Chapter 38: I do?

Samantha Gabrielle Point Of View

*Cough*

Hindi lang nanlaki ang mata ko kundi nasamid na rin ako ng Noddles! Dali-dali kong ininom ang hot chocolate ko.

OMG! Ang init! Feeling ko naluto ang lalamunan ko.

Hindi ko na kaya ang init! Tumayo ako at kumuha ako ng tubig sa fridge.

"Ayos ka lang?" Hinihimas niya likod ko!

Wow. Kung kailan ayos na ko saka mag tatanong ang concern sobra.

Tiningnan ko siya ng masama tapos nag kibit balikat siya.

"What's wrong with you? I'm just asking."

"Nag tatanong ka kung anong nararamdaman ko sayo? Alam mo kung ano? What if I do..." Seryoso ako.

"You're in love to me." He answered full of confidence.

Whhhhhaaaattttttt??

"That's a big no!! Para malaman mo galit ako sayo! I feel anger towards you! Get it?" Inirapan ko siya. Hindi naman maipinta ang mukha niya, do I hurt him? Masyado ba kong naging harsh?

Umiwas siya ng tingin at bumalik na sa mesa sumimsim siya ng kape. Ang atmosphere namin parang naging yelo! Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Alangan naman sabihin ko sa kaniya na mahal ko siya, paano kung hindi niya ako mahal? Ako ang masasaktan, hindi naman siya.

Eh siya na nga 'tong nag alaga at nag bantay sayo Samantha!

Pati ba naman ikaw konsenya giniguilty mo ko? Dahan-dahan akong bumalik sa dati kong pwesto sa harap niya.

"S-sorry. I—"

"Finished your food we're leaving." He said seriously and look at me so serious nakakatakot na naman ang itsura niya. Kanina walang emotion tapos biglang nagkaroon ngayon naman nakakatakot.

"Huh? Saan tayo pupunta? It's just 4 am."

Hindi siya sumagot. Saan naman kaya niya ko dadalhin??

"Gab, can you tell me what really happened last time between you and Bianca?"

Cool na pag-kakatanong niya.

Pinaalala ba naman ang nangyari!

Lalo tuloy nadagdagan ang inis ko sa kaniya dahil sa ginawa niya, nakaalala ko tuloy.

Dapat ko pa bang sabihin? Alam niya naman ang nangyari at kay Bianca na 'yon galing. At wala na kong balak pang sabihin sa kaniya dahil wala namang magbabago, tapos na iyon.

"Wala. Tapos na iyon kaya wag mo ng ipaalala pa sa akin, isa pa nalaman mo na ang tungkol doon nag mula na kay Bianca at wala na kong dapat pang sabihin tungkol sa nangyari. Kung ano ang nalaman mo ide 'yon ang paniwalaan mo."

"I want to hear your side."

"Busog na ko, ikaw? Bread?" Alok ko sa kaniya. Umiling siya tapos tiningnan niya ko yumuko ako para umiwas sa tingin niya.

Niligpit ko na iyong kinainan ko then nilagay ko na sa trash can iyong cup. Gusto kong iwasan ang mga tanong niya.

"Gab. Ano na?" Napalingon ako sa kaniya.

"Anong ano na?" Baling ko sa kaniya.

"Alam ko galit ka sa akin dahil sa sinabi ko sayo, I apologize and I keep asking for your forgiveness about what I've said. I'm sorry. I'm really sorry... Now, tell me. Tsk, learn how to defense and fight for yourself. Don't let anyone hurt you... Lalo na kong wala ako. Wala sa tabi mo."

Pano ko lalaban kung alam ko naman na wala akong dapat ipaglaban? Isa pa malakas sila kasi apat sila at mag isa lang ako.

Lalo na't hindi ako pala-away na tao, umiiwas ako sa gulo. Ayaw kong palakihin ang mga bagay na dapat na sinasantabi at hindi binibigyan ng pansin.

"Hayaan mo na, wala namang nangyaring masama sa akin. Ayos lang ako, wag na nating palakihin ang gulo." I compose myself to be calm and not to cry.

"Hindi ko papalampasin ang ginawa niya." He said angered kanino siya nagagalit sa akin?

"Huh?"

"Wala. Ako na eito hintayin mo na lang ako sa taas, mag-ayos ka na." Ginulo noya ang buhok ko.

"Hindi! Ako na. A-akin na 'yan—" He cuts me off by kissing me and he get the cups and plates in my hands.

"Don't be so hard headed." *Wink*

Hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko gusto ko siyang hampasin pero hindi ko naman magawa kasi ang puso ko parang aatakihin ako, sa subrang bilis ng tibok. Para bang may nag kakarera papunta sa puso ko kaya napa-hawak ako sa dibdib ko. Ano ba 'to?

Napatingin ako sa kaniya he's smiling habang nag hu-hugas. This is the first time I saw him washing dishes. Marunong pala siya?

Pero parang hindi sanay kasi nabibitawan niya ang baso tapos nag mumura siya. Laging na dudulas sa kamay niya ang cute niyang pag masdan.

Ang wierd naman. Bakit ganito siya?

Galit siya sa akin na halos saktan niya na nga ako ng physically sa sobrang galit niya kahapon tapos ngayon? Alagang-alaga niya ako? Ano bang nangyayari sa kaniya? Is he planning something?

***

"Baby....." Salubong sa akin ni Andrea ng makababa ako sa sasakyan ni Ezekiel.

"Hi." Bati ko sa kaniya tapos nag yakapan kami kasama niya pala si Lieven.

"Hi Sam." Bati ni Lieven sa akin I smiled and I wave at him.

"Hello.." Tiningnan ko ang tinitingnan ni Andrea si Ezekiel naka sandal sa hood ng car niya habang nakatingin ng death glare kay Lieven.

"Ramos! Mag-usap nga tayo! Iyong tayo lang," nakatingin siya sa kay Lieven ganu'n din si Lieven nakangiti Kay Ezekiel. "Sure."

Wait—teka mag-uusap lang ba talaga sila? Ano naman pag uusapan nila? OMG! Paano kapag away sila?

Nag lakad na si Lieven palapit sa kaniya.

"Ezekiel..." Lumapit ako sa kinaruruonan niya, baka kasi mag-away sila. Hindi pa naman maganda ang nangyari last time na nagkita sila.

"Mag-uusap lang kami, hintayin mo na lang ako rito." Sabi niya sa akin, kaya napatango na lang ako so Lieven naman nginitan ako. Ano bang klasing ngiti yon? I pouted.

"Ano kayang pag-uusapan nila?" I shrugged hindi ko rin naman alam e. Pinag mamasdan ko lang sila nag-uusap sila.

Ang aga naming nakarating sa school kasi ganito 'yong nangyari.

Nakarating na kami sa condo niya dahil mabilis siyang magpatakbo at wala pa namang tao sa buong building eh nagawa naming makarating sa condo niya ng mabilis at ganito itsura namin. 0_______0

"Fuck!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.