“Do you think this proposal will work? What if I fail and my brother tells me that I am wasting the company’s time on this.”
Hindi mapakali habang palakad-lakad sa loob ng kuwarto nito si Aiden. Naabutan ito ni Lexie na tanggal ang coat at kinakalas ang necktie. Isang oras na lang ay magpe-present na sila sa harap ng board of directors. Aiden had major stocks with the company. Isama pa ang malaking proposal nito na maaring makapagpabago sa takbo ng Brava International Hotels and Resorts.
Dala niya ang iPad para I-review nang isa pang beses ang presentation ng binata. Ibinaba niya ang iPad sa desk nito at hinawakan ang balikat ng binata. “Sir, relax. Pati ako ninenerbiyos sa inyo.”
“This is really a big deal for me. You know that.”
Ito ang unang beses na magpe-present ang binata sa harap ng mga director ng kompanya. Ito ang unang beses na ia-assert ng binata ang sarili bilang parte ng kompanya at bilang isa sa may-ari nito. His first real project if it would push through. Hindi proyekto na mula sa predecessors nito at ipagpapatuloy lang ng binata.
Pinisil ni Lexie ang balikat nito. He was really tense. “Our figures are solid. You just need to relax and trust your idea.”
“This is silly. My brother may not agree. Last time I tried to suggest something in front of the board, he shot me down and they laughed at me.”
He had every right to be nervous. He haven’t proven himself yet. Always on his brother’s shadow. While she thought Aiden was always cool, hindi niya inaasahan na tinatalaban ito ng pagiging inmidating ng kapatid.
“It doesn’t matter. This is our job. Hindi ka naman haharap sa kanila para lang sa sarili mo. It is for the company. Relax. I am sure kapag narinig ng mga director ang proposal mo, hindi sila basta-basta makakatanggi. At least you will try. Impress them.”
Pero parang wala itong narinig. “I need some fresh air. I will be back tomorrow. Call my brother and tell him I am not feeling well.”
Lexie felt lightheaded. Hindi alam ng dalaga kung joke lang o hindi na kinabukasan na ito babalik. Pero namumutla ang binata. He wanted to escape. At itatapon nito ang ilang buwan nilang trabaho at overtime dahil lang natatakot ito na mapahiya sa kapatid nito.
Hinatak niya ang braso ng binata. “You are not leaving.”
“Let go. Sandali lang ako.”
“Sandali lang ba ‘yung bukas na? No! Dito ka lang!”
Wala silang balak na pakawalan ito. At alam niya na tatakasan at tatakasan pa rin siya ng binata. Di siya papayag na masayang ang lahat ng pinaghirapan nila.
Yumakap siya sa leeg nito at hinila palapit ang mukha sa kanya. Then she slammed her lips against his. Nanlaki ang mata niya and she could also see the shock in his eyes. She kissed him. She was really kissing him. Ano bang pumasok sa utak niya at basta na lang niya itong hinalikan? Nababaliw na ba siya?
She was about to pull away from him when his lips sensuously moved, skimming and teasing her lips. She thought kisses could be overrated. Na hindi naman siya basta-basta maaapektuhan kapag naranasan niya. But he conquered her senses. He tasted wonderful.
Natutop niya ang labi at di magawang salubungin ang tingn ng dalaga nang maghiwalay sila. “Sorry, Sir. Hindi ko kayo dapat hinalikan.”
“But you did,” he said in an amused voice.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. It was still sensitive from his kiss. “Aalis kasi kayo. Baka naman ako ang bugahan ng apoy ni Sir Amadeus kapag di kayo humarap sa meeting nila,” aniya sa nanginginig na boses. “Galit ba kayo, Sir?”
Naalala niya na ayaw nito ng office fraternization. Ayaw nito sa babaeng nang-aakit o naghahabol dito. Kung magiging isyu sa lalaki ang halik na iyon, both of the would crush and burn before a huge presentation. Nope. It would reflect badly on her career. At lalong di matutuwa ang kapatid ng binata.
Inunat nito ang dalawang kamay at ngumiti. “Nope. I am feeling better now. Hindi na ako kinakabahan.”
“I am not in the habit of kissing my boss or anyone,” aniya sa seryosong boses. “Just so you know, I was not trying to seduce you. Gusto ko lang na mag-focus ka.”
“I know. You are not,” kaswal na sabi ng lalaki. “Must be your first kiss.”
Yeah, great! Thank you. Kailangan talagang ipagdiinan na first kiss ko? Ganoon na ba ako kahalata?
Itinaas niya ang noo. So what kung first kiss ko?
“And you kissed me back…” aniya at maasim na ngumiti. Baka mamaya ay ipaako nito ang lahat ng responsibilidad sa paghalik niya dito.
Pinisil nito ang baba niya. “I want to make it good for you. Baka kasi mamaya ipagkalat mo na hindi ako marunong humalik. That would be damaging for my reputation. It would ruin me.”
“Hindi po ako kiss and tell.”
“So, you are free to kiss me again if you are nervous. I don’t really mind. Lalo na kung makakatulong sa pagsalba sa akin at sa ganito kalaking presentation. Kissing therapy is the best stress reliever ever.”
He was teasing her. She should be glad. Hindi ito nagalit sa kanya. Pero uulanin naman siya nito ng panunukso. Siya naman ang gustong tumakas ngayon. How could she function if things are awkward?
Umingos siya sa binata at dinampot ang iPad. “Hindi ka na makakaulit.”
“Damn! Kinakabahan na naman ako.” Kinuha nito ang palad niya at ipinatong sa dibdib nito. “Can you feel how much heart beats fast under your palm? I need you to calm me down. Kiss me.”
Binawi niya ang kamay dito. “Hindi na kita hahalikan, Sir. Gugulpihin na lang kita. Magseryoso na kayo, Sir. I-review na natin ang proposal ninyo.”
Bumuntong-hininga ang binata at umupo sa desk nito. “Fine. Kundi ka lang malakas sa akin.” Nagdi-discuss siya dito tungkol sa mga figure na ipe-present niya nang mapansing nakangiti ito sa kanya habang nakatitig sa labi niya. No weird smiles. And forget about the kiss.”
“What?” painosenteng tanong nito. Pinanlakihan niya ito ng mata at napailing ang binata. “Minsan mas Hitler ka pa kay Kuya Amadeus.”
That kiss was an experience no matter how wonderful must not be repeated again. Unless she’s not working for Aiden anymore. And she really loved working for him. She must not ruin this chance.