39: Fighting for friends.
-
Erin’s POV
Kasalukuyan kaming nasa bahay dahil sa reunion nila mom at nang iba pa niyang kaibigan. Nag-hire na rin pala sila ng katulong ni dad dahil malaki na rin angn tiyan niya.
Napaka-unexpected nito, itong mga nangyayari. Pakiramdam ko tuloy, isa itong farewell party dahil ito na ‘yong huli na magkakasama kami ng ganito. Ayokong maramdaman ‘to pero pakiramdam ko ay hindi na ulit ito mangyayari.
“Hey, are you okay?” Tanong ni Jennie na nasa gilid ko. May hawak siyang red cup na bigay ni Tito Ramon sa kanya kanina.
“Yeah.” Tipid na sagot ko sabay inom sa inumin na ibinigay ni dad. Anong klaseng mga ama ba ‘to at sila pa ang nagbibigay ng alak sa amin? I can’t believe those guys.
“So, Rozee... Tell us about yourself.” Ani Chloe.
“Uh well, I’m planning to transfer at Monstrous academy. I really don’t know what kind of student I am pero sabi dad ay pwede akong maging keen.” Tumango si Chloe at saka niya hinatak si Alex.
“He’s a keen. Maybe magiging compatible kayo sa isa’t isa.” Sabi ni Chloe nang i-upo niya si Alex sa tabi ni Rozee. Nagngitian lang ang dalawa at halatang nahiya. Napatingin naman ako kay Zero na seryosong nakikipag-usap kay dad. Tch! Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng dalawang 'yon? I hope it’s not about me or my love life.
“Jester, tara rito.” Rinig kong tawag ni Tito Jin. Oooh, would you look at that. Mukhang napansin na ni tito na kanina pa nakatingin si Jester kay Chloe.
“Hey, Erin.” Tawag ni Jennie, dahilan para mapalingon ako sa kanya.
“Wow! Calling my name, huh? Bakit?”
“It’s been three months nang magkasama tayo pero hindi ko pa rin ‘to natanong sa ‘yo.. Totoo bang may gusto sa ‘yo si Xian?” Seryosong tanong niya, dahil doon ay tinignan ko si Xian na abalang nakikipag-usap kila Tyler at Aki.
“Yah. He was the first to confess his feelings but I rejected him. I don’t deserve someone like him, alam kong may babaeng mas magmamahal sa kanya and that’s not me.” Binalik ko ang tingin kay Jennie and what the fuck? She was crying.
“Hey, what’s with you all of a sudden?” Tanong ko ngunit umiling siya habang pinupunasan ang luha niya.
“I’m just happy na ni-reject mo siya.” Napataas na lang ako ng kilay. She’s insane.
“You’re really something, huh?” Nakangisi kong sabi at saka siya tumayo para lapitan si Xian. Napailing na lang at lumapit kay mommy.
“You’ve really changed. Ang dami mo nang kaibigan.” Nakangiting sabi niya nang hawakan niya ang baywang ko. Ipinahinga ko naman ang ulo ko sa balikat niya habang nakayakap.
“Mom, I’m really happy to have them, masaya ako na nakilala ko sila pero bakit gano’n? Pakiramdam ko ay mababawasan kami, and I hate that I’m having this gut feeling.”
“Shh. Don’t say that, maraming problema na ang nalagpasan mo. I’m sure mas titindi pa ang mga susunod pero ‘wag kang susuko. Alam kong makakaya mo lahat ng problema as long as nand’yan ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa ‘yo.” Kumalas ako sa yakap at saka tinignan si mom.
“I hope so. Sige, Mom. Puntahan ko lang si Zero, baka kung ano nang pinag-uusapan nila ni dad, eh.” Paalis na sana ako ngunit pinigilan niya ako. Tinignan ko siya at nakita kung paano itong ngumiti sa akin.
“W-why?”
“Hindi mo pa ba siya sasagutin?” Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Naramdaman ko naman na may yumakap sa akin mula sa likuran kaya napalingon ako.
“Ulan naman, ayoko pang magka-apo. Kaya Erin, Anak. Take your time.” Kusa ko na lang naitulak si dad in a playful way. Nakakahiya.
“Dad. Anong apo ang sinasabi mo? Geez! Anong pinag-uusapan niyo ni Ze kanina?” Ngumiti siya ng malawak at saka niyakap si mommy.
“Binilin lang kita sa kanya. He already have my blessing kaya ‘wag mo na siyang paghintayin ng matagal. Baka ma-inlove pa ‘yan sa iba.” Pananakot pa ni dad kaya natawa ako.
“Susuntukin ko siya kapag nagkagusto siya sa iba.” Biro at saka naglakad papunta kay Zero. Nagulat pa siya nang bigla akong huminto sa harap niya at hindi niya naituloy ang pag-inom sa hawak na inumin.
“What’s wrong?” Tanong niya.
“Galit ka pa rin ba?” Nag-iwas siyanng tingin at nakita ko pa ang paglunok niya ng marahas. Wala rin akong idea kung bakit nag-blush siya bigla.
“Hey, I’m asking you. Galit ka pa rin ba?” Nakapamewang kong tanong.
“I’m not and I’m sorry sa mga inasal ko kanina. Kahit na ayaw mong lumabas ng kasama ako. Kahit ilang taon mo pa akong paghintayin, hindi ako titigil sa panliligaw.” Naitago ko ang labi ko nang sabihin niya iyon, hindi ko mapigilan ang ngumiti.
“Dumbass! Tara nga rito.” Pwersahan ko siyang inakbayan at ginulo ang buhok niya. Nagsilapitan naman sa amin ‘yong iba at saka kami nagtawanan habang ang mga tito namin ay pinapanuod kami.
Sana ay mali ‘yong nararamadaman ko. Sana ay walang mawala sa amin. Sana kumpleto pa rin kami hanggang sa grumaduate kami. Ako, si Zero, Tyler, Xian, Alex, Jester, Chloe, Jennie, Aki at kahit si Rozee na nadagdag sa barkada. Sana ay magtagal ang pag kakaibigan namin na ‘to.
ㅡ
“Hey, Aki.” Tawag ko nang makitang sa paggising ko ay mukha niya agad ang bumungad sa akin. Ngumiti siya kaya naman bumangon na ako.
“Did you enjoy last night?” Tanong ko at sunod-sunod siyang tumango.
“As expected.” Kibit-balikat na sabi ko at saka tumayo para mag-asikaso na sana pero napatingin ako sa labas. Dumungaw ako sa balkonahe at tinitigang maiigi ang boys dorm and to be specificㅡsa kwarto nila Tyler at Xander. Nakabukas kasi ‘yong pinto sa balkonahe nila kaya nakikita ko kung anong mayroon doon.
“Hey, Erin. Bakit?” Tanong ni Aki nang tabihan niya ako.
“Can you see that? May babae sa kwarto nila Tyler.” Sabi ko nang tumuro ako, tinignan naman ni Aki pero nawala na. Hindi naman siguro multo ‘yon ‘di ba? Or maybe that’s Tyler? But noㅡibang ang kulay ng buhok noon at iba rin ang haba. Para makasigurado ay kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan si Zero.
“Hey, can you check Tyler’s room for me?”
“Ha? Why?”
“Just do it.”
“Okay, wait.”
“Ano raw?” Tanong ni Aki pero hindi ko siya sinagot. Hinihintay ko pa kasi ‘yong response ni Zero.
“Walang tao sa kwarto nila pero may iniwang note si Tyler sa tapat ng pinto namin. Ang sabi niya hindi siya papasok dahil may pupuntahan daw siya.”
“Ah gano’n ba? Oh sige, baka namalik mata lang ako. See you later, bye!” Agad kong binaba ang tawag at sinabihan si Aki na mauna na siyang maligo.
Napaupo naman ako sa kama ko. Was it really my imagination?
Hours has passed. Dismissal. Nagmamadaling lumabas ang mga kakalase namin kaya nanatili kaming nakaupo ng iba para iwas banggaan sa pintuan at hindi crowded sa hallway.
Nang makalabas lahat ng kakalase namin ay pumasok si Xander at kumakaripas ng takbo papunta sa akin. Mabilis naman nakaharang sila Zero na tila pinoprotektahan ako.
“Anong ginagawa mo rito? Lakas ng loob mong itago ‘yang totoo mong kulay! Paano mo nagagawang pakapalin ‘yang mukha mo?” Giit ni Alex.
“Hindi ako pumunta rito para makipag-away. Oo, aaminin ko may nagawa akong mali pero maniwala kayo o sa hindi. Napagutusan lang din ako. Blackmailㅡhindi ko pa kilala sila Josh ng barilin ko si Erin noon. I was being target by the red org. Minamanmanan na nila si Erin noong simula pa lang at ‘yong nangyari sa aming away noon ang nagtulak sa red org para pilitin akong maging kakampi nila.” Paliwanag niya.
“Pero hindi na ‘yon mahalaga ngayon! Si Tyler. Matagal ko nang alam na may mali sa kinikilos niya pero hinayaan ko. Nasa panganib si Tyler.”
“What do you mean?” Naguguluhang tanong ko.
“Nagpanggap siyang ikaw. Papunta siya ngayon sa hideout ng mga red org.” Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Does that mean na ‘yong nakita ko kanina ay si Tyler talaga?
“Is he out of his mind?! Kilala nila si Erin! Hindi gagana ‘yong pag-disguise na ‘yon! Nasaan ‘yong hideout nila?” Nagmamadaling tanong ni Jester.
“Hindi ako sure rito pero nabanggit sa akin si Josh na nangako raw si Tyler na ibibigay niya si Erin sa boss ng red org... Tingin ko sinabi niya lang ‘yon para magmukha siyang traydor at mahanap niya ‘yong hideout no’ng mga red org..”
“..At ngayon na alam niya na kung saan, balak niyang patayin ang leader nila.”
Napahawak lang ako sa dibdib ko. ‘Yong araw na may kausap si Tyler, ‘yong nagsinungaling siya sa akin, lahat ‘yon ay para sa ‘kin?! Para sa kaligtasan ko?!
“Sumunod kayo sa ‘kiㅡ”
“Hindi. Ako lang ang susunod, let’s go.” Aabante na sana si Zero pero mabilis kong napigilan ang kamay niya.
“Isa ka pa! Ako ‘yong target dito! Kaya ako ang susunoㅡ”
“Erin! Hayaan mong ako naman.” Seryosong sabi niya. Nilingon ko sila Aki at Chloe, sa tingin pa lang ay parang sinasabi na nilang hayaan ko si Zero. Na magtiwala ako.
“Ipangako mo munang babalik ka.” Sabi ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya.
“Ipangako mo muna na kapag bumalik ako. Sasagutin mo na ako.” Nginisian ko siya nang sabihin niya ‘yon.
“That goes without saying. Just make sure na babalik ka.” Tipid siyang ngumiti at hinalikan ako sa noo bago mabilis siyang nawala sa paningin ko. The moment na makalabas siya ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.
Tyler. What are you thinking? Hindi mo kailangan gawin ang mga bagay na ‘to. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa ‘yong masama. So please, be safe.
“Yuko!” Nabigla na lang ako sa biglang pagsigaw ni Jennie. Saktong pagyuko naman namin ay nabasag ang salamin kung saan ako malapit.
“Someone’s aiming as from afar.” Sabi niya habang nanatili kaming nakayuko. Tinignan ko si Aki na nanginginig sa takot. Hinawakan ko ang kamay niya. Ngayon na ba? Ngayon na ba mag-umpisa ang totoong laban?
“Hey, where’s your gun?” Tanong ko sa tatlong lalake.
“Nasa kwarto, sobrang lakas ng loob nila para sumugod dito sa school. Paano sila nakapasok? Kailangan natin sila mapalabas, maraming estudyante ang madadamay rito.” Sabi ni Alex at tumango naman ako.
“Isama niyo sila Aki. Kunin niyo ‘yong mga baril then magkita tayo sa parking lot.”
“Paano ka?” Tanong ni Xi.
“I’ll draw their attention.”
“Erin, don’t do reckless thingㅡ”
“Aki, I’m going to be okay. Trust me.” Tumango lang siya at saka kami gumapang palabas ng classroom. Mabilis kaming tumakbo sa hallway at lumabas.
Hindi ko alam kung saan sila nagtatago pero nagpunta pa rin ako sa open space. Lugar kung saan malaya silang makakalapit sa akin. Alam ko namang hindi nila ako papuputukan. Kailangan nila ako ng buhay kaya lalaban ako with bare hands.
Malayo pa lang ay makikita ko nang may tumatakbo palapit sa direksyon ko. Mabilis akong nakaiwas sa suntok niya at saka siya sinipa mula sa likuran. Just to make sure ay sinuntok ko pa ulit siya at kinuha ang baril na nasa likuran niya.
Itinago ko ‘yon at saka nag-abang sa pagdating ng mga kasama niya. Bakit ang luwag ng security rito sa school? Damn it! Bigla na lang pumasok sa isip ko ‘yong sinabi ng dean noon. Bakit kailangan pang dumagdag sa problema ko ang pag-iisip kung sino ang nagmamay-ari ng school na ‘to?
“Erin!” Sigaw ni Chloe. Mabilis akong nakatakbo papunta sa kanila at saka sabay-sabay na nagpunta sa parking lot.
“Saan kayo pupunta?” Tanong ng gwardya kay Xian, ayaw kaming pagbuksan ng gate. Fuck! Bakit ngayon pa? Hinugot ko ang baril sa likuran ko at saka binuksan ang bintana rito sa back seat.
“Bubuksan mo o pasasabugin ko ulo mo?” Tanong ko nang itutok ko ang baril sa gwardya. Hindi na ito nagsalita pa at kusa nang binuksan ang gate. Mabilis namang nagmaneho si Xian palabas.
“Ang cool mo ro’n.” Komento ni Jennie na seryosong nakaupo sa harapan. Tinignan ko siya sa rearview mirror.
“Well ang cool mo rin kanina. Kung hindi dahil sa ‘yo baka may tama na ng baril ang isa sa ‘tin.” Sabi ko at nginisian niya lang ako.
“Where are we going now?” Tanong ni Jester.
“Sa likod! M-may sumusunod sa atin.” Sabi ni Aki kaya mas binilisan pa ni Xian ang pagmamaneho. Sinubukan kong kontakin si Zero pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Fuck! Zero, answer the phone!
“Bakit ngayon pa!” Inis na sabi ni Xian at pagtingin namin sa harapan. Traffic. Ugh!
“Baba. We need to run, hindi rin nila magagamit ‘yong kotse nila. Let’s hide.” Sabi ko at pagdating sa main road ay mabilis kaming bumaba ng kotse at nagmadaling tumakbo.
This will be the final na tatakbo ako mula sa red org. Makabalik lang ng ligtas si Zero at Tyler, sinisigurado kong ako na mismo ang lalapit sa mga sindikatong ‘yon para matapos na ang lahat ng ‘to.