CHAPTER 57

57: It’s not yet over.

-

Thunder’s POV

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan.

Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.

Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.

“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.

“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.

“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.

“Ano ha?! Subukan niyo pang lapitan si Jiro. Hindi lang ‘yan matitikman niyo sa’min!” Sigaw ni Axel ng baliin nito ang kamay no’ng ex ni Zea. Napangisi ako nang makitang bulagta na ang lima sa sahig.

“Ano ba ‘to? Parang wala pang limang minuto, ah.” Mayabang na komento ni Matthew.

“Tigilan mo nga kami, wala ka naman natulong, eh.” Pangaasar pa ni Jasper kaya napailing ako at ngingiti-ngiti.

“Tara. Inom tayo, sagot ko.” Lahat sila ay napatingin sa akin matapos iyong sabihin. Alam kong iniisip nila na may problema ako. Sa totoo lang kahit na okay na kami ni Rain, hindi ko pa rin kayang maging masaya ng tuluyan, lalo na’t alam kong ano mang oras ay pwedeng maghiganti si Yb dahil sa mga plano niyang hindi matuloy tuloy.

Mas pinili naming sa bahay na pumwesto at doon mag-inon, maya-maya lang din naman ay babalik na rin kami sa Academy dahil malapit na ring maggabi at may pasok kinabukasan.

Habang nag-iinuman, kwinento ko lahat ng nangyari sa akin ngayong araw. Kwinento ko na rin ang pagbabanta sa akin ni Yb, ayoko nang maglihim kahit kanino tungkol doon. Kung nagawa kong itago iyon dati, pwes hindi na ngayon.

“Alam ba ni Rain?” Tanong ni Jiro at nagkibit balikat lang ako.

“I want you to stay out of this. Ayoko ng may madamay pang iba, hindi kayo, hindi si Rain. Ako, ako lang ang haharap sa kanya.” Seryosong sabi ko sabay inom sa isang bote. Alam kong delikado pero gagawin ko lahat para lang matapos na ang buhay ng hayop na iyon. Nang sa gano’n at kahit paano ay mabawasan naman ang problema sa buhay ko.

Gusto ko na ulit maging masaya.

Rain’s POV

Pagkagising na pagkagising ko ay agad kong tinawagan si Cloud para malaman kung okay lang ba siya. Bakas na bakas naman sa boses niya na masaya siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Mamaya magkikita kami ni Sunny. Oo nga pala kayo ni Thunder, anong nangyari kahapon?” Tanong niya mula sa kabilang linya.

“Hindi kami nakapagusap ng maayos pero, mukhang makikipagbati na rin siya sa’yo. Kakausapin ko siya mamaya, gusto niyo ba ng double date?” Aya ko dahil balak ko nang tanggapin ulit si Thunder sa buhay ko. Ang gusto ko lang talaga ay ang magkaayos sila ni Cloud at isa pa, noong malaman ko na pinagbabantaan ni Yb ang buhay niya. Pakiramdam ko ay kailangan ko siyang protektahan.

Kung noon, si Thunder ang nagtatanggol at pumoprotekta sa akin. This time, gusto ko ako naman ang gagawa noon sa kanya. He’ve been through a lot and so am I, kaya laban niya, ay magiging laban ko rin. Just like the old times.

“Really? That’s a good idea. See you later then.“ Masayang sabi ni Cloud at ibinaba ko ang tawag. Agad naman akong napatingin sa nakangiting si Ayesha.

“What?” Natatawa kong tanong. Nilapitan naman niya ko at saka niyakap.

“Kayo na ulit ni Thunder?” Kinikilig na tanong niya dahil naikwento ko na sa kanya kagabi kung ano ang nangyari.

“H-hindi pa no.” Dipensa ko at saka nagmadaling pumasok ng banyo para mag-asikaso. Napatingin pa ako sa salamin at nakita kung paano namula ang pisngi ko, it’s been a year already pero ang lakas pa rin ng tama sa akin ng lalaking iyon. Despite of what he did to me, hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko si Thunder.

Mabilis lumipas ang oras at kasalukuyan na akong nasa classroom. Narito na ang dark maliban sa lalaking unang hinanap ng mga mata ko. Hindi kaya siya papasok ngayon?

“Jiro. Anong nangyari sa’yo?” Tanong ko nang mapansin kong may mga pasa ito sa ilang parte ng katawan at mukha. Halata namang nagulat siya dahil ang kaswal kong magsalita.

“Napaaway kahapon, tas ayan bumack up sila. Nag-aya rin ng inuman si Thunder. Talaga bang okay na kayo?” Tanong niya at bahagya lang akong tumango dahil pumasok ng classroom si Thunder at naupo sa tabi ko. Hindi ko ma-explain pero may kakaiba sa aura niya ngayon.

“Pwede magtanong?” Pambungad niya sa akin kaya medyo nagsalubong ang kilay ko.

“Sure.” Tipid ko na lamang na sabi ng hindi inaalis ang atensyon sa kanya.

“Bakit ang ganda mo?” Nakangiting tanong niya habang may pataas taas pa ng kilay, natawa ako ng bahagya dahil hindi pa rin nawawala sa kanya ang mga banat niyang biglaan.

“Hindi ko alam. Inborn, eh.” kibit-balikat kong sagot at bahagya siyang natawa pero agad din siyang huminto nang mapansin na nakatingin pala sa amin lahat ng kaklase namin.

“Ano? Gusto niyo baliin ko ‘yang mga buto niyo?” Seryosong tanong niya, dahilan para mapailing ako. Nagkatinginan ulit kami at nagngitian sa isa’t isa. Lumipas man ang panahon, may mga bagay pa ring hindi nagbabago at masaya ako ro’n.

Habang nasa gitna ng klase ay nakaramdam ako ng papel na tumama sa braso ko. Tinignan ko naman ng masama si Thunder but he just mouthed na basahin ko iyon kaya naman pinulot ko at binasa.

“Are we okay? I mean. Bati na ba tayo?” Tinignan ko siya pero hindi siya nakatingin at nagpapanggap na nakikinig sa prof. Napailing ako bago kinuha ang ballpen para sulatan siya pabalik.

“Let’s talk later after class.” Binato ko ang papel sa direksyon niya at nasalo niya naman iyon kahit hindi siya nakatingin. Pagtapos no’n ay hindi na niya binalik amg papel sa’kin kaya nag-focus na lang ako sa klase. Marami man ang nangyari at pinagdaanan ko, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.

And now, graduating na ako. Sana naman maging maayos na ang lahat.

“Rain.” Tawag ni Cloud mula sa labas ng classroom. Tumayo na rin ako at kinuha ang mga gamit ko.

“Thunder, tara.” Aya ko at parang may iba pang Thunder ang pangalan dito dahil itinuro niya ang sarili niya.

“Oo ika, sumama ka sa’min.” Hinatak ko na siya at lumabas ng classroom. Ramdam na ramdam ko naman ang awkwardness sa magkapatid ng magkaharap sila.

“Mag-usap muna kayong dalawa. Ilalagay ko lang ‘yung gamit ko sa locker.” Sabi ko at saka nagmadaling tumakbo palayo sa kanila. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin, sana naman ay pagbalik ko okay na sila.

Nang makarating ako sa locker at bukas ko noon ay may nahulog na papel. Blue paper to be exact, why again? Kinakabahan man ay pinulot ko iyon at binasa.

“Someone will die today, ini mini miny mo.” Agad kong sinara ang locker at tumakbo pabalik kung saan ko iniwan sila Cloud pero pagdating ko roon ay wala na silang dalawa.

“Axel!” Sigaw ko nang makita ko siyang naglalakad sa hallway. “Si Thunder? Nakita mo?”

“Nakita ko silang bumaba ni Cloud. Nagpunta yatang hideouㅡ” Hindi ko na siya pinatapos at agad pumunta sa loob ng hell’s gate. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nandito nga sila kasama si Sunny.

“H-hi.” Hingal kong bati sa kanila habang nakatingin sila sa aking tatlo.

“Hindi mo naman sinabi sa’kin na aayain mo pala akong mag-date.” Nakangiting sabi ni Thunder at pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko. Tumayo akobng diretso at huminga ng malamin bago lumapit sa kanila.

“Bakit? Ayaw mo ba?” Taas kilay kong tanong at bahagya siyang umiling. Mukha namang napansin niya ‘yung asul na papel na hawak ko kaya itinago ko iyon sa likuran ko. Nagtinginan kami at kahit hindi siya magsalita ay alam kong nag-aalala siya.

“Okay lang ba na hindi muna natin ituloy yung double date?” Tanong niya kila Sunny.

“Bakit naman? Okay naman na kayo ni Rain, ah.” Sabi ni Cloud pero tumayo si Thunder at hinawakan ang kamay ko.

“Tatapusin ko na ‘to. Stay with them.” Bilin niya at nang balak na sana niyang umalis ay pinigilan ko siya. Nababaliw na yata siya.

“Susugod ka mag-isa? Are you out of your mind? Humingi tayo ng tulong, sa dark demons, crowned kings at sa iba pa. ‘Yung gang namin ni Cloud, makakatulong din sila.” Suhestiyon ko pero hinawakan niya lang ang ang kaliwang pisngi ko.

“Ayoko nang may madamay na iba. Sisiguraduhin kong matatapos na ang buhay niya ngayon.” Pursigido niyang sabi at akma na siyang aalis ulit nang biglang humarang si Cloud sa pintuan.

“Sasama ako. Alam kong nasa panganib ang buhay niyo.”

“Hindi na, kaya ko ‘to.” Sabi pa ni Thunder nang tapikin niya ang balikat ni Cloud. And for some reason, bigla na lang akong naluha. Hindi ko na hahayaan pang magkalayo ulit kami ni Thunder. Not again.

“Shh” Biglang sabi ni Thunder at lahat kami ay tumahimik. May naririnig kaming ingay at hindi lang kami ang tao rito. Dahil doon ay agad akong tinago ni Thunder sa likod niya at gano’n din naman ang ginawa ni Cloud kay Sunny.

“Umakyat kayo sa taas.” Utos ni Thunder pero ni isa ay walang nakinig dahil sa biglaang pagpasok nila Jasper at ng iba pang miyembro ng dark. Maging si Liam ay narito rin.

“Anong tingin mo sa’min? Hahayaan ka na lang? Isang grupo tayo at lalaban tayo hanggang dulo.” Ani Jiro at wala namang nagawa si Thunder at noong akala naming okay na ang lahat ay bigla na lang may nagpaulan ng bala sa direksyon namin. Agad kaming nagsiyukuan at umakyat sa itaas.

“What the fuck! Wala tayong armas.” Madiing saad ni Matthew nang magkumpulan kami sa nag-iisang kwarto ng hideout.

Agad kong tinignan si Cloud, mukhang hindi siya okay. Akma ko na sana siyang lalapitan pero bigla na lang siyang bumaba.

“Cloud!” Sigaw ko nang sumunod ako sa kanya. Pagdating naman sa ibaba ay naroon si Yb, kusa ko na lamang naiyukom ang kamao ko. Paano siya nakapasok dito ng ganoon kadali?

“Mabuti at kusa ka ng bumaba. Ikaw talaga ang pakay ko rito.” Sabi nito kay Cloud nang tutukan niya ito ng baril. Mabilis akong tumakbo sa direksyon nila pero huli na ang lahat. Napapikit na lamang ako at nakarinig ng apat na sunod-sunod na putok ng baril.

Natatakot akong dumilat. Ayokong makita kung ano man ang nasa harapan ko pero tuluyan akong naluha nang isigaw ni Liam ang pangalan ni Thunder. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na dumilat pero hindi ko kinaya nang makitang sinalo pala ni Thunder ang mga bala at siya ngayon ang nakabulagta sa sahig. Bakit? Bakita naulit na naman?

“Thunder!!”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.