CHAPTER 26

CHAPTER 26

Picture

Days passed so quickly and today is the last day of my academic week. The first semester will come to an end, and we are bombarded with many activities, laboratory classes, and our duty to the hospital. Napabuntong hininga ako sa pagod na aking nararamdaman sa katawan. Nararamdaman ko na magkakasakit ako dahil sa bigat na aking nararamdaman . Ang talukap ng aking mga mata ay mas lalong bumibigat.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Reeve sa akin. Kasama ko siya ngayon dito sa loob ng library para mag-aral kasi may oral recitation na magaganap mamamaya. I wasn’t in the mood to study because of what I am not feeling well, but my mind wanted to and I needed to because of this oral recit. I don’t want to fail this subject.

‘Yong prof. pa naman namin dito ay nagbibigay ng mataas na puntos sa oral recit. Kaya ‘yong iba kong mga ka-klase na bagsak sa exam ay dito bumabawi.

“I’m fine,” medyo matamlay kong usal sa kaniya. The book was in front of me, and I was trying to read and understand its context pero habang mas pinipilit ko ay siya ring pagsakit ng ulo ko.

Pero hindi ko ata na kumbinsi si Reeve sa aking sagot dahil kinunotan niya ako ng noo at ang mga palad niya ay dumapo sa aking noo at leeg. He even compares my temperature to his temperature.

Hindi naman ako siguro lalagnatin. I do hope.

“Ayos lang talaga ako, Reeve,” pangungumbinsi ko sa kaniya at tinanggal ang malamig niyang kamay sa noo ko.

I can still handle it. I just need to drink medicine later when I got home. It was a good thing that this was my last subject for this day. At isa pa hindi ako pwedeng magkasakit dahil may lakad kami ni Reeve bukas.

Minsan lang ako dapuan ng sakit sa katawan at ang isang dahilan do’n ay kapag na o-overwork ko ang katawan ko. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon pa ako dinapuan ng masakit kung saan may importanteng lakad kami bukas. Maagapan pa naman siguro to kapag iinom na ako ng gamot mamaya.

“You look ill. You should get some rest,” si Reeve na may bahid pa rin ng pag-alala sa kaniya. Nasa pinakadulo kami ng parte sa library na kung saan wala masyadong mga estudyante at pili lang ang nag-aaral dahil halos lahat dito ay natutulog.

Inilingan ko siya at nginusuan, “Nah… may recit pa tayo mamaya kailangan kong mag-aral.”

I don’t know what I look like in front of him. Kung maputla ba ako o hindi. My body won’t cooperate with my eagerness of my brain to study kaya siguro niya napansin na hindi ako okay.

Tila hindi niya nagustuhan ang aking naging sagot at biglaan na lang naging matalim ang paningin niya sa akin. “You’re stubborn,” malamig nitong wika sa akin at madilim akong tinignan.

“Kaya ko pa naman at hindi pa naman ‘to malala,” I told him and even smiled at him so he can be assured that it wasn’t serious.

Isang linggo pa lang simula no’ng nanliligaw siya sa akin at sa isang linggo na ‘yon ay marami na siyang napatunayan. Reeve is caring and sweet, which I never expected that he has soft sides too. I mean, unti-unti ko na naman nakikita ang side niya na ‘to no’ng di pa siya nanliligaw sa akin pero mas naging affectionate ata siya ngayon.

Akala ko no’n ay binibiro niya lang ako na araw-arawin ang pagpunta sa apartment ko para paglutuan ako at hindi ko inaasahan na tinotoo niya nga talaga. Kagaya no’ng isang araw ay akala ko nanaginip lang ako na may naamoy akong masarap na pagkain ‘yon pala ay nando’n siya sa kusina ko malayang nagluluto ng pagkain.

I gave him my spare keys so he can freely enter my apartment.

“Reeve!” gulantang kong bungad sa kaniya.

I looked like a mess now, but I didn’t mind it because he had also seen me a mess when I was in his house. Ang ikinagugulat ko ngayon ay kung bakit siya nandito sa apartmen ko.

He is well prepared. My eyes got stuck again for him in a moment. He wears the usual black pants our school uniform has and a white t-shirt inserted on it. The purplish-blue veins on his hands were almost visible when he was holding a pan.

And even when he was wearing my girly apron, he still is manly for me. He stood up so naturally in my kitchen, and he looks like a korean actor on his aura today.

“Good morning!” he greeted me with a smile on his face. Inilagay niya na ang kaniyang mga niluto sa lamesa at inayos ang mga kubyertos, and he even pulled a chair for me.

“Eat now, my queen.” Natawa ako sa kaniyang tinawag sa akin.

“Queen? Kailan mo pa ako naging queen?” na we-weirdohan pa rin ako kung bakit siya nandito at kug bakit siya ang nagluluto ng almusal ko.

“You’re always be my queen, Neve.”

“Hmmm…. If I am your queen, then you’re my king,” pangsasabay ko sa kaniya. Lumapit na ako sa lamesa at umupo.

“Uhuh…” sabay iling niya sa akin, “if you’re my queen, then I am your knight.”

“Knight?” natatawa na nagtataka kong ani sa kaniya. I don’t know what’s gotten into his mind why is he so cheesy early in the morning. Hindi naman ganito ang Reeve na nakilala ko.

“A king always needs a queen. That is why they are made for each other. Ang layo naman ata kung ako ang queen tapos ikaw ang knight,” I told him.

“Nahhh… let me tell you why I don’t like kings, a king can function without a queen, and a king can’t protect the queen. Wanna know why? The king's priority is his kingdom. So when there’s chaos in his kingdom, it’s will be his top priority rather than protecting his queen. That is why I don’t like to be your king because I can’t protect you,” he stated.

“But a knight can protect the queen even when in a dangerous situation. A knight will always be there watching you wherever you are. That is why I prefer to be your knight than to be your king because no matter what happens, I will always be there to protect you ,” he continued.

“A king can’t protect the queen, but a knight can,” dagdag pa nito

“However, a knight is just a shadow. Shadow because the queen doesn’t know that someone is protecting her secretly,” I told him.

“Just remember that I will be your knight no matter what happens, even if I am not the one holding your arms anymore. I will still be there protecting you silently. After all, that’s a duty of the knight,” he said directly to my eyes.

I can’t help but laugh at his statement. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ganito siya sa akin.

“You’ll be my knight then!” masigla kong ani sa kaniya.

“Ang cheesy mo pala, Reeve. Saan mo nakuha ang mga ‘yon?” dagdag kong tanong sa kaniya.

He just chuckled, “Let’s just eat. Mag-aayos ka pa baka ma late na tayo.”

After that small talk with him ay kumain na kami. This time the food he prepares was all Filipino dish unlike when I was in his house.

“Why are you here pala? Para kang magnanakaw na biglang-bigla na lang papasok,” sambit ko ng maalala kung bakit siya nandito.

He chewed his food first before answering me. “To cooked for you,” he replied.

“Sa breakfast talaga, Reeve?” I said.

“Why not? I told you that I would cook for you everyday, so expect that I will be going here everyday.”

“Para-paraan ka ha… baka gusto mo lang talaga makita ang pagmumukha ko araw-araw,” I simper, “kung ‘yon lang naman ang rason hindi mo naman kailangan pumunta dito ng maaga dahil nagkikita naman tayo sa paaralan.”

“Hmmm… well, you’re right about that, but I would like to see your morning face everyday. Just like now, you still have eye crusts left in your eyes. Halatang hindi ka naghilamos,” he pointed at my eyes. Kinapa ko naman agad ang mga mata kung muta pa nga ako.

“Tse! Kumain ka na lang d’yan mister.”

Nang makita niya na kaunti lang ang nilagay ko na pagkain sa plato ko ay walang pagdadalawa niya itong nilagyan ulit ng pagkain. Kaya napareklamo ako sa kaniya.

“Tataba ako sa ginawa mo, Reeve!”

“Then it’s better,” sabi niya at mas lalo pang nilagyan ng pagkain ang plato ko.

“Stop it! Hindi ko ‘yan mauubos at sayang pa ang pagkain!” Inilayo ko agad ang plato ko sa kaniya. Pinaliksikan ko siya ng mata kaya naman ay hindi na niya pinagpatuloy pa ang paglagay ng pagkain.

“Okay fine… at least I will be at ease that you’re eating healthy foods now. Starting this day, I will come here to cook for you. Don’t bother your bestfriend anymore,” he said straightforwardly na para siya ang nagmamay-ari ng apartment ko.

“Okay… ikaw bahala basta ‘wag mo lang akong papatabain!”

“I’m sorry to disappoint you, miss, but that’s my goal.” At sinubo ang panghuling pagkain at nginitian ako ng nakakaloloko.

True enough to his words, he went everyday to my apartment and cooked food for my breakfast. Wala naman akong reklamo do’n kasi aminin ko man sa hindi I love his company to me, and I love the foods he cooked.

Kanina lang siya hindi nakapunta sa apartment ko kaya medyo nalungkot ako pero tinawagan niya naman ako at sinabi niya ang rason.

Hindi pa rin siya makapali sa sitwasyon ko bigla niya na lang kinuha ang libro na hawak ko at padabog na tinakpan ito. Pinanood ko lang siya unting-unting nililigpit ang mga gamit ko

“What are you doing?” I asked, annoyed. . I am kinda annoyed by what he did. My body can still handle it, and he doesn’t need to baby me.

He just glanced and didn’t answer me. Patuloy niya pa ring nililigpit ang mga gamit ko.

After he finished cleaning my things pumunta siya sa akin para tumabi. He looked at me with dark, intense eyes. Tinitigan ko rin siya na nakakunot ang noo at magkasalubong ang dalawang kilay.

But he didn’t mind my stares at him instead, he slowly pushed my head to his shoulder.

“Seriously, Reeve kaya ko pa naman ang sarili ko.” I am now leaning on his broad shoulder. Pinalibot niya ang kaniyang mga kamay sa akin bewang at nilapit pa sa kaniya.

“You overwork yourself too much. Rest when you think your body can’t handle it anymore. You’re not a superhero that you handle all the things in just a snap,” mariin niyang pangagaral sa akin.

“Pero seryoso nga…kaya ko pa naman eh hindi pa naman malalala at isa pa iinom naman ako ng gamot mamamay,” I nagged at him, “and also, I can’t afford to be sick because we still have our date tomorrow. I don’t want to postpone it.”

Dahil nakasandal na ako sa balikat niya ay do’n ko lang nararamdaman bigla ang antok at mas naging mabigat ang mga talukap ng aking mga mata. Reeve is still holding his books and uses his left-hand to highlight the important details.

“Kapag maging maayos na ang pakiramdamam mo ay itutuloy natin ang lakad bukas pero kapag hindi, you’ll just stay in your apartment.”

I really prayed that I will be better after I get some rest. Tomorrow is a special day for me, and I don’t want to postpone it. Wrong timing lang talaga ng katawan ko na magkasakit kaya sana ay magiging maayos din agad ako.

“Okay. Gisingin mo ako kapag last subject na natin,” I reminded him before my eyes give up.

Nagising ako na medyo magaan na ang pakiramdaman ng aking katawan. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at ang putting kisame ang unang bumungad sa akin. Agad akong bumangon ng maalala na may last subject at may oral recit pa ako sa araw na ‘to. I roamed around my eyes only to found out that I was on my room.

“Gising ka na.” Renaissa entered in my room.

“How did I end up here? Nasa library pa lang kami ni Reeve kanina ah,” takang tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at kinapa ang noo at leeg ko.

“He took you home,” she answered. I didn’t notice that there was a glass of water beside my bed not until Renaissa offered it to me.

Tila nakaramdaman ang katawan ko ng pagka-uhaw kaya naman naubos ang isang baso.

“Paano na lang ‘yong oral recit kanina?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Renaissa deeply sighed and look at me intently, “Magkakasakit ka na nga academics pa rin iniisip mo, ano?”

“’Yong totoo kasi… Alam mo naman na mas mataas minsan ang recit natin eh.”

“Wala… hindi natuloy dahil hindi pumasok si prof. He has some emergency matters daw kaya hindi siya nakapasok sa klase at hindi natuloy ang recit natin. ‘Wag ka ng mag-aalala d’yan hindi baba ang grado mo.”

Tila nabunutan ng tinik ang naramdaman ko at laking pasasalamat na hindi natuloy ang recit kanina.

“By the way. Paano ako napunta dito sa kwarto eh tulog ako kanina sa library.”

She scooted over me and looked at me with those teasing eyes. “Ang haba ng hair mo te. Prinsesa na prinsesa ka sa manliligaw mo ha.”

After Reeve took me home, I told my friends that he was officially courting me. They have fully supported me as long as it would make me happy daw.

“Ano ba nangyari paano ako napunta dito eh tulog naman talaga ako kanina,” I curiously said.

Don’t tell me from the library up to my apartment ay buhat-buhat niya ako? Tinignan ko si Renaissa ng maisip na baka nga ganoon ang ginawa niya sa akin

“Don’t tell me—“

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang pumalakpak si Renaissa na tila nanalo sa loto.

“Yes! Tumpak ka r’yan sa iniisip mo. Binuhat ka lang naman ng prinsepe mo galing sa library patungo sa parking lot!” umaangat na naman niyang boses na sabi sa akin.

Gulat akong napatingin kay Renaissa na tila kinikilig pa sa nasaksihan kanina. Kita ko ang pamumula ng aking mukha sa repleksyon ng salamin malapit sa higaan ko. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa paaralan kung nagkataon na namukhaan nila akong buhat-buhat ni Reeve.

He could’ve just woken me up!

“Grabe agaw attention kayo sa paaralan kanina. Isa lang talaga ang masasabi ko sa’yo, Henzy. Isang malaking SANA OL!”

“Bakit hindi mo siya sinabihan na gisingin na lamang ako?” reklamo ko sa kaibigan.

“Gigisingin na sana kita kanina kaso pinigilan niya ako. He said he doesn’t want to disturb your dreamy sleeping,” pagkwe-kwento niya sa akin at halata sa mga mata niya na kinikilig siya sa nasaksihan kanina, “kung alam mo lang kung paano ka niya binuhat ng dahan-dahan para lang hindi ka magising at kung paano siya makatitig sa’yo ay sigurado akong baka nahimatay ka na talaga.”

“Kahit na! Nakakahiya pa rin na binuhat niya ako ng ganoon!” angal ko pa rin sa kaniya.

“Hindi nga siya nahiya na siya ang bumuhat sa’yo, ikaw pa kaya na walang malay?” At tinawanan ako. Kaya naman ay sinimangutan ko siya.

Walang nakakatawa sa ginawa niya kanina. Argh! Sana hindi ako namukhaan ng mga estudyante do’n.

“I can see that he really cares so much to you… I can see in his eyes how sincere he is in courting you. Henzy, this time I hope you will follow the beating of your own heart,” she said out of nowhere.

“I am happy,” I said to her.

And that’s true. Masaya ako ngayon sa kung anong meron kami ni Reeve. Masaya ako dahil nararamdaman ko rin ‘tong kasiyahan na ‘to and I hope that this happiness I’ve been feeling won’t end.

She nodded, “I know I can see that through your eyes. Your eyes speak louder than your voice and actions. Your eyes differ every time that you are with him. Your eyes were different before compared to now, and I am hoping that you could keep how your eyes sparkle, Henzy.”

“I will,” I answered her.

Lumabas kaming dalawa sa kwarto at tumungo sa kusina. Hindi na masama ang pakiramdam ko dahil nakapagpahinga ako kahit papaano. Renaissa said that Reeve bought medicine and cooks dinner before he went home.

Hindi ko na naman mapigilang mangiti sa simpleng ginawa niya. He’s really worried about me, ha. Hindi naman malala ‘tong nararamdaman ko pero kung makaalaga ay wagas.

I ate the food he cooked and drink the medicine to make sure that I feel better. Renaissa will sleep here for tonight to accompany me dahil ‘yon raw ang utos ni Reeve sa kaniya kanina na ‘wag raw akong iwanan habang hindi pa ako gising.

“Kailan ka pa naging utusan ni Reeve?” natatawa kong baling sa kaniya.

“Duhh… kahit hindi niya naman ako utusan ay dito pa rin naman ako matutulog ngayon. I miss sleeping here,” nakataas niyang kilay sabi sa akin at inabot sa akin ang face mask skin care niya.

“Oh ayan, mag face mask ka para naman fresh na fresh ang mukha mo sa date niyo bukas.”

Hindi naman ako mahlilig sa mga ganito pero kakailanganin ko ‘to ngayon kasi nitong nakaraang linggo at mga araw ay naging masyadong busy ako sa acads na hindi ko na naalagaan ang mukha ko. And also, we’re having a date tomorrow so I really need to use this one para naman hindi ako mukhang patay sa harapan niya bukas.

“Hayssss... ang hirap maging single isang taga sana all lang ang role ko sa lovelife ng aking bestfriend,” umaarte nitong saad sa akin at isinandal ang likod sa head board ng aking kama.

“Maghanap ka na raw kasi,” I joked.

She scoffed, “No thanks, I can be happy being single. I don’t need a man I can be happy on my own.”

“Oh ayan… reklamo ka nang reklamo na taga sana all ka lang tapos kung papahanapin ayaw naman. Saan ka ba talaga lulugar te?” tawa ko sa kaniya, “oh baka naman may hinihintay ka?” asar ko pa.

“Nahh… gan’yan lang talaga kaming mga single hindi ka naman single kaya hindi ka makakarelate dahil may naghihintay na sa’yo,” sabi niya, umayos siya ng upo at hinarap ako.

“Hey! Technically, I am single right now because I haven’t answered him yet. Anong hindi ka single r’yan,” angal ko agad sa kaniya.

“Single ka nga pero ‘yong puso mo may nagmamay-ari na,” she teased.

I rolled my eyes kahit hindi niya ako nakikita, “Whatever Renaissa.”

“Oh di’ba ‘di maamin-amin kasi single ka lang sa pangalan pero sa puso hindi, unlike sa amin single talaga ibig sabihin walang nag mamay-ari!” pangangatwiran niya pa.

“Oo na... oo na single ka na,”pagsusuko ko sa kaniya.

There’s no use of arguing to her kasi kahit anong pangangatwiran ang meron ako ay kokontrahin niya pa rin ‘yan with matching philospohical life advice. That’s how she is…

Before I went to sleep, I checked my phone to see if there’s any message coming from my family. Malapit na ang birthday ng aking ina kaya baka uuwi ako sa amin sa susunod na linggo.

Pagbukas ko pa lang ng cellphone ko ay message agad ni Reeve ang bumungad sa akin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.