Chapter MLB 17

Pinagsalikop ni Callea ang mga kamay at napayuko. The disgust in his voice already inflicted enough pain.

Dati rati ay wala siyang pakialam kung ano ang opinion ng mga tao sa itsura niya. Kung katakutan man siya o iwasan. Pero nalungkot siya na di siya matanggap ni Deive. Pinakitaan siya nito ng kabutihan… kabutihan dahil ang akala nito ay maganda siya. Higit sa lahat ay gusto siya nitong protektahan nang inakala nitong nasa panganib siya. She failed him.

“Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko na pakasalan mo. Malaya ka namang makaalis sa bahay na ito at di kita pipigilan. Pero may isa lang sana akong ipapaki-usap sa iyo. Pwede bang huwag mong sabihin kay Lolo ang mga natuklasan mo tungkol sa akin? Sabihin mo na ayaw mo akong pakasalan dahil in love ka na sa ibang babae.”

Humalukipkip ito. “And why would I lie? Kung sanay ka sa pagsisinungaling at pagpapanggap, huwag mo akong iparis sa iyo.”

Napayuko siya. Lalo lang yatang nasisira ang character niya sa harap nito. “I am sorry. Naisip ko lang kasi na kapag nalaman ni Lolo ang totoo, paalisin na niya ako dito sa Villa Celesta.”

Hindi niya kayang mamuhay gaya ng normal na mga tao na siyang gustong mangyari ng Lolo Tomas niya. Ikamamatay niya na mawala sa mundong iyon. Ang pananatili sa Villa Celesta ang paraan para protektahan niya sarili niya.

“Kahit na gusto kitang tulungan sa problema mo dito sa mansion, di ako magsisinungaling sa lolo ko. Ako naman ang malilintikan.”

“Bakit naman? Ang sabi ni Lolo madami daw magagandang babaeng nagkakandarapa sa iyo kahit saan ka pumunta. Siguro naman hindi mahirap sa iyo na makahanap ng magandang girlfriend pagbalik na pagbalik mo.” Iyon lang ang paraan para bigyan siya ng konsiderasyon ng Lolo Tomas niya. Para di nito isiping kasalanan niya kung bakit ayaw siyang pakasalan ni Deive.

Tumayo ito at hinipan ang sariling mukha. “I am afraid we are riding on the same boat here, Callea. Before I came here, I got into trouble. Nag-back out ang major client namin dahil pinalalabas ng anak niya na nabuntis ko.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Nakabuntis ka?”

“No! Ni hindi ko hinalikan ang babaeng iyon!”

“Karamihan talaga ng mga lalaki gustong takasan ang responsibilidad nila para lang makapagbuhay binata. Sasabihin nilang mahal nila ang isang babae pero kapag nakakita ng iba, iiwan naman nila. Ano kaya ang dapat gawin sa mga lalaking manloloko? Gumawa kaya ako ng white lady na pumuputol ng kaligayahan?”

Hinampas nito ang center table. “Hey! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Saka bakit pati kaligayahan ng mga lalaki gusto mong putulin?”

“Dapat lang naman iyon sa mga manloloko, di ba?”

“If you know what you are missing, you won’t say that.”

Then there was a mischievous glint in his eyes. Bigla tuloy niyang iniwas ang tingin dito dahil nag-init ang pisngi niya. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. As a virgin, she had no idea what pleasure a man could actually give to a woman.

“Nag-quit ka sa kompanya ninyo dahil sa gulong iyon?” tanong niya.

“I was fired! Kahit na wala akong kasalanan, inalis pa rin ako ni Lolo sa kompanya.” Nagkibit-balikat ito. “Hinarang niya kahit ang tsansa ko na magbagong-buhay. Di ako makakautang sa bangko at di rin uusad ang negosyo naming magkakaibigan kung di ko daw inaayos ang buhay mo.”

“Di ba inaayos mo na nga?”

“Ayaw niyang pakasalan ko ang babaeng nanggugulo sa akin. Parang sinira na din daw niya ang buhay ko. It means marrying the right woman. Meaning you.”

Pinagdikit niya ang dalawang dulo ng hintuturo niya. Mukhang mas malaki pang problema ang kinakaharap ni Deive ngayon dahil sa kanya. Malas dahil di siya ang babaeng iyon. “Anong mangyayari kapag hindi mo ako pinakasalan?”

“Kung mawawala sa iyo ang Villa Celesta, baka mawalan din ako ng pag-asang maitayo ang negosyong gusto ko. Madadamay pa mga kaibigan ko.”

Nakakalungkot. Sa palagay niya ay gusto lang ng mga lolo nila na mapabuti sila sa pagpili ng taong ipapakasal sa kanila. Sa kasamaang-palad, nagkamali ng pagpili ng mga ito. Ang tiningnan ng dalawang matanda ay ang samahan ng mga ito bilang matalik na magkaibigan. Hindi ang compatibility nila mismo ni Deive.

“Ayoko namang maging miserable ka dahil sa akin.”

Sanay ito sa mga babaeng magaganda, sopistikada at mahihilig sa magaganda at nagkikislapang mga lugar. Habang siya a y sanay sa dilim at sa pag-iisa. Ano ba ang mapapala nito sa babaeng tulad niya?

“Saan ka pupunta kapag nawala sa iyo ang Villa Celesta?”

Marahan siyang umiling at naramdaman niya ang pamamasa ng luha niya. “Hindi ko alam kung may lugar na tatanggap sa akin. Kahit paano dito kilala ang pamilya namin. Di ako maaano.” Kung lilipat sila ni Marina ng lugar, baka husgahan siya o ang masama ay saktan pa dahil sa kaibahan nila.

Mahabang sandali siya nitong pinagmasdan. Hinawi niya ang buhok patakip sa mukha niya dahil naiilang siya nang tinititigan.

“Don’t!” saway nito at pinigilan ang kamay niya. Hinawi nito ang buhok niya at pinunasan ng panyo ang luha niya. “Pwede kitang tulungan para hindi mawala sa iyo ang Villa Celesta.”

“Talaga?”

“Oo. At iyon lang din ang paraan para makuha ko rin ang perang kailangan ko sa negosyo at hindi ako pakialaman ni Lolo sa buhay ko. Magpakasal na lang tayo katulad ng gusto nila.”

Tumigil sa paggalaw ang mundo niya. “Are you sure? Pakakasalan mo ang isang katulad ko?”

“Ikaw mismo ang nagsabi na ayaw mong mawala sa iyo ang Villa Celesta. Gusto ko ring makawala sa galamay ni Lolo. Siguro naman hindi tayo magkaka-problemang dalawa. Ayaw mong mag-asawa. Ayaw ko ring mag-asawa. But we have a common goal. Oras na makuha natin ang goal na iyon, wala nang problema.”

“So it doesn’t have to be a real marriage?”

Tumango ito at pinagkiskis ang palad. “It doesn’t really matter if it’s a real marriage or not. Gusto ko lang ng katiyakan mula sa iyo na itutuloy natin ang kasal at makukuha natin ang mga benefits na kailangan natin.”

It was a brilliant idea. Sa una pa lang ay parang wala siyang lusot sa utos ng lolo niya. Ang kaibahan lang ngayon ay kakampi na niya si Deive na inaakala niyang kalaban. Mas naiintindihan na niya ang sitwasyon nito at nakikisimpatya din siya sa sitwasyon nito dahil pareho lang sila.

Inilahad niya ang palad. “I want this marriage for convenience game. So do we have a deal?”

Kinamayan siya nito at inilapit ang mukha sa kanya. “It’s a deal.”

Nahigit niya ang hininga. Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya at halos mahalikan na siya. Tumigil sa pagtibok ang puso niya. Hahalikan ba siya nito para I-seal ang deal nila? Nataranta siya. “S-Sandali… masyado kang malapit.”

Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha niya. Their lips almost touched. Kitang-kita niya kung paanong nagmistulang kulay ginto ang mga mata nito sa pagtama ng ilaw ng chandeliers. Parang isa itong bampira. Hinipnotismo siya nito at wala siyang magagawa upang pigilan ito sa anumang naisin nito.

“Get used to the proximity, Callea. Lagi tayong magkakasama mula ngayon. There are times that we have to act like a real couple.” Bumaba ang kamay nito sa leeg niya at lumapat ang daliri nito sa pulsuhan niya sa gilid ng leeg. “You have plenty of time to get used to me. Let’s call it a night for now. Babalik na ulit ako sa dati kong kuwarto. Kailangan ko nang maligo dahil amoy bawang na ako.”

Di niya magawang humalakhak kahit nang maisip niya ang dahilan kung paano itong nangamoy bawang. Nanlambot siya nang bitiwan siya nito at umakyat na. Dapat daw masanay siya na lagi itong malapit sa kanya. Paano pa siya masasanay? Nanghihina siya magkadikit lang sila.

She was thinking if the marriage idea was the right thing to do.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.