“IKAW na lang ang pag-asa ni Tatay, Ate…” wika nang half-brother ni Katrina na si Kiel. Kasalukuyan silang nakatunghay na dalawa sa ama na nasa intensive care unit.
Kagaya ng ama ay miserable rin si Kiel. Ito ang panganay na anak ng ama sa pangalawang asawa. Nineteen years old na ito. Gusto rin nitong tumulong. Kaya nga lang, nag-aaral ito. Naging scholar ito ng simbahan kung saan ito active sa mga activities. Gustuhin man nitong tumigil sa pag-aaral ay nanghihinayang naman sila. Isa pa, paano pa? Kailangan nila nang mabilisan na pera ngayon. Kung magsisimula itong magtrabaho ngayon, hindi rin naman ito magkakaroon nang malaking pera.
Napalunok si Katrina. Pinipigil niya ang luha niya. Awang-awa siya sa lagay ng ama niya. Pero kung iiyak siya at magiging miserable rin kagaya ng ama at kapatid, ano ba ang magagawa niya?
Kakalipat lang ng ama sa intensive care unit. Nagkaroon ng mas masamang komplikasyon ang aksidente. Mas sumama ang namuong dugo sa utak nito. Kailangan itong mas mabantayan.
At mas kailangan na talaga itong operahan…
“Gagawa ako ng paraan…”
Tinitigan siya ng kapatid. “Paano?”
“A-ako na ang bahala.” Naglihis ng tingin si Katrina.
“May naiisip ka na bang paraan?”
Hindi nagsalita si Katrina. May naiisip na siyang paraan. Pero kaya ba talaga niya?
Kakayanin mo para sa pamilya mo…
Natatakot si Katrina. Pero kung ang proposition ni Sir Rumple ang paraan para gumaling ang ama niya, sa tingin niya ay kailangan na talaga niyang pumayag sa gusto nito…
Tinawanan ni Katrina ang joke ni Sir Rumple. Kumunot ang noo nito. “What the hell was that?”
“Sir, hindi po maganda ang joke—“
“Hindi ako marunong mag-joke. Seryoso ako. Kailangan ko ng anak.”
Tinaasan niya ito ng isang kilay.
“Malaking pera ang usapan rito, Katrina. And you that I’m a business man. I will not trade without profit…”
Napalunok si Katrina. “G-gusto niyo pong bigyan ko kayo ng anak?”
“Ayokong isipin na bobo ka, Katrina. Bakit mo pa ako tinatanong? I think you already know what I mean…”
Kapalit ng perang hinihiram, kailangan ni Katrina na bigyan ng anak si Sir Rumple. Malaking bagay iyon, oo. Pero malaking bagay rin ang perang hinihingi niya.
Para sa buhay ng ama ni Katrina, kailangan niyang magsakripisyo. Ang puri niya at ang magiging anak niya…
Bahala na! wika na lang ni Katrina sa isip. Kinalma niya ang sarili. Tumingin siya sa relo niya. Alas otso na ng gabi. Sa tingin niya, kung hindi man nakauwi ay pauwi na si Sir Rumple sa unit nito. Kailangan niyang puntahan ito. Kailangan niya itong makausap.
Kailangan siya nito.
Walang choice si Katrina. Tama nga naman kasi ang lalaki. Lahat ng bagay ay may kapalit. Minsan rin na narinig niya: everything comes with a price. At ganoon ang buhay ng ama niya…
Nagpaalam si Katrina sa kapatid na aalis. Hindi na niya sinabi kung anong gagawin niya. Ayaw niya ng dagdagan pa ang problema ng pamilya kapag inamin niya sa mga ito ang balak.
Tinapangan na lang ni Katrina ang sarili. Sa mga ganitong panahon, iyon lang ang makakaya niyang gawin.
Alinlangan si Katrina nang makarating siya sa unit ni Sir Rumple. Hindi niya sigurado kung naka-uwi na talaga ito. Pero iisa lang ang way para malaman niya. Kumatok siya. Matagal-tagal pero ang importante ay bumukas rin naman ang pinto. Bumulaga sa kanya si Sir Rumple. As usual, nakakunot ang noo nito nang makita siya.
Pero hindi na pinatagal pa ni Katrina ang dahilan kung bakit siya pumunta sa unit nito. Kinuha niya ang ulo ni Sir Rumple at inumpisahang halikan ito.
WHAT the hell have I done?
Gustong mapaungol ni Rumple nang magising siya at makita ang babaeng nasa tabi niya. Mabilis naman na na-realize niya ang sitwasyon niya. He became impulsive. Mabilis na naakit at bumigay rin siya sa halik ni Katrina.
Hindi alam ni Rumple kung bakit siya nagkaganoon. Nagulat siya sa ginawa ni Katrina. Dapat ay nagalit rin siya. Pero nang halikan siya nito, pakiramdam niya ay nawala siya sa sarili. Hindi niya nakontrol ang katawan niya. At ngayong nakita niya ito sa kanyang tabi, hubad at mahimbing ang pagkakatulog sa tabi niya ay nararamdaman na naman niya na tinatakasan siya ng kontrol.
Anong mayroon si Katrina at nagkakaganito siya? Sa totoo lang, nang una niya itong makita ay halos hindi nga niya ito kinausap. Napaka-plain lang nito. Isa pa, hindi rin niya ito type. Parang hindi ito kumakain dahil sa kapayatan. Hindi ganoon ang tipo niya. Mas gusto niya ang mga curvy na babae.
Pero bakit nagbabago ang pananaw niya? Nagugulo siya. He wanted to touch Katrina again. He wanted to kiss and make love to her.
Kahit malaking bahagi niya ang nagsasabi na mali iyon.
Ano rin ba kasi ang pumasok sa utak niya at nagbigay siya ng proposition kay Katrina? Oo, gulong-gulo siya dahil sa gusto ng Lolo niya sa kanya. Pero parang hindi siya nag-isip. Nagpropose kaagad siya sa isang taong ni hindi niya naman ganoon kakilala.
Pero ang mas malala, hindi man pumayag kaagad ay kinagat rin iyon ng babae. And so they were here now. Hindi pa man ganoon kalinaw ang usapan ay may nangyari na.
Siguro ay para sa ikabubuti na rin ito, nasa isip na lang ni Rumple.
Naniniwala naman si Rumple sa sarili niya. Kung hindi man siya ang makakuha ng kompanya ng Lolo niya, kayang-kaya pa rin niyang makabangon. Mas makakuha pa siya ng maraming magandang career opportunities. Kung gugustuhin niya, kayang-kaya niyang gumawa nga ng bagong kompanya. Bilib siya sa sarili niya. Magaling siya. Matalino siya. Malaki na rin naman ang ipon niya. Kayang-kaya niyang magsimula.
Pero may panghihinayang si Rumple sa kompanya. It’s a family legacy. Siyempre, gusto rin niyang siguraduhin na mapupunta talaga sa maayos ang bagay na pinaghirapan niya. Napalapit na rin sa kanya ang kompanya. Ayaw niyang mawala iyon. Umasa rin kasi siya na sa kanya talaga mapupunta iyon dahil naniniwala siya na mas tiwala sa kanya ang Lolo niya kaysa kay Daimen.
Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para sa kompanya. Naggawa na niya. Pero sapat na nga ba talaga ang lahat? They only made love once. Sapat na ba iyon para makabuo ng anak na kailangan niya?
Umungol si Katrina. Mukhang kagaya niya ay nagising rin ito. Lalo yatang nagulo ang sistema niya. Imposible. He was a calm man. Hindi basta-basta nagugulo ang utak niya. Pero ano bang klaseng labi at katawan ang babaeng ito at nangyari iyon sa kanya? Nag-init kaagad ang katawan niya sa ungol pa lang nito.
Nagmulat nang mata si Katrina. Pakiramdam niya ay nanigas siya nang magsalubong ang mga mata nilla.
“H-hello…” Namumula si Katrina. Hindi niya alam kung dahil ba na-realize na nito ang sitwasyon o sadyang mahiyain lang talaga ito. Hindi niya ito ganoon kakilala kaya hindi niya masigurado.
At nakipag-deal ka sa isang hindi mo naman talaga ganoon kakilalang babae. Nasa isip-isip ni Rumple.
Ano nga ba ang nangyari sa kanya at nakipag-deal siya kay Katrina? Mabuti sana kung hindi lifetime ang consequence ng deal. Hindi niya ganoong kilala si Katrina. Naging impulsive siya. Napakaraming babae naman ang puwede niyang patulan. Mas maganda at may class. Guwapo siya kaya alam niyang hindi mahirap makahanap ng isa. Kung tutuusin, kayang-kaya rin niyang makahanap ng babaeng hindi na niya kailangang magbayad ng ganoong kalaki para lang sa anak. Puwede nga rin siguro na walang kapalit pa.
Mali ang ginawa ni Rumple. Hindi niya pinagplanuhan ang lahat. Mas nakinig siya sa tawag ng laman niya. It was not him. He lost his control. Mali ang ginawa niya. Pero siguro nga, totoong masarap gumawa ng mali.
He enjoyed the night even if it feels so wrong…
Tumikhim siya. “Hey,”
For a while, tinitigan lang siya ng babae. Lalo tuloy siyang naligalig. Nailang siya. Napaka-inosente kasi ng mata ni Katrina. Parang may sumundot sa puso niya. Nakonsensya siya. Hindi na kasi inosente si Katrina.
Kinuha niya ang kainosentahan nito.
But in a a very expensive price…
Business man siya. Kaya dapat lang na alam niya ang rule of trade. Lahat ng bagay ay may kapalit. After all, napakalaking pera ng hinihingi nito. Lugi siya kung basta-basta na lang siya papayag na mahiraman nang ganoon kalaking pera.
Kaya nga lang, sa ginawa niya ay alam niyang masasaktan ito. At may isang bahagi niya ang nagsasabing ayaw na masaktan ito.
Pero ano iyon? Bakit?
Kinuha ni Katrina ang kumot. Itinaklob nito iyon sa sarili at bahagyang lumayo sa kanya.
Nataranta si Rumple. Ayaw niyang lumayo ito. “No…”
“B-bakit?”
“You have to stay…”
Kinagat ni Katrina ang ibabang labi. Lalong nabuhay ang dugo ni Rumple.
“Don’t do that…”
“Ha?”
“Because I should only be the one to do that for you…” wika ni Rumple at muling hinalikan si Katrina. And again, he was lost.
Hindi siya kailanman nag-round two sa babaeng nakakatalik niya. But there’s really something weird but special with Katrina.
Kailangan niyang malaman. Well, matalino siya. Madali niyang nabibigyan ng sagot ng mga tanong. Pero itong discovery na natuklasan niya sa piling ni Katrina ay isang klase na hindi niya gustong madaliin…
Ah, bumalik ulit ang katanungan sa isip ni Rumple: What the hell have I done?
ARAW ng trabaho ni Katrina sa bahay ni Sir Rumple. Pero sa halip na magsimula ng trabaho ay nakita na lang niya ang sarili na natulala. Partikular ang kama nito. Pulang-pula ang mukha niya. Napakarami niyang naalala.
Naiinis siya sa sarili niya. Professional si Sir Rumple. Dapat ay ganoon rin siya.
Tumupad sa usapan si Sir Rumple. Binayaran nito ang operation bill at ang dati pang bill ng ama sa ospital. Naging mas generous pa nga ito. Sinabi rin nito na lahat ng kailangan pa para sa pagpapagaling ng ama ay babayaran rin nito.
Kapalit niya at ng magiging anak niya.
Masama ang ginawa ni Katrina. Ibinigay niya ang sarili sa lalaking hindi niya asawa at hindi niya mahal. Pero masama ba ang isang bagay kung may bahagi rin naman niya ang nagustuhan iyon?
Nakagat ni Katrina ang ibabang labi. May init na nararamdaman na naman siya sa pag-iisip na nagustuhan nga niya ang pag-aangkin sa kanya ni Sir Rumple. Pero sa ginawa niya, mas lalo lang niyang pinahihirapan ang paghinga. Ayaw na niyang siya lang ang kumagat sa labi. Mas magugustuhan niya kung si Sir Rumple ang gumawa noon…
Bakit niya ba nararamdaman ito? Bakit para siyang kinikilig? Trabaho lang ang lahat. Bakit ba siya sumasaya samantalang magiging malungkot lang siya sa huli?
Kukuhanin sa kanya ang magiging anak niya.
Twenty-three years old pa lang ngayon si Katrina. Wala pa sa isip niya ang magkaanak. Ang gusto lang niya ay ang maka-ipon. Gusto kasi niyang mag-aral. Kahit two years course lang. Gusto niyang may maipagmalaki naman siya sa buhay at kahit sa sarili niya.
Ganoon pa man, hindi naman ibig sabihin na dahil hindi niya pa gusto ay hindi na niya magugustuhan. Hindi pa man niya nararamdaman ay naiisip na niya ang sitwasyon. Lalaki sa loob niya ang bata. Ilang buwan niya itong dadalhin. Mapapalapit ito sa kanya.
At mawawala…
Ginusto mo ito. Kinailangan mo. Kailangan mong harapin ang consequence.
Masasaktan siya sa huli kaya hindi dapat siya maging masaya.
“At hindi ka na rin dapat nakatunganga!” Pagkausap ni Katrina sa sarili niya. Gusto na rin niyang sampalin ang sarili. Kailangan niyang magising sa katotohanan na hanggang pantasya lang niya si Sir Rumple. Lahat ng nangyari sa kanila ay trabaho lang. Puwede siyang mangarap na maulit, oo. Pero hindi dapat siya masyadong mag-expect o mag-isip. Hindi siya mapapangakuan ng isang relasyon. Kailangan siya. Pero hindi siya mahal. Hindi siya mahalaga.
Isa pa, gumawa man ng extra-service, hindi ibig sabihin ay tapos na ang trabaho niya. Tuesday ngayon. Kailangan niyang maglinis. Wala rin man na inilagay na kailangan niyang gawin sa note board. Pero iisa lang naman kasi ang ibig sabihin noon. Kailangan niyang gawin ang usual na ginagawa niya sa unit nito: ang maglinis ng bahay at pati na rin ang maglaba para rito.
Naglinis na si Katrina. Nahirapan man, lalo na sa loob ng kuwarto nito ay nakatapos rin naman siya. Ang sumunod niyang ginawa ay ang maglaba ng damit nito. Para siyang kinikiliti habang ginagawa iyon. Lumalakas ang tibok ng puso niya. Ilang beses rin niyang nakita ang sarili na inaamoy ang mga damit nito. Para siyang tanga. Pero siguro, fresh pa rin sa kanya ang lahat kaya ganoon siya.
Gusto niya si Sir Rumple. Nagustuhan rin niya ang pag-angkin nito sa kanya. Masaya at masarap kaya siguro ganito na lang siyang nalasing. Ang hirap maka-move on.
Pero kakayanin mo. Kagaya na lang nang malupit na buhay na ito.
Nakaya rin naman ni Katrina na tapusin ang mga gawain. Medyo maaga pa rin nang matapos siya. Alas tres pa lang ng hapon. Usually, alas singko dapat ang alis niya. Ganoon siya sa ibang bahay o unit na pinaglilinisan niya. Kailangan niyang gumawa hanggang may oras pa. Naghahanap siya ng gagawin. Pero madalas, binibigyan siya ng mga ibang amo niya talaga ng mga
Iba nga lang kay Sir Rumple. Okay na rito basta matapos niya ang lahat ng gagawin. Madalas ay umaalis siya nang maaga. Pero ngayong araw, ayaw niya pang umalis.
Naghanap si Katrina ng gagawin. Nakita niya ang bintana ng bahay. Twice a month kung linisin niya iyon. Hindi naman kasi talaga dumihin. Noong isang linggo lang niya huling nilinis iyon. Pero para lang may maggawa ay nilinis na lang niya ulit. Gusto niya pang magtagal sa unit ni Rumple.
Kinuha ni Katrina ang mini-ladder sa unit ng lalaki. Mataas kasi ang bintana kaya kailangan talaga niyang gumamit para maabot niya iyon. Matagal-tagal na rin siyang naglilinis ng bintana nang makarinig siya ng kumakaluskos.
Lumingon si Katrina. Nagulat siya nang makitang may tao na pala roon: Si Sir Rumple!
“Ay!”
Sa gulat ni Katrina ay nawalan siya ng balanse. Ramdam niyang mahuhulog na siya. Pero masyado siyang nagulo kaya hindi niya napigilan ang sarili. O siguro ay tanga lang talaga siya. Wala siyang naggawa.
Pero siguro blessing in disguise ang katangahan niya. Sinambot siya ni Sir Rumple.
Tumigil yata ang paghinga ni Katrina sa nangyari. He cradled her into his arms. Sandali rin na nagtama ang kanilang mga mata. Gulong-gulo man pero sigurado siya sa nakikita sa mata nito. Nag-alala ito sa kanya.
He cared…
Pero sabi nga niya, sandali lang iyon. Dahil maya-maya ay dumilim ang mukha ng lalaki. Tumiim ang bagang nito at nagtaas ng boses. “What the hell do you think you are doing, woman?!”
Ang akala niyang sweet moment ay nauwi pa sa galit. Haay, bawal kasi mag-day dream, Katrina!