Chapter 39. The reunion

THIRD PERSON'S POV

REUNION DAY!!

Halos lahat ng Batch 2015 nagsipag uwian para maka attend lang ng reunion.

Lahat halos masayang  nagbabatian dahil sa muling pagkikita ng mga dating magkaklase at mga magbarkada. Kahit saan ka tumingin lahat masaya sa muling pagkikita ng bawat isa.

Sa isang table, masayang nag kukwentohan ang Gforce habang hinihintay ang pagsisimula ng program. Meron pa kasing short program bago ang party para sa Batch 2015.

Nandoon narin si Elisa at halos hindi na maipinta ang mukha niya dahil nakasimangot siya dahil sa presensiya ni Celine na katabi ng pinsan niyang si Harley.

" Excuse me, sa labas na lang ako maghihintay sa kanila ni Joshane! " Sinadyang banggitin ni Elisa ang pangalan ni Joshane para malaman niya kung anu ang magiging reaksyon nila Celine at Harley kapag binanggit niya ang pangalan ng kaibigan niya.

Hindi naman siya nabigo dahil pagkarinig ni Celine ng pangalan ni Joshane agad siyang naalarma at napatingin kay Elisa.

" Umuwi pala si Joshane? I didn't know that! " She said in a statement not as a question.

Napaismid lang si Elisa at ipinapahalata kay Celine na hindi niya gusto ito kahit pilit na hinuhuli ni Celine ang loob ni Elisa.

" Do you think Joshane will inform you that she's coming, after what you did to her? " Tanong ni Elisa kay Celine na ikinabigla naman ni Celine. She knew that Elisa hated her so much but she kept on reaching out to Elisa and be friend with her even if the latter ignored her most of the time.

" Enough! Elisa, how many times did i tell you to respect my decision and respect Celine? Move on! " Hindi narin napigilan ni Harley ang sumabat kay Elisa dahil kung hindi niya ito pagagalitan she will not stop bringing back the past. He knew her cousin very well and once Elisa say something, she will never take it back what she said.

" Honey, its okay! Wag mo ng pagalitan si Elisa baka lalo lang lumaki ang lamat naming dalawa. I want to be her friend and i will wait for the time that she will accept my friendship. " Nagbabait baitang sabi ni Celine. But deep down in her, she hates the thought of being friends with Elisa, the spoiled brat cousin of Harley.

Lumabas na si Elisa at sinamahan naman siya ni Tristan sa labas. Nagkukwentohan sila nung may tumigil na limo sa tapat nila. Agad namang napatingin sila Elisa and Tristan sa limo at bumaba doon sila Tricia, Joshane, Lia at Cherry.

Agad namang lumapit si Elisa sa apat at nakipag beso beso siya sa mga ito. Okay narin sila Elisa, Cherry at Lia. Nakwento narin nila Lia at Cherry ang kawalanghiyaan ni Celine sa kanila. Nakibati narin si Tristan sa kanila at sabay-sabay na silang pumasok sa loob. Pero bago sila makarating sa loob may sinabi pa muna si Elisa kay Joshane.

" Joshane, nasa loob na sila Harley at Celine, stay strong and focus okay? Wag magpapadala sa emosyon. " Hinawakan ni Elisa ang kamay ni Joshane at pinisil ito tanda ng pagsuporta sa kanya.

" I'll be fine! Don't worry yourself too much, papangit ka niyan. " Ngumiti si Joshane kay Elisa para mawala ang pag aalala niya sa mangyayari mamaya. Kahit si Joshane kabado din at hindi alam kung paanu niya pakikitunguhan ang dalawa mamaya.

Ngayon palang na nasa labas palang sila nanghihina na ang tuhod niya na parang mawawalan siya ng panimbang, how much more kapag nasa loob na sila at makikita niya ang ka-sweetan ng dalawa?!

***

JOSHANE'S POV

Papasok na kami sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang reunion ng batch namin. Medyo kinakabahan ako na parang nanghihina ako dahil sa sobrang tindi ng pag kabog ng dibdib ko. Nakaka drain din pala ng energy kapag sobrang kabado ka.

Ilang steps nalang at makikita ko na ang dalawang taong ayaw na ayaw kong makita. Sila Harley at Celine!

Pagkapasok namin, natatanaw ko na ang Gforce at pati na sila Harley at Celine. Lumapit si Tricia sa tabi ko at may ibinulong sa akin.

" Bruh, ipakita mo na hindi ka affected sa presence nilang dalawa. Di hamak na mas maganda ka kay Celine kaya hayaan mo silang maglandian sa harapan mo. Iparamdam mo kay Harley na malaki ang nawala sa kaniya nung hiniwalayan ka niya. " Mahinang sabi ni Tricia pero sapat na para marinig ko iyon ng malinaw. Napangiti nalang ako sa kanya at unti-unting iwinawaksi ang kaba sa dibdib ko.

Pagkadating namin sa designated table namin agad naman kaming nagsipag upuan. Tumingin si Celine sa gawi namin at nanlaki ang kanyang mga mata nung makita niya kung sino ang mga kasama ko. Nag smirked ako sa kanya at tumingin ako kay Lia and Cherry na naka smirked din kay Celine. Lumapit si Cherry sa akin at may ibinulong.

" Look at her face! Para siyang nakakita ng multo nung makita niyang magkasama tayong dumating! Pay back time! " Bulong ni Cherry sa akin. Tumawa naman ako nung maalala ko ang mukha ni Celine. Yeah, Cherry's right, mukha ngang nakakita ng multo si Celine dahil lumaki talaga ang mga mata niya kanina.

Lumapit ang apat na Gforce sa table namin at nakipag batian sa amin. Sayang lang wala si Paige ngayon edi kung nandito sana edi masaya itong si Peter.

" Hey, buti naman at dumating na kayo. Kanina pa nakabusangot si Elisa eh! " Turan ni Kelvin sa akin.

" Hinintay pa kasi namin sila Cherry and Lia, sa sasakyan kasi nila kami sumakay. " Paliwanag ko kay Kelvin. Parang may sasabihin pa siya pero hindi na niya itinuloy.

Masaya kaming nag-uusap ng Gforce nang lumapit si Celine at Harley sa amin. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko na parang may mga dagang naghahabulan doon.

" Joshane, welcome back! I hope naka moved on kana sa past. " -Celine

Ngumisi ako sa kanya at nag taas ng kilay ko. I can sensed plastic here! Alam ko na threatened siya sa presence ko. Kasi kung makakapit kay Harley akala mo aagawin ko sa kanya si Harley. I'm not like her who played dirty. I'm not a back stabber and i don't back stabbed my friends just to get the guy i like.

"Which past you were talking about? Kung about kay Harley, yeah i already moved on. Ikaw naka move on kana ba sa past mo? " Note the sarcasm here. Yung ngiti niya napalitan ng inis. Kaya bago pa siya maka react inunahan ko na siya agad.

" Excuse me, marami pa akong babatiin na mga Friends ko. See you around! " Bago ako umalis dumako ang tingin ko kay Harley at nagtama ang mga tingin namin. Naramdaman ko nanaman ang pagtahip ng dibdib ko. This can't be, the last time i felt this way towards him was when we were together. Hinila na ni Celine si Harley at umalis narin ako.

I shrugged off that feeling, hindi ko dapat maramdaman ang ganun dahil hindi na siya magiging akin sapagkat pag mamay-ari na siya ni Celine.

Bumalik na ako sa table namin after kong batiin ang mga kakilala ko. Nagsimula narin ang short program at habang nagsasalita ang emcee, nilipad nanaman ang isip ko sa karimlan.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa at makikita sa mga galaw nila na mahal nila ang isa't isa. Nakayakap si Harley kay Celine at ganun din si Celine kay Harley. Yung mga braso na dati sa akin nakayakap pero ngayon iba na niyayakap niya. Yung ako dati ang reason kung bakit masaya siya na dati sa akin lang siya ngumingiti pero ngayon ngumingiti siya pero iba na ang dahilan.

Ang sakit pala makitang masaya ang taong mahal mo sa piling ng iba. Nung ako ba ang mahal niya dati ganyan din siya kasaya? Parang kinurot ang puso ko sa nasasaksihan ko ngayon. Naghahalikan si Harley at Celine sa harap ng maraming tao na tila walang pakialam kung may nakakakita sa kanila. Harley would never kiss me in front of so many people because i don't like PDA. Wait-- Why am i comparing myself to Celine? I know i'm way better than her, i shouldn't be insecured to her because i was the first girlfriend.

Yeah, you were his first but in guys list, the last one is the most important love for them not the first love.

Oh please, shut up sub-concious mind.

Nag umpisa na ang party at dahil gusto ko munang mapag isa, so i went out. Napadpad ako sa garden ng hotel. Malamig ang simoy ng hangin dahil December na at maraming mga christmas lights ang nakasindi na ilaw sa garden at nag mistulang parang nasa paradise ka dahil sa mga ilaw na nakasindi. Ang ganda ng view, bagay na bagay sa romantic couples na mag date sa ganitong lugar. Bigla akong nalungkot sa thought na yun. Kahit pala successful ako pero kulang ako sa lovelife and i still feel the emptiness. Nakatingin lang ako sa langit dahil maraming mga bituin ang lumabas ngayong gabi. Naririnig ko rin ang christmas song na pinapatugtog sa loob ng hotel pero abot hanggang dito sa garden. Biglang may lumapit sa akin pero hindi ko siya sinulyapan, nakatingin parin ako sa langit na tila amazed na amazed ako sa nakikita ko.

" Maganda ang view no? Kasing ganda ng katabi ko! " Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko. God! Bakit ganito nalang kalakas ang presence niya sa akin? Akala ko ba naka moved on na ako pero bakit bumibilis parin ang tibok ng puso ko tuwing nasa malapit siya?

" B-bakit ka nandito? Baka hinahanap kana ni Celine. " Nautal ako dahil sa kanya.Kainis!

" She left na, nakita kitang pumunta dito kaya after ko siyang ihatid sa kotse niya dumirecho na ako dito. " Wag na wag kang kiligin Joshane, hindi dapat dahil may girlfriend na siya.

" Akala ko ba galit ka sa akin? Bakit mo ako kinakausap ngayon? " Gusto ko siyang itaboy dahil kapag tumagal pa siya dito sa tabi ko baka himatayin na ako. Baka mawalan ako ng self control at bigla ko siyang mayakap. God! How i long to his embrace, his touch, his kiss..

" Nagbabago ang lahat Joshane, tulad mo marami narin ang nag bago sa'yo! " Ngumiti siya sa akin pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata. Ibinaling niya sa taas ang tingin niya at napasinghot siya. Umiiyak ba siya? Pero bakit?

" Yeah! Marami na nga ang nagbago, mga pagbabagong hindi natin pwedeng kontrolin. " Umihip ang hangin at naramdaman ko ang lamig na nanunuot sa balat ko. Ito yata ang tinatawag nila na malamig ang pasko dahil single ka. Dahil wala kang kayakap at mag isa ka lang. Sampal sa pagkatao ko ito pero i chose this. Na kahit gustuhin ko mang kunin siya kay Celine hindi ko gagawin dahil hindi ako katulad niya na mang-aagaw. Well, hindi naman niya talaga inagaw literal si Harley pero yung gumawa siya ng bagay na ikakasira ko kay Harley ay parang pang-aagaw narin yun.

" Naghintay ako na babalikan mo ako, na pagkatapos mong mag confess sa akin makikipag balikan kana sa akin pero umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Ang sakit nun, feeling ko hindi mo talaga ako minahal. " Nakatingin na siya this time sa akin at gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata.

Bigla akong naconfused, bakit ako ang sinisisi niya?

" Nung nag confess ako sa'yo noon at lumabas ako ng Gforce building umasa ako na hahabulin mo ako at pipigilan pero hindi yun nangyari. Mas lalo lang nawasak ang puso ko nung hindi mo ako hinabol. Hindi ko kailangan makipag balikan sa'yo coz in the first place i'm not the one who left our relationship. It was you who left and not me. " Hindi ko na napigilan ang pag patak ng mga luha ko kaya tumalikod na ako para umalis sa lugar na yun. Kung patuloy pa kaming mag uusap baka humagulhol pa ako sa harap niya at ayoko yun mangyari. Pero bago ako umalis may sinabi siya sa akin na nagpatigil sa akin.

" Sorry if i left you, it's not that we aren't meant to be together, I think that were just not ready for forever. " Pinahid ko muna ang mga luha sa pisngi ko bago humarap sa kanya.

" They are right. Maybe, i did get my hopes up too high. Maybe, i was in over my head. Maybe i am the stupid one for ever thinking that you loved me. I loved you but its not enough to maintain our relationship. " Umalis na ako doon at pumasok na sa loob. Hinanap ko ang cr para mag ayos ng sarili bago bumalik sa venue. Gusto ko na ngang umalis sa hotel at umuwi nalang sa bahay pero hahanapin ako nila Tricia at Elisa. Kaya pinilit kong pasayahin ang sarili ko kahit na ang totoo niyan kanina pa ako gustong mag break down. Pagkapasok ko sa loob sinalubong ako ni Tricia na may pagtataka.

" Bruh, what happened? Did you cry? " Puno ng pag aalala na tanong ni Tricia. Ngumiti ako sa kanya para hindi mahalata na para na akong sasabog.

" Nothing, bakit naman ako iiyak? " Tinitigan niya ako sa mga mata pero ibinaling ko ang tingin ko sa unahan. As much as possible ayokong malaman ni Tricia na nasasaktan ako ngayon.

" You know you're not a great liar bruh. Tell me what happened?! " I let out a sigh and pulled her outside the venue.

" Nag usap kami ni Harley kanina." Pagsisimula ko kay Tricia. Alam ko she want to know what happened back there.

" And? Come on straight to the point bruh. " -Tricia

" Parang ako pa ang sinisisi niya nung nag hiwalay kami. Hinihintay niya daw na makikipag balikan ako sakanya after naming mag usap pero hindi ko ginawa. Umalis nalang daw ako na hindi nagpapaalam sa kanya. " Paliwanag ko kay Tricia, niyakap na lang niya ako dahil unti-unti nang pumapatak ang luha ko.

" Sssshhhh.. Nasasaktan ka parin hanggang ngayon. It's okay to cry like a river but make sure that when you stop crying, you will no longer cry for the same reason. " Pang aalo ni Tricia sa akin, hinahaplos niya ang likod ko habang nakayakap ako sa kanya.

" Bruh, i wanna go home now! I'm sorry, nasasaktan parin talaga ako hanggang ngayon. " Patuloy parin sa paglandas ang mga luha ko pero pinahid ko na ito at pinakalma ko na ang sarili ko. Tinawagan ni Tricia si Cherry para ipahatid ako sa bahay. Lumabas naman agad si Cherry at agad na tinawagan ang driver niya para ipahatid ako. Dumating naman agad ang driver niya.

" Are you okay now? Sorry, i can't go home with you. Take care Joshane. " Nakipag beso beso ako kay Cherry and Tricia.

" Pakisabi sa kanila na umuwi na ako. I'll see you on Saturday. Bye! " Pumasok na ako sa kotse at nag wave nalang sila sa akin. Akala ko naka moved on na ako pero hindi pa pala.

I had a failed relationship. The pain is always left unaided, maybe everyone thinks i've moved on.  But later, I realized I never stop loving him. I just learned how to live without him..

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.