Chapter LTFC 12

“BREAKFAST, medicine and your schedule for the day are ready,” nakangiting sabi ni Lexie at inilapag sa mesa ang plato ng fried egg. Nakahanda na rin ang gamot nito na iinumin matapos mag-agahan at ang tablet na may nakasulat na schedule nito para sa buong araw.

Bandang alas sais ng umaga nang gumising si Aiden. Pupungas-pungas pa itong lumabas ng kuwarto habang magulo ang buhok. Mahimbing naman siyang nakatulog nang nagdaang gabi habang katabi ito. And true to his word, he stayed on his side of the bed.

Kinusot nito ang mata habang pinagmasdan siya. “Bihis ka na agad?”

Kampante siyang ngumiti. Suot na niya ang gray pencil skirt at white ruffled blouse na pinatungan lang niya ng apron. “For once, ako naman ang nauna sa inyo.” Sinalat niya ang noo ng lalaki. “Di na kayo masyadong mainit. But how are you feeling, Sir?”

Umupo ito sa dining table. “Better but a bit dizzy. Lalo na kung may nakahanda nang agahan sa akin paggising ko pa lang.”

“Kaya na ba ninyong magtrabaho, Sir? Pwede ko namang I-adjust ang schedule ninyo,” aniya at dinampot ang tablet.

“Kaya ko na ang sarili ko. Thanks for taking care of me.”

“Basta kapag hindi kaya, huwag ipilit,” paalala niya. “Gusto ba ninyong ako na ang maghanda ng isusuot ninyo sa opisina?”

Umangat ang gilid ng labi nito. “That’s so wifely. Ikaw ang naghanda ng breakfast ko, mag-check kung may sakit ako at maghahanda ng damit ko.” Ginagap nito ang kamay niya. “Will you marry me?”

Muntik nang mabitawan ni Lexie ang hawak na tablet. Tumirik ang mga mata niya nang makita ang ngiti sa mga mata nito. “Hindi wifely ang ipaghanda kayong isusuot sa opisina, Sir. Mas feeling ko yaya ninyo ako.”

Lumungkot ang mukha ng lalaki. “You are making me feel like an errant five-year old boy.”

“Then behave. Wala tayong magiging problema kung hindi matigas ang ulo ninyo, Sir. Kung may sakit pa rin kayo at magpipilit pumasok ngayon, isang linggo kong iki-clear ang schedule ninyo at ire-report ko kayo kay Sir Amadeus.”

Tumaas ang kilay ng lalaki. “Do you have some sort of connection with my brother?”

“Wala,” tanggi agad niya. Hindi nito dapat malaman na may secret deal sila ng kapatid nito. Nagsisimula pa lang siya sa pakikibaka. It would be a long way to go before she achieved it.

They were discussing his schedule when she received a call from Florida. “How are you, hija?”

“I-I am good. Nandito po ako sa condo ni Sir Aiden. We are heaving breakfast. Magaling na daw po siya kaya pwede na siyang pumasok sa office.”

“Sabay kayong papasok?” paniniyak nito.

“Yes. We are just discussing his schedule for today. May ipapasabi po ba kayo? I can pass the phone to him.”

“Yes, please,” sabi nito sa tonong kinakabahan.

“Gusto daw kayong makausap ni Ma’am Florida, Sir,” sabi niya at ipinasa ang telepono kay Aiden.

Nagliwanag ang mukha ng binata nang kausapin ang matandang babae. “Hello, Tita! Yes. I don’t’ think I have a need a new one.” Humalakhak ang binata at lumingon sa kanya. “Don’t worry. She’s in good hands. See you later.”

Tatawa-tawa pa rin ito nang ibalik ang cellphone sa kanya. “Okay lang daw ba na pumasok kayo sa opisina, Sir?”

“Hindi naman ako ang kinumusta ni Tita. She’s actually asking about you.”

Tumaas ang kilay niya. “Bakit ako?”

“My brother is actually checking if you are okay.”

Ikiniling niya ang ulo. “Hindi naman ako nahawa sa sakit ninyo. I guess, I am okay.”

“Nope. Gusto nilang malaman ni Tita Florida kung kailangan ko ng bagong assistant.”

Napaubo siya. “A-Are you going to fire me?”

“Sabi ko hindi. After all, you didn’t seduce me. Hindi mo ako sinamantala habang may sakit ako. Unless that is your strategy to make me fall for you. Ipapakita mo sa akin ang good side mo, aalagaan mo ako, I will put my guard down them bam!” Isinuntok nito ang kamao sa palad. “You will seduce me at my weakest time or you will expect me to fall for you.”

Tumirik ang mga mata ni Lexie. “Sir, hindi ko alam kung anong ginawa sa inyo ng mga dating assistant ninyo. But do I look like a lovestruck girl to you?”

“I am not sure. May magagaling magpanggap.”

“So you fired those former secretaries for trying to seduce you or make you fall for them?”

Nagkibit-balikat ito. “Frailties of a woman. Hindi naman talaga ako ang gusto nila. They want the status as my girlfriend maybe, the money or sometimes my brother. He is the wealthier and more popular dela Merced after all.”

She snorted. “What a pity. You sell yourself short. Hindi ba ninyo naisip na baka in-encourage ninyo ang mga babae na iyon para magkagusto sa inyo? You are the more likable dela Merced.”

Napamaang ito. “So, it is my fault now?”

“Kung araw-araw ba naman ninyong padalhan ng bulaklak at lumalabas gaya ng ginagawa ninyo sa akin, iisipin talaga ng mga iyon may gusto kayo sa kanila.”

“Ikaw lang ang niyaya ko na lumabas at pinapadalhan ko ng bulaklak. And I don’t see you falling for me.”

“Bakit ninyo ako pinapadalhan ng bulaklak at niyayayang lumabas?”

“I was hoping it could make you feel better. Your desk is boring and too stiff. Sinabi sa akin ng kaibigan mo na di ka mahilig maglalabas. Kaya niyaya kitang lumabas. Anong klase namang boss ako kung hahayaan kitang magmukmok lang?”

“Not part of your job, boss.”

“I did it out of the goodness of my heart.”

There was a mix of wonder and irritation in his tone. Hindi ba ito ang tipo na nagte-take ng responsibility o may kababaan ang self-esteem nito para isipin na ang kapatid nito ang hinahabol ng mga kababaihan?

“See? You are too nice. Sir, iniisip ba ninyo na kung wala kayong pera, o hindi ninyo kapatid si Sir Amadeus, hindi kayo magugustuhan ng mga babae? You are way too nice to everyone. At para sa ibang tao, mas importante iyon kaysa laman ng bulsa ng isang tao o kung sino ang koneksiyon niya,” paliwanag niya dito.

“So you are telling me that I am still a catch even if I am not that rich or good-looking.”

“Bonus na lang na mayaman kayo at guwapo, Sir.”

Naniningkit ang mga mata siya nitong pinagmasdan. “Binobola mo ba ako or maybe you are falling for me. Which is which?”

Natigilan siya. She was attracted to him. That was a given and he didn’t have to know about it. But falling for him? She didn’t want to entertain that thought.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.