Serene
“Huh?”
Nahigit ko ang hininga ko at napalingon sa paligid. Nakahinto ang oras. Alam kong may mangyayari. Ganitong-ganito ang nangyari noon, mahigit isang dekada na ang lumipas. Noong mga panahon na naramdaman ko ang kapangyarihan ni Patrem pero hindi ko na siya na-locate.
Mabilis akong nagtatakbo papunta sa field. Nagdidilim kasi ang buong paligid at alam kong nasa field si Anika. Ayoko man, pero nag-aalala ako sa kapatid ko. ‘Di ba nga at kaya ako gumawa ng paraan na makapag-enrol sa university na ito, para sa dalawang purpose? Ang makapag-spy kina Elwood at mabantayan si Anika. Oo, may galit ako noon kay Anika. Ayoko ngang sundin ang bilin ni Uma. Pero kasi, hindi ko naman kayang tiisin. Kapag nakakaramdam ako ng panganib para kay Anika, nakikita ko nalang ang sarili ko na sumusugod.
At kung noon ay hindi nagtagumpay ang simulacrum na makuha siya, ayokong isipin na mauulit na naman ang attempt nila. At hindi pwedeng mangyari iyon. Mas lalakas si Petunia. Masasayang din ang pagsasakripisyo ng mga magulang ko na maisalba ang mga buhay namin ni Anika.
At hindi ko maintindihan, paanong nagagawang manggulo ng masamang sorceress na si Petunia sa mundo ng mga tao kahit nasa Kimbura pa siya? Oo, ang green energies na parang kidlat na gumuguhit sa kalangitan ay ang kapangyarihan ni Petunia. Isa siyang royal blood from Wushimye. She was the bad witch who was pre-destined to destroy and re-build the whole Kimbura in her new world order. Nakita ko iyon sa flashback nang buksan ko ang locket ni Anika. Ang nakatadhana ay unti-unti nang nangyayari. Nagpasimula sa pagkamatay ng mga royal blood sa bansang Wushimye at si Petunia ang nakaupo bilang pinuno. Puro kalupitan ang dinanas ng mga Wushimyan at nang siguro ay magsawa na si Petunia ay pinatulog na niya ang buong bansa. Isinunod niya ang Orlithio at ang dalawa pang bansa.
At hanggang ngayon pala ay nagpipilit pa din ang kanyang kapangyarihan na mag-penetrate sa mundo ng mga tao. Hindi pa siya nasiyahan sa mga simulacrum na pinakawalan niya sa dream dimension ng mga mortal para makuha ang kaluluwa at kapangyarihan ng mga priestess.
Oo, alam kong siya ang may pakawala ng mga simulacrum. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi agad na-trace ng mga iyon na si Anika ang priestess of the east kaya hindi magawang guluhin sa panaginip. Siguro dahil hindi pa nga lumalabas ang kapangyarihan at kakayahan ni Anika.
Pero noong bata pa siya, noong hindi pa ganoon kagulo sa Kimbura, may kapangyarihan din na nagpilit mag-penetrate sa atmosphere ng mga tao para kunin si Anika. Alam kong hindi pa si Petunia iyon. Mga kasamahan pa sa incognito group na nagbabalak sirain at muling buuin ang Kimbura. Siyempre ay mga kamag-anak din ni Petunia na may masamang loob. At malaking inggit sa dating napiling maging tagapagmana ng posisyon sa paghahari sa buong Wushimye, sa ama ni Elwood. May bali-balita pa noon na nasa side ng pamilya ng hari ang pumatay sa reyna. Gusto kasing isabotahe ang pamumuno ng present royal family.
Sigurado din akong napakatagal na ng incognito group na iyon at minana nalang ni Petunia ang goal at aim ng grupo. At sa panahong ito ni Petunia palang naisasagawa ang lahat ng masasamang plano.
And back to that day when Anika was still young… something happened. Nakaligtas si Anika. Hindi na ulit nag-attempt ang kalaban at simulacrum nalang ang namamasyal sa dream dimension para hanapin ang mga priestess.
Pero ngayong nagtatangka si Petunia, kailangan kong kumilos. Kung hindi, baka makuha na nga niya ang kapatid ko. Baka magtagumpay na ang masama niyang plano.
Hindi pa ako tuluyang nakakarating ng field nang marinig ko ang malalakas na pagsabog. Ayon na naman ang kapangyarihan ni Ama. Pilit nilalabanan ang kapangyarihan ni Petunia. Mas binilisan ko ang pagtakbo. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang itago isa-sa ang mga mortal? Kasi baka may madamay na namang mga mortal sa nangyayaring salpukan ng mga kapangyarihan. O ang puntahan ang kapatid ko at protektahan? O ang i-locate kung saan nanggagaling ang kapangyarihan ni Ama. Nasaan ba si Ama? Bakit hindi ko maramdaman kung saan iyon nagmumula? Katulad nang hindi ko din maramdaman kung saan nagmumula ang kapangyarihan ni Petunia.
Hindi kaya… hindi kaya katulad ni Petunia, nagpe-penetrate lang din ang kapangyarihan ni Ama sa mundo ng mga mortal? Bakit hindi nalang sila bumalik dito at samahan kami ni Anika? Mas madali naming mapoprotektahan ang isa’t-isa kung magkakasama kami.
Pero baka din, umaasa sila na nasa Kimbura ang solusyon sa mga problema namin. Based sa destiny reading na ginawa sa amin ng isang Wushimyan, magkakasama kami sa mundo ng mga mortal habang nagkakagulo sa Kimbura. Kaya siguro nanatili sa Kimbura ang mga magulang ko, para mabago ang destiny. Baka umaasa sila na kahit paano ay may epekto iyon.
Muli akong nagtatakbo para puntahan si Anika. Mas pinili ko na ang kapatid ko kaysa hanapin ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ni Ama dahil alam ko namang mabibigo lang din ako katulad ng dati. Pero hindi pa ako nakakalapit kay Anika, nagulantang na ako sa nakita ko. Nakalutang na siya sa ere at nababalutan ng napakalakas na tornado air power. Ata lam kong nanggagaling iyon sa katawan niya. Ang portal ng kapangyarihan niya na nagfo-form into tornado ay ang birthmark niya mismo. Kakaiba ito. Pero dahil nasa loob ng katawan niya ang kapangyarihan at hindi pa nagfo-form into weapon.
Sobrang lakas nga pala ng kapangyarihan ni Anika. To think na hindi pa iyon enhance at na-trigger lang lumakas. Ni hindi ko din magawang lumapit sa kanya dahil isinasalya ako ng hangin. Ang kaya ko lang gawin ay protektahan ang katawan ko na sumalya. Ang mga tao sa paligid, mga nakasalya na sa iba’t-ibang bahagi. Sa lawak ng field, at sa dami ng nagtambay na estudyante doon, nalinis ang buong freedom park at mga napunta sa iba’t-ibang bahagi. Ang ikinakatakot ko lang ay baka may mga mapahamak na mga inosente. Talagang wala nang pinipiling lugar si Petunia!
Nang mawala ang tornado blast, unti-unti na ding nagliliwanag ang buong paligid. Nandoon ang mga mata ni Elwood at nanonood sa paligid. Mula din sa mga mata nitong tumitingin sa buong lugar ay lumabas ang green na liwanag at sinimulang ibalik ang lahat sa kung saan huminto. Nakita ko ding binalot ng berdeng liwanag ang mga estudyanteng sa palagay ko mga nasaktan. That’s Elwood’s power. The power to heal…
Hinanap ulit ng mga mata ko si Anika. Balak ko sana siyang lapitan pero naunahan na ako ni Dach.
Ah, hindi na kailangan ang tulong ko rito, umalis na ako. Bumalik na din sa pagtakbo ang oras. Parang walang nangyaring kakaiba. On the way papuntang school cafeteria, nakita ko sa pathway si Chloris. Nakalugmok sa pavement at walang malay. May puting liwanag na nakabalot sa katawan niya pero unti-unti na ding nawawala.
Now I know. Kay Chloris galing ang puting enerhiya. Pero paano? Maliwanag niyang sinabi na hindi siya priestess. Lalapitan ko sana si Chloris pero pahangos na dumating si Elwood at kinarga. Saka mabilis na nag-teleport paalis sa lugar.
Nasaan ang dalawa pa ni Soleih at Ceilah?
Ugh, malamang na nasa hide out ng mga ito.
Walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid. Kailangan na talagang sumama ni Anika sa grupo nina Elwood. Kailangan niyang mapasok na ang hide out ng mga iyon. From there, she was protected. Kung kailan ulit magagawang mag-penetrate ng kapangyarihan ni Petunia sa mortal world, hindi ko alam. At ayoko na sanang maulit pa iyon.
Dach
“CHUBS…”
Lumingon si Anika sa akin pero halos wala pa din sa sarili.
Nasa may veranda kami ng bahay nila at dinadalaw ko siya pagkagaling ko sa school. Sa University namin na walang alam ang mga estudyante sa mga nangyayari.
Matapos ang nangyari sa field no’ng isang araw, dinala ko kaagad siya sa clinic kahit alam kong ‘yong mga bagay na nakita ko, hindi kayang i-explain ng science. Imposibleng maglabas ng tornado energies ang katawan ng isang tao. Pero dahil nahimatay si Anika, alam kong nanghina ang katawan niya. At tama nga ako dahil stress and over fatigue ang diagnosis sa kanya sa clinic. She was suggested to take a rest for a day or two. Hindi ko na iyon kinuwestyon dahil… para saan pa? Walang maniniwala sa nakita ko. Katulad nang wala ding naniwala sa akin noon, fourteen years ago.
Tumitig lang sa akin ang bilugan niyang mata. Hindi na iyon kasing eager ng dati. Nati-trigger na naman akong asarin siya para naman hindi ganitong ang weak niyang tingnan. Ayoko na ganito siya. Mas lalo akong nag-aalala. At idinadaan ko ang lahat sa pang-aasar sa kanya.
Hindi naman talaga siya katabaan. Tama lang ang size niya para sa akin. Natutuwa lang akong asarin siya kasi parating namumula ang mukha niya kapag napipikon. Mandidilat pa ang mga mata. Sobrang cute niya, sa totoo lang. Para siyang anime. Kaya nang malaman ko na nagbabalak na naman magpapayat, sinabotahe ko na. Mas bagay sa kanya ang malaman kaysa mga tingting na estudyante. Puro buto na lang. Masarap umunan sa hita niya kapag nasa mood siyang patulan ang paglalambing ko. Kapag pumayat siya, hindi ko na mae-enjoy ang hita niyang malaman. Parang chickenjoy. Masarap kapag malaman.
Joke lang.
Ang gusto ko talagang sabihin, mas okay para sa akin ang mga babaeng may taba at laman ng konti kaysa mga buto’t-balat. Nakikiuso lang naman ako sa mga kaklase kong naggi-girl hunt ng mga sexy. Press release ko lang din ‘yon para ‘di ako mahalata. Ayokong ipahalata kung ano talaga ang ideal girl ko.
And seriously, I like Anika. I really do. Kung kailan ko pa nasimulang maramdaman iyon, hindi ko na alam. Basta isa lang ang sigurado ko, gusto kong magpaka-superman palagi sa kanya. Kahit pa palagi niya akong tinatarayan, okay lang. I just wanted to make sure she was always fine and safe.
Bagay na hindi ko nagawa noon sa best friend ko na Kuya niya. Si Art.
Oo, aaminin ko na noong una, bumabawi lang talaga ako sa kaibigan ko kaya lagi akong nakaalalay kay Anika hanggang sa paglaki namin. Pero hindi ko alam at hindi ko na namalayan na nakasanayan ko na yata na palaging nandiyan sa tabi niya. Na sinusubaybayan siya. Parang hindi na buo ang araw ko na walang Anika na maaasar o maipagtatanggol sa mga puwedeng manakit at mam-bully sa kanya, kung mayroon man.
At ano ba `yong naramdaman ko pagkakitang masaya siyang kausap ang lintik na Guimard na iyon?
Oo din. Hinanap at ni-research ko pa talaga ang iba pang patungkol sa gym instructor niya. At ano ba `yong pakiramdam na gusto ko siyang ilayo sa lalaking iyon? Ano iyong pakiramdam na natatakot akong baka tuluyan akong ma-itsapwera sa buhay ni Anika? Idagdag pang hindi ko talaga gusto ang karakas ni Guimard. Masama ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. May nase-sense akong kung anong hindi maganda sa aura niya. Though, hindi ko pa gaanong makita. May blocker siya kaya hindi ko makita kung ano ang tunay na kulay niya.
And yes, may kakayahan ako na wala sa mga normal na tao. I just found it out myself, fourteen years ago. At naulit ang same scenario, no’ng isang araw lang. Kay Anika naman ako may natuklasan. Nakita ko ang lahat.
Lahat-lahat.
Nagulantang ako no’ng araw na ‘yon nang ma-realize ko na hindi gumagalaw ang buong paligid. Na parang huminto ang oras. At sumasakit ang birthmark ko sa likod ng kanang tainga ko nang mga oras na iyon. Goosebump just creep in. Para akong ibinalik sa bangungot ko sa napakadaming taon na nagdaan.
Sa tuwing humahapdi ang birthmark ko, alam kong nagpaparamdam na kumawala ang kapangyarihan ko. Kapangyarihang mayroon ang mga may dugong wizard. Bata palang ako, pilit na iyong ipinapaintindi sa akin ni Lolo. Mahirap intindihin. Hanggang sa mamatay si Lolo, paulit-ulit ang mga bilin niya sa akin:
“Pag-aralan mo ang laman ng libro, Dmitri Chad. May malaki kang ambag sa nakatakdang mangyari sa hinaharap. Kaya kailangan mong magpalakas. Kailangan mong palakasin at matutunang kontrolin ang kakayahan mo.”
Translated na daw ang libro from Kimburian language into latin, pero ang instructions ay tagalog. Ewan ko kung ano `yong Kimburian Language. Wala naman sa google kahit anong search ko. Namatay si Lolo na hindi ko pa din gaanong naiintindihan ang mga sinasabi niya. Bata pa ako noon kaya mahirap pang i-digest para sa akin ang komplikadong mga bagay na pilit niyang ipinaiintindi sa akin. Para sa batang edad ko, isang mala-fantasy-action movie ang mga sinasabi ni Lolo at kinaaaliwan ko lang pakinggan. Hanggang sa mangyari nga ang ‘di ko inaasahan, fourteen years ago. Doon ako nagsimulang kwestyunin ang pagkatao ko. Doon ko sinimulang pag-aralan ang librong pamana ni Lolo.
THE BOOK OF SPELL, owned by the half-blood prince.
Hindi ko alam kung sino ang half-blood prince at kung anong klaseng half-blood. Siguro ay half-blood wizard. Maaaring si Lolo dahil siya ang may-ari noon. Maaari ding mga ancestors namin. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hindi kay Mama ipinasa ang libro e’ siya ang anak ni Lolo. At kung ano ba iyong ambag o contribution ko daw sa nakatakda nang mangyari?
“Matagal nang nakasulat ang tadhana mo, hijo. Wala tayong kakayahan na baguhin iyon. Mangyayari ang dapat na mangyari.”
Palagi ko pa ding naaalala iyon. At sa tuwing may mangyayaring kakaiba sa akin, si Lolo at ang mga bilin niya ang palaging pumapasok sa isip ko.
Kaya…nanlaki ang mga mata ko nang mahulaan ang mangyayari sa field ng university namin. Posibleng bang katulad ko din si Anika?
Nang makita ko si Anika na nasa loob ng ipu-ipo, gusto ko siyang takbuhin at iligtas. Pero hindi ko kinaya ang hapdi ng birthmark ko. Hindi ganoon kadaling pigilang kumawala ang kapangyarihan lalo at nati-trigger iyon ng sitwasyon. Napaluhod ako sa sobrang hapdi na parang sinusunog ang balat ko at kumakalat iyon sa buo kong katawan. Kailan ko ba huling naramdaman iyon? Napakatagal na.
Bata pa ako noon. Bata pa kami ni Art noon.
Noong una kong matuklasan ang kakayahan ko. Noong unang beses na matakot ako sa sarili ko.
Matagal bago ako naka-recover sa alaala na iyon. Sa guilt sa lahat ng nangyari. Sa confussion sa kung ano ba talagang uri ako ng nilalang. Madaming taon akong binangungot at sinapak ng konsiyensiya ko. Akala ko nakalimutan ko na. Akala ko natapos na ang masamang alaala at hindi na ulit magpapasilip pa. Pero nagpapasilip na naman ang madilim na alaala. And this time, hindi na lang ako.
Si Anika din.
Natatakot ako. Hindi para sa sarili ko kundi para kay Anika.
Pinakatitigan ko si Anika na kahit nakalingon na sa akin, parang malayo pa din ang iniisip. Halatang litong-lito pa din siya. Confused at natatakot. Visible iyon sa mga mata niya. At katulad ko ba noon, natatakot na ba siya sa sarili o sa mga kakaibang nangyayari? How I wanted to hug her and made her feel like there was nothing to worry about. Because I am just here. Poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong alamin muna ang kung ano ba ang iniisip niya bago ako gumawa ng next move. Bago ko siya i-pacify sa kung anuman ang gumugulo sa isip niya.
Naupo lang ako sa tabi niya sa ibabaw ng kama. Baka naman kasi hindi niya naaalala, katulad nang walang maalala ang mga estudyante na may nangyaring kakaiba ng mga sandaling iyon.
But I doubt it. Hindi ko nakalimutan iyon, baka ganoon din siya.
“Bakit ganoon?” tanong niya sa akin. Halatang litong-lito at naguguluhan.
Alin? Alin ang nakakalito? Ang pagsabog ng energies niya? Noon lang ako nakakita ng ganoon kalakas na kapangyarihan na maski sa panaginip ko walang ganoon. Oo at may natuklasan akong kakayahan ko na maglabas ng malakas na qi para mapagalaw ang mga bagay-bagay, gamit lang ang hangin. Nagagawa ko din i-shape ang air energy sa paraang gusto ko at gawin iyong weapon. Pero ang nagawa ni Anika, it was beyond my expectations. Nakabuo siya ng tornado out of fear and confusion and blast it up above to blew away the other colorful energies—energies that I don’t know where it came from. And that was something.
At dahil doon, alam kong mas dapat ko siyang protektahan. Nag-aalala ako lalo at interested sa kanya si Sir Elwood. Ang weird professor namin na para bang kayang kontrolin ang lahat-lahat. Ramdam ko na iyon sa una palang naming paghaharap. Kahit ako, nahihirapang labanan ang qi niya sa tuwing maghaharap kami. Sumasakit ang birthmark ko sa tuwing makakaharap ko siya. Pero hindi naman ako nagpapahalata.
Gusto kong mahanap ang sinasabi ni Anika na secret door ni Sir. Gusto kong alamin kung ano ang mayroon sa loob ng silid at kung bakit gustong maisama ni Sir si Anika doon. Ano ba ang sekreto nila at para saan ang kung anong organisasyon yata na binubuo nila?
At bakit si Anika? Anong mayroon kay Anika?
“Anong bakit ganoon, Chubs?” Kunwari ay parang walang pakialam na tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ang inaalala niya.
Call it fishing information or whatever. But it was just to protect her.
“Ang panaginip ko. Bakit ganoon? Bakit may tornado ako? Ano ‘yong mga thunder of energies? Bakit may ganito akong mga panaginip? And why they seem so real. It felt so real.”
Hinawakan niya ng madiin ang ulo na parang nagpipilit makaalala. Ang miserable niyang tingnan at pakiramdam ko, mas ako ang nahihirapan. At teka, naaalala niya ang nangyari sa ground ng school? Hindi. Inakala niyang panaginip iyon. Siguro nga ay paulit-ulit niyang napapanaginipan ang nangyari dahil ganoon din ako noon. Paulit-ulit ang bangungot ng nangyari, fourteen years ago. Bukod sa hindi kapani-paniwala ay traumatic.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Dapat ba akong mag-pretend na walang alam? Katulad ng pagpe-pretend ko sa mga ordinaryong estudyante?
Pero kung gagawin ko iyon, baka lalong ma-depress si Anika. Ah, bahala na.
“Hayaan mo na iyon. Panaginip lang. Wala iyong kinalaman sa realidad. Napakaadik mo kasi sa anime, pati mga thunder of energies, napapanaginipan mo na.” Kunwari ay nagtatawa pa ako sa mga pinagsasabi niya.
Ayoko nang mag-alala pa siya. Gusto kong bumalik siya sa dating siya. Ayokong danasin niya ang hirap na dinanas ko bago ako naka-recover sa confusion ko patungkol sa katauhan ko. Hindi pa din siya dapat na ma-engage sa kapangyarihan. Baka kasi hindi niya kayanin ang kapalit at mapahamak lang siya.
Hindi ganoon kadaling i-absorb ang lahat. Lalamunin ng confused self ang whole self dahil sa matinding pag-iisip patungkol sa mga confusing na bagay. It can affect her mind kung hindi rin lang malakas ang will power niya.
Sa naging sitwasyon ko pa nga, sinasabayan pa iyon ng mga mental and emotional tortures. Palaging may boses na nagco-condemn sa akin dahil sa nagawa kong kasalanan. Ang konsensiya ko siguro.
And yes. I am a sinner. At hanggang ngayon, hindi ko pa din napapatawad ang sarili ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakalagpas sa stage of accepting. Lalo pa nga at nilalamon ako ng guilt ko ng mga panahon na iyon. Isa pa, hindi din kasi ganoon kadaling yakapin ang kakaibang kapangyarihan. Hindi din ganoon kadaling tanggapin ang totoo kong katauhan. Ang destiny ko at ang pagiging wizard ko. Ang mga kapangyarihan at kakayahan ko. Dahil may mga kapalit iyon.
Nightmares and astral travelling.
Lumalabas ang astral body o kaluluwa ko sa human body kapag natutulog ako. Napupunta ako sa iba’t-ibang dimensions at hina-hunting ng dark shadow para higupin ang kaluluwa ko. Minsan ay kamuntik na akong nahigop nang may maalala akong spell na nabasa ko sa libro ni Lolo. Ginamit ko iyon at naitaboy ang dark shadow. Pero hindi doon natapos ang lahat. Walang hanggan ang pagtakbo ko sa mga panaginip dahil palagi akong hinahabol ng dark shadow. Hindi na ako makapagpahinga. Kahit natutulog ako, para pa din akong nakikipaglaban. Sa mga panaginip ko, mas madalas akong sugatan dahil may mga lumulusob din sa akin na mga elementong kasamahan ng dark shadow.
Thanked God, hindi nagre-reflect sa physical body ko ang mga sugat na nangyari sa other dimensions na kinaroroonan ko. Pero ramdam ko ang pananakit ng mga bahagi ng katawan ko na nasugatan.
At kailangan kong mag-survive sa mga panaginip na iyon or else, katapusan na ng buhay ko. Na hindi na ako makakabalik sa mundo ko. Hindi ko kaagad na-realize na astral ako noong una, na nasa loob ako ng panaginip at iba ang dimension na ginagalawan ko. Until one time na nakatakas ako sa dark shadow at nakabalik ng bahay namin, tumagos ako sa pader at dumeretso sa silid ko. Doon ko nakita ang sarili ko na natutulog. Halos mabaliw ako noon nang ma-realize kong astral body ako. Astral body ko ang tumatakbo at hinahabol ng mga kakaibang nilalang. Astral body ko ang gustong lamunin ng dark shadow.
Everytime I am not in my real world, para bang it was always a survival of the fittest. Para akong laging nasa eksena na ‘Run For Your Life’. Hindi iyon exaggeration lang. It was real. Natatakot ako, sa totoo lang. Pero wala naman akong choice.
Naisip ko noon, wala nga akong choice kundi tanggapin ang misteryo sa pagkatao ko. Tanggapin nalang ang tadhana ko na pagiging wizard at sundin ang sinasabi ni Lolo na nakatakda na. Baka ganoon din ang dinanas niya. Sayang at wala na si Lolo. Hindi na siya nagising mula sa pagkakatulog.
Wala na tuloy magpapaintindi sa akin ng mga nararanasan ko. Hindi ko naman maasahan ang parents ko. Nagagalit si Mama kapag nagtatanong ako sa kanya patungkol sa kakayahan ni Lolo. ‘Wag ko na daw alamin at hindi ko na daw dapat alamin. Kaya nga palihim ang ginawa ko noon na pag-aaral sa laman ng libro. Nag-self study ako. Kailangan ko iyon para magsurvive.
Kung isang biyaya o sumpa ang kakayahan at katauhan kong ito, hindi ko na alam. Nahihirapan din kasi akong intindihin ang sitwasyon ko lalo pa at wala naman akong ibang mapagsabihan.
At ngayong si Anika naman ang dumadanas ng ganito, gusto ko siyang mailayo sa kaparehong destiny. Ayokong danasin din niya ang dinadanas ko ngayon. Kaya mas mabuting kalimutan na lang niya ang mga naranasan at nakita niya. Baka sa ganoong paraan, maiiwas ko siya sa puwedeng puntahan ng lahat ng ito. Kailangan ko siyang protektahan at mailayo sa sitwasyong kinaroroonan ko ngayon.
Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit ngayon lang lumalabas ang kakayahan niya? Bakit ako ay mula pagkabata? At…
Katulad ko, may Lolo din ba siyang half-blood? Bakit hindi ko alam?
But anyway, mabuti na din na delay ang paglabas ng kakayahan niya. At gagawin ko ang lahat para hindi na iyon tuluyang lumabas pa. That will somehow protect her from the hardships caused by our powers and abilities. The more na ma-delay ang paglabas ng kakayahan niya, the safer she would be.
Nagbuntong-hininga ako. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip. Idinaan ko na lang sa pagbibiro ang lahat. Kailangan ko na ding kalimutan ang lahat at ibalik ang sarili sa kasalukuyang reyalidad.
“Alam mo, Chubs, papayat ka niyan kung palagi kang stress. Nami-miss ko na `yong mapipintog mong pisngi.”
Inabot ko ang pisngi niya at pinisil. As usual, I am pretending to be happy and naughty. Minsan nakakapagod na din. Nakakapagod nang magpanggap na masaya at okay lang ang lahat. Just to protect others from worrying.
Napadaing si Anika at tinampal ang kamay ko. Asar na naman siya pero halatang medyo wala pa din sa sarili. Kailangan kong itodo ang pangungulit sa kanya para tuluyan na niyang makalimutan ang confusions niya patungkol sa “panaginip niya”. The more na mailayo ang isip niya sa eksenang iyon, the better for her.
“Wala akong panahon na patulan ka, Dach ah? Pagkaganitong madami akong pinoproblema.” Mataray na sikmat ni Anika sa akin.
“Ano na naman ba ang pinoproblema mo? Pagpapapayat? Aba! Malaki na nabawas sa timbang mo, tigilan mo na iyan. Magagalit na talaga ako.” Deretsang sabi ko. At hindi na ako nagbibiro. Kapag si Anika ang kaharap ko at may mga bagay akong hindi nagugustuhan, ang bilis magbago ng timpla ko. Lalo pa kung ganitong halata ko na may pinatutungkulan ang pagpapapayat niya.
“Eh ‘di magalit ka. Ano bang pakialam mo kung magpapayat ako? ‘Di ba nga pangit na pangit ka sa katabaan ko?” panay ang irap sa akin ni Anika.
Tumaas naman bigla ang depensa ko. “Oy, wala akong sinabi na mapangit ka, ha? Sexy mo nga o? Coca-cola! Coke in can!” sabay hagalpak.
“Hayup ka!”
Pinaghahampas niya ako sa braso. Todo pang-aasar naman ako lalo. Kinuha niya ang unan at inihampas sa akin sa kung saan na lang ako matamaan. Hinayaan ko lang siya. Pinagtatawanan ko para lalong mabuwisit sa akin. Ang cute niya, sobra! At lalo lang akong naaaliw na asarin pa siya lalo.
Parang bumabalik na si Anika sa usual self niya. Mas mabuti. Dapat na mauwi sa ibang bagay ang isip at atensiyon niya para makalimutan na ang mga nangyari. Gusto ko ngang i-compell nalang siya na kalimutan na ang nangyari. Kaso naisip ko na kung may katulad ko siya ng kapangyarihan, imposibleng gumana sa kanya ang compulsion.
Yes, marunong na ako ng compulsion. Hindi lang naman palaging pagtakbo ang natututunan ko sa tuwing dadalhin ang astral body ko sa ibang dimension ng mundo. May mga kakayahan na kusang lumalabas sa akin habang tumatagal na niyayakap ko ang kapangyarihan. Isa pa nga ay may guide ako na libro ni Lolo. `Yong libro, parang guide ng mga spells pati ang paraan ng pagbigkas ng mga iyon.
Mapanganib pero wala naman na akong ibang pagpipilian. Para manatiling buhay sa parallel world at sa mismong reyalidad. Sa pagbabalik ko sa real world, parang walang nangyayari. Back to normal.
And I used to pretend that nothing preposterous happened. Pakiramdam ko, ako ang taong nabubuhay sa dalawang mundo sa iisang pagkakataon. Gustuhin ko mang mamili na lang ng isang mundo at manatili sa real world, hindi ko magawa. Hindi ko alam kung papaano.
Ah, ‘ayain ko nalang nga si Anika na lumabas. Para maaliw siya, magfo-foodtrip nalang kami.