Dach
INAASAHAN ko nang magiging madilim sa loob ng House of Regrets. Pero hindi ko inaasahan ang mga emosyon. Ang halo-halo at sari-saring emosyon na pumapasok sa loob ko. Nararamdaman ko ang takot, galit, guilt at matinding lungkot ng sabay-sabay. Lahat ng iyon, pumapaibabaw sa akin. Hindi ko na tuloy alam kung paano pakakalmahin ang sarili. Para akong mababaliw sa lahat ng iyon!
Nagpalinga-linga ako sa paligid, wala akong makita. Pinakiramdam ko ang paligid ko. Tahimik. Katulad noong unang beses akong pumasok doon. Hinintay kong marinig ang boses ni Anika. Iyon kasi ang naging batayan ko para makalabas. Para makadaan ako sa door of cleansing at makalabas ng exit door ng House of Regrets. Pero wala akong naririnig.
Pinili kong humakbang. Sa kahit anong direksiyon na lang. Doon ako nagsimulang makarinig ng mga iyak at hagulhol. Mga sigaw ng mga nagagalit at nasasaktan.
“Makasarili ka, Dach! Napakamakasarili mo!”
“Pinatay mo ako!”
“Hindi ka dapat na maging masaya. Dapat kang makonsiyensiya ng panghabang-buhay!”
Natigilan ako. Parang nanlamig ang buo kong katawan. Kilala ko ang boses.
“Art? Art… I’m sorry… I’m sorry, Art!”
Nagsisulputan sa paligid ko ang napakadaming pinto. Pumalibot sa akin. Pero iisa lang ang ipinapakitang eksena ng lahat. Mga eksena sa nakaraan. Ipinapaalala ang samahan namin ni Art noong mga bata pa kami. Kung paano kami naging magkaibigan. Kung paanong naging matibay ang aming samahan. Kung paanong naging napakalapit ng aming mga pamilya. Lahat iyon ay masasaya. Pero biglang nagsanib ang lahat ng mga pintuan at naging isa. Naging malungkot din ang eksena, nagpapakitana iyon ng iyakan habang inililibing si Art.
May isa pang pintuan na sumulpot pero napakalayo noon sa akin. Nagbukas ang pintuan at ipinakita ang nakangiting magandang mukha ni Anika. Kasunod ay mga masayang samahan namin mula pagkabata. Kung paano ko siya inaasar. At kung paano ko siya kulitin hanggang sa paglaki namin. Lahat iyon ay masasaya pero nagbago din nang biglang magbago ang eksena. Ang eksena kung saan sugatan siyang nakasalampak sa lupa habang hindi ko na nagawang itanggi ang kasalanan ko sa kanya at sa kinilala niyang pamilya.
Parang sinuntok ako sa dibdib habang ipinaaalala sa akin ng dalawang pinto ang lahat. Kahit alin sa mga pintuan na iyon, hindi ko magagawang takasan ang nagawa kong kasalanan. Kahit alin ang piliin ko, hindi ko maitatanggi ang nagawa ko na. Paulit-ulit akong tinatadyakan ng konsiyensiya ko. Paulit-ulit ang malalakas na sigawan sa isip ko. Bakit ko ginawa iyon? Bakit ko nagawa sa kaibigan ko iyon?
Napaluhod ako sa kinatatayuan ko. Sa tapat ng pinto na nagpe-play ang libing ni Art pero bumalik ulit sa eksena kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin. Parang paulit-ulit lang na inipe-play mula sa simula hanggang sa wakas ni Art. Parang gusto lang akong i-torture ng mga alaala. Ayaw akong patahimikin dahil wala naman talaga akong karapatan na matahimik ang konsensiya. Hindi ko na magawang lingunin ang pintuan kung nasaan ang eksena nang samahan namin ni Anika. Parang ang hirap nang lingunin. Hindi ko siya magawang piliin dahil malaking bahagi ko ang nagsasabing wala akong karapatang piliin ang magpatuloy sa buhay matapos ang mga nagawa ko sa nakaraan. Oo, nakakulong ako sa nakaraan. At hindi ko magawang lumabas. Hindi ko alam kung paano lalabas.
“Hindi ko iyon ginusto, Art. Wala lang akong choice. Wala talaga akong choice kundi gawin iyon.”
“Kung hindi mo talaga ginusto, baguhin mo ang nakaraan. Iligtas mo ako. Maraming paraan, Dach. Pero hindi ang pagpatay sa akin ang paraan.”
Boses na naman ni Art ang nangibabaw sa buong paligid. Kasunod noon ang paglapad ng pintuan na nagpapakita ng eksena nang araw na iyon. Nang araw na mamatay si Art. Napatayo ako at humakbang palapit doon. Lumalawak ang pintuan hanggang sa tuluyang sakupin ng eksena ang buong lugar. Pero kasabay din no’n ang malakas na pagtawag ni Anika sa pangalan ko.
Anika
“DACH!!! Dach, hintayin mo ako! Andito ako!”
Hindi ko na inabutan si Dach. Eksaktong pagpasok ko sa House of Regrets, pumapasok naman si Dach sa door of decision na pinili niya. At kahit anong gawin ko para mapasok iyon, hindi ko magawa. May blocker na. Wala na akong ibang kayang gawin kundi ang panoodin nalang ang nangyayari sa loob ng pintuan. Sa isang bahagi, nandoon ang isa pang pintuan na nagpapakita ng nakaraang samahan namin ni Dach. Paulit-ulit lang din, mula sa pagkabata namin hanggang sa eksenang nalaman ko ang kasalanan niya sa pamilya ko.
And I don’t know what happened to me. Parang gusto kong maiyak habang pinapanood ang mga flashbacks namin. May isang bagay kasi akong na-realize. Walang ginawa si Dach na hindi para sa kaligtasan at kabutihan ko. Wala siyang ibang ginawa kundi pasayahin ako. Pero ang lahat ng iyon, hindi ko na nagawang pansinin kasi palagi niyang inisi-segue ang mga pang-aasar niya sa akin. He was always there for me. Hindi lang para may mapagkatuwaan kundi para samahan ako sa lahat ng pagkakataon. Hindi nabuo ang mga araw ko na wala si Dach. Bahagi na siya ng buhay ko. At ayokong magpatuloy ang buhay ko na wala siya. Tama si Sir Elwood. Mahal ko si Dach. Siya ang naging sentro ng buhay ko sa mahabang panahon ng samahan namin.
Pero bakit hindi pinili ni Dach ang pintuan na ito? Ayaw na ba niyang ituloy ang kung ano ang mayroon kami? Bakit pinili niya ang nakaraan?
Oh my God!
Babaguhin ba niya ang nakaraan? Ano ang magiging epekto ng mga iyon sa kasalukuyan at sa hinaharap? Kung mababago ba ang nangyari, posibleng masira din ang lahat ng pinaghirapan namin? Ang mga pinaghirapan ng mga kasama namin sa grupo? At higit sa lahat, posibleng hindi na mabuo ang samahan naming ito ni Dach. Dahil siguradong magbabago ang takbo ng mga buhay namin. Nagsimula lang naman kaming maging close ni Dach no’ng mamatay si Kuya. And if he’ll gonna change what had happened, then I might loose him. I might loose Dach…
“No! Dach! No, please. I don’t wanted to loose you, Dach. Mahal na kita eh. Mahal naman na kita kahit noon pa. Mahal pa din kita kahit ang laki-laki ng kasalanan mo sa amin.”
Para akong nasisiraan ng bait na pinaghahampas ang invisible wall sa loob ng pintuan kung saan pumasok si Dach. Mahal ko na siya maski pa may malaki siyang kasalanang nagawa. At kahit pa sabihing pagiging makasarili na piliin kong mangyari ang mga nangyari kay Kuya noon, just to have what Dach and I have now, then be it. To hell with everyone who’ll gonna condemn me for choosing Dach over my brother. Pero hindi ko talaga gustong mawala si Dach sa akin. Hindi ko kaya. Ayoko.
“Please, Dach! Come back here. Hindi naman talaga ako galit sa ‘yo. I can’t truly hate you. Nahirapan lang siguro akong tanggapin ang mga nalaman ko. Dahil ang ibigsabihin kasi noon, kailangan ko ding kalimutang mahal kita. Kailangan kong pigilang mahalin ka.”
Patuloy ako sa pag-atungal ko sa harap ng pintuan na para bang maririnig pa ako ni Dach. Bumalik na nga siya sa nakaraan. At busy na siya sa kung paano niya babaguhin ang nakaraan namin. Wala akong nagawa kundi ang manood at magulantang sa mga nakikita ko.
At mapapatay si Dach ng kaaway! Pati ba naman ang nakaraan, kayang pasukin ng kung sinong masamang elemento na gumagamit sa katawan ni Kuya? O ang mismong emosyon ni Dach ang bumuo no’n? Ang guilt niya ang papatay sa kanya!
Nahawakan ko ng mahigpit ang locket watch kong kanina ko pang kinakapitan sa bawat eksenang napapanood ko. Gusto kong pumasok! Alam kong sobra-sobra na ang pagsisisi niya at hindi naman niya sinasadya ang nangyari.
“Dach! Hindi na siya ang best friend mo. Kalaban mo ang nasa loob niyan. Kailangan mong lumaban!” Napasigaw ako ng malakas habang hawak ng mahigpit ang locket watch ko. Na para bang maririnig pa niya ako. Nasa loob siya ng mga alaala. Mga alaala na palagay ko, nahaluan na din ng pwersa ng mga kaaway.
Nang makita kong nagpapalinga-linga si Dach na parang may narinig, parang nabuhayan ako ng loob. Naririnig ba niya ako? Lalong humigpit ang hawak ko sa locket watch. Posible bang naririnig ni Dach ang boses ko?
At…
Diyos ko! Papalapit na naman sa kanya ang kalaban.
“Focus, Dach! Focus!” sigaw ko pa.
Napakabilis na ng lahat. Wala na akong magawa kundi ang manood. Naiintindihan ko na. Alam ko na ngayon ang dahilan ng lahat. Hindi niya sinasadya at hindi niya ginusto. Pinili niya lang ako, kaya niya nagawa iyon. Even after all this years, palaging ako at ang kaligtasan ko, pati ng mga nakakarami ang pinili ni Dach.
Napahagulhol ako ng iyak. Kasabay din ng pag-iyak ni Dach sa nakaraan. Wala naman siyang kasalanan. Alam kong hindi niya iyon gustong gawin kay Kuya. Wala lang talaga siyang choice kundi gawin iyon.
At mahabang panahon na siyang kinakain ng guilt sa bagay na alam kong hindi niya gustong gawin pero kailangan. Ngayon, siya itong napapahamak.
Gustong-gusto kong makapasok at tulungan siya. Kailangan kong makapasok. Mapapatay si Dach sa loob ng alaala niya! Ipinapahamak siya ng guilt niya. Pero paano ba ako papasok? Paano ko siya tutulungan?
Nagulantang ako nang biglang mawala ang invisible wall na nagsisilbing blocker papasok sa loob ng pintuan. Nagliliwanag din ang locket watch na hawak ko. Hindi ko alam pero baka ang locket watch ang sumira ng blocker. Alam kong may kapangyarihan ang locket watch na ito. Nararamdaman ko. Hindi ko palang alam kung ano. Ang mahalaga...
Makakapasok na ako!
Dach
“DACH! Dach, hintayin mo ako! Andito ako!” si Anika.
Nagpalinga-linga ako at pilit hinahanap ang pinagmulan ng boses ni Anika. Ang timbreng iyon, katulad ng timbre ng boses ni Anika in present time kaya alam kong hindi ang Anika sa panahong kinaroroonan ko ang naririnig ko. Pero hindi ko siya makita. O baka naman hallucinations ko nalang iyon. Gusto ko kasi siyang makita. Gusto ko siyang maramdaman. Gusto kong marinig na pinapatawad na niya ako kahit alam ko namang walang kapatawadan ang nagawa ko.
Bigla akong natigilan nang mapatingin sa kamay ko. Kasinliit ng sa batang sampong taon.
Nasa katawan ako ng batang sampong na taong gulang. Ang ten year old version ko…
“Dach!!!” boses ng batang si Art ang sumunod na narinig ko. “Dach, takbo na!” sigaw pa din ni Art. Tumatakbo siya papunta sa akin. Sabay harang sa akin at sinalo ang kamay ng taya sa laro namin.
“You are save! Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi ka tumatakbo?” Parang nagtatakang tanong niya sa akin na nagsalubong pa ang mga kilay. Pagkuway tinapik ako sa balikat. “Go, Dach! Hindi kita tatayain.” Nakangiting sabi niya at tumakbo na papalayo sa akin. Naghabol siya ng iba naming kalaro.
That was Art. He has a big, big heart. Lalo na para sa akin na kaibigan niya. Minsan nga, naiisip ko na baka isa siyang anghel na bumaba sa lupa sa sobrang bait niyang kaibigan.
“Dach! Bilis! Taya si Makmak!” sigaw na naman ni Art na binababalaan ako. Papunta kasi sa direksiyon ko si Makmak.
Tatakbo na sana ako papalayo dahil sa nagmamadaling boses ni Art nang bigla akong matigilan.
“Huh?!”
Nagulat ako. Nangyayari na! Nararamdaman ko na naman na may kakaiba sa paligid. Bigla ding dumilim ang langit pero alam kong nine-o’clock palang naman sa armwatch ko. Ganoon na ganoon ang pakiramdam ko. Katulad na katulad, fifteen years ago.
Confused.
At natatakot.
Paanong hindi ako mag-aalala, mangyayari na naman. Mangyayari na naman ang bangungot sa nakaraan ko. Babaguhin ko ba ito? Gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero paano?
“Uulan yata! Uwi na tayo.” Narinig kong sigaw ni Art at dumeretso sa kinaroroonan ni Anika. Nang biglang huminto ito. Kasabay ng paghinto ng lahat. Hindi na gumagalaw ang mga tao. Huminto na naman ang oras habang napakadilim ng buong paligid.
Walang mga bituin at buwan sa kalangitan. Nag-total black out at halos wala na akong makita. Hindi ito eclipse, sigurado ako. Dahil hindi naman kailangang tumigil ng oras kung eclipse ang nangyayari.
“Art! Anika! Nasaan kayo?!” sigaw ako ng sigaw kahit alam ko namang hindi nila ako maririnig. Ako lang ang aware sa pagtigil ng oras katulad nang nangyari noon.
Takbo ako ng takbo habang kinakapa sa bulsa ko ang cellphone ko. Binuhay ko ang flashlight noon para hanapin sila. Kailangan ko silang mahanap. Kailangan ko silang makita at mailayo dito bago pa mangyari ang hindi dapat na nangyari noon.
Nang biglang gumuhit ang napakalaking kidlat sa kalangitan. Kidlat na kulay berde. Nanlaki ang mga mata ko. Nagsisimula na!
Kailangan ko nang mailayo ang magkapatid at bahala na ang mundo sa mga buhay nila. Babalik din naman sa normal pagkatapos ng mahabang tagisan ng mga kapangyarihan.
Pero hindi ko pa nahahanap sina Anika at Art nang gumuhit na naman ang isa pang kidlat. Sumalpok ang kulay pulang kidlat sa kulay green. Maglalaban ang mga iyon. Kung noon ay hindi ko alam ang gagawin, ngayon, desidido na akong ignorahin ang mga nangyayari at hanapin ang dalawa. Kung kinakailangan ko silang buhatin palabas ng playground, gagawin ko, mailayo ko lang sila.
Alam kong mapapahamak silang lahat kapag tinamaan ng makukulay na kidlat na iyon. Pero wala akong choice, kailangan kong unahin sina Art at Anika dahil sila ang magiging biktima ng pangyayaring ito.
Kung bakit makukulay ang mga kidlat o kung anong klaseng kidlat iyon, hindi ko din alam. Pero sigurado akong katulad na katulad iyon ng naranasan ni Anika nitong nakaraang buwan lang. Kinakailangan ba talaga na mangyari sa amin ang ganitong delubyo? Bakit kami? Bakit kami ang kailangang makaranas ng mga ito?
Nagpatuloy ako sa paghahanap sa magkapatid. Nakita ko na sila. Naka-freeze ang swing at ganoon din ang tumatakbong si Art. Pero biglang nag-init ang birthmark ko na nasa likod ng kanang tainga ko.
Pitong taon ako nang mapansin ang birthmark na iyon minsang nanliligo ako. Kakaiba. At naka-embossed. Damang-dama ko kapag kinakapa. Kahit maliit, nadadama ko ang hugis at detalye kapag hinahaplos ko. Hindi ko iyon pinapansin noon. Pero ilang beses na din kasi iyong humapdi at parang may nagtitibukang laman sa loob. Hanggang palagi ko nang hinahaplos. At katulad ng pag-iinit na madalas kong maramdaman, mas tumitindi ang init at hapdi ngayon. Parang gustong umalsa ng birthmark ko paalis doon.
Sobrang hapdi talaga na napahawak na ako sa kanang tainga ko. Parang malulusaw ang tainga ko sa hapdi at init ng pakiramdam. Naikuyom ko ang isa kong kamao habang napapaluhod sa damuhan sa tindi ng sakit. Habol ko din ang hininga ko.
Hindi.
Hindi ako puwedeng magpatalo sa sakit at hapdi. Hindi puwedeng maulit ang nangyari noon. Kailangan kong mailayo ang magkapatid sa playground.
Isinalya ko ang matinding takot na unti-unti nang pumapalibot sa akin. Inipon ko din ang napakatinding determinasyon na makatayo ulit. Pero hindi ko na magawa. Napahiga ako sa damuhan na kuyom-kuyom ang palad. May napakalakas na enerhiya na nabubuo mula doon. Hindi ko iyon puwedeng buksan. Iyon ang magsisimula ng lahat. Hindi puwede.
Hindi ko na malaman kung ano ang ikikilos dahil namimilipit na ako sa matinding hapdi. Sa matinding init. Pakiramdam ko, sabay na dumadaloy ang dalawang masakit na damdamin sa buo kong katawan. Para akong sinusunog. Para akong tino-torture.
Napasigaw ako sa tindi ng sakit. At kasabay ng pagsigaw ko, hindi ko napigilan ang pagbubukas ng palad ko. Lumabas mula roon ang kulay dilaw na enerhiya. Ang air power…
God help me! Hindi ko ba talaga mapipigilan ang mga nakatakda nang mangyari? Bakit hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko? Binigyan na ako ng pagkakataon na baguhin ang lahat pero ano itong nangyayari? Bakit hindi ko mabago?
Gulantang akong napatingin sa kalangitan. Nawala ang mga nagsasalpukang makukulay na kidlat. Pero sandali lang iyon. Dahil ang kasunod ay sa direksiyon ko na umaatake ang kulay berdeng kidlat. Mula sa itaas, hahaba ang kidlat paibaba hanggang tumama sa lupa. At papalapit ng papalapit sa akin ang direksiyon ng tinatamaan noon. Kandamulagat ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi na ako makapokus sa alam kong dapat kong gawin. Parang nabubura sa alaala ko ang lahat ng alam kong mangyayari. Hindi puwede. Hindi ko mauunahan ang mga mangyayari. Kailangan ko iyong maunahan. Kailangan kong mauna!
Pero tuluyan nang nabura sa isip ko ang lahat ng nalalaman kong nakatakdang eksena na mangyayari. Tuluyan akong bumalik sa kaisipan ng isang sampong taong gulang.