Chapter 44

"I think, that's all. I don't seeing any problem with the market, so meeting adjourned," saad ko saka isinandal ang likuran sa swivel chair.

Tumango na lang ako sa iba sensyales na huwag na akong hintayin. Binuksan ko ang ilaw sa mismong conference room dahil ang lahat ay may harang dahil sa isang presentation. Kevin's work was better. Tanging aicon lang ang naririnig ko at ang mahinang musika sa aking selpon. Nagpasya na akong lumabas ngunit agad ding napatigil.

Umuulan. Sobrang dilim ng kalangitan at halos hindi ko na makita ang nasa ibaba dahil sa hamog. Sobrang dilim.

Mukhang masarap matulog ngayon dahil inaantok na rin ako, pero ang dami kong kailangang gawin.

Kaunti lang ang empleyadong pumasok, valid naman iyon dahil malayo ang mga bahay nila at mabilis bumaha sa kahabaan ng kalsada malapit sa amin dahil may inaayos. They can work through their house. Pagod man ay pinilit kong i-unat ang aking leeg, nakakangalay ang madalas na nakayuko at sobrang daming binabasa. Dinaig ko pa ang mga abogado.

Masyadong abala sa mansyon, may kalayuan din iyon at hindi ko alam kung dapat ba akong dumiretso roon. Panahong na siguro para manatili muna ako sa sarili kong bahay na mas malapit kaysa sa mansyon. May kalakihan din iyon ngunit isang palapag lang. Mabuti na lang at nasa mataas na lugar ang village na iyon kaya hindi bahain.

I wore my glass that has anti radiation. Sumasakit talaga ang mata ko sa liwanag. Pinilit kong tapusin lahat para ma-final reading na ni tito. Ayoko na siyang umalis ng bansa dahil matanda na siya at delikado na rin. Hangga't maaga pa, baka pumirma na ako para pumalit sa puwesto niya. Tito don't want me to pressure. He wants me to enjoy.

Hindi ako gumalaw sa aking puwesto nang may maglapag ng pagkain sa mesa, hindi ko na rin tiningnan kung sino dahil iisa lang ang nagbibigay ng pagkain ko kapag hindi ako lumalabas ng opisina.

"Hindi pa po ako nagugutom, sa inyo na lang po yan, manang," utos ko sa kusinera dito.

Wala akong narinig na kahit na ano, sobrang nalilito na ako sa mga letra, Nikasha suits for this. Mahilig siyang magbasa, why not her?

12:08 pm

Napabuntonghininga na lang ako sa oras sa ibaba ng aking laptop, baka magmeryenda na lang ako at umuwi sa bahay, aayusin ko pa iyon dahil ilang buwan na akong wala roon.

I'm starving! But I have to finish this!

"Mag-iingat ka, alagaan mo sarili mo..."

Mariin akong napapikit dahil sa boses niya. Damn! Nababaliw na ako! Should I call Nikasha's doctor? Goodness! Naririnig ko ang boses niya.

I suddenly stopped because of the food at the laptop's side. Iniwan pala ni manang, napanguso ako dahil sa rami no'n, at paborito ko pa.

"Okay fine! I'm gonna eat, Fred! You don't have to remind me, god! I always hear your voice.... I'm crazy—"

Literal akong napanganga. Natigilan ako sa paghila sa tray na iyon dahil sa lalaking nakaupo at abala sa pag-inom ng kape sa aking harapan. Nakatitig sa akin at itinaas ang mga kilay.

"Indeed crazy because of him," bulong nito saka itinuro ang tray na hawak ko na may mga pagkain.

"T-Tito, kanina pa po kayo riyan?"

"Mula nang ilapag ko ang pagkain. There's a huge possible why you didn't notice me because of your laptop. Plus your swivel chair... Ang hilig mong maupo sa mga mababa," pagpapaliwanag nito habang binabalik ko sa normal ang dating taas ng upuan ko.

Kaya wala akong makitang kahit na ano sa harapan dahil bukod sa mahilig akong babaan ang upuan, malapit sa akin ang laptop.

"And?" dugtong ko dahil may gusto pa akong marinig.

"And what?"

"You heard that? Right?"

"Heard, what?" inosenteng tanong nito na hindi ko alam kung paniniwalaan ko.

"C'mon, tito, I know you heard that." Pagsisimula ko sa pagnguya ng mansanas.

"I don't know what are you talking about, just eat. Maaga tayong uuwi," sabi nito sa akin na hindi pa rin nakatingin sa akin.

Hinayaan ko na si tito na mag-isip ng kung anu-ano, pero napansin ko sa mga mata niya ang sobrang daming tanong, may gusto siyang itanong, ayaw niya lang, o baka naghihintay ng pagkakataon. Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit nang mapatingin sa paa ni tito.

What the hell was that?!

"Slippers and pink socks? T-Tito?" Turo ko sa suot niya sa paa.

Hindi ko nahalata dahil naka-polo naman siya at black slacks. He's the boss but he broke that rule.

"Pink is, pretty. Something wrong? Puwede kitang bilhan ng maraming ganito kung gusto mo," nakangiting saad niya na inilingan ko na lang.

"You're weird," natatawang saad ko nang maayos na ang mga gamit.

"I just want to see your smile," bulong nito saka ako tinaasan ng kilay. Tumayo na rin ito, at inalalayan ako sa paglabas. Nakakatawa lang dahil may hawak siyang payong, naka-tsinelas... at pink na medyas. Goodness!

Tahimik lang kaming nakarating sa kotse, baka sa susunod ko na lang bisitahin ang bahay doon. Sobrang dilim, natatakot akong magmaneho kapag ganito kaya mabuti na lang nandito si tito. Unti-unti ko na namang naramdaman ang antok pero ayoko siyang tulugan, Kumanta na lang ako ng mahina habang sinasabayan ang nasa radyo, it makes me calm. I always used to it.

But I suddenly opened my eyes and gazed at my tito. Seryosong-seryoso ito, pero alam kong walang problema at wala naman akong ginawang kahit na anong kasalanan kaya for sure, hindi siya galit sa akin.

"Tito?" tawag ko sa malambing na paraan saka siya nginitian.

"Hmm? Have you decided to buy me those pink socks?" mabilis niyang saad na tinawanan naming pareho.

"Not that. I mean— I have something to tell, but not as serious, you know."

"Spill out," sabi nito na ikinatikom niya.

"Ahm, you want me to get married with man, right?"

He didn't response, but he nodded.

"How about grandchildren?"

"I'm patiently waiting," he answered.

"What kind of man do you want for me?" tanong ko rito.

Nakatitig lang ako, gusto kong malaman at magbakasakali para naman alam ko.

"As long as he loves you, and gives what all you needed," diretsong sagot nito saka iniliko ang kotse papasok sa mansyon.

"Kahit ano pa siya? Okay lang ba kung hindi bussines related ang trabaho niya?"

"As long as maibigay niya ang pangangailangan mo, I'll let him to marry you."

"What if... hindi siya sobrang mayaman? O kaya, hindi niya maibigay mga gusto ko na hindi ko naman hinihiling na ibigay niya? What if, mahitap lang siya? Pero masipag? You will consider those?"

Bumuntonghininga ito at saka napansin kong bumagal ang kaniyang pagmamaneho, nandito na rin naman kami sa mansyon pero kailangan lang namin makarating sa mismong loob. Tumingin ito sa akin na para bang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Ayokong maghirap ka Zeren. I support you but please, ipakilala mo sa akin ang tamang lalaki, iyong kayang ibigay ang pangangailangan mo. Kung kaya ka ba niyang pakainin sa isang araw, stable job, at least man lang may ipon."

"But, what if we love each other—"

"Let's face the reality, hindi ka mabubusog sa pagmamahal lang, hindi ka mabubuhay sa pag-ibig. Be practical, if that man can provide all your need and has a stable financial or job, I don't seeing any problem with that. Pero kung sasabihin mo sa akin na mahal niyo naman ang isa't-isa... No. Kaya nga maraming mag-asawang nauuwi sa hiwalayan at panunumbat. Be wise."

My lips literally parted.

I smiled but yeah, my what ifs, really gave me stress. Nag-aalala lang sa akin si tito, he has a point. But I want him to consider that.

Tahimik lang kaming pumasok sa loob. Dumiretso na ako sa kuwarto para makapagpalit agad, wala si Nikasha dahil madalas silang nasa bahay ni Maru para naman makilala ni Gale ang bahay na iyon. Walang mga bata, sa mansyon.

I wore white pajama and blue shirt. Ayoko munang lumabas ng kwarto dahil baka antukin ako sa ibaba, ayoko pa namang tinuturing akong bata at buhatin nila Lucas papunta rito sa kwarto. For Pete's sake! I'm twenty-eight!

Binuksan ko na lang ang tv para naman mas lalo akong antukin, wala ako sa mood manood ng mga movie so I decided to click random channels. Pero napahinto ako sa paglipat nang mapansin ko ang ingay sa labas. Nagmadali akobg i-lock ang sliding door at saka inayos ang kurtina.

"Pansamantang itinigil ang rescue operations sa dulong bahagi ng bansa partikular na sa isla ng Agustin, dahil sa sunod-sunod na bagyo na halos bumura sa tatlong islang iyon. Pinapaniwalaang walang nakaligtas sa lugar ng La Isla at La sisid..."

I'm starting to hate every news on television.

The headlines...

“Three islands were lost.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.