JOSHANE'S POV
Araw ng pasko pero pakiramdam ko Biyernes santo lang. Ako na ang bitter, eh sa nasasaktan ako sa nangyari kahapon! Hindi ko alam kung bakit all of a sudden nakipag break siya sa akin? Just because of that damn kissed!! Hindi ko yun kagustuhan dahil biktima din ako kahapon. Ako na nga ang na harassed ako pa ang hiniwalayan. Damn life!
Sabi ko pa na pag dumating yung time na susubukan ang katatagan ng relasyon namin ni Harley saka lang namin yun i-deal pero paano na ako ngayon? Iniwan na lang niya ako without even hearing my side. God knows i never cheated on him, na siya lang ang mahal ko at wala ng iba. Pero sarado ang puso't isipan niya sa paliwanag ko, daig ko pa ang kriminal na hindi binigyan ng karapatang ipagtanggol ang sarili.
Tumawag kanina si Tricia, she just checked on me if i'm okay at dahil ayoko nang mag alala pa siya, i lied to her. I told her that i'm okay eventhough i am not really okay. Na kulang nalang humagulgol ako sa phone para ipaalam na hindi ako okay.
I tried calling Harley but he never answer the phone. I even texted him and got no reply. Wala na ba talagang chance na magkabalikan pa kami? Kung may tiwala siya sa akin at kung mahal niya ako hindi niya ako agad huhusgahan. Sana man lang binigyan niya ako ng chance na mag paliwanag pero hindi eh. Mas pinili niyang makipag hiwalay sa akin kesa ayusin ang dapat ayusin.
Dahil sa nangyari last night umuwi kami agad ng bahay kinabukasan. Naramdaman nila mama at mommy na may bumabagabag sa akin pero hindi nila ako pinilit na sabihin ito sa kanila. Sinabi lang nila na kung kailangan ko daw ng makakausap nandiyan lang daw sila.
Tok.. Tok.. Tok..
" Pasok po! " Sigaw ko sa kumakatok. Pumasok naman ang maid namin.
" Miss Joshane, pinapatawag kana po ng mommy niyo kakain na po kayo ng lunch. " - Maid
" Pakisabi na busog pa po ako. Thank you! "
" Sige po Miss Joshane, sasabihin ko po! " - Lumabas na ng kwarto ko ang maid namin. Naiwan naman ako sa loob na nag mumokmok, wala talaga akong ganang gumalaw at kumain. Pakiramdam ko patang pata ang katawan ko na halos naubos na ang energy ko samantalang wala naman akong ginawa kundi ang humilata at umiyak ng umiyak. Bigla naman may bumukas ng pinto ng room ko at pag lingon ko nakita ko si mommy na lumapit sa kama ko at umupo doon.
" Iha, something wrong? Care to tell me? Alam kong may problema ka, tell me, makikinig ako sayo. " -Mommy
Makikita mo sa mukha ni mommy ang pag aalala at kalungkutan. Ganun siguro talaga ang isang ina, parang kunektado ang pusod niya sa pusod ko. Alam niya kung kailan ako may problema at nalulungkot. Kahit mag sinungaling pa ako sa ibang tao pero hindi sa mommy ko.
" Wala na po kami ni Harley, nakipag hiwalay po siya sa akin kahapon. " Pinilit kong magpakatatag sa harapan ni mommy. Ayokong makita niya akong umiiyak kaya pinipigilan ko ang mga luha ko na huwag pumatak. Please luha, makisama naman kayo ngayon!
" Why? What happened? I'm sorry to hear that. " - Mommy
Hinaplos haplos ni mommy ang pisngi ko at pati na ang buhok ko. Sa ginagawa ni mommy parang mas lalo akong maiiyak.
" He saw me kissing with another guy. Scratch that mom, he saw me with the guy who forcefully hugged and kissed me in front of them. Hindi ko inexpect na hahalikan ako ni Van, ewan ko kung sinadya niya yung paghalik sa akin at talagang sa harap pa mismo ni Harley. " Paliwanag ko kay mommy.
" Did you talk to Harley already? " - Mommy
Hinawakan ni mommy ang palad ko at pinisil pisil iyon.
" Nope! Ayaw niya nga akong pakinggan sa explanation ko. Basta lang niya ako hiniwalayan. Sabi niya mahal niya ako pero bakit ganun mom? Bakit ang bilis niyang mag desisyon na makipag hiwalay agad imbes na i-sort out namin ang problema?! " Tahimik lang si mommy parang tinitimbang ang dapat niyang sasabihin sa akin.
" Alam mo kasi anak, kapag puno ng galit ang puso ng isang tao natatakpan nito ang love at nangingibabaw ang hatred. Sa ngayon, hayaan nalang muna natin siyang makapag isip at para mag cool down. Darating yung time na siya mismo ang lalapit sayo para hingiin ang explanation mo. Alam ko hindi maganda na patagalin ang away ng magka relasyon pero in your case i think this is the least that you can do for now, ang palipasin ang galit niya and once na humupa na ang galit niya saka mo siya kausapin. " Mahabang sabi ni Mommy. I think mom's right! Hindi ko dapat muna sabayan ang inis niya at hayaan ko muna lumamig ang ulo niya saka ko siya kakausapin. Pero paano kung hindi na niya ako kakausapin kailanman?
" Mom, paanu kung ayaw na niya akong kausapin kahit kailan? Anung gagawin ko po? " Feeling hopeless na ako pero wala akong magagawa. Hays!
" If that's the case, i think you should respect his decision. You can't do anything about it. Unless kung malalim ang feelings niyo sa isa't isa at ayaw niyong mawala ang isa't isa maybe may chance pa na maging okay kayo ulit. " -Mommy
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni mommy, tumayo narin siya at bago lumabas ng room ko nagsalita pa siya ulit.
" If he really loves you, he will try to understand you and will definitely ask for your explanation. Maybe not so soon but someday. Bumaba kana sa ibaba para kumain, we're all waiting for you downstairs. " Ngumiti si mommy saka bumaba ng hagdan. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba para mananghalian.
Later that night, we had a family dinner coz it's christmas and i felt so empty! Empty, coz Harley and I were not in good terms and worst he broke up with me. Pumunta si Tricia sa bahay just to give her gift to me and i gave my presents for her as well. She told me that if i need someone to talk to i shouldn't hesitate to call her. Napangiti ako, somehow i still have a friend to count on. A friend that used to bully me.
Binuksan ko ang gift na bigay niya sa akin, ang ganda nang pagka wrap at tila pinasadya pang ipa wrap sa isang mall. Binigyan niya ako ng bracelet na may nakasulat na " BFF TRISHANEL " combination ng name naming tatlo nila Elisa at Tricia. Kasama ng bracelet ang dress na floral. Kahit papanu napapasmile ako ng bruha.
Days passed! Pero ni text or call mula kay Harley ay wala akong natanggap. Hindi man lang niya ako binigyan ng gift ngayong christmas pero hindi naman yun ang habol ko. His presence is more than enough present for me. Kaso wala eh, he left me for real.
New Year's eve! Maaga palang ininvite na ako ni Tricia na pumunta ng club republiq dahil may party si Peter doon. We arrived early kaya may time pa kaming mag usap ni Peter. Tricia went inside with JL and i was left alone waiting for Peter. Ilang katao narin ang pumasok sa loob ng club republiq nung makita ko si Peter kasama si Paige. Nakipag beso beso ako kay Paige at pumasok na siya sa loob.
" Peter, can we talk? " Pigil ko kay Peter.
" Sure! About Harley ba? " - Peter
" Yeah! Siguro alam mo na ang nangyari sa pagitan namin. I swear, hindi ko magagawang mag cheat sakanya. " Paliwanag ko kay Peter. Alam ko walang kinalaman si Peter sa amin ni Harley pero nagbabakasakali lang naman ako na pag naintindihan ni Peter at least he can explaine everything to Harley.
" Alam ko Joshane, kaso ang problema si Harley. Ayaw niyang makinig sa amin, how many times narin namin siyang kinausap regarding sa nangyari nung party mo pero sarado ang isipan niya. He doesn't care anymore. I'm sorry Joshane! I'll still try to pursuade him but i can't promise that everything will be back into normal. " - Peter
Alam ko na kahit sila hindi nila kayang pangunahan or pagsabihin si Harley dahil ilang beses man nilang sabihan ito still he won't listen. Desisyon parin niya ang masusunod!
" Thanks Pete! So, kamusta na kayo ni Paige? What's the score between the two of you? " Iniba ko ang topic at pilit na pinasigla ang tinig ko. Ayokong umiyak ngayong araw, ayokong salubungin ang new year na luhaan.
" We're friends! Pero ayaw niyang magpaligaw sa akin. Sabi niya okay na daw na close friend kami kesa wala. " - Peter
" I think, she has her reason naman siguro. Just respect her decision, kahit na botong boto ako sakanya para sayo! " Pumasok na kami sa loob ng bar at halos lahat nag eenjoy na sa party.
Ang apat na GForce nandito na sa bar pero si Harley wala pa. Sabi naman ni Peter he's coming naman daw and i hope makapag usap kaming dalawa. Nag tatawanan kami nila ni Tricia and Paige nung dumating si Harley. May kasama siyang girl na halos lalabas na ang kaluluwa sa suot niyang damit. Naka akbay si Harley sa kanya habang ang girl naman naka yakap ang kamay sa beywang ni Harley.
Hinawakan ako ni Tricia at Paige sa kamay ko tila sinasabi sa akin na nandiyan lang sila. Nagtama naman ang tingin namin ni Harley pero bigla naman niyang binawi ang tingin at hinalikan ang kasama niyang babae. Hindi ko natagalan ang eksena nila kaya nag excuse ako na pupunta ng cr. Pag dating ko sa cr doon ako napaiyak ng impit. Saka naman pumasok sila Paige at Tricia sa loob.
" Are you okay? Shhhh.. Tahan na! " - Paige
" Naku, that slut sarap gilitan ng leeg. Kung makipag halikan kay Harley parang gutom. At yung hinayupak mo naman na ex ang kapal ng mukha na ipakita pa talaga ang laplapan nila sa lahat ng mga nandun. " - Gigil na sabi ni Tricia. Patuloy parin ako sa pag iyak pero unti unti ko nang kinakalma ang sarili ko.
" A-akala ko makakausap ko na siya ngayon pero hindi na pala. Dapat pa ba akong lumaban kung sa tingin ko naman na sinuko na niya ako?! " Mapait kong sabi. Bitter ako, pakialam niyo ba?
" Gusto ko sanang sabihin na lumaban ka pero after what i saw a while ago? I think, you should move on. It's for your own good! Maybe he wasn't really meant for you. Bata kapa at marami pang magagandang bagay na mangyayari sa buhay mo. Learn to let go Joshane. " - Tricia
" Tricia's right! Wala man akong experience sa love pero ramdam ko kung gaanu kasakit ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero wala na tayong magagawa eh. Masakit man pero kailangan mong magpakatatag at mag move on. " - Paige
Niyakap ko silang dalawa at pagkatapos ng iyak ko inayos ko na ang sarili ko. Kelangan kong magpakatatag at kelangan kong ipakita kay Harley na hindi ako apektado kahit sobrang sakit na. Lumabas na kami ng cr at pumunta na sa table namin. Nakangiti na ako at salamat nalang kasi madilim kaya hindi halata na umiyak ako.
" Joshane, wanna drink? " Alok ni Tricia. Kung dati hindi ako umiinom pwes ngayon gusto ko ng itry.
" Sure! One martini please. " Tiningnan ako ni Harley nang masama pero deadma lang ako. Dumating ang order naming drinks at agad kong nilagok ang laman ng baso. Napangiwi ako sa lasa ng martini pero ininom ko yun straight.
" Woooohhh... Let's dance! Come on Joshane and Paige! " Hinila kami ni Tricia sa dance floor kaya nagpatianod nalang kami ni Paige. Sumayaw kami at halos lahat ng mga nasa dance floor sa amin nakatingin. Kahit papaano nag eenjoy na ako sa pag sayaw at ganun din si Paige.
Pumunta ng dance floor si Harley kasama ang hitad. Sumasayaw ba sila or nag memake out sa dance floor?! Letche! May lumapit sa akin na gwapong lalake at sumayaw sa harap ko kaya nakipag sayaw narin ako sakanya. Yung nakadikit na ang katawan ko sa lalake at sumasayaw ako ng nakatalikod sakanya while siya naman halos parang nakayakap na sa akin. Dahil narin siguro sa espirito ng alak naging mas wild na ako. Wala na akong pakialam kung anu ang pinanggagawa ko basta ang gusto ko lang mag enjoy.
Bigla akong nagulat nung may sumontok sa kasayaw ko at pagtingala ko nakita ko si Harley na nakakuyom pa ang palad niya. Biglang bumangon ang lalake na kasayaw ko at kukwelyohan niya si Harley.
" Shit man! What's wrong with you? " Inundayan niya nang suntok si Harley kaya nagkagulo na ang mga tao sa gitna. Bigla naman inawat ng Gforce si Harley at ang lalake at hinila na ako ni Tricia paalis sa gitna.
" Joshane, we need to go home now. It's almost 11pm at ang sabi ng mommy mo ibabalik kita before midnight. " - Tricia
Tumango lang ako sakanya at nagpaalam na kami kina Paige at sa Gforce. Pero bago kami umalis may binitawang salita si Harley na nagpagimbal sa boung pagkatao ko.
" I love you! But you proved to me tonight that you deserved that break up! " - Harley