EKSAKTONG alas-sais na ng hapon nang lumabas si Scylla nang opisina. Kumakagat na din ang dilim pero kailangan muna niyang dumaan sa isang lugar. Magkikita sila ni Theron sa café na napagkasunduan nilang pagtagpuan. It was nice to know that the guy would always find time and have time to see her whenever she needs him. Kahit gaano pa ito ka-busy. Isa rin naman itong abalang tao. He was a businessman too.
Gusto niyang buksan rito ang patungkol kay Lathan. Since marami itong alam patungkol sa mga out of this world creature. Yun nga lang, di naman siya sigurado kung out of this world creature nga si Lathan dahil nakita na rin naman niya ang lalaki. Paano kung may ginagamit lang na magic spell si Lathan kaya nagagawang magparamdam sa kanya na di niya nakikita? That was what she wanted to know from Theron. Kung posible ba iyon?
Pero nang dumating si Theron ay iba ang nabuksan nilang topic. Inatake raw ito ng Succcubus kaninang nakatulog ito sa opisina nito.
Succubus was a demon assuming female form to have sexual intercourse with men in their sleep. Iyon ang paliwanag nito sa kanya. Dahil sa ibinahagi nitong pangyayari rito kanina lamang ay naalala niya ang nakakahindik na nangyari rin sa kanya nang nagdaang gabi. Nakalimutan na niya ang tungkol doon dahil kay Lathan at ngayong binuksan ni Theron ang tungkol sa Succubus na umatake raw rito at naalala na naman niya ang nakakapangilabot na karanasan.
“I was attacked too. Last night.” Pag-amin niya.
“Uggh!” pabuntong-hiningang saad ni Theron. “The one who attacked you was an Incubus.”
“Kung anuman iyon, ayoko nang maka-encounter ulit ang ganoong uri ng demonyo. Paano ko ba siya maiiwasan?”
May kinuha si Theron sa bag nito na organizer like. Pumilas ito ng papel roon at may isinulat. Saka iniabot sa kanya. Napakunot-noo siya. Isa iyong latin spell/chant.
“I hope that spell would help you. Nire-recite ko iyan whenever I’m doing an OBE for protection. Kanina, di ko naman balak mag-OBE. Gusto ko lang mamahinga saglit kaso nakaranas naman ako ng sleeping paralysis kaya inatake ako ng Succubus.”
“Bakit ngayon mo lang ishinare sa akin ito.”
“Kasi alam kong malakas ang pananalig mo sa itaas. Prayers were effective gear. At hindi naman kita naringgan na nilalapitan ka ng mga demons. Pero dahil sinabi mo na inatake ka ng Incubus, dapat ko na ngang ibigay iyan sayo for added protection. Memorize it, okay?”
Binasa niya ng ilang ulit ang latin spell na iyon. Medyo mahirap sanayin ang dila sa spell dahil hindi naman iyon ang lenggwahe niya talaga.
“Anyway, ano nga pala iyong sinasabi mo na ico-consult mo sa akin? Aside from that Incubus?”
Noon siya muling nag-angat ng paningin. Magsasalita na sana siya nang may humawak sa braso niya. Malamig ang kamay na iyon kaya’t dagling napabaling rito ang paningin niya. Malakas na napasinghap siya.
Ang lalaki sa bar! The handsome guy with a pale complexion and a pair of blue eyes. Si Lathan!
“Let’s talk.” Pigil ang pagtitiim-bagang na saad nito.
Hindi agad siya nakapag-react. Hindi niya inaasahan ang eksenang ito. Hindi niya inaasahan na lalapit ito sa kanya para yayain siyang makipag-usap. Namalayan nalang ni Scylla na tumatayo siya habang matamang nakatitig kay Lathan.
“Don’t go, Scylla.” Kamay naman ni Theron ang naramdaman niyang pumipigil sa isang braso niya. Napabaling siya rito. “I felt danger from him.” Mahinang bulong nito sa kanya at mariing nakahawak sa braso niya.
Nakipagtagisan ng titig si Theron kay Lathan. Tila wala itong planong payagan siyang sumama sa bagong dating. Nararamdaman marahil ni Theron ang kakaibang aura ni Lathan. Hindi niya ito masisisi kung maging wary. So, wala siyang choice kundi ang magsinungaling.
“Don’t worry, Theron.” Nginitian niya ang binata ng may kasiguraduhan. “I know him. He is Lathan. May usapan nga pala kami. Sa ibang araw nalang natin pag-usapan yung pakay ko sayo.” Aniya para hindi na ito mag-alala.
Subalit nagdududa pa din ang tingin na ibinigay ni Theron sa kanya.
“Are you sure?”
“Oo naman.” Ngumiti ulit siya.
“Hindi ko siya sasaktan, kung iyon ang inaalala mo. Siya ang pinakahuling tao na maiisipan kong saktan o gawan ng masama.” Sabad naman ni Lathan.
Her heart smiled with his words. Ang sarap pakinggan ng mga salita nito. She was the last person he would think of doing bad things. He will never hurt her. And she believes in that. Her heart was wholely believe in that.
Napilitang tumango si Theron. Humihingi ng paumanhin ang tingin na muli niyang ibinigay sa binata bago sila umalis ni Lathan.
NAHIGIT ni Scylla ang hininga at napahawak ng mahigpit kay Lathan. Matapos nilang makalabas ng café ay sandali itong nagpalinga-linga sa paligid. Pagkuway hinaklit siya sa kanyang bewang. At sa isang iglap ay nasa mataas na bahagi na sila ng building na iyon. Sa pinakatuktok, sa mismong rooftop. Ni hindi niya nagawang mapatili sa sobrang bilis ng pangyayari. Ang tanging nagawa niya ay mapapikit at mapakapit rito ng mahigpit.
Buong panggigilalas na tinunghayan niya si Lathan nang pakawalan siya nito.
“Paano mong nagawa iyon, Lathan?” Halos ayaw pa rin niyang maniwala na totoong nangyari ang naganap.
“So, how did you know it’s me? Hindi mo naman ako nakikita kapag kinakausap kita.” Sa halip na sumagot ay binato rin siya nito ng tanong.
“Simple as I already saw you. In my dreams, and in that particular bar, with your doppel ganger.”
“Hindi lang siya basta doppel ganger.”
“Then ano pala siya?”
Sandali itong natigilan pagkuway tumitig sa kanya ang mga asul nitong mga mata. “Nilalang na kayang gayahin ang taong mahalaga sayo para linlangin ka.”
Nakaramdam siya ng kilabot sa sinabi nito. Ibigsabihin ay maraming alam ang nilalang na iyon patungkol sa kanila para gayahin pa noon si Lathan para lang linlangin siya? Pero bakit? Bakit si Lathan samantalang di nga niya ito naaalala.
“At dahil alam din ng nilalang na iyon kung gaano ka kahalaga sa akin.” Pagpapatuloy nito. “Kailangan mong mag-ingat parati, Scylla. Hindi biro ang pinasok mo mula nang pag-aralan mo ang mag-astral travel. Hindi mo dapat na ginawa iyon.”
Hindi na niya inintindi ang mga pagpapaalala nito. Alam niya na delikado ang mag-astral travel pero kailangan niyang gawin iyon. Bigla niyang naalala ang isang bagay patungkol rito at nang gabing iyon.
“So, hindi imagination ang nakita ko nang gabing iyon? Sadyang mabilis kang kumilos?”
Hindi ito sumagot.
“Sino ka ba talaga? Anong klaseng nilalang ka? Bakit may ganyan kang kakayahan?”
He looks like a human. Pero ang mga kakayahan nito ay hindi pang-ordinaryong tao lamang kaya nasisigurado niyang hindi ito pangkaraniwan.
At sa kabila ng katotohanang iyon ay hindi niya magawang makaramdam ng takot patungkol rito. Ang totoo, parang curiousity ang nagda-drive sa kanya para mas lalong halukayin ang lahat ng patungkol kay Lathan. Hindi niya magawang matakot sa kaalamang may kasama siyang kakaibang nilalang.
May bahagi rin ng pagkatao niya na tila tuwang-tuwa at nasasabik na makasama at makausap ito.
Pero bakit?
“That Theron guy. May relasyon ba kayo?” Hindi na naman nito sinagot ang mga tanong niya.
“We’re friends.”
“Pero parati kayong magkasama. Maski kapag nag-O-OBE ka, parati kayong magkasama. Ginagawa ninyong dating place ang mga astral planes na pinupuntahan niyo.” Bakas ang malaking disgusto sa gwapong mukha ni Lathan.
Hindi niya maunawaan kung bakit napapangiti siya sa reaksyon nito. It somehow felt good seeing him like a jealous boyfriend.
“At masaya ka pa?”
“Hindi ko lang kasi maunawaaan kung bakit kailangan mong magngitngit ng ganyan.”
“Because it’s been three years that I used to stopped myself from seeing you. Alam mo ba kung gaano kahirap iyon? Pagkatapos ay makikita kitang… Ah! Damn! I have no hold in you, anyway. Bakit nga ba ako nagre-react ng ganito?”
Her heart smiled again. Hindi man niya ito naaalala pero sigurado na siyang may espesyal nga siyang damdamin para rito. She could feel it in her heart. Ang pamilyar na pagwawala noon habang minamasdan ang gwapong mukha nito. Ang hindi maipaliwanag na kapanatagan sa kabila ng katotohanang kakaiba ito sa kanya. Alam niya na nakikilala ito ng puso niya. Wala na siyang pakialam kung hindi ito makilala ng isip niya.
She threw herself to him and hugged him. “I have this feeling that I really missed you. Paano ko nagawang kalimutan ang walang kasing gwapong nilalang na katulad mo, huh?” napalabing sambit niya.
Even the gentle response of his embrace felt familiar to hers. No doubt. He was the man her heart loved and still loves. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sa kabila ng mahabang panahon na nakakaramdam siya ng emptiness sa loob ng kanyang puso at maski marami ang nagpaparamdam sa kanya ng interes ay di niya magawang balingan ng atensyon. Sa halip, ibinuro niya ang sarili sa trabaho. Maybe because her heart was longing for a particular person. At ngayong kaharap na niya ang partikular na nilalang na hinahanap ng puso niya, hindi na niya kailangang magdalawang isip pa. Sa katunayan, hindi na niya kailangang isipin at tanungin ang sarili kung talagang mahal niya ito. Alam niyang mahal niya ito.
“You were destined to forget me, Scylla.” Malungkot na sabi nito.
Bigla rin ang pagsakop ng lumbay sa puso niya. Alam niyang masakit para rito na hindi niya ito maalala. Sa dami naman kasi ng pwede niyang makalimutan, bakit ito pa? Bakit ang patungkol kay Lathan pa ang nabura sa isip niya?
“Is there anyway para maibalik ang alaala ko patungkol sayo?”
Malungkot na umiling ito. Napayakap nalang siya kay Lathan.
“Then, ikwento mo sa akin ang lahat. Kung paano tayo nagkakilala.”
“Hindi mo gugustuhing maalala.” Maingat siyang inilayo ni Lathan sa katawan nito. Sa malamig na katawan nito.
Nagtatakang tiningala niya ang gwapong mukha ni Lathan. Malungkot ang mga mata nito. Napakalungkot.
“Bakit mo nasasabi iyan? You said, you believe I love you. And if you do really believe, dapat alam mo na mahalaga sa akin na maalala ko ang lahat ng patungkol sayo.”
Malalim na bumuntong-hininga si Lathan saka nito inabot ang kanang pisngi niya. Marahang humaplos roon ang malamig na likod ng palad nito. Malamig. Parang bakal sa lamig. Nagtaka siya saglit pero naisip na baka dahil malamig lang ang gabi kaya ganoon ang temperatura ng katawan nito.
“Ang totoo, hindi na ako dapat na nagpakita sayo. Hindi ako dapat na nagparamdam sayo. Hindi kita dapat na ginugulo. Pero hindi ko na kasi kaya…”
“Lathan…”
Dama niya ang paghihirap ng kalooban nito. Ramdam na ramdam niya ang mabigat na dinadala nito sa dibdib.
“Dahil ginulo na naman kita, kumokonekta ka ngayon sa kabilang dimensyon ng mundo. At hindi ko na mapapayagan pa iyon, Scylla. Mapapahamak ka lang. Hindi ka kabilang sa mundo ko. At hindi ako kabilang sa mundo mo. Hindi tayo para sa isa’t-isa.”
Sa tama ng liwanag ng buwan ay kuminang ang maliliit na butil ng luha na naglandas sa gwapong mukha nito. Awtomatikong pinunasan niya iyon ng kanyang mga daliri.
“Bakit ganyan ka? Alam mo at naniniwala kang mahal kita. Nararamdaman ko na ganoon ka din sa akin. Pero bakit sinasabi mo na hindi tayo ang para sa isa’t-isa?”
“Dahil hindi tayo pwedeng magsama.”
“Bakit hindi? Magkasama nga tayo ngayon.”
“Limitado ang lahat sa atin. Hindi tayo magkauri.”
Nahampas niya ito sa dibdib. “Bakit ka pa nagpakita sa akin kung ganito na parang gusto mo lang akong itaboy palayo sayo?” Puno ng hinanakit na sumbat niya rito. Pinahihirapan lang siya nito sa ginagawa nito.
“Ayoko nang mapahamak ka pa, Scylla. Kinailangan ko lang magpakita sayo ngayon para magpaalam. Hangga’t nasa tabi mo ako, parati kang manganganib. Lubayan mo na ang pagpasok sa kabilang mundo. Hindi ka kabilang roon, mapapahamak ka lang.”
“Pero—”
Hindi niya natapos ang sasabihin dahil dagli nang sinalakay ng mga labi ni Lathan ang mga labi niya. Malamig ang mga iyon subalit kakaibang sensasyon ang hatid sa kanya, sa buong kaibuturan niya. Naipikit nalang niya ang mga mata habang walang sawang nilalasap ang tamis na dulot ng mga halik nito. Nang pakawalan siya ni Lathan ay nagulat pa siya. Wala na sila sa rooftop ng building na kanina ay kinaroroonan nila. Naroon na siya sa veranda ng silid niya.
Paanong…
“Masaya akong malaman na mahal mo pa rin pala ako. Pero kailangang kalimutan mo na ako. Kalimutan mo na rin ang tungkol sa mundo ng mga nilalang na di mo kauri, Scylla. Kalimutan mo na.”
Bago pa siya makasagot ay tumalon na pababa ng veranda niya si Lathan. Napakabilis din ng mga kilos nito na di niya namalayan kung paanong nagawa nitong mabilis na mawala sa dilim.
Sa halip na kilabot ang maramdaman sa mga nasaksihan ay lungkot at kahungkagan ang sumalakay sa buong pagkatao ni Scylla. Ilang segundo pa lamang ang lumilipas ngunit hinahanap-haanap na niya ang presensiya ni Lathan.
“Anong klaseng nilalang ka ba talaga, Lathan? Bakit hindi tayo pwede?”