Chapter 31

“YOU BROUGHT THOSE FUCKING COPS HERE?” hindi makapaniwalang sabi kay Darcangelo ni Tanya. Bago pa man ito makagawa ng mapanganib na bagay ay hinawakan na niya ito sa kamay at bahagyang niyakap para hindi ito makawala sa kanya.

Nang gabing nagkausap sila ni Cross ay tinawagan niya si River. Kinausap niya ito tungkol sa plano niyang pag-alis at sa plano niyang pagtapos sa Rogue. Hindi sa paraang nakasanayan niya pero sa paraan na ginagawa nito. Mabuti na lang at nakipag-cooperate ito sa kanya. Tinulungan siya nitong magplano sa lahat ng nangyayari ngayon. Ito ang nakipag-cooperate sa FBI at sa CIA tungkol sa Rogue. Noon niya nalaman na may ugnayan din pala ang Black Cosmos na siyang secret service agency nina River sa dalawang ahensiya.

Hindi man sumama sa kanila ni Cross patungong Amerika si River ay pinasama naman nito sa kanila ang dalawang kapatid nitong sina Sunder at Syd. Ang dalawa ang nakipag-coordinate sa dalawang ahensiya nang makabalik sila doon.

“Are you out of your mind? How could you do this? We’ll be jailed for life!” sigaw ni Tanya sa kanya.

“We really are, Tanya. I think it’s time for us to pay for our sins,” aniya rito. Nagpupumiglas si Tanya kaya mas hinigpitan pa niya ang hawak dito. May nakapa siyang baril sa may baywang nito at agad niya iyong hinugot sa tagiliran nito saka iyon ipinatong sa ibabaw ng mesa.

“You want to be in jail?”

“Yes, Tanya,” sagot niya rito.

“Then, I don’t want to be with you!” sigaw nito sa kanya. Pagkuwa’y siniko siya nito sa may tiyan saka siya malakas na itinulak palayo. Mabilis na kinuha nito ang baril at itinutok sa kanya. “Don’t make me shoot you, X,” anito sa kanya.

“Give up, Tanya. Do it for yourself,” pakiusap niya rito.

“No! I don’t want to be in jail. My mother already is trapped in a mental hospital. I don’t want to be trapped like her!” sigaw nito sa kanya. Pagkuwa’y tumakbo ito palabas sa kusina.

“Tanya!” sigaw niya rito.

Hinabol niya ito. Napamura siya ng makitang binaril nito ang nakasalubong na FBI agent. Dinaluhan niya ang bumagsak na agent at tiningnan kung ayos lang ito. Nakita niyang sa tigiliran ito nabaril. Nang masiguro niyang hindi naman masyadong masama ang tama nito ay sinundan niya sa may back entrance si Tanya. Iyon lang naman ang isa pang pasukan at labasan sa warehouse na iyon.

“Tanya!” muling tawag niya rito. Narinig niyang tumunog ang pagbukas ng pinto at may liwanag na pumasok sa loob. Nakalabas na si Tanya ngunit huli na para mapigilan niya ito. Muli ay may narinig siyang isang putok ng baril. Nang makalabas siya ay nakita niya si Tanya na nakahandusay sa semento. May tama ito sa tagiliran nito na malapit sa puso. “Shit! Tanya!” sigaw niya rito nang daluhan niya ito. May mga lalaking lumapit sa kanila at pinaligiran sila.

“I...I just want us to be free, X,” anito sa kanyang nahihirapan nang huminga.

“I know, I know. Stay calm, Tanya. We’ll get help for you,” pagpapakalma niya rito.

“You’re a good guy, X. This is just not the proper life for you,” sabi pa nito sa kanya. She reached for his cheek and held it gently. “I’m sorry,” anito. Pagkuwa’y may mga dugo na lumabas sa bibig nito.

“Tanya? Tanya,” untag niya rito. Pero nginitian lang siya nito saka pumikit ang mata nito. Hindi na ito gumalaw pa. Nang tingnan niya kung may pulso pa ito sa leeg ay wala na siyang naramdaman. “I’m sorry too, Tanya.”

“The medical team will take care of her,” anang isang lalaki. Tinanguan na lang niya ito. Pagkuwa’y may isang lalaking humawak sa kanya saka siya pinosasan. Iginiya siya nito patungo sa isang police mobile. Nakita niyang nakasakay na sa ibang mobile ang pitong natitirang Rogue at siguro’y wala si Cross doon.

“Ah, free of Rogue forever,” anang lalaking may hawak sa kanya.

“I feel the same way,” sang-ayon naman niya rito.

“Ah, so you’re X,” anang unang lalaki. Marahil ay sinabi dito nina River ang tungkol sa kanya. Pasakay na sana siya ng police mobile nang makita niyang palapit sa kanya sina Sunder at Syd kasama ang director ng FBI.

“We’ll take it from here,” anang director sa dalawang lalaking may hawak sa kanya. “I’m George Rossworth. Director of FBI,” pakilala ng lalaking nasa forties na ang edad sa kanya.

“I’m honoured to meet you, Sir. I’m sorry about our previous charades,” aniya rito.

Tumaas ang dalawang kilay nito sa sinabi niya pero nanatiling pormal ang ekspresyon ng mukha nito. “Now, X. Agent River and I had an agreement. He gave me the Black Chip and all the information you told him in exchange for you. So, you’ll be going with Black Cosmos,” paliwanag nito sa kanya.

“What?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Hindi iyon sinabi sa kanya ni River o nina Sunder at Syd. Wala iyon sa usapan nila.

“I’ve made a deal and a bargain. You’re now in their custody,” ani Director Rossworth saka binalingan ang magkapatid na Eduque. “I hope you’ll take a very good care of him,” makahulugang sabi nito sa dalawa.

“Of course,” simpleng sabi ni Syd.

“Leave him to us. The agency has something in store for him,” sabi naman ni Sunder na ikinakunot-noo niya. Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. “You know what, I like your Triumph Tiger 800 XC ABS,” nakangising sabi nito sa kanya.

“Well then, our job here is through. Thank you for your cooperation, gentlemen,” anito sa kanila pagkuwa’y kinamayan nito ang magkapatid bago sila iniwan doon.

Bumalik naman ang lalaking nagposas sa kanya at tinanggal ang materyal.

“Okay. Paano nangyari ‘yon?” naguguluhang tanong niya sa mga ito.

“Sumusunod lang kami sa utos. Pero kung ayaw mo, pwede naman naming sabihin kay Director Rossworth na gustong-gusto mong magpakulong sa kanila,” masungit na sabi sa kanya ni Syd.

“May iba kaming plano sa’yo, X—errm, Darcangelo pala. Ano nga ba ang itatawag namin sa’yo?” tanong naman ng malokong si Sunder.

“Whatever you want. So, pwede bang ipaliwanag mo sa’kin kung ano’ng nangyari, Sun?” tanong niya rito.

“May iba nga kaming plano sa’yo. Malalaman mo ‘yon pag-uwi natin sa Pilipinas. Katulad nang narinig mong sinabi ni Director Rossworth, iyon ang napag-usapan nila ni River. Ibibigay ni River sa kanila ang Black Chip pero ibibigay ka nila sa’min kasama si Cross. It’s a deal. Besides, pareho naman kayong Filipino citizen ni Cross. Ngayon, kailangan nating hanapin kung nasaan ang isang iyoon dahil dapat ay kasama din natin siya pauwi. Kung hindi ay malilintikan kami kay River. By the way, welcome to Black Cosmos, buddy.”

“What?”

“May hearing defect ba ito o ano?” naiinis na sabi ni Syd.

“Magpasalamat ka na lang, Darc. Ilibre mo kami,” nakangising sabi ni Sunder.

Oh, man. Thank God!

“Sige. Pero may gusto lang akong daanan...”

Six months later...

“CONGRATULATIONS, DARCANGELO AND ALEXANDER! You passed all our tests and now, you’re officially a Black Cosmos agent. Welcome to the family!” masayang bati kina Darcangelo at Cross ni Mr. Alex Eduque na siyang founder ng Black Cosmos at ama nina River, Sunder at Syd. Kasalukuyan silang nasa conference room ng headquarters ng Black Cosmos kung saan sila nanatili mula nang makabalik sila sa Pilipinas.

“What tests?” kunot-noong tanong ni Cross na dapat sana’y itatanong din niya.

“Psychological, physical combat, situational and emotional tests. You have what it takes to be our agent. Plus, nakita naman namin ang pagbabago n’yong dalawa,” paliwanag nito.

Sa loob ng anim na buwan ay sa special underground detaining facility sila nanatili ni Cross. Parang nakakulong sila pero mas mabuti na iyon kaysa sa totoong kulungan.

Kaya pala kung sinu-sinong tao ang nakakausap nila at nakakalaban. May ilang beses din na lumabas sila doon para makasagap daw ng sariwang hangin sa probinsiya. Siguro’y iyon ang tinutukoy ng mga itong situational test. Magaan lang ang security nila noon na pakiramdam nila ni Cross ay walang nagbabantay sa kanila. Pero ang magpakasarap lang naman ang ginawa nila doon.

“Hindi naman kami nag-apply dito ah,” ani Cross.

“Mas gusto mong makulong na lang?” asik dito ni Syd. Hindi maganda ang relasyon ng dalawang lalaki dahil palaging nagkakainitan ang mga ito. Parang sila lang ni River noon. Pero alam niyak, eventually, ay magiging magkaibigan din ang dalawa.

“Hindi ikaw ang kinakausap ko,” ganti naman ni Cross kay Syd.

“Dapat talaga ay ipinakulong na lang natin siya,” ani Syd.

“On second thought, I’d stick around here. I’d like to see you miserable,” pang-aasar pa ni Cross dito. Nailing na lang siya sa sagutan ng mga ito.

“Ano ‘yong naging situational test namin?” tanong niya kay Mr. Eduque.

“No’ng una kayong lumabas dito at pumunta nang Quezon. May pagkakataon na kayong tumakas pero hindi n’yo ginawa. Lalo na si Cross. Nalamapasan n’yo ang expectation namin. Isa pa, may ilang tao kayong tinulungan noon sa resort, ‘di ba? Hindi nga nagkamali sa inyo si River,” paliwanag nito.

Sinulyapan niya ang taong binanggit nito na katabi lang nito sa upuan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kinuha sila nito at hindi ipinakulong sa Amerika. Hindi niya akalaing gagawin nito iyon para sa kanila. Pero naalala din niya ang mga sinabi nito noon sa kanya nang makabalik sila sa bansa.

“Noong gabing iniligtas mo ako, alam kong may kabutihang-loob ka rin. Pero na-impluwensiyahan yata ako ni Kareene dahil naniwala rin ako na maaari kang magbago. Nang magbalik kayo dito noon ni Kareene ay binantayan na kita at nakita ko rin ang pagbabagong sinasabi ni Kareene sa’kin. I had faith in you. Nahawaan na yata ako ni Kareene ng paniniwala niyang lahat ng taong masama ay may puso rin. At hindi mo naman ako binigo. Sinabi sa’kin ni Kareene lahat ng isinulat mo sa letter na iyon at nakita ko kung paano siya nasaktan sa pagkawala mo. Honestly, I did it first for Kareene. I love her. Pero alam kong ikaw ang mahal niya. One thing I’ve realized is that when you love a person, you’ll do everything to make her happy even if it meant your heart might be broken. Sometimes, loving is letting go. Love is a sacrifice, it’s selfless. At mas mabigat ang ginawa mo para sa kanya, Darc. Your love is fearless. Handa kang mamatay para sa kanya, para sa kaligtasan niya. Handa kang magpakulong dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto mong maging karapat-dapat para sa babaeng mahal mo. You might have said your goodbye but there is still a chance.”

Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga sinabi nitong iyon.

Bago rin sila bumalik sa Pilipinas noon ay dinalaw muna niya sa kulungan ang tatay niya. Kahit na hindi niya ito mahawakan ay ang mahalaga’y nakita niya ito at alam niyang nagsisi na ito sa lahat ng ginawa nitong kasalanan. Wala siyang karapatan para hindi niya patawarin ang tatay niya dahil nagawa siyang patawarin ni Kareene at ng ibang taong nasa paligid niya sa mga nagawa niyang kasalanan. He was just glad that everything turned out well.

“So, mapupunta sa laboratory operations si Cross dahil nalaman namin na magaling pala siyang gumawa ng gadgets. Magagamit natin ‘yon. At sa undercover and investigation department naman si Darcangelo,” hayag ni Mr. Eduque saka nito ibinigay sa kanila ang kanilang exclusive Black Cosmos badge. Black Cosmos’ symbol is a black hat with two crossed gun in the middle. Hindi makapaniwalang tinanggap niya iyon.

“Uh, thanks,” aniya sa mga ito. Kinamayan sila nito ni Cross pagkatapos. May dalawang agent naman na nagbalik sa kanila ng mga dala nilang gamit ni Cross noon na kinuha ng mga ito ng ma-detain sila.

“Expect to be on call any time soon,” sabi ni Mr. Eduque saka nito tinapos ang usapang iyon.

“This is crazy,” ani Cross sa kanya.

“Ayaw mo? You’ll be able to do what you love most in the laboratory,” aniya rito.

“Right. So, ano ang plano mo ngayon?”

“Pwede tayong tumira sa bahay nina Shaun,” aniya rito.

Tutal ay nasanay na rin naman siyang tumira sa bahay na iyon. Lilipat na lang sila kapag may sapat na silang pera ni Cross. Napag-usapan na rin naman kasi nila na hindi na nila gagamitin ang kung anumang perang nakuha nila noon sa Rogue at ido-donate na lang nila iyon sa mga charity.

“Salamat, River,” aniya kay River nang lumapit siya rito.

“Just do your job,” sabi naman nito sa kanya.

“I will,” tumatangong sabi niya rito.

“Sa tingin ko, mas mabuti kung makakapagpaliwanag ka na ngayon kay Kareene,” suhestyon nito sa kanya.

“Oh, great. You’re right,” sang-ayon naman niya rito.

Pero mapapatawad kaya siya ni Kareene?

KUMAKAIN SI KAREENE NG MACARONS habang nanonood siya ng telebsiyon nang makarinig siya ng mga katok sa pinto. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. Nang buksan niya ang pintuan ay napatanga siya ng makita niya si Darcangelo na may hawak na mga bulaklak sa isang kamay at paper bag naman sa isa.

“Hi,” bati nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang una niyang mararamdaman. Nagtatalo puso’t utak niya kung matutuwa ba muna siya na bumalik na ito matapos ang anim na buwang ni ‘ha’, ni ‘ho’ ay hindi man lang nito maiparating sa knaya o magagalit ba siya dahil sa biglaang pag-alis nito roon.

“Okay. Flowers for you and I brought seafoods. Your favorite,” nakangiting sabi nito sa kanya. Tila naging awtomatiko ang pagtaas ng isang kilay niya sa pagkakataong iyon.

“Ano ‘yan suhol? Hindi ako mahilig sa bulaklak at busog na ako kaya hindi ko kailangan ng pagkain,” masungit na sabi niya rito saka padarag na sinarhan ito ng pinto.

“And I’d give up forever to touch you. ‘Cause I know that you’d feel me somehow. You’re the closest to heaven that I’ll ever be and I don’t wanna go home right now. And all I could taste is this moment. And all I can breathe is your lies. When sooner or later it’s over, I just don’t wanna miss you tonight,” kanta nito sa labas.

“Six months, Darcangelo! Umalis ka ng hindi man lang nagbibigay warning at tanging isang sulat lang ang iniwan pagkatapos, babalik ka after six month at ine-expect mo ako na palampasin na lang ang lahat?” inis na sigaw niya rito mula sa loob.

“Look, Kareene. I’m really sorry. Pero nasabi ko na sulat ang lahat ng dapat kong sabihin. Six months akong nawala dahil na-detain kami ni Cross sa Black Cosmos. And hey, we’re one of them now,” balita nito sa kanya na ipinagtaka niya. Paano nangyari iyon? At bakit hindi iyon nabanggit man lang sa kanya ni River gayong nakikita naman niya ito? “Makakapagpaliwanag ako kapag pinapasok mo ako.”

Dahil gusto niyang malaman ang lahat nang nangyari dito sa loob ng anim na buwan at dahil matagal na rin naman niyang hinihintay na kumontak ito sa kanya ay hindi na siya mag-iinarte pa. Nainis lang talaga siya dahil sa ginawa nitong basta na lang pag-iwan sa kanya noon.

“Fine. Explain,” aniya rito nang muli niyang buksan ang kanyang pintuan.

Ikinwento naman nito agad sa kanya ang mga nangyari na ikinalaki ng mga mata niya. Galit na galit siya kay Tanya dahil sa ginawa nito sa kanyang ama, dahil sa ginawa nito at dahil mahal nito si Darcangelo. Pero nakahinga siya ng maluwag nang malaman niyang tapos na ang Rogue at may bagong buhay na sina Darcangelo at Xander. Salamat kay River sa pagtulong nito sa dalawa. Ngayon ay natupad din niya ang bilin sa kanya ng tatay niya.

“Bakit kailangan mong isulat ang letter na ‘yon kung babalik ka rin naman pala? Pwede mo naman akong tawagan mula sa Black Cosmos ah. All this time nandito ka lang pala sa Pilipinas! Bakit hindi sinabi sa’kin ni River ang lahat?” tanong niya rito.

“Naka-detain kami, K. Parang nakakulong na rin pero mas maganda ang term at mas maganda ang ambience. At sinulat ko ang letter na ‘yon dahil akala ko noon ay hindi na ako makakabalik sa’yo. Dahil alam kong sa gagawin ko ay makukulong ako sa Amerika. Pero mabait si River at mabait ang Diyos,” sabi nito sa kanya.

Huminga siya ng malalim at pinakawalan ang anumang negatibong nararamdaman niya para dito. Naiintindihan naman niya ang ginawa nito. Nasaktan lang talaga siya dahil naging mahirap ang lahat para sa kanya. Ngunit na-realize din niya na hindi lang siya ang naghirap, ito rin.

“Thank you for doing all of that for me, Darc,” aniya rito.

“No. Thank you. You know what, all robots have an off-switch and so does the bad guys. You are my off-switch, my weakness, my love,” masuyong sabi nito sa kanya.

Niyakap siya nito ng mahigpit. It was a hug full of longing, tenderness and love. “Do you love me?”

“Yes,” sagot niya rito nang bahagyang maghiwalay silang dalawa at tumitig siya sa mga mata nito.

“I love you too. So, tayo na ulit. Signed,” anito. Pagkuwa’y nilagyan nito ng imaginary ‘X’ ang tapat ng puso niya gamit ang hinlalaki nito. “And sealed,” anito pagkuwa’y binigyan siya ng isang magaang halik sa mga labi. Ganoon din ang ginawa niya rito noong bumalik sila sa Maynila galing sa Palawan. “Let’s try again, okay?”

“Let’s try again,” nakangiting sabi niya rito.

He reached for her and kissed her as if it were their last. But they both know that it was just the beginning of their journey to a happy ever after.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.