Chapter 13

“WHAT’S happening?” wika ni Callisto sa wikang Italyano nang makabalik siya sa school. Nakita niya ang Nonno Maximo niya sa upuan ng formal dining room ng palazzo nito. Nakatali ito roon.

“So the favorite boy is back,” nakangising wika ng butler ng palazzo ng kanyang Lolo. “You’re welcome to be back, boy. But I doubt if your nonno would say that to you.”

“Call your father, Callisto! We are in danger---“

“Shut up, you old bastard!” Tinignan si Callisto ng butler. “We are sorry, boy. You are really not part of this situation. But since you are here, you have to be. You can’t tell anybody what happened or we are going to be busted!”

Hinawakan si Callisto ng butler sa balikat. Nakakunot lang ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang pangyayari.

Danger? Bakit? Isang taon na rin na nagtatrabaho ang butler sa palazzo. Palagi siya nitong nginingitian at binabati. Mabait ito.

O iyon ang tingin ni Callisto rito hanggang itali rin siya nito sa upuan katabi ng kanyang Nonno. Nagpumiglas siya pero mas malakas ito sa kanya. May mga tumulong rin rito---ang ilang katiwala nila sa palazzo.

“What’s happening? Bakit siya nagkakaganito?” pagkausap ni Callisto sa Nonno niya.

“He’s crazy!” Nakatiim ang bagang na sagot ng Nonno niya. “They are crazy!”

“No! We are just all mad at you, old hag!” wika ng butler pagkatapos ay hinampas ang Nonno niya ng silya. Sinundan ito ng ilan pang katiwala nila sa palasyo.

Nanlaki ang mata ni Callisto. Kitang-kita niya kung paano gulpihin ang kanyang Nonno. Sumigaw rin siya para patigilin ang mga walang awa na kasambahay nila. Pero gaano man kalakas ang sigaw niya ay hindi tumigil ang mga ito. Imposible rin naman na may makarinig sa kanya dahil wala silang kapitbahay. Napakalaki rin ng palazzo ng kanyang Nonno.

Sa palazzo ng Nonno niya sa Italy halos lumaki si Callisto. Ang Nonno niya ang nagpalaki sa kanya. Noong una ay ayaw ng mga magulang niya. Mas pinili kasi ng mga ito na mag-base sa Pilipinas. Pero dahil mapilit si Callisto at ang kanyang Nonno ay napapayag rin ang mga magulang niya. Isa pa, para rin naman iyon sa kinabukasan niya.

Bata pa lang si Callisto ay alam na niya ang gusto niya sa buhay---ang maging painter. Being an artist runs in his blood. Mana siya sa kanyang ama at pati na rin sa nonno niya. Pareho niyang idol ang mga ito, lalo na ang kanyang nonno. Kapag tumira siya kasama sa Italy ay mas mahahasa ang pagka-artist niya. Mas binibigyan kasi ng atensyon roon ang mga artist kaysa sa Pilipinas. Doon siya nag-aaral. Dinadalaw-dalaw na lang siya roon ng magulang niya. Kapag bakasyon ay nasa Pilipinas siya. Pero madalas, kasama pa rin niya ang kanyang Nonno. They both love and adored each other. Kaya ngayong nasasaktan ito ay masakit rin iyon para sa kanya.

“D-don’t look, Callisto.” Nanghihina ng wika ng kanyang Nonno ng sandaling magpahinga sa pananakit ang mga kasambahay.

Puno na ng luha ang mga mata ni Callisto. Halos isang oras rin na pinagmalupitan ang kanyang Nonno. Pinalo, dinuruan, sinampal, sinabunutan at sinuntok ang kanyang Nonno. Dahil pareho silang nakatali, walang kahit sino sa kanila ang nakapigil sa pagmamalupit. Thirteen years old pa lang rin siya. Hindi siya ganoon kalakas para makawala sa tali.

“Please give me a phone. I will call Daddy! You are bad people! How can you all do this to my nonno? To us?!”

“Because your Nonno is a bad man,” nanlilisik ang mata na sagot ng isa sa mga kasambahay. Ito ang tagapag-luto nila sa palazzo. Bata pa lang siya ay naroroon na ito. Karamihan rin sa mga iyon ay matagal ng naroroon. “He treats us badly. He deserved to be treated like this!”

Sandaling hindi nakapagsalita si Callisto. Hindi iilang beses na narinig niyang sumigaw ang kanyang Nonno sa mga kasambahay. Sadyang mainitin kasi talaga ang ulo nito. May ilang beses na sinaway na rin naman niya ito. Kahit malayo ang mga magulang niya, madalas na nakakausap pa rin niya ang mga ito. Palaging pinapaalala ng mga ito ang tama at mali. Sa school ay tinuturo rin iyon. Alam niyang mali ang ginagawa ng Nonno niya sa mga kasambahay nila. Pero gaano man niya ito pangaralan ay hindi ito nakikinig.

“But he still doesn’t deserve this…” Sugatan na ang kanyang Nonno. Natatakot siyang dahil sa ginawa ng mga kasambahay ay ikamatay nito iyon. Matanda na ang Nonno niya. Mahina na ito.

“He deserved all of this, Callisto---“

“And my grandson don’t…” Sa unang pagkakataon ay nakita ni Callisto na umiyak ang Nonno niya. “Please spare him. Please don’t see him everything. And if you really want to get even, make this simple. Shoot me now. Kill me now!”

“No! You deserved to be torture because that’s what you do to us everyday and Callisto---“ Tumiim ang bagang ng butler. May pag-aalinlangan sa mukha nito nang sambitin ang pangalan niya.

Madaling nahulaan ni Callisto ang dahilan kung bakit nagulo ang mukha ng butler. Alam nito na hindi niya deserved iyon. Mabait siya rito. Mabait rin siya sa mga kasambahay nila. Madalas pa nga ay sumasalo siya ng pagkain sa mga ito, lalo na kapag wala ang Nonno niya sa palazzo.

Lumambot ang mukha ng butler nang lapitan si Callisto. Ramdam niyang tatanggalin na nito ang tali niya nang pigilan ito ng tagapagluto nila.

“Don’t soften your heart, Gian Carlo,” wika ng tagapag-luto sa butler. Matigas ang anyo nito. “We need that boy,”

“But he is innocent---“

“He is still Maximo’s blood! His loyalty will still be with him. Besides, don’t you think it will be good to use that boy for our revenge?” wika nito saka may ibinulong sa butler.

Namutla ang butler, matagal-tagal rin na nagtalo ang mga ito. Pero sa huli ay tumango rin ang butler sa tagapag-luto.

Maya-maya ay naglabas ng baril ang tagapagluto. Ikinasa nito iyon at pagkatapos ay ibinigay sa kanya.

“Hold it, Callisto.” Ang butler ang nagsalita, hindi ito tumitingin sa kanya.

“What?” nanginginig na sa takot si Callisto. “What am I going to do with it?”

“Shoot your Nonno. Kill him!” Ang tagapag-luto na siyang may malaking galit sa kanyang Nonno na ulit ang nagsalita.

Mababaliw na yata si Callisto sa mga pangyayari. “No! I won’t do that! Please stop this! It’s not funny anymore!”

“But it is funny for us!” Naggawa pang tumawa ng tagapag-luto. Naglabas ulit ito ng baril. Itinutok nito iyon sa ulo niya. “If you don’t shoot your Nonno, I will shoot you!”

“Shoot me, Callisto! Do it!” Kahit nanghihina na ay sumigaw ang Nonno niya. Mababakas ang takot sa mukha nito.

Ibinagsak ni Callisto ang baril. Siyempre, hindi niya gagawin iyon. Pero mas itinutok sa kanya ng tagapag-luto ang baril nito. Nakadikit na iyon sa kanyang ulo. “Do it! It’s the best revenge we can think of. Maximo Guidicelli shot and killed by his own, favorite and most loved grandson. What a sweet way to die!”

“Do it, Callisto.” Utos ulit ng kanyang Nonno.

“I don’t want you to die! I can’t do it…” Tumingin si Callisto sa butler. “Please, don’t do this to us…”

Naglihis ng tingin ang butler sa kanya. Kinuha nito ang baril at binigay ulit sa kanya. “Just do it, Callisto…”

Tumingin si Callisto sa kanyang Nonno. Hirap na hirap na ito.

“You don’t deserved to die, Callisto. I am the one who deserved that. And the pain I feel right now is unbearable. Please make everything easy now. Please shoot and kill me now…”

“I-I love you, Nonno. I don’t want to do this…”

“And I love you, too, nipotino. I also don’t want you to die. Especially you. You still have a good and bright future. You have a lot to explore. While I am already an old man. Few years from now, I might also die because of certain disease. So better end everything now…”

“Nonno…”

“Please do it, Callisto. I beg you now…” pumikit ang kanyang Nonno.

Pumikit rin si Callisto. Iyon ang unang beses na narinig niyang nagmakaawa ang kanyang Nonno. And he knew, he really had to do it.

Callisto pulls the trigger. Iyon ang huling memorya sa isip niya. Bumagsak na ang katawan niya.

Nang muling magising si Callisto ay nasa ospital na siya. Ang mukha ng Mommy at Daddy niya ang unang nakita niya. Mahigpit na niyakap siya ng Mommy niya.

“Salamat at gising ka na, Anak.” Napaiyak rin ang kanyang Mommy.

“W-what happened?” Clouded ang utak ni Callisto. Litong tumingin siya sa mga magulang. Bakit nandito ang mga ito? Nasa Pilipinas ang mga ito. Nasa Pilipinas na rin ba siya? “Nasaan ako?”

“Hospital. We are still in Italy…” Ang Daddy niya ang sumagot. “Nakita kang walang malay sa palazzo. Dalawang araw ka ng hindi gumigising, Anak.”

Malabo pa rin kay Callisto ang lahat. “At si Nonno?”

Nagkatinginan ang magulang niya. Lumakas ang iyak ng Mommy niya. Bumuntong-hininga muna ang Daddy niya bago nagsalita ulit. “Your Nonno’s dead, Callisto. Nakita siyang patay habang ikaw ay walang malay sa palazzo. Kayo lang dalawa ang naroroon…”

Napakunot-noo si Callisto. Paano---?!

Matagal na nasa ganoong katayuan lang si Callisto. Hanggang sa bumalik ang alaala sa isip niya. Nanakit ang kanyang ulo. Napahawak siya roon. And when the pain felt unbearable, he shaked it so hard. He felt his whole body trembled.

“Callisto, what’s wrong?!” Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ng magulang.

Horror was in Callisto’s face. “I shoot him. I-I killed Nonno, Daddy. Dio, I killed him!”

“BREAKFAST is---“ Nakagat ni Natalia ang labi nang makita na tulog pa si Callisto. Ibinaba niya ang breakfast tray. Sa sobrang excited niya, muntik na pala niyang magising ang lalaki. Nakahinga lang siya nang maluwag nang hindi naman niya ito naistorbo. Nakapikit pa rin ito at pantay ang hininga.

Napakapayapa na tignan ni Callisto habang natutulog. May mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa pagtingin rito. Naiiyak rin siya. Naalala niya ang mga ikinuwento nito sa kanya kahapon. Naramdaman niya ang hirap na pinagdaanan nito. Nasaktan siya roon. Napakasama ng nangyari kay Callisto…

“Hindi mo siya pinatay. You were just forced to…” Pinilit na kumalma ni Natalia. Kailangan niya kahit nahihirapan siya. Gusto niyang humagulgol dahil sa kuwento nito. Napakasama noon, napakasakit. Pero dahil ramdam niyang anumang oras ay iiyak na rin ito, tinatagan niya ang sarili. Makakasama sa sitwasyon kung iiyak siya.

“I still did,”

“`Wag mong isipin iyon. May naninisi ba sa `yo?”

Umiling ito. “Sinuportahan ako ng pamilya ko.”

“Sikat ang pamilya mo. Bakit hindi napunta sa news ito?”

“Itinago ang nangyari. Ayaw nina Daddy ng gulo. Pinalabas na lang na namatay si Nonno dahil binangungot ito. Ayaw ko rin naman na ma-issue iyon dahil malalaman ng lahat ang sikreto ko. Kahit ang mga kaibigan ni Daddy ay hindi iyon alam. And that’s the reason kung bakit wala rin na alam sina Marisa at Analisse tungkol sa akin…”

Bumuntong-hininga muna si Callisto bago nagpatuloy. “Napakahirap kalimutan ng mga alaala. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ako ng maraming issue sa buhay. Kaya pinili ko na palaging mag-isa ay dahil ayoko ng magtiwala pa. Ayoko rin ng may kasama akong kasambahay dahil naalala ko ang ginawa nilang pangagago sa pamilya ko. Galit ako sa mga kasambahay. Nahirapan ako na magtiwala sa mga tao dahil baka lokohin lang nila ako ulit. Kahit nahuli ang mga may kasalanan at nagkaroon ng tamang parusa ay hindi iyon sapat para mawala ang hirap na pinagdaanan ko.”

“H-hindi ka ba nagpatingin sa Doctor?”

“My parents wanted me, too. Pero ayoko. Paulit-ulit na lang nila akong tinatanong kung ano ang nangyari. Ayoko ngang maalala iyon.”

“Pero kailangan mo iyon…”

“I’m good now…” Huminga nang malalim si Callisto. Tinignan siya nito. Masuyong hinaplos nito ang kanyang mukha at ngumiti. “I’m good now because you are here…”

“Callisto…” Natunaw ang puso niya sa haplos at ngiti nito. At nang ibaba nito ang mukha sa kanya at halikan siya ay parang nawala na rin ang nasa utak niya. Ayaw na niyang mag-isip. Gusto na lang niyang makaramdam.

“I love you, Natalia. Hindi ko na kailangan ng kahit sino pa na Doctor. Kapag nasa tabi kita ay maayos na maayos ang pakiramdam ko. You are the light in this dark world. You are the light of my life…”

Doon na hindi napigilan ni Natalia ang kanyang luha. Naiyak siya sa saya. “And I love you, too, Callisto. Wala kang dapat ipag-alala. Mananatili ka pa rin sa puso ko sa kabila ng nalaman ko sa `yo. Nasasaktan lang ako kasi wala akong naggawa para sa mga iyon. Hindi mo deserved na masaktan nang ganoon…”

Bilang galing sa bahay ampunan, masasabi ni Natalia na mahirap ang naging buhay niya. Maaga siyang namulat sa realidad. Marami rin siyang nakilalang nagkaroon ng masamang nakaraan. Pero sa lahat, kay Callisto na yata ang pinakamasakit niyang narinig. O siguro kaya ganoon ay dahil mahal na nga niya ito. Kapag nasasaktan ito ay nasasaktan rin siya.

Ngayon ay nakabalik na sila sa bahay nito. Ngayong alam na niya ang pinagdaanan nito ay mas naiintindihan na niya ito. Hahabaan niya ang pasensya. At susubukan niya na ayusin si Callisto. Papasayahin niya ito.

Sandaling pinagmasdan pa ni Natalia si Callisto, hanggang sa mainip siya. Nagdesisyon siyang lumabas muna ng kuwarto. Mukhang matagal pa na magigising ang boss, este boyfriend na pala niya ngayon. Ayaw naman niyang gisingin ito. Gabi na sila nakauwi kagabi. Pagod ito dahil ito ang nagdrive. Hinayaan niyang matulog pa si Callisto.

Nagpunta si Natalia sa kuwarto. Inabala niya muna ang sarili na mag-laptop. Naalala rin kasi niya na nag-text pala sa kanya si Sophie kagabi. Gusto daw siya nitong makausap. Pero pagbukas naman niya ng kanyang Facebook ay wala itong message. Hindi rin ito online.

Naglog-out si Natalia sa Facebook. Nag-open na lang siya ng kanyang email. Doon siya nakakita ng message…isang message na nagbigay sa kanya ng dahilan para gisingin si Callisto. Nagsisigaw siya sa bahay. Niyakap rin niya ito kahit antok na antok pa ito.

“Is there something wrong?” kunot na kunot ang noo nito.

“No! It is something to celebrate! Yay! Ang saya-saya, Callisto. Matutupad ko na ang mga pangarap ko…” Nanginginig sa excitement si Natalia.

“Dream? Hindi pa ba ako ang pangarap mo?”

Natawa si Natalia. “Oo. Dream come true ka sa akin. Pero pangarap ko rin na maging kagaya ng Daddy mo. Billionaire, well, `wag na iyon. Mahirap na maabot ko iyon sa lagay ko ngayon. Pero ang makapaglibot man lang sa mundo, ang tumira sa ibang bansa…”

“Natalia, I can let us live in New York because we have our second home there. But not in Italy. Pagkatapos ng trahedya na nangyari sa pamilya namin ay hindi na ako pinabalik doon ni Daddy. Hindi ko rin naman gusto---“

“Hindi. Hindi naman ikaw ang makakasama ko sa ibang bansa.” Pagtatama ni Natalia sa iniisip ni Callisto.

“Eh sino?”

Nagkuwento si Natalia. “Few days ago ay nagkausap kami ni Sophie. At na-encourage ako na magtry rin na mangibang bansa rin kagaya niya. Sa totoo lang, matagal ko na naman na gusto. Pero dahil high school graduate lang ako ay nag-aalinlangan ako. Malaki ang chance na hindi ako matanggap, lalo na at hindi naman maganda ang mga nakukuha ko na trabaho. Pangit ang experience ko. Pero wala naman na masama na magtry. Nagtanong ako sa kanya ng agency kung saan puwedeng mag-apply. Nag-email ako ng resume ko sa agency na iyon. Nagreply sila sa akin ngayon. Invited ako para sa interview sa Wednesday! Nakapasa ako sa first screening! May chance ako na makapagtrabaho sa ibang bansa. Makakapunta na ako sa ibang bansa!”

Tumalon-talon pa si Natalia sa sobrang tuwa. Pinugpog rin niya ng halik si Callisto. Tumigil lang siya nang itinulak siya nito. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksyon nito.

Napatitig si Natalia sa boyfriend. Doon napansin ni Natalia na kung gaano kaliwanag ang mukha niya ay kabaligtaran noon ang kay Callisto. At may nagsasabi sa kanya na hindi iyon dahil lang sa walang paalam na paggising niya rito…

HATI ang nararamdaman ni Natalia nang pauwi siya sa bahay ni Callisto pagkatapos ng interview niya sa agency. Kumuha rin siya ng passport niya. Lahat ay naging maayos sa kanya ngayong araw. Pinapabalik siya sa agency para sa final interview niya sa susunod na linggo. Madali rin niyang naasikaso ang passport niya. Rush iyon kaya puwede na rin niya itong makuha kasabay ng final interview.

Malaki ang pag-asa ni Natalia na makapag-ibang bansa. Matagal na niyang pangarap iyon. Naalala pa nga niya na naiinggit siya noon kay Sophie. Hindi rin maganda ang lagay ng pamilyang nag-ampon rito. Pero at least, naggawang makapag-aral ng kaibigan niya pagkatapos ng high school. Mas may chance ito na makakaahon sa hirap. Kahit OFW lang ay naging “international” naman na maituturing ito dahil sa trabaho.

Ngayon ay masasabi ni Natalia na may chance na siya na maggawa iyon. Masaya siya, siyempre, lalo na at pinababalik siya sa final interview. Malaki ang chance niya. Kung sakali at sana nga ay makapasa, magiging domestic helper siya sa Canada. Okay na okay iyon sa kanya. Pareho lang silang nasa America ni Sophie na nasa New York. Puwede niya itong bisitahin kapag nagka-oras siya. Hindi siya ganoong malulungkot. Nang ipaalam rin niya sa pamilya niya ang balita ay masayang-masaya ang mga ito sa kanya. Wala rin na problema kay Sir Cedric. Tanggap nito ang desisyon niya. Pinayagan siya nitong hulug-hulugan na lang ang perang nahiram.

Iisa lang ang problema: si Callisto. Hindi nito gusto na mangibang bansa siya…

“Hindi ka aalis ng bansa!” Madilim ang mukha na sabi nito.

“Ha? Bakit?”

“Dahil nagtatrabaho ka sa akin. Ano na lang ang sasabihin sa `yo ni Daddy? You are being irresponsible.”

“Sa tingin ko naman ay papayagan niya ako---“

“No! Ako ang hindi papayag. Paano na ako kapag wala ka? Alam mo naman na hindi ako nakakatagal sa ibang kasambahay.”

“You will adjust, Callisto. Naggawa mo na mag-adjust para sa akin. Naging mabait ka sa akin. Pinagkatiwalaan mo ako. Magiging maayos ka rin sa iba. Kailangan mo lang na pagkatiwalaan ang sarili mo. Kailangan mo rin na magtiwala sa ibang tao. Hindi lahat ng kasambahay ay kagaya ng mga naging kasambahay niyo dati sa Italy.”

“No,” matigas pa rin ang boses ni Callisto. “Hindi ako papayag na umalis ka ng Pilipinas, Natalia. Mahal kita. At lahat dapat ng mahal ko, mananatili sa tabi ko.”

Kahit anong paliwanag ni Natalia sa boyfriend ay hindi siya nito pinakinggan. Naiintindihan naman niya ang punto nito. Ayaw rin naman niyang umalis sa tabi nito. Pero ang gagawin niya ay para sa pamilya niya at para rin sa kanya.

Mahal ni Natalia si Callisto. Pero mahal rin niya ang sarili niya. Pangarap niya ang makapunta sa ibang bansa. And they said, you should learn to love yourself first before you should love others…

Natalia was torn. Pero gusto niyang ipaintindi kay Callisto ang lahat. Alam na rin ni Tito Cedric ang plano niya. Nalungkot ito. Pero naintindihan naman siya nito. Si Callisto lang talaga ang problema.

At sinigurado nito na ramdam na ramdam niya iyon…

Pagdating ni Natalia sa bahay ni Callisto ay nakahawak ito sa tiyan nito. Bumangon ang pag-aalala niya. Maghapon na wala siya sa bahay. Hindi siya sinamahan ni Callisto sa agency at kahit sa DFA. Pinakita nito na hindi siya nito gustong suportahan sa gusto niya.

“Anong problema?”

“Umaatake na naman ang ulcer ko,” sagot ni Callisto.

Nanlaki ang mata ni Natalia. “At bakit? Teka nga, hindi ka ba kumain?”

Pinagluto ni Natalia si Callisto bago siya umalis. Dalawang putahe pa iyon. May note na iniwan siya sa lamesa. Tinext rin niya ito para paalalahanan.

“Hindi ako kakain kapag wala ka, Natalia.”

“Callisto…”

“Ayokong umalis ka! Mahirap bang intindihin iyon? Kapag umalis ka, pababayaan ko ang sarili ko!”

Umiling si Natalia. “Nakausap ko na si Sir Cedric. Ihahanap ka niya ng bagong makakasama---“

“Ikaw lang ang gusto ko.”

“Pero Callisto, hindi puwedeng palagi na lang akong nasa tabi mo. Intindihin mo ako. Pangarap ko ang pinag-uusapan rito. Gusto ko ito. Isa pa, hindi naman puwedeng palagi tayo na magkasama. May mga oras pa rin na kailangan natin na maghiwalay. Masyado lang napaaga ang ngayon. Pero hindi naman talaga tayo maghihiwalay. Pareho pa rin ang nararamdaman ko sa `yo. Kahit umalis ako ng bansa ay mahal pa rin kita. At hindi naman talaga ako mawawala sa buhay mo. Magtatrabaho lang ako sa ibang bansa para sa pangarap ko, para sa pamilya ko.

“Masaya ako sa trabaho ko rito. Gustong-gusto ko ang ginagawa ko. Kasama kita. Kasama ko ang mahal ko. Sinong hindi matutuwa sa sitwasyon na iyon `di ba? Pero hindi puwedeng palaging naka-asa na lang ako sa `yo at sa pamilya mo. Nakakahiya. Gusto ko rin na tumayo sa sarili kong mga paa.

“Aalis lang naman ako ng bansa. Pero hindi ako aalis sa buhay mo, hindi ka rin maalis sa puso ko. Palagi pa rin naman tayong mag-uusap. Napakaraming magagawa ng internet. Hindi rin kita pagbabawalan na bisitahin ako roon. Magkakasama pa rin tayo in a way.”

“Kailangan kita. Gusto kitang makasama araw-araw. Hindi ko kayang mawala ka, Natalia! I just want you on my side!” inis pa rin na wika ni Callisto sa kabila ng mahabang pagpapaliwanag ni Natalia.

“Callisto, `wag mong gawin sa sarili mo ito. `Wag mong gawin sa akin ito…” Naiiyak na si Natalia. Alam na niya ang ginagawa sa kanya ni Callisto. Iniipit siya nito. Kinokonsensya siya nito.

“Puwes, `wag mo rin ako na iwan. Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan,” napaka-immature na pananalita ni Callisto.

At kahit ang tuluyan ng pag-iyak ni Natalia sa harap ni Callisto ay hindi napabago ang desisyon nito.

“THANK you so much, sis,” nakangiting wika ni Callisto kay Caroline nang tinupad nito ang request niya. Nagluto ang kapatid niya ng kakainin nila ngayong dinner. Tinulungan rin siya nito na ayusin ang bahay niya para sa surprise niya kay Natalia mamayang gabi.

“You are always welcome, Kuya.” Binigyan rin siya nito nang matamis na ngiti. “Masayang-masaya ako para sa `yo. Nakabuti talaga sa `yo si Ate Natalia. In love na in love ka,”

Ngumisi si Callisto. “Very…”

Inayos ni Caroline necktie niya. “And that is also very good. All the best for tonight. Pero naniniwala ako na magiging ganoon naman iyon. I feel that you are both in love and crazy for each other. Sana kayo na forever…”

“I’ll make sure of that. Mahal na mahal ko ang Ate Natalia mo. And I will do everything not to let her go…” seryosong wika ni Callisto.

Maya-maya ay nagpaalam na si Caroline. Bukas ay babalik na ulit sa New York ang kapatid niya. Kailangan pa nitong mag-empake ng gamit. Mag-isa na naman si Callisto. Wala kasi si Natalia buong araw. Nagpunta na naman ito sa agency para sa final interview sa pangingibang bansa nito.

Sa ngayon, hindi pa alam ni Callisto kung ano ang naging resulta ng interview. Sana bagsak. Buo pa rin ang loob niya na huwag paalisin si Natalia ng bansa. Oo, kaya niya pa rin na makausap at makasama ito kapag umalis itp. Pero paminsan-minsan na lang iyon. Hindi niya gusto iyon. Sa tingin niya ay hindi rin niya makakaya iyon. He wanted Natalia to be just always by his side.

Alas sais ng gabi nang makarating si Natalia sa bahay, thirty minutes pagkatapos umalis ni Caroline. Nanlaki ang mata nito nang makita ang ayos ng sala ng bahay. Sinabayan niya ang mga mata nito na tignan ang kabuuan nito.

Napakaliwanag ng sala. Tinulungan siya ni Caroline na maglagay ng yellow Christmas lights roon. Marami rin na pulang lobo na nakalipad sa kisame. Heart shaped ang ilan roon. Marami rin na petals ng white and red roses ang nasa sahig. May red and white roses rin na naka-arrange sa maliit na table sa gitna. Nakahanda na rin roon ang pagkain na iniluto sa kanila ng kapatid. There was also a CD player playing a sweet song. Everything is romantic.

“Wow. Para saan ito?”

“I wanted us to have a special dinner,” simpleng sagot ni Callisto.

“Hmmm… Hindi ka na galit sa akin?”

Hindi sinagot ng salita ni Callisto si Natalia. Nginitian lang niya ito. Inayos niya ang upuan sa lamesa para makaupo ito. “You must be starving. Kumain na tayo,”

“Oo nga. It’s been a long day. Gutom na gutom na ako…”

Pumayag si Callisto. Habang kumakain ng dinner ay hindi nagsasalita si Natalia. Naka-focus lang ang atensyon nito sa pagkain. Gutom nga talaga ito siguro. Nakakapanibago ang hindi nito pagiging madaldal. Pero okay na rin naman iyon. Ayaw rin niya itong magsalita. Ayaw niyang ikuwento nito ang tungkol sa nangyari sa araw nito. Ayaw niyang malaman kung may posibilidad na aalis na nga ito ng bansa.

Ayaw niyang umalis si Natalia. At ang espesyal na gabing ito ay paraan niya para pigilan ito.

“Let’s dance?” Yaya ni Callisto nang matapos silang kumain. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Natalia.

“Hindi ako magaling sumayaw, ha?” wika ni Natalia pero tinanggap rin naman ang kamay niya.

“Ako rin. Pero magkakahiyaan pa ba tayo?”

He wrapped her arms in her. Nag-sway-sway lang sila sa una. Maya-maya ay inilagay ni Natalia ang ulo sa balikat niya. She was almost hugging him. “I love you, Callisto. Salamat sa special dinner…”

“I love you, too, Natalia. It feels so good to hold you like this…”

“Oo nga,” wika ni Natalia. They stayed on that way for a while. Nang maramdaman ni Callisto na may tumutulo sa polo niya ay saka niya pinakawalan ang babae. Tinignan niya ang mukha nito. Umiiyak ito.

“Natalia?”

“N-nalulungkot lang ako. Mami-miss ko ito.”

Umiling si Callisto. “Of course not. Palagi lang akong nasa tabi mo. We can always have dinner like this---“

Bumuntong-hininga si Natalia. “Nakapasa ako. Next week na ang schedule ng flight---“

“No!” Nasira ang romantic mood ni Callisto. Naghalo-halo ang nararamdaman niya. Ayaw niyang makita na umiiyak si Natalia, lalo na at siya ang dahilan noon. Pero kung hahayaan niya ang sarili na pumayag sa gusto nito ay mas masasaktan siya.

“Callisto, hindi mo ako mapipigilan. Gusto kong umalis.”

“I have a solution for that,” wika ni Callisto saka lumuhod sa harap nito. Inilabas niya ang maliit na kahon roon. Naglalaman iyon ng diamond ring. “Marry me.”

“Callisto, seryoso ka ba?” Mas lumakas ang iyak ni Natalia.

“But of course. I love you. Alam mo iyan. Sa kasalan rin naman mauuwi ang lahat. Bakit hindi pa natin na gawing madali ang lahat?”

“Totoo ba? O sinasabi mo lang ito para pigilan akong umalis?”

Hindi magaling magsinungaling si Callisto. Pinili niyang hindi sumagot.

“Mali ito, Callisto.” Itinulak nito ang kamay niya. “Hindi ko matatanggap `yan…sa ngayon.”

“Kapag hindi mo tinanggap ito ngayon, hindi mo na maririnig ulit ang salitang ito sa akin.” Hindi man nakikita, ramdam ni Callisto na nag-aapoy ang mga mata niya. He was really so angry right now.

“Ito ba ang paraan mo para makipag-break sa akin?” Sinalubong ni Natalia ang tingin niya. Blangko ang ekspresyon nito.

“Oo.” Matigas na sinalubong rin ni Callisto ang mga mata nito.

“Sige,” There was a determination in her voice.

Nanlaki ang mata ni Callisto. Hindi iyon ang inaasahan niyang sagot ni Natalia sa kanya. “Sabihin mo na niloloko mo lang ako!”

Bumuntong-hininga si Natalia. “Naiintindihan kita, Callisto. Mahal mo ako kaya ayaw mo na umalis ako. Pero kung talagang mahal mo talaga ako, iintindihin mo rin itong gusto ko.”

Tumiim ang bagang ni Callisto. Napakasama ng loob niya. Pero nang lumayo at talikuran siya ni Natalia ay para na rin siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Alam na niya ang lahat ng kapupuntahan noon. Everything between them is over.

“MAG-IINGAT ka, Anak. Mami-miss ka rin namin…” may luha sa mata ng umampong ina kay Natalia pagkatapos siyang yakapin. Makikita rin ang lungkot sa mukha nito at pati na rin ang kanyang ama. Ang mga umampong magulang at si Lucas ang naghatid sa kanya papunta sa airport.

“Mami-miss ko rin po kayo, Mama at Papa…” Naiiyak rin na wika ni Natalia. Tumingin siya kay Lukas. “At ikaw rin. Magpapakabait ka, ha?”

Tumango ang makulit na kapatid. “Pasalubong kong snow, ha?”

“Ano ba `yan, paalis pa lang ako, pasalubong na agad? Two years ako doon. Pero sige na nga, pasasalubungan na lang kita ng Snowbear,” wika ni Natalia at ginulo ang buhok ng kapatid.

“Sus, makakabili ako noon sa tindahan ni Aling Medy! Piso lang iyon,” anito, ang tinutukoy ay ang candy.

“Dadalhin na lang kita roon kapag malaki ka na, okay?!”

“Ay, `yan ang gusto ko. Kasama rin sina Mama at Papa, ha?”

“Siyempre naman.” Ngumiti siya sa kapatid.

“O siya, mag-aalas-nuwebe na. Malapit ka ng tawagin sa loob. Baka mahuli ka pa. Tawagan mo na lang kami kapag naroroon ka na, anak, ha?”

“Opo, Mama…” Hinalikan niya isa-isa ang miyembro ng pamilya. “Mag-iingat rin kayo, ha? Ikaw Lukas, `wag kang pasaway. Uminom ka ng mga gamot mo. `Wag kang magpakapagod. Makinig ka palagi kayna Mama at Papa. Mag-aaral kang mabuti.”

“Ate naman, magkakausap pa tayo. Paniguradong araw-araw mo pa rin naman `yan na sasabihin sa akin,” kakamot-kamot na wika ni Lukas.

“Sabagay,” Tumawa si Natalia.

“Pumasok ka na, Anak. Tinawag na ang flight mo,” wika ng Papa niya.

Tumango si Natalia. Tumalikod na ang pamilya niya sa kanya. Pero si Natalia, kahit muling tinawag ang flight ay hindi pa rin makaalis sa puwesto niya. Tumingin siya sa paligid.

“Nasaan ka na ba, Callisto?” Hindi na napigilan na sabihin ni Natalia.

Malungkot si Natalia sa pag-alis ng bansa. Surely, mami-miss niya ang kanyang pamilya. Pero dahil para sa mga ito naman ang ginagawa niya, tinatagan niya ang loob niya. Masaya rin naman ang mga ito para sa kanya. Alam kasi ng mga ito na pangarap niya na mangibang bansa.

Pero nadagdagan ang lungkot ni Natalia dahil wala pa rin si Callisto. Gusto niyang umasa na darating ito…kahit imposible.

Break na sila ng lalaki. Pinili niya ang pangarap niya kaysa sa lalaki. Kaya anong karapatan niya para umasa siya na ihahatid rin siya nito sa airport?

Naghintay pa ulit ng ilang minuto si Natalia. Pero mas napatunayan lang niya na mali ang kanyang ginagawa. Umasa siya na darating si Callisto, sasabihin nito na mahal siya nito at iintindihin siya nito. Hihintayin nito ang pagbabalik niya. Pero sa teleserye at pocketbook lang pala talaga nangyayari ang mga ganoong eksena.

Hanggang sa makasakay ng eroplano si Natalia ay walang Callisto. Panay rin ang tingin niya sa cell phone niya, umaasa na tatawag ito.

Nakita na lang ni Natalia ang sarili na umiiyak. They are really over…

Ganoon pa man, pinilit ni Natalia na maging positibo. Nang kumalma siya, pinunasan niya ang kanyang mata.

Kung talagang sila para sa isa’t isa, gagawa ang tadhana ng paraan para magkasama sila. Mahal niya ito pero kailangan niyang unahin ang sarili niya. Hindi lang siguro talaga ngayon ang oras para sa kanilang dalawa.

Hanggang sa muli, Callisto…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.