37: She’s awake.
-
“Ground Zero? Ito ba ‘yong battle ground ng mga gangster?” Tanong ko at tumango naman siya. Mabilis akong nilapitan ni Chloe nang makita niyang humarap sa amin ang grupo ni Josh.
“Hi sweetiㅡ” Mabilis kong nasiko ang mukha ni Kevin nang akbayan niya ako.
“Stop messing around, Kevin!” Singhal ko, akma ko pa sana siyang susuntukin pero pinigilan na ako ng mga kasama ko bago ko pa magawa. Damn it!
“What the hell?” Reklamo ni Kevin habang nakahawak sa ilong niyang nagdudugo na.
“Kaibigan? Sinasabi mong kaibigan mo si Akira tapos anong ginawa mo?”
“Eh, kung hindi ko siya binaril malamang nauna niyo ng nalaman na kami ang may kagagawan nito bago pa namin ipaalam.” Nakangising sabi niya nang tumabi siya kila Josh. Ugh! Seriously, ang kapal ng mukha niya.
“It’s true na nag-e-enjoy ako kapag kasama kayo pero hindi ko kayang talikuran ‘yong dahilan kung bakit ako lumipat sa Monstrous.” Dagdag niya at napairap na lang ako. I can’t deal with his bullshits, sumasakit ang bangs ko sa mga pinagsasabi niya.
“Magsama kayo sa impyerno mga hayop kayo!” Sigaw ko na lamang, dahilan para mapunta sa direksyon namin ang atensyon ng ibang taong nandito sa loob.
“Hoy! Kayo d’yan.” Puna ng lalaking may hawak na mic. Lumapit si Josh doon at may kung anong ibinulong. Maya-maya ay lumapit na rin kami sa may parang malaking boxing ring.
“Nandito kayo para magkaroon ng personal battle?” Tanong ng lalake at tumango lang sila Zero.
“Yo! Guys listen, we will have a special fight for today. Mga estudyante ng Monstrous Academy.” Announce no’ng lalake at nag-ingay naman ang mga taong narito na akala mo’y first time nilang makakakita ng battle.
Bago tuluyang umakyat sa ring ay hinarap ako ni Zero at saka hinawakan ang kamay ko, pinaglaruan niya ‘yon habang nakatingin sa akin.
“Hindi ako magpapatalo. Gagawin ko lahat para matapos ‘yong problema mo, I love you.” Hinalikan niya ang noo ko at napanganga na lang ako. What was that? I didn’t manage to say anything dahil umakyat na siya.
“Uy, Erin. Okay ka lang?” Tawag ni Chloe nang hawakan niya ang balikat ko. Napalingon naman ako sa kanya at tumaas na lang ang kilay ko nang makitang namumula ang pisngi niya.
“Kinikilig ako sa inyo.” Komento niya, dahilan para mapairap ako. Nilingon ko si Jennie na tahimik lang sa may gilid. She’s out of place, maaawa na ba ako? Well, ano bang nagustuhan ng shungang si Jester na ‘yon sa babaeng ‘to? Tch.
“Let the fight begin!” Walang sabi-sabi mabilis na sumugod ang dalawang grupo. Obvious na obvious ang pagkagalit ni Alex sa katapat niyang si Kevin. Salitan lang sila ng suntok and I can’t believe na hindi talaga lampa si Kevin. He’s the opposite, kapag nasuntok siya ni Alex ay agad siyang nakakabawi.
I shifted my gaze to Tyler na ngayon ay umiiwas sa mga suntok na binibigay ni Ming. I am not biased pero sigurado na ang pagkapanalo ni Tyler. Mabilis kong napatumba si Ming noon kaya sure ako na sisiw na lang ‘yong laban na ‘to para kay Ty.
“My God! Erin.” Bigla na lang niyakap ni Chloe ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. Halos hindi naaalis ang tingin niya kay Jester na halos duguan na at gano’n din naman ang katapat niyang si Jun. Saglit pa lang pero makikita na sa dalawa na walang gustong magpatalo sa kanila.
“Fuck! Xian sa likod mo!” Sigaw ni Jennie. Mabilis nasuntok ni Hoshi si Xian mula sa likuran pero ang hindi niya alam ay nakaabang na ang isang kamao ni Xi para ipatama sa may panga nito. Tumalsik naman ang dugo mula sa bibig ni Hoshi nang tamaan ito. Ngayon ko lang din nakitang ganito kagalit makipaglaban si Xi, duguan na rin ang mukha niya at pawis na pawis.
“Zero, watch out!” Sigaw ko nang mapunta sa kanya ang atensyon ko. Mabilis naman siyang nakaiwas sa suntok na paparating pero mabilis nakabawi si Josh at nasipa si Zero, dahilan para mapaatras ito. Pulang-pula na ang mga kamao niya at may mga sugat na rin. Nagpakawala pa si Zero ng suntok at ipinatama sa sikmura ni Josh, pero mabilis lang siyang nakabawi at saka sinuntok si Zero ng dalawang beses pabalik. Halos lahat sila ay duguan na pero walang gustong magpatalo hangga’t walang natutumba.
Parang hindi ko na yata kayang panuorin pa ang mga nangyayari. I don’t want to see them suffering just because of me. Not again.
Akira’s POV
Halos masilaw ako nang marahan kong buksan ang mga mata ko. Na-realize ko rin na wala ako sa sarili kong kwarto. What happened?
Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko nang biglang maalala ko ang nangyari noong araw na ‘yon. Actually masaya ako na nasabi at nagawa kong palayain si Zero para mas maging open na si Erin sa totoong nararamdaman niya. Masaya ako na nangyari ‘yon bago mangyari sa akin ang bagay na ‘to, pero gaano ako katagal walang malay?
Napapikit akong muli. I was wondering kung ano na ang nangyayari sa kanila. Ilang araw na ba akong nandito sa hospital? Wala akong kasama. Okay lang kaya sila?
“Akira?” Agad kong minulat ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon. Ngiti niya ang bumungad sa akin, dahilan para tila pagpawisan ako. Oh my God!
“Kumusta ang pakiramdam mo? I’m Erin’s father.” Bati niya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Matagal ko nang hinahangaan ang isang Thunder Cross. Anong ginagawa niya rito? Am I dreaming?
“It’s okay, ‘wag mong piliting magsalita. Pinakiusapan kasi ako ng asawa ko na magbantay sa ‘yo dahil nabanggit daw sa kanya ni Erin na wala kang kasama ngayong araw.” Sabi nya at tumulo ulit ang luha ko ng marinig ang pangalan ni Erin. Thank God, she’s okay.
“Why are you crying? May masakit ba sa ‘yo?”
“W-wala po.”
“Are you sure? Tatawag ako ng doctor. Ilang linggo ka ring comatose kaya kailangan natin ipaalam sa doctor na gising ka na.” Sabi ni tito at napatango lang ako. Waitㅡcomatose?
Chloe’s POV
“Aray, masakit!” Daing ni Jester nang pigilan niya ang kamay ko habang ginagamot ang mga sugat niya sa mukha.
“Tiisin mo.” Sabi ko at saka ipinagpatuloy ang pag gagamot sa kanya. Si Tyler ang gumagamot kay Alex, si Jennie kay Xian at Si Erin naman ay kay Zero. Lahat sila ay puro sugat at pasa sa mga mukha pero masaya ako na sila ang nanalo. Worth it naman lahat ng natamo nila sa laban.
“Bakit nakangiti ka? Are you a masochist?” Tanong ni Jester at umiling lang ako. Tinitigan niya ako ng matagal kaya nag-init ang pisngi ko.
“I like you.” I said out of nowhere. Crap! Bakit gumagana ang pagigimg probity ko sa ganitong sitwasyon. Bakit? Bakit?!
“You like me?” Tanong niya.
“N-no I didn’tㅡ”
“Masamang magsinungaling. I heard what you said.” Aniya, dahilan para mapayuko ako. Nakakahiya.
“Then I want to know you more.” Agad bumalik ang tingin ko sa kanya nang sabihin niya iyon.
“What do you mean?”
“Let’s hang out more often.” Matamis akong ngumiti at tumango bago tinapos ang paggamot sa kanya.
Erin’s POV
“Hey, look at me.” Hinawakan ni Zero ang baba ko at saka inangat para mapunta sa kanya ang atensyon ko. Kasalukuyan kaming nasa bahay nila para gamutin ang mga sugat na natamo nila. Mabuti na lang at nasa eskwelahan pa si Third, hindi niya makikita ang itsura ng kuya niya.
“We won, right? You can smile now.”
“Yeah, I know. Hey, Ze.” Hinawakan ko ang kamay niya at saka ako ngumiti.
“Thank you.” Nginitian niya ako pabalik at saka hinawakan ang pisngi ko. Nagtitigan kami ngunit natigil din iyon nang mag-ring ang phone ko.
“Hello, Dad?”
“Gising na ang kaibigan mo.” Nagsalubong ang kilay ko.
“Ha? What do you mean? Where are you?”
“Nasa hospital. I’ll explain it to you later, for now. Pumunta na kayo rito, Akira’s awake.” Agad kong ibinaba ang tawag at saka dali-daling tumayo.
“Guys, gising na si Akira.” Lahat sila ay nagsitayuan nang sabihin ko iyon, hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami ng hospital at nagmadaling pumunta sa private room niya.
“Who’s Akira?” Tanong ni Jennie, hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya sa amin at tila walang balak humiwalay.
“Our friend.” Tipid na sagot ni Xian at saka kami nagpatuloy hanggang sa makarating na nga kami sa kwarto.
Awtomatikong tumulo ang luha ko nang makita kong gising na nga si Akira. Mabilis akong nakalapit at niyakap ito.
“I’m glad you’re okay.” Masayang sabi niya habang ako ay tahimik lang. Kumalas ako sa pagyakap kasabay ng paglapit sa amin nina Zero at Chloe.
“What happened to your face?”
“Ah, konting battle lang. How are you?” Tanong ni Zero.
“I’m okay now. Masaya akong makita na ligtas kayo.” Sabi ni Aki at hinayaan ko muna silang magkwentuhan habang ako naman ay nilapitan si dad para yakapin.
“Bakit nandito kayo?”
“Your mom told me to come here. Nabanggit mo raw kasi sa kanya na walang kasama ang kaibigan mo rito sa hospital.” Kumalas ako sa yakap at nginitian si dad.
“Thank you.” Ginulo lang niya ang buhok ko at kwinento ko naman ang mga nangyari sa akin. Kung paano ako kinidnapped nila Josh, ‘yong tungkol sa kuya nila at maging ang nangyari sa katatapos lang na battle sa ground Zero.
Mabilis naman lumipas ang oras at umuwi na rin si dad kaya kami kami na lang ang nandito ngayon. Natutulog si Jester at Xian habang sila Alex, Tyler at Zero ay gising na gising at nagk-kwentuhan. Nakatulog na rin ulit si Akira kaya nakaupo na lang kami ngayon nila Chloe kasama si Jennie.
Sana tapos na. Sana hanggang doon na lang ang problema, sana wala nang kasunod. Kung tutuusin, sobrang bilis ng pangyayari kaya sigurado ako na hindi pa rito natatapos. Ayoko mang isipin pero, pakiramdam koㅡthe worst is yet to come.