ito sa tubig at iniingatang hindi mabasa ang kaniyang hawak.
Zeren.
Bigkas nito base sa kaniyang bibig. Nakatingin ito sa kotse na umaandar palayo sa kaniya. Agad kong kinalabit ang driver na napalingon sa akin.
"Kuya, sandali lang po. Ihinto ninyo po muna," pakiusap ko na sinunod niya.
Inalis ko agad ang seatbelt saka umalis sa kotseng iyon, nagmadali akong maglakad ngunit bumagal din iyon nang magtama ang paningin namin. Mabilis siyang napahinto sa pagtakbo niya. Panay taas, baba ang kaniyang balikat at halos mapako kami sa aming kinatatayuan.
Akala ko hindi ko na siya makikita. Suot ang madalas na pang-trabaho nitong damit, naghahalo ang alikabok at pawis, idagdag pa ang basang pang-ibaba nito na hanggang hita.
"Zeren," tawag nito sa akin na hindi ko man lang namalayan na mas harapan ko na siya.
Hindi malapit. Sapat na para makita't marinig ko siya.
"A-Aalis ka na pala." Titig na titig na panimula niya. "Sorry kung inabala kita, gusto ko lang na... ano, ihatid kahit hanggang dito," mahinang sabi nito sa gitna nang malakas na hampas ng ulan.
Pakiramdam ko ay kami na lang ang natitirang tao sa buong dalampasigan. Malakas ang hampas ng hangin isabay pa ang tunog nang paghampas ng alon. Ang kulay kahel na paligid dahil sa nagbabadyang paglubog ng liwanag.
"Thank you. M-Mag-iingat ka rito," mahinang saad ko saka pinilit na ngumiti.
"Baka hindi na rin tayo magkita pa. Ah, here, para sa iyo. Mag-iingat ka, alagaan mo sarili mo. S-Sige na, alis na," sabi nitong ipinakita ang matamis na ngiti at iniwan sa aking kamay ang isang plastik na may lamang papel sa loob.
Bigla akong nanlambot sa ngiti niya.. I badly want him to talk for an hour, pero kailangan ko nang umalis. Nangako ako kay tito.
I wanted to captured his smile at my mind. I know it is gonna be the last time that I've see him. I want to treasure this moment.
"Take care yourself, Fred. Thank you, until the rain drops again."
Ako na ang kusang tumalikod sa kaniya. Unti-unting nadudurog ang puso ko, paanong ang taong minsang nagawan ko ng kasalanan, ay ang taong magpapaintindi sa akin ng lahat? Ang taong tinaboy ko noon ang minsang nag-alaga sa akin dito. Ang taong siguradong mahal ko ngayon, ay kailan man ay hindi ko na makikita pa.
Nandito ang buhay niya. Rito niya nahanap ang sarili niya.
"Zeren! No matter what happens, choose yourself!"
Isang sigaw na tuluyang nakapagpatulo sa likidong nagkukumahog mag-unahan pababa. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko at para bang wala na akong ibang marinig kundi ang boses ni Fred.
I already chose myself, before I chose you.
Sandali akong napalingon sa pinaggalingan ng taong iyon, naglalakad palayo at handa na namang tawirin ang dagat na tumututol sa amin.
Wala akong magawa kundi ang ngumiti at nagpasiyang lumakad na rin palayo. Pabalik sa dati.
Tahimik lamang ako sa sasakyan hanggang sa makarating sa eroplano, wala akong lakas para magsalita, ngiti lamang ang naibigay ko sa mga taong naghatid sa akin hanggang sa sumakay ng eroplano. Gabi nang makababa ako at nag-commute na lang. Hindi nila ito alam dahil alam nila na bukas pa ako darating.
Madilim na ang paligid, hindi ko maiwasang mag-alala dahil siguradong nasa kubo na iyon, wala man lang siyang proteksyon sa mga maliliit na kulisap maliban sa kulambo at ang manipis na kumot. Ang dalawang gasera na nagsisilbing liwanag.
"Dito na lang po kuya. Salamat po," saad ko saka bumaba sa taxi.
Tinulungan ako nito na ibaba ang ibang gamit ko saka inihatid sa gate. Inilapat ko lang ang aking hintuturo saka agad iyon na nagbukas. Nakapasok agad ako at nagsara naman iyon, bitbit ang maleta at bag na ipinatong ko roon ay binilisan ko na lang ang paglakad. Malayo pa ito sa mismong mansyon dahil kailangan ko pang daanan ang hasyenda na ito. Kaya halos lahat sa amin ay mas sariling sasakyan. Maliban kay Nikasha. Masipag siyang maglakad.
Isang mabigat na pagbuga ng hangin ang inilabas ko saka binuksan ang main door. Doon pa lang ay natigilan na ako dahil sa natutulog na pusa sa mismong higaan niya. Ang laki na niya, mas tumaba siya at gumanda.
"Hi! Mama is here, Sero," bulong ko saka siya hinalikan sa ulo.
Tumayo na ako at walang balak na gisingin siya, sa pagpasok ko ay bakante lamang iyon, ang hagdanan at ang katabi nitong kusina. Nang lumapit ako ay roon ko lang narinig ang boses ng iba na nagkukwentuhan, idagdag pa ang mga batang maiingay.
But instead to greet them, dumiretso ako sa kwarto ko, na halos wala pa ring pinagbago. Inalis ko ang suot kong sapatos saka ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Ito lang ang gusto ko, ang ipagpahinga ang utak sa ilang buwan na magulo.
Ito lang ang paraan para makita ko muli siya. Ang matulog upang managinip na kasama siya.