Chapter 14

NAGSISIGAW SI KAREENE DAHIL dumamba sa katawan niya si Geoff at tinatangka siya nitong halikan. Itinutulak niya ito ngunit patuloy pa rin ito sa pagtatangkang halikan siya. Umiiyak na siya dahil hindi na niya alam kung paano pa ito labanan. Mas malakas na ito ngayon na para bang nasasapian na ito ng demonyo at wala na lang para dito ang panlalaban niya. Muli siyang tumawag ng tulong.

Nauubusan na siya ng lakas dahil sa kakasigaw at kaiiyak. Pakiramdam din niya’y nangingimi na ang katawan niya dahil nauubusan na siya ng lakas. Nahihilo at nasusuka na siya dahil sa ginagawa ni Geoff.

“Geoff, please...” pagmamakaawa niya kay Geoff. He was all over her already—kissing her and tearing her clothes off.

“Kung nagpakabait ka lang sana sa’kin, hindi na sana tayo aabot sa ganito. ‘Wag kang mag-alala, Kareene. I’m sure magugustuhan mo ang gagawin ko,” manyak na sabi nito. Itinulak niya ito ngunit sinampal siya nito. Napaigik siya sa sakit dahil malakas ang pagkakasampal nito sa kanya.

Sandaling umalis ito sa ibabaw niya at may kung anong inabot sa glove compartment nito. Pagharap nito sa kanya’y tinutukan siya nito ng isang baril. Napasigaw siya dahil sa takot. Ngunit hinarangan ng kamay nito ang kanyang bibig.

“’Wag kang maingay, Kareene. Kung sana’y pinadali mo lang ang lahat, magiging maayos sana tayo. Nagpakipot ka pa kasi,” anito. Hindi na ito ang Geoff na kilala niya.

Lumabas na talaga ang tunay nitong kulay at kahit kaila’y hindi niya iyon magugustuhan lalo na’t nangyari ang ganito sa pagitan nila. Sisiguraduhin niyang makukulong si Geoff. Pagbabayaran niya ito.

Please Lord, tulungan N’yo po ako, piping dalangin niya sa Panginoon.

Tangkang hahalikan muli siya ni Geoff ngunit hindi iyon natuloy dahil may humila rito palabas ng sasakyan. May tumulong sa kanya! Salamat po, Lord!

Bumangon siya at inayos ang sarili pagkatapos ay tiningnan niya kung ano ang nangyayari sa labas ng sasakyan. Nakita niya ang isang lalaking naka-full black attire na nakikipaglaban ng suntukan kay Geoff. Ilang suntok lang nito ay natumba na si Geoff. On instinct, she rushed towards them. Una niyang tiningnan si Geoff na walang malay na nakahandusay sa semento. Pagkatapos ay nag-angat siya ng mukha upang tingnan ang kanyang tagapagligtas.

She met the gaze of the most dangerous grey eyes she’d ever seen and got her heart beat wildly. Hindi niya maipaliwanag ang gaang nararamdaman ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung dahil nailigtas siya sa kapahamakan ng taong ito o ito mismo. Basta pakiramdam niya ay naging maayos ang lahat ng dumating ito. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.

He sure was gorgeous—in a very bad ass-type way gorgeous. From his strong stance to his well-built body that was about six-foot tall, this guy was exceptional. Mukha banyaga lalo na’t may kulay abo itong mga mata na dahilan kung bakit titig na titig siya rito. Plus, his sensual lips. Manipis lang ang mga labi nito at tila may hati pa sa gitna ang pang-ibabang labi nito. But there was something about him that spells danger. Hindi niya alam kung iyon ay iyong tindig nito o ang mga mata nito o ang paraan ng pagkilos nito.

When she saw him look at her straight in the eyes, she felt like everything had frozen into place. Something inside her stirred while she’s watching him walk through her. Something inside her ached for him. His eyes seem to see through her. And if she may describe him other than dark and dangerous, it would be sex. He had that kind of body which would make women ache, mouth that’s made for pleasure and he has incredible sex-eyes.

Sex-eyes? May gano’n ba? anang isang bahagi ng isipan niya.

Well, hindi ko alam kung paano siya ide-describe at ‘yon ang nararamdaman ko eh, aniya sa sarili. Ito ang mga napapala niya sa kababasa ng erotica novels na uso sa panahon ngayon. Ang mga iyon kasi ang pampalipas-oras niya.

You’re pathetic! Muntikan ka na ngang ma-rape, may nalalaman ka pang ‘sex-eyes’ d’yan, sabi pa ng isang bahagi ng isipan niya.

“Ayos ka lang ba?” tanong ng lalaki sa kanya.

Napamata siya rito. Hndi niya akalaing marunong itong mag-Tagalog dahil sa foreign features nito. Pero marami na nga palang half-breed sa panahong ito at siguro’y isa ito sa mga iyon. Kung hindi, hanga siya sa tatas nitong mag-Tagalog. Wala kasing hint sa boses nito na pinag-aralan nitong magsalita ng Tagalog. It’s as if he grew up with Tagalog as his native language. Kaya nga baka Filipino talaga ito.

Nananatiling blangko ang mukha ng lalaki. Hindi siya nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin dito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makapagsalita. Hindi iyon ang unang beses na nakakita siya ng gwapong lalaki. Pero iyon siguro ang unang beses na napatitig siya ng matagal sa isang lalaki. Pakiramdam kasi niya’y nama-magnet siya sa mga mata nito. His eyes looked intimidating as well as his dark aura.

“Okay. Obvious na hindi. Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa lalaking ‘yan,” anito sa kanya. Muli niyang tiningnan ang nakahandusay na katawan ni Geoff sa sementadong daan. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin dito. “Hindi pa siya patay. Kahit gusto ko na siyang patayin,” anito.

May napansin siyang kakaiba sa pagkakasabi nito ng mga katagang iyon. Pakiramdam niya’y may katotohanan sa mga sinabi nito at bahagyang nakaramdam siya ng kaba habang kaharap ito. Pero ang kabang iyon ay natalo ng pagnanais niyang makilala ito.

“Sino ka? Bakit mo ako tinulungan?” tanong niya rito.

“Great. I thought you’d been mute,” anito. She found it odd to hear humor in that while his face still looked emotionless. Nai-impress na siya sa paraan ng pagsasalita nito Tagalog man o Ingles. Bihira lang siyang makakilala ng mga taong magaling sa Ingles na may accent pa.

Pagkuwa’y bumuntong-hininga ito saka nito hinubad nito ang itim na leather jacket nito at ipinatong iyon sa magkabilang balikat niya. Nakita siguro nito ang sira-sirang damit niya ngayon dahil sa pangangahas sa kanya ni Geoff kanina. She gripped both the sides of his jacket against her chest.

“You called for help, remember? That’s why I came,” anito.

“Salamat,” aniya rito.

“Sumakay ka na ng taxi at umalis ka na dito,” anito sa kanya sa nag-uutos na tinig.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Paano ba kita mapasasalamatan?”

“Nagpasalamat ka na sa’kin kanina. It’s not like I needed your thanks,” walang emosyong sabi nito sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya dito dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “What are you?” naiinis na sabi niya rito. Naiinis siya sa inaakto nito. O mas tamang sabihing naiinis siya dahil pakiramdam niya’y hindi niya nakukuha ang interes nito.

Sa halip na sagutin ang kanyang mga tanong ay tinalikuran siya nito at naglakad palayo sa kanya. Pumara ito ng taxi. Akala niya’y ito ang sasakay doon pero tumaas ang kamay nito para palapitin siya at pasakayin sa taxi. Ngunit umariba ang pagkamakulit niya kaya hindi niya napigilang magtanong na naman dito.

“Sandali. Ano nga palang pangalan mo?”

“Hindi mo na kailangang malaman ‘yon,” anito sa malamig na boses.

“Kailangan kong malaman ‘yon,” giit niya rito.

“Bakit?”

“Dahil niligtas mo ako,” aniya rito.

He almost smirked at her. “You think I’m a hero?” anito sa kanya. Marahang hinawakan nito ang tuktok ng ulo niya at pinasakay siya sa loob ng taxi saka nito mabilis na sinaraduhan ang pintuan ng passenger seat. “I’m no hero, Kareene,” sabi nito sa kanya saka nito tinuktok ang bubong ng taxi at sinabing magmaneho na paalis doon ang taxi driver na agad namang sumunod sa lalaki.

“Teka, sandali lang, manong,” pigil niya sa driver na agad namang inihinto ang taxi. Paano siya nito nakilala gayong hindi naman niya sinasabi ang pangalan niya dito?

“Umaandar pa rin ang metro ha,” paalala sa kanya ng driver. Tinanguan naman niya ito bago siya bumaba ng taxi at sinigawan ang lalaking nagligtas sa kanya.

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” pasigaw na tanong niya rito.

“You’ll all know about it soon,” makahulugang sabi nito sa kanya. Still pokerfaced.

“Kailan?”

“When this is all over,” makahulugang sabi na naman nito. Pagkuwa’y kunot-noo siya nitong tiningnan. “’Di ba sinabi ko na sa’yong umuwi ka na? O, gusto mong buhatin kita papasok sa loob ng taxi?”

“Gusto ko lang malaman ang pangalan mo,” giit niya rito.

“Hindi na ‘yon mahalaga,” sabi nito. Bago pa siya muling makapagsalita ay mabilis itong naglakad palapit sa kanya at walang anu-anong hinawakan ang isang braso niya bago siya hinila pasakay sa taxi. His grip was tight yet it seemed so gentle.

“Manong, pakihatid na po siya. And please, kahit na anong pakiusap niya, ‘wag ka nang huminto,” anito sa driver pagkuwa’y ito na mismo ang nagsabi dito ng address ng apartment niya.

“Stalker ba kita?” nagawa pa niyang itanong dito bago umaandar ang taxi. Nahagip pa ng kanyang mga mata ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito bago makalayo ang taxi dito.

Nakakainis! Nabale-wala lang ang pagiging makulit na journalist ko sa kanya.

Hanggang sa makarating siya sa apartment na kanyang inuupahan ay ang lalaki pa rin ang nasa isip niya. Sino ito? Bakit tila marami itong alam tungkol sa kanya? At nananatiling walang kasagutan ang mga iyon sa isipan niya. Kinalkal na niya ang bawat alaala na mayroon siya dahil baka nakilala na niya dati ang lalaki pero hindi talaga pamilyar sa kanya ang hitsura nito. Nasisiguro niyang iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ito.

Napalugmok siya sa kanyang kama nang makarating siya sa kanyang kwarto. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit. Noon lang niya naalala na suot nga pala niya ang black leather jacket ng lalaki. Hinubad niya iyon at inamoy. In fairness, mabango iyon. It smelled like him—hard, manly, cool.

Pagkuwa’y binuksan niya ang bedside cabinet niya at kinuha doon ang isang diary na isang taon nang nasa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan niya at bigla na lang niyang naisipang magsulat doon ngayong gabi. Tiningnan niya ang suot na charm bracelet at saglit na napaisip.

Isang taon na sa kanya ang charm bracelet na iyon pati na rin ang diary na bigay ng babaeng nagngangalang “Maggie”. Gusto daw nitong makabasa ng true to life happy ever after love stories kaya naisip nitong mamigay ng mga diaries. One thing that got her to agree to her idea is because she knew that Maggie’s going through a lot right now. Ayon sa kaibigan nito’y may leukemia si Maggie at kung hindi niya tinanggap ang mga binigay nito sa kanya’y siguradong masasaktan ito o magtatampo. Ayaw niyang siya ang maging dahilan para lumalala pa ang kalagayan nito o bumigat ang loob nito. Kaya tinanggap na lang niya ang diary at ang charm bracelet. Ngunit nagtataka lang siya dahil sa isang taong suot-suot niya ang bracelet ay ngayon lang yata naging mabisa iyon.

Marami ka namang nakilalang lalaki sa loob ng isang taon, sa misteryosong lalaki lang talaga na iyon ka naging napaka-interesado, anang isang bahagi ng isipan niya.

Siguro kasi siya ang naging saviour ko kanina at siguro kasi dahil napakagwapo at hot niya, sabi naman niya sa sarili saka siya napangiti nang nag-iisa. Kung may makakakita siguro sa kanya ngayo’y iisiping isa siyang luka-luka. Kaya bago pa man siya maging luka-luka ay isinulat na lang niya ang lahat ng naiisip at nararamdaman sa diary na ibinigay ni Maggie sa kanya.

DEAR DIARY,

It’s high time for me to write to you. I finally find someone that knocks me off my feet. Finally found the one...kumanta lang? XD Hindi. Gusto ko lang i-share ‘yong nangyari sa’kin ngayong gabi—the good one—para maalala ko siya palagi. Para kapag naikwento ko na kay Sambee, matatandaan ko ng maayos. I met someone—well, not actually met because I didn’t get his name. Pero iniligtas niya ako sa kapangahasan ni Geoff—na ayaw ko nang maalala pa—kaya siguro instant ang pagkakagusto ko agad sa kanya. Iyon nga lang, pokerfaced siya at hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.

Ang nakakapagtaka, kilala niya ako pero hindi ko siya kilala. Hindi kaya stalker ko siya? Pero kung stalker ko naman siya, hindi sana niya palalampasin ang pagkakataon na makipaglapit sa’kin ‘di ba? Sa pagkakatanda ko, “tulong” lang ang sinigaw ko at hindi ang pangalan ko kanina.

Anyways, about the mysterious black-leather-jacket-guy who doesn’t want to be called “hero”, isa lang ang masasabi ko. Ang hot niya! Siya ‘yong tipong hot in a bad boy way—rebel pa nga ang dating niya eh. He has the most beautiful—yet dangerous—grey eyes I’ve ever seen. ‘Yon ang nakapagpa-magnet sa’kin sa kanya. He has a dark aura that got me so curious about him—plus his pokerface. And know this, he looks like S-E-X. Well, that’s because he made me want to have sex with him. Okay. Scratch those. Ito na lang. Nakakainis na nakakagigil siya. Gustong-gusto kong makuha ang pangalan niya pero hindi ko naman nakuha. One thing’s for sure though, I want to see him again. Nang makita ko siya, nawala ang kaba at takot sa dibdib ko dahil kay Geoff. Napalitan ‘yon nang pagnanais na makilala siya at mapalapit sa kanya. So, I need to see him again. I don’t want to be left hanging.

There. Nakakaloka agad ang unang sulat ko dito. Pero masanay ka na. ;)

Yours,

Kareene

“MGA TANGA!” sigaw ni Congressman Go sa isang tauhan niya sa Marikina na nagpanggap na isang abogado para makapasok ito sa kulungang kinalalagyan niya ngayon.

Inaresto siya ng mga pulis kahapon at laman ng mga balita at pahayagan ang pangalan niya ngayon hindi dahil may nagawa na naman siyang mabuti kundi dahil natuklasan na ng mga tao ang inililihim niya.

“Boss, hindi po talaga namin alam kung paano nangyaring may nakaalam na ikaw ang may-ari no’n. Wala naman pong pumupunta do’n maliban sa’min at sa mga kliyente n’yo. Alam n’yo namang may mga tao ka sa mga pulis kaya malalaman namin agad kung may mangre-raid. Pero walang nag-warning sa’min. Nagulat na lang kami nang may dumating na mga parak sa den,” pabulong na kwento nito.

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Balak pa naman niyang tumakbo sa pagka-senador sa darating na eleksyon pero hindi na niya magagawa pa dahil sa gulong ito ngayon. Nasira ang pangalan niya sa isang pitik lang. Parang kahapon lang na mabanong-mabango ang pangalan niya sa publiko dahil nagawa niya ang inaasahang resulta ng mga ito sa isang tao. Pero heto at nasa kulungan siya ngayon. Palpak!

“Kanino nagsimula ang balita?”

“Sa Daily daw po. Isang baguhang manunulat na si Kareene Monzales ang nagsulat ng isang artikulo tungkol sa’yo at sa drug den mo katulong ang isang NBI agent na nagngangalang River Eduque,” anang bata niya.

“Patayin n’yo sila pareho.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.