39: It’s over
-
Tama ba ang narinig ko? Nakikipaghiwalay siya sa akin? Hindi man lang ba niya hihintayin ang paliwanag ko? Hindi ko na nagawang humarap sa kanya at nanatiling nakatalikod habang nilulukot ang hawak kong litrato.
“Mabuti pa nga.” Sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Dali-dali akong bumalik sa dorm at mabuti na lang ay natutulog pa si Ayesha, agad akong nagpunta sa banyo at doon umiyak ng umiyak. Ganito pala kasakit ‘yon. Hanggang dito lang pala namin kayang labanan ang problema.
Sinubukan kong wag isipin si Thunder ngunit hindi ko magawa. Kasalukuyan akong nasa classroom at tahimik na nakikinig sa prof. Ramdam na ramdam ko naman ang tensyon sa pagitan ni Thunder at Axel.
“Find your partner for today’s activity.” Pag-announce na pag-announce ni Sir noon ay bigla akong tinignan ni Axel. Ngumiti lamang ako ng tipid, naiilang ako kapag naaalala ko ang ginawa at sinabi niya sa akin kahapon.
Ayesha’s POV
Alam kong hindi pa rin okay si Rain sa mga oras na ito. Nasaktan ako nang marinig ko kung paano siya umiyak sa loob ng cr kanina. Nanatili lamang akong nagtulug-tulugan dahil alam kong ayaw niyang makita ko siyang nagkakagano‘n.
Palabas pa lang ako ng dorm nang makasalubong ko si Emerald sa lobby, agad niya akong nilapitan.
“Ayesha, totoo ba? Nakipagbreak daw si Thunder kay Rain? Galing si Jasper dito kanina. Sinabi niya lang sa’kin.” kusa kong naiyukom ang kamao ko matapos iyong marinig. Really Thunder? How dare him to do that?! Hindi ba niya alam na gabi-gabi hindi mapakali si Rain noong bakasyon? Lagi kong kausap at ka-text sa phone si Rain kaya alam kong mahirap ang sitwasyon niya.
“Hindi ko sure, nauna kasing umalis si Rain pero narinig ko siyang umiiyak kanina.”
“Gano’n? Napakawalangya talaga ng Thunder na ‘yon! Geez, ang bobo talaga.” Giit ni Emerald.
Pagtapos namin mag-usap ay nagpunta na ako sa classroom. Mamaya ko na kakausapin si Thunder! Ipapamukha ko sa kanya kung sino ang taong sinasaktan niya sa mga oras na ‘to.
Ilang oras ang lumipas ay breaktime na. Hindi pa man ako nakakalabas ng classroom ay natatanaw ko na si Liam sa corridoor. Agad akong lumabas bago pa siya pagkaguluhan, naging instant heartthrob kasi siya noong sumali siya sa dark demons.
“Bakit ka nandito? Nasan yung leader niyo, huh?” Maangas na tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.
“Baki ang init ng ulo mo? Sinusundo ka lang, eh. Tsaka ako yung narito, ba’t iba ang hinahanap mo.” Napailing na lamang ako at gusto sanang sabihin na ganoon din naman siya dati.
“Kakausapin ko lang si Thunder. Nasaan nga siya?”
“Nasa cafeteria na siguro.” Pagsabi niya noon ay hinatak ko siya agad patungo sa cafeteria. Hindi ko makita rito si Rain, pero nahanap ko na ang taong gusto kong makita ngayon.
“Liam, dito ka lang, ah? Wag kang susunod. Magtutuos lang kami ng walangyang leader niyo.” Bilin ko at saka hinatak si Thunder palabas ng cafeteria. Wala akong pakialam kung pag-usapan pa kami ngayon o magalit siya sa akin.
“Ano ba? Saan mo ko dadalhin?” Ubos pasensya niyang tanong kaya naman marahas ko na siyang binitawan at sinampal.
“Sino ka sa tingin mo para gawin ‘yon kay Rain?! Alam mo bang pinagbantaan siya ng tatay mo na kapag hindi ka niya iniwan ay mawawala si Rain dito sa mundo? Hindi ka naman siguro bobo para hindi maintindihan ang ibig sabihin no’n ‘di ba?” Tanong ko at nanlaki lamang ang mata niya.
“Ano? Ang lakas ng loob mong makipaghiwalay sa kanya. Hindi mo ba naisip na mahirap para sa kanya magdesisyon mag-isa?”
“Wala kong pakialam.” Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. Mabilis niya akong nilagpasan at paglingon ko ay nakita ko na lang siyang nakabulgta sa sahig habang nasa harapan niya si Axel.
“Ano bang problema mo Thunder?! Nalaman mo na yung dahilan tapos ang sasabihin mo lang wala kang pakialam?!” Sigaw ni Axel sa kanya at nagmadali naman akong tumakbo pabalik sa cafeteria para tawagin si Liam dahil baka biglang magsuntukan iyong dalawa.
Pagtawag ko kay Liam ay nagsisunuran naman sila Jin at pagbalik namin sa lugar kung saan ko iniwan si Thunder ay nagsusuntukan na nga sila ni Axel habang nanunuod ang mga kagrupo nito.
Agad lumapit si Ramon para ilayo si Axel ngunit mukhang namisunderstoond yata ng inferno ang ginawa niya kaya hinila nila si Ramon at doon na nga nag-umpisa ang away sa pagitan ng grupo ni Axel at Thunder. Napahawak na lamang ako sa ulo ko at nagmadaling kontakin si Rain. Damm it! What’s wrong with these people?!
Rain’s POV
Nasa keen’s lab ako sa oras ng beaktime. Gusto kong mapag-isa at dito ko napiling pumunta. Hindi naman ako galit kay Amanda, alam ko naman kasi na wala talaga siyang gusto kay Thunder dahil nakita ko ang naging reaksyon niya sa nangyari kahapon.
Narito ako sa isa sa mga room at pilit kinakalimutan ang mga problema ngunit biglang tumawag si Ayesha.
“Hello bebㅡ”
“Beb. Where are you? Pumunta ka rito sa labas ng cafeteria. Nagkakagulo sina Thunder at Axel, kasama ang mga kagrupo nila.”
Dali-dali akong lumabas ng keen’s lab at nagpunta sa cafeteria matapos iyong malaman. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang kumpulan ng tao roon. Hanggang kailan ba sila mag-aaway?! Hanggang kailan ba lalala ang problema ko? Mukhang mas makakabuti sa lahat kung aalis na talaga ako.
“Thunder! Axel!” Sigaw ko nang makarating ako sa gitna kung saan sila nagsusuntukan. Unang tingin pa lang ay halatang napuruhan na si Axel.
Unang tingin pa lang ay halatang napuruhan na si Axel
“Jin, Liam. Ilayo niyo muna si Thunder!” Utos ko pero nabigla na lang ako nang hawakan ni Thunder ang braso ko.
“Bakit? Kinakampihan mo pa ngayon si Axel?!” Tanong niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal siya.
“Pwede ba? Thunder. Gamitin mo naman ‘yang utak mo! Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito! Kung may galit ka, sa’kin mo ilabas. Bakit kailangan mo pang ganyanin ang sarili mo?” Kusa na lang lumabas ang luha ko nang makita kong wala siyang emosyon habang nakatingin sa akin.
“Nasasaktan din naman ako sa desisyon ko. Hindi mo ba naisip na tatlong buwan kong pinagdadasal na sana matanggap ako ng papa mo? Nang sa gano’n hindi ko na kailangang umalis?!”
“Alam ko ang pakiramdam ng maiwan, Thunder! Mabuti ka nga may daddy ka pang mauuwian. Eh ako? Meron ba?! Ikaw na nga lang ang meron ako pero minabuti kong sundin ang gusto ng papa mo dahil ayokong kayo ang magkasira...” Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga.
".. Sana naisip mo na mag-isa lang ako. Napamahal na ako sa mga naging kaibigan ko rito kaya mahirap para sa’kin na umalis dahil alam kong magiging mag-isa na naman ako!” Tinabig ko ang kamay niya at saka lumayo sa lugar na iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, napapagod na ako sa mga nangyayari. Physically and emotionally.
Zea’s POV
Naboboring na ako rito sa hospital. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw pa akong palabasin ni Jiro, okay naman na ako. Tch, hindi talaga ako sanay na makita siyang nag-aalala sa akin. Ang pagiging comatose ko lang pala ang makakapagpabago sa kanya. Kakaiba.
“Ano nang nangyayari sa Academy?” Tanong ko kay Amethyst. Sila kasi ni Marky ang bisita ko ngayon, si Jiro naman ay hindi pumasok dahil kumuha siya ng mga gamit ko.
“Well, may rumors kasi na nakipagbreak daw si Thunder kay Rain.” Sagot ni Amethyst. Nanlaki naman ang mata ko dahil doon.
Hindi ko alam kung anong rason ng pag-alis ni Rain pero alam kong mahirap din para sa kanya ang naging desisyon niya. Mukhang kailangan ko na talagang bumalik sa academy.
“Matagal pa ba si Jiro? Kailangan ko ng umalis. May training pa kami ngayon, next week na yung ground zero.” Sabi ni Marky.
“Eh kung bugbugin kita? Bakit kasi sumali-sali ka na naman sa gang fight na ‘yan, eh.” Reklamo ni Amethyst. Naalala ko na naman na kasama nga rin pala si Jiro at ang grupo niya sa ground zero na iyon. Hindi ko sila maintindihan. Kailangan ba talagang magsakitan?
Tumahimik kami saglit at narinig na lang na nag-ring ang phone ko. Agad iyon kinuha ni Marky para iabot sa akin.
“Hello Rainㅡteka, umiiyak ka ba?”
“Okay ka lang ba? Bakit ayaw mong magsalita?”
“Raiㅡ” Binaba niya ang tawag at kasabay noon ay ang pagdating ni Jiro. Agad niya akong tinignan at nilapitan.
“Bakit? Anong nangyari kay Rain?” Tanong niya nang ilapag niya ang dala niyang bag sa sahig.
“H-hindi ko alam, basta umiiyak siya. Totoo ba na naghiwalay na sila ng kapatid mo?” Tanong ko at nanlaki lamang ang mata niya. Hindi ko nga pala naikwento sa kanya kung bakit bigla na lang umalis si Rain kahapon. Mukhang wala siyang alam sa mga nangyayari.
“Hiwalay? Ewan ko. Simula ng magising ka, hindi pa ako bumabalik ng Academy.”
“Pwede mo bang puntahan si Rain para sa’kin? Talk to her. Baka kailangan niya ng makakausap.” Sabi ko at halata sa reaksyon niya ang pagkagulat. Mukhang hindi niya inaasahan iyon.
“Sige na. Nandito naman si Amethyst at Marky.” Tumango lang siya at hinalikan muna ako sa noo bago nagmadaling umalis. Napangiti lang ako dahil sa ginawa niyang iyon, nagbago na talaga ang trato niya sa akin.
Sana maging okay na si Rain, masyado na siyang madaming problema. Kung nasa academy lang ako, nahampas ko na ng cactus si Thunder dahil sa katangahang ginagawa niya kay Rain. Geez! Tamaan sana siya ng kidlat.