NAKA-UPO siya sa pang-isahang upoan habang ang kaibigan ay naka tayo at ang dalawang kamay ay nasa beywang nito at nakatingin sa kaniya.
"Sigurado ka ba talaga sa Plano mo? Nakita mo naman 'yung ginawa ni Kielton diba? Hindi ka man lang niya pinagtanggol o tinulungan. So it means he doesn't care. It doesn't work. Wala kang epekto sa kaniya. He don't like you.." Malumay ang mukha ng kaibigan. Namayani ang katahimikan sa paligid.
" He's Such a heartless Person. So please stop Chasing him. Nasasaktan ka na." Mahina ang boses ng kaibigan na sinasabihan siya. Ayaw siya nitong sigawan dahil alam nitong hindi niya rin gusto na mapahiya siya sa harap ng maraming tao. Hindi niya mapigilan na ma-disappoint sa kadahilanang kinampihan nito ang Babae nitong sinungaling.
"Dapat pa nga maging masaya ako dahil may napapansin akong nagbago sa'yo, which is a good thing. But I can't stand seeing you na sinasaktan at pinapahiya ng Higad na babae na 'yun!"
Nagtaas siya ng tingin sa kaibigan.
" Sunny I need to! Para makita ko ang reakyon si Kielton-"
"-Nakita mo na ang reaksyon niya. Diba walang pake? Napahiya ka pa. Kasi kahit anong gawin mo hindi mo siya mapapaibig sayo!" Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Minsan hindi nakakatulong ang ugali ng kaibigan. Her friend Sunny, is a Straightforward person.
"You're my Friend Claire. You're such a good person. Nilamon ka lang ng galet. Nadala ka sa galet mo kaya naghihiganti ka pero ikaw ang nasasaktan ngayun sa ginagawa mo! I thought you won't let fire burn you? Look at you now. Seems like you are the one who got burn by your own Game. " Napatingin siya sa kaibigan. Hindi niya napansin na nanunubig na pala ang Pisngi niya.
"Hinayaan kita at Sinuportahan dahil Kaibigan mo'ko because that's what friends are for, right? kahit alam kung mali."
She look at Sunny. Ang swerte niya sa kaibigan na kahit gaano katigas ang ulo niya, hindi siya nito pinabayaan.
" Diba tinanung kita dati kung ito ba talaga ang ikakasaya mo, at sinabi mong ito lang. As your Bestfriend, sinuportahan kita kasi I want you to be happy but look at you now." Sunny Look away. Sa kanilang dalawa, siya ang may mabilis na umiyak hindi katulad ng kaibigan na hindi niya pa nakikitang umiiyak dahil hindi nito pinapakita sakaniya na nasasaktan ito. Sunny is not a serious type of person. Mapagbiro ito minsan at madaldal pero kapag pagdating sa pagpapayo sa buhay niya, napakaseryoso nito. It seems like She's her Older sister.
" I want justice for daddy.." Naiiyak na bulong niya.
" We can get that na hindi ka magpapakatanga kay Kielton." Pinunasan niya ang Luha sa Pisngi.
"How?"
"Let's find a witness!" Mabilis na sagot ng kaibigan.
Mapait siyang ngumiti at umiling.
"They are powerful. They can pulled some string. Kaya nilang baliktarin ang katutuhanan. Wala tayong laban kahit na may sampo pa tayong Witness." Aniya sa kaibigan. Kumoyom ang kamao niya at mariin na pumikit. She pursed her lips as she close her eyes while her tears continued to fall down to her cheeks.
"Hindi ko man sila maipapakulong, gagawin ko namang miserable nag buhay nila." Naramdaman niyang lumapit ang kaibigan at niyakap siya. Dahil sa ginawa ng kaibigan ay napangiti siya. Bukod sa Mommy niya ay meron din siyang Kaibigan na palaging nasa tabi niya na ipinaparamdan na hindi siya nag-iisa.
"Masama na ba ako?" Basag na ang boses na Tanong niya sa kaibigan.
"No. Nilamon ka lang ng Galet mo at Nasaktan. Basta ipangako mo sa'kin na wala kang idadamay na inosente." Hinagud nito ang Likud niya na pinapatahan. Tumango siya.
"I promise."
"Nandito lang ako." Mas naiyak siya sa sinabi ng kaibigan.
"Just distance yourself from Kielton kahit sandali lang. Para ma realize din niya ang ginawa niya sayo." Ani ng kaibigan. Tipid siyang ngumiti at tumango.
NAGISING siya ng mag ring ang cellphone niya kaya agad niya itong inabot at kaagad na sinagot.
"Hello? This is Claire Santiago speaking-" Natigilan siya ng marinig ang boses sa Kabilang linya. Mr. Hildon Salmonte- Kielton's Secretary .
"Mr. Salmonte? Is this all about Kielton? Kung may problema man tungkol kay Kielton, why don't you call his Girlfriend?" Napairap siya ng binagit ang Salitang 'Girlfriend'.
"I'm sorry to disturb you Miss Claire but can I ask you a favor?" May pag-aalinlangan sa boses nito.
"May Out of town for business na dadaluhan si Kielton ngayun pero hindi ako makakasama dahil May Emergency kasi sa amin sa probinsya." Bitin na Sabi nito. Balita niya parang pamangkin na ang turing ni Mr. Salmonte kay Kielton.
Sa una ay Naguguluhan siya sa kung anong ibig sabihin nito kapagkuwan ay na gets niya.
Siguro ipapasabi nito kay Kielton na hindi ito makakapunta. Pero bakit hindi ito ang tinawagan niya? Siguro busy sa babae nito kaya hindi sinasagut ang tawag?
Napairap siya ng maalala ang Higad na babae.
"Why don't you call him Mr. Salmonte?" Ayaw niya pa makita ang lalaki. Lalo na ang Babae nito.
"I tried to call him but he doesn't pick up the call." Parang hindi mapakali ang boses nito.
" Anong silbi ng higad niyang babae kung ganun." Bulong niya.
"I'm sorry Miss Santiago, Who's Girlfriend?"
" Hindi ba niya Girlfriend 'yung babaeng kasama niya last night Mr. Salmonte?" Walang buhay niyang tanong.
Ilang segundo bago ito sumagot.
"Si Ma'am Kathrine? Kielton doesn't like clingy lalo na kapag may meeting siya tapos palaging naka buntot sakaniya Si Kathrine." Napataas ang isang kilay niya. Anong klaseng babae ba 'yun at parang isang Shoes Glue. Mukha na ngang Paa, malagkit pa kung makadikit.
" Can I ask you a favor Miss Claire?" She Sighed.
"Okay. What is it Mr. Salmonte?"
"Kindly tell Kielton that I can't be with him kasi Kailangan ako ng pamilya ko sa probinsya. Please? Miss Claire thankyou so much in advance. " Shoot! Sabi na nga ba e.
May bahid ng pag-asa ang boses nito. Napag isip-isip siya. Ang buong akala niya ay mahihirapan na siyang makalapit rito dahil nga galet ito sa nangyari kagabi. Nasira ang birthday party nito Because of what she have done last night.
Is this the sign? Should she grab this opportunity? Wala namang mawawala kapag ginawa niya 'yun. Katulad nga ng sinabi niya, hindi siya tititgil hanghat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
"Don't worry Mr. Salmonte. Ako na ang bahala." Thankyou for giving me this opportunity. She will try her best at kapag hindi talaga, tsaka na siya titigil. Hindi niya sasayangin ang oras at panahun niya sa mga bagay na alam niyang wala ng pag-asa.
"Thankyou Miss Claire! Malaking utang na loob ko 'to sa'yo." Masayang sambit nito.
" No worries Mr. Salmonte. Pupuntahan ko siya agad ngayun." Aniya.
"Maraming salamat ulit Miss Claire." Anito na may bahid ng saya ang boses. Nagpaalam siya bago pinatay ang linya at napatingala. Huminga siya ng malalim at tumango. This is it!
Kaagad siyang Umalis sa kama at mabilis na nag ayos tsaka pumunta sa kusina para kumain at pagkatapus ay umalis na siya ng bahay at nagmaneho gamit ang kotse niya patungo sa Kompanya ni Kielton.
Nang makarating siya ay nagmamadali siyang pumasok at nasalubong ang isang babaeng may dalang maraming mga Papers na parang hinihintay siya.
"Good morning!" Masayang bati niya rito.
"Good Morning Ma'am Claire. Sinabi po ni Secretary Salmonte kanina na ibigay ko raw ho sainyo itong mga papers. Nandito na ho ang Schedule ng mga appointment ni Sir Kielton at ang mga important files na kakailanganin for the presentation." Tumango siya at tinanggap iyon.
"Okay. Thankyou!" Nginitian niya ito bago pumasok sa loob ng elevator.
Nang Bumukas ang elevator, kagad siyang lumabas at malalaki ang hakbang na naglakad patungo sa Office nito dahil baka hindi niya na ito maabutan ang binata pero napatigil siya sa paglalakad ng makita si Kielton na may kasamang mga lalaki na naka soot ng Corporate attire. He is
Naglakad siya palapit rito at ngumiti ng malapad. Nakatingin lang sa kaniya si Kielton habang ang lalaking kausap nito ay napatingin sa kaniya at nginitian siya.
"Oh.. Good morning! You must be Mr. Echavez Secretary?" Natigilan siya sa tanong nito pero hindi parin nawala ang kaniyang ngiti. Napatingin siya kay Kielton na nag isang linya ang kilay.
"Yes Sir. I'm.. Clarisse Wilson. Mr. Echavez Secretary." Mas lalong lumapad ang ngiti ng matanda at tumango. Good thing hindi siya kilala nito pero hindi parin niya sasabihin ang totoong pangalan dito dahil baka familiar ang pangalan niya.
Palagi pa naman siyang nasa Articles.
Hindi siya nakatingin Kay Kielton, pero alam niyang hindi maipinta ang mukha nito ngayun dahil sa sinabi niya.
"Nice to meet you, Clarisse."
"So Nice to meet you too Sir." Pabalik na bati niya at tumango naman ito. Tinignan niya si Kielton na kanina pa seryosong naka tingin sa kaniya na para may nagawa siyang kasalan at kailangan niyang magpaliwanag.
"Shall we go now? The chopper is now already waiting for us outside." Tumango si Kielton pero ang mata nito ay nakatuon parin sakaniya. Nilampasan siya nito at bago pa maka layo ay nagsalita ito.
"Let's go." Napangiti siya at kaagad na sumonod rito.
"Why did you say that?"
Nakatingin ito sakaniya na Nakasimangot. Nasa loob sila ng iisang silid ng Isang hotel sa California. Naiinis ito hindi lang dahil sa sinabi niya kaninang Sekretarya siya nito kundi dahil isa lang na room ang na book ni Secretary Salmonte para sa kanila. Bakit parang ito pa ang ayaw na magkasama sila sa iisang room? Kung maka react 'to Parang ito ang babae sa kanilang dalawa.
Sabagay sanay na siyang tinutulak siya nito palayo.
Prenti siyang Naka upo sa gilid ng kama niya. Iisang room lang sila pero syempre magka-iba ng kama. Mag-aalburoto ito kapag magkatabi sila. Parang allergy ito sakaniya. Ayaw nitong maglapat ang katawan nila. Ni hibla ng buhok niya ay ayaw nitong mahawakan. This is her first time na ayaw sa kaniya ng isang lalaki. Some of men like her but Kielton is not part of those men na patay na patay sa kaniya.
He's always wearing that poker face and Avoiding her everytime na lumalapit siya dito but that doesn't make her Lose her interest on him. Instead it makes her more Interested towards him.
Weird but she can't deny the fact that even with that Attitude of him, she still find him Attractive and Cute. Kahit minsan ay nakaka offend na ang mga sinasabi nito but She need to endure it all. She need to be used to it. She's the one who need him. She should not get affected in everything he says.
" I was caught off guard! You know, I'm sorry." But she doesn't sound sorry at all. Sinalubong niya ang mabigat at Seryoso nitong tingin.
"Pero bakit hindi ka umangal?" Dagdag niya.
"What's the use? You already introduce yourself. My business partner already know you as my secretary." Anito at Umiling. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng Slacks niya at nag tipa bago inilapat iyon sa kaniyang tenga. Napangiwi siya. Tinawagan nito ang sekretary nito na si Mr. Salmonte. Parang nagkikipagtalo pa ito sa kausap sa kabilang linya at napasinghap matapos nitong patayin ang linya at hinarap siya.
"I can be your Secretary for a mean time. Gagawin ko lahat ng utos mo. I will do my best para maging qualified ako as your new Secretary." Aniya at Napahalukipkip.
"At sa tingin mo kakayanin mo 'yun? No. I'd rather choose not to have a Secretary at all kung ikaw naman ang magiging sekretarya ko. " Napataas ang sulok ng labi niya.
"Just give me a Chance to be your Sexy-tarya, please? "
"Sexy-tarya? " He looked at her From Head-to- toe without any emosyon in his face. Nakita niya kung paano ito natigilan at napatingin sa malulusog niyang dibdib. Umigting ang panga nito at Napakurap kurap bago nag-iwas ng tingin.
"Nothing special. J-just normal. You're just a plain woman. Nothing more." Simpleng sambit nito. She pursed her lips as she stare at his Eyes. Pilit na Pinipigalan ang ngiti na kumawala dahil sa nakita niya. Does she have effect on him? Or she's just Hallucinating?
Tinitigan niya ng marahan ang mga mata nito na walang nakikitang emosyon. Hindi niya alam kung Nagsasabi ba ito ng totoo o nagsisinungaling.
Siya kaagad ang unang umiwas. She can't stare at him any longer dahil pakiramdam niya ay malulusaw siya sa paraan ng pagtitig nito sakaniya.
"Give me your reason why do you want to be my secretary? Why would i let you to be my secretary even when I know that You have hidden agenda to your boss?" Natigilan siya at tumaas ang sulok ng labi.
"I want to learn new things and you know, I have't experience the life of being a secretary." Lihim siyang nagdadasal na sana ay gumana ang dahilan niya rito. Her main reason is that it's easy for her to Be with him without any excuses because she is his Secretary.
He chuckled.
Even his Chuckled sounds sexy!
The whole room was dominating with his Scent. Naglakad ito palapit sa kaniya habang nakataas ang sulok ng labi.
"Easy to say but it's not that easy. I'll make it even more harder for you. Kaya mo bang panindigan ang sinasabi mo?" Sinalubong niya ang tingin nito. Hindi alintana ang panghahamon sa boses nito.
"What if I say yes, Mr. Echavez?" Pagkasabi niya nu'n ay May nakaplaster na ngiti sa kaniyang labi kahit sa loob niya ay kinakabahan siya sa paraan ng pagtitig nito. He has that dark aura na kahit titignan ka lang niya ay parang manghihina ka.
Wala siyang natanggap na salita pa mula rito. Mariin lang siya nitong tinitigan bago siya nito tinalikuran at nagtungo sa pintuan at binuksan na walang pasabing Lumabas . Tsaka palang siya nakahinga ng maluwag ng makalabas ito. Hindi niya namalayan na kanina pa siya nagpipigil ng hininga.