Chapter 46: His Sweetness

Samantha Gabrielle Point Of View

Nagising ako ng maramdaman kong may tumatamang liwanag sa aking mukha ng imulat ko ang aking mata napagtanto ko na tangahali na pala. Halaaa! Magluluto pa ako ng breakfast hindi ko alam kung breakfast pa ba o lunch na? Naku! Buti na lang, at Saturday ngayon wala akong pasok kundi nag skip na ako ng mga subject ngayong umaga, naku naman!

Bakit pa ako ngayon tinatamad na bumangon? 0___o Kaagad kong nahila ang kumot papatakip sa aking katawan ng mapag-tanto ko na wala akong suot na undergarments pero naka-suot ako ng white long sleeve ni Ezekiel, ang laki naman nito sa akin at pakiramdam ko hindi comportable baka kasi bumakat ang nipples ko. Muntik ko ng malalimutan kong bakit ako nakaganito ngayon, pinagbigyan ko nga pala si Ezekiel na mag-enjoy kami kagabi. Hasyyt! Bakit parang nakakahiya?

"Good morning My Love! Breakfast in bed," Napatingin ako sa pintuan at nakita kung pumasok si Ezekiel na may dalang tray ng pagkain, kumindat pa siya sa akin ng makita niya akong nakatingin sa kaniya. I smiled.

"Ikaw ang nagluto?" Tanong ko ng ilapag niya sa kama ang tray bago siya lumapit sa akin at hinalikan ako noo. "Good morning," He mouthed and kiss me again.

"Yup. Gusto kong ipagluto ang asawa ko, hindi naman pwede na ako lang ang palagi niyang nilulutuan," He added and he wink on me, Iumapit ako sa kaniya at pinang-gigilan ko ang pisngi niya.

"Good morning too! Ang ganda ng ngiti mo ah, ang saya mo!" Puna ko sa kaniya.

"Sympre. Kasama kita, lagi naman akong masaya kapag naririyan ka." Hinawakan niya ang pisngi ko at akmang lalapit niya sa akin ang mukha niya para halikan ako kaagad ko namang iniharang ang dalawa kong daliri sa lips niya. Halik ng halik eh hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush o kaya maghilamos.

"Opss... Nakakarami ka na," Natatawang pigil ko sa kaniya. Naiiling na hinawakan niya ang kamay ko at hinalik-halikan ang daliri ko.

"Eh, ang damot naman ng asawa ko, isa lang naman." Reklamo niya.

"Tse! 'di pa kaya ako nakakapag-hilamos halik ka na agad," Inirapan ko siya at umalis ako sa pagkakakumot ko para pumunta sa banyo at mag ayos ng sarili ko bago kumain.

"Ano naman?" Naasar niyang tanong.

"Wala! Diyan ka na muna, hilamos muna ako." Nagsuot ako ng slippers ko at naglakad papasok sa banyo, pinagmamasdaan ko ang sarili ko sa salamin, ang laki naman ng sleeve niya sa akin, abot hangang kalahati ng hita ko parang naka dress na over size. Haha! Tapos hindi naman pala nakikita ang nipples ko akala ko lang pala 'yon.

I wash my hands before I comb my hair then naghilamos na ako pagkatapos kung mag toothbrush kaagad kung tinuyo ang mukha ko. Nagulat ako ng pagkatapos kung mag punas, nag tama ang mata namin ni Ezekiel sa salamin he was leaning on the close door while staring at me.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sa kaniya ng makaharap ako sa kaniya.

"Can I have my kiss?" Napa-iling ako ng marinig ko ang tanong niya. Baliw na talaga ang lalaking 'to talagang sumunod pa rito para lang sa kiss tsk.

"Later. Tommorow. Next time. Next day. Nex li—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inisahang hakbang niya ang pagitan naming dalawa at walang sabi-sabing siniil niya ako ng halik.

Napa-hawak ako sa kaniyang balikat ng mas higitin niya pa ako papalapit sa kaniya at mas idiniin pa ang halikan naming dalawa.

"Malamig na ang pagkain." 0___0 Nanlaki ang mata ko ng pagkatapos niyang makuha ang gusto niya iniwan niya ako na nakatulala sa loob ng bathroom. Seriously? 'yon ang sasabihin niya?

Wala sa sariling bumalik ako sa kama at nakita ko siyang naka-upo habang nakatingin sa akin, uupo na sana ako sa kama ng bigla niya akong higitin papa-upo sa lap niya.

"Ahh! Ano ba!" Naiinis na hinampas ko ang kamay niya. "I love you..." He whispered that's make me stop. Oh god!

"Heh!"

"I love you..."

"Baliw!"

"I love you too!"

"Sira!"

"I love you more!"

"Tse!"

"I love you more and more..."

"Shut up!"

"I love you forever."

He said and hug me tight, I laughed as I heard him chuckled. Umagang nababaliw na naman kami, ewan ko sa isang matamis niyang salita nawawala na kaagad ang inis ko. Siguro dahil ito ang expected kong sasabihin niya kapag hinahalikan niya ako, hindi 'yong sinabi niya.

"Labas tayo?" Napatingin ako sa kaniya ng mag-aya siya, ano namang meron at gusto niyang lumabas?

"How about dinner date?" He ask again.

"Hm? Sure ka?" Kasi parang kakaiba siya ngayon eh, wala namang occasion para lumabas kami.

"Tsk, why not? Come on... Let's have a date all day. What do you think? Hmm?" Minsan lang siya mag-aya tatanggihan ko pa ba? Gusto ko rin naman siyang makasama to the point na wala na kaming oras sa isa't-isa tuwing araw dahil busy siya sa work ako naman sa studies ko.

"Hm... Sure!" Hinalikan ko siya sa pisngi at isinisiksik ko sa dibdib niya ang mukha, mas niyakap niya pa ako at naramdaman kung hinalikan niya ako sa gilid ng noo.

"Thank you..." He whispered. Para naman saan?

"Ezekiel?"

"Yes?"

"I love you..."

"Fuck." I heard him cussed.

Hihi, ang cute naman kiligin ng asawa ko, haha!

***

Ang dami naming pinuntahan na kung saan-saan halos malibot na namin ang buong mall, nag shopping kami para sa bahay namin, bumili ng mga bagong gamit halos karamihan ay sa akin kahit ayaw ko na gusto niya kukunin na, nag grocery kami dahil kaunti na lang ang stock namin sa bahay. Pumunta kami sa arcade ang daming batang naglalaro kasama ang magulang nila may ilan-ilang ring mga couples na nnadi-date ito namang si Ezekiel nagpapalit ng token halos lahat atah ng laro gustong masubukan dahil sa 2k ang pinapalit niya, tsk. Hindi ba naman marunong magtipid an dami na naming nagastos kanina sa pamimili, hay naku. Kung sa bagay pera niya naman iyon pinag hirapan niya, at ganu'n siguro kapag may sarili kang pera lahat ng gusto mong bilhin, mabibili kahit na hindi kailangan, nakasanayan niya lang siguro ang ganitong buhay eh, mayaman nga naman. Hayst!

So let's go back to our topic nandidito pa rin kami sa arcade halos lahat ng games sinalihan niya pero kahit isa wala siyang nakukuhang price kaya tawa lang ako nang tawa, nakakatawa kasi ang reaction niya kapag nauunan makakuha ng price imagine bata lang ang kalaro pero palaging talo. Natigilan ako sa kakatawa ng makita ko siyang pabalik na sa kinaruurunan ko na may dalang isang maliit na teady bear, bakit parang ang hot nang pagmasdan na may dalang ganiyan? Ang cute!

''Tadann!! Ayos ba?''kumikindat na tanong niya sa akin, ipinakita niya ang teady bear akin ang cute! Parang nag-pu-puppy eyes tapos nakanguso. Yeee anng cute!

''Wow ang cute! Para sa akin ba 'to?'' Nangigil kong kinuha sa kaniya ang teady, ang sarap yakapin parang si Clouddy bear ko lang eh.

''Tsk. Para kanino pa ba? Like it?'' Namulsa siya habang pinagmamasdan ako, tumango ako at nginitian siya, yey! Dalawa na ang toy ko na galing sa kaniya.

''Yes, thank you Ezekiel. Ang cute, dapat pala dinala ko si Clouddy e," Tumnggin ako sa kaniya.

''Oh ayan, baka makalimutan mo na ako niyan. Wala ba akong kiss d'yan?'' Sinmaan ko siya ng tingin bago ko inilibot sa paligid ang aking mata, kiss? Ang damig tao kaya!

''Mamaya na, nakakahiya. Promise bibigyan kita ng marami," Nginitian ko siya na siya namang ikinasimangot niya.

"So kinakahiya mo ako?" Nagtatampo niyang tanong sa akin. Of course not!

"Hindi ah! Madaming bata, ano ka ba!" Pangangatwiran ko.

Dumukwang siya papalapit sa akin na siya namang ikina-atras ko akala ko hahalikan niya ako pero itinuro niya sa akin ang pisngi niya na para bang nagsasabi siyang halikan ko na siya.

"Dali na, isa lang." Nakangisi niyang sabi habang itinuro ang pisngi niya.

"Isa lang ah?" Panigurado ko na siya namang ikinangisi niya, inilapit ko ang mukha ko para halikan siya sa pisngi ng bigla siyang lumingon sa akin kaya nahalikan ko siya sa lips! 0___o

"Ahhhh!!! Ang sweet naman nila!"

"Ang gwapo ni Kuya, bagay na bagay sila ang ganda kaya ni Ate oh!"

"Yeyy! Kiss pa!"

"Sana all may jowa!!!"

Nahihiyang nilingon ko ang mga kabataan na nasa gilid Group sila na naka-tingin sa amin, luh! Grabi naman sa sana all. Pati mga batang nakatingin sa amin mukhang kinikilig pati na rin ang mga magulang nila, nakakahiya tuloy!

"Tara na nga!" Inakbayan ako ni Ezekiel at naglakad na kami papalabas ng arcade ng nay lumapit sa aking isang babae at kung hindi ako nagkakamali isa siya sa sumigaw ng sana all.

"Ate! Ate pwede po ba kaming magpa-picture sa inyo?" Nagkatinginan kami ni Ezekiel, eh? Mukha na ba akong artista para magpa-picture sila.

"S-sige." Picture lang naman bakit ko pa ipagdadamot?

"Wahhh! Ang ganda mo Ate how to be you po?"

"Ate ang bagay kayo!"

"Ate anong pangalan niyo?"

Sunod-sunod na tanong sa akin ng lumapit na ang mga kasamahan niya. Ang cu-cute nila! Tumabi sila sa amin ni Ezekiel, hindi na rin naman naka-angal si Ezekiel e.

May isang lalaking padaan at napakisuyuan ng mag-kakaibigan na kunan kami ng litrato.

"One... Two... Three... Smile!" Sabi nito.

"Salamat Ate!"

"Salamat kuya!"

Sabay-sabay nilang sabi pagkatapos ay nagpasalamat sa lalaking kumuha ng larawan sa amin at nginitian kami.

"Bagay kayo... Nawa'y mabiyayaan kayo ng tahimik at mas mapuno pa ng pagmamahal ang inyong pagsasama, hangad ko ang inyong kaligayang magpakailanman." Ngumiti ito bago umalis. Ang lalim noon ah.

"Hindi halata na fans 'yon ng GMA network," Mahinang siniko ko si Ezekiel sa sinabi niya. Baliw.

***

Gabi na ng maka-alis kami ng mall ang sabi ni Ezekiel may pupuntahan pa raw kami at ang mga pinapili namin ay kinuha na ng driver at dinala sa bahay namin, ang maid na raw ang bahalang mag-aayos nong mga pinapili namin para sa kusina pero ang mga gamit na binili niya para sa akin ay hindi niya pinadala.

"Nasaan na ba tayo Ezekiel?" Tanong ko habang nakasilip sa bintana, sabi niya hindi pa kami uuwi eh, may pupuntahan pa raw kami.

"Malapit na tayo, nagugutom ka na ba?" Bumaling ako sa kaniya na nagmamaneho, umiling ako ng sinulyapan niya ako.

"Hindi naman, pero parang ang layo naman nito sa atin eh," I pouted.

"Ano naman? Natatakot ka ba? Tsk. Don't be nandidito ako hindi kita pababayaan, I promise mage-enjoy ka." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

Kanina pa kaya ako nage-enjoy, ang dami naming napuntahan together ngayong araw as in buong araw kaming magkasama na palakad-lakad lang ang saya ko kaya ngayon. As in sobrang saya, hindi ko alam kung bakit ganito ako kasaya basta ang alam ko lang ay masayang masaya ako na kasama ko siya, nae-enjoy ko ang bawat minuto na kasama ko siya, ang saya ng puso ko, ang tahimik ng utak ko. Buong system ko ay masaya.

"We are here My Love," Napaigtad ako ng marinig ko ang boses niya, nakababa na siya at nakabukas na passenger side.

"Hey! Problem?" Sinilip niya ako sa loob. Umiling ako at nginitian siya bago ko kinuha ang shoulder bag ko.

Sinuri ko ang buong paligid, nakita kong para kaming nasa gitna ng isang malaking garden? Is this a park? Naglakad kami papalapit sa may mga ilaw at nakikita kong may nakahandang mauupuan sa damuhan na isang blanket na may mga throw pillows and basket na sa tingin ko ay pagkain ang laman.

"Like it my Love?" Tanong niya sa akin dahilan para mapabaling ako sa kaniya na may malaking ngiti sa labi.

"Wow... Ang ganda! Dito tayo mag-di-dinner?" Masayang tanong ko.

"Yes. Ipinahanda ko ito para sayo, akala ko hindi mo magugustuhan, Love, Thank you." Bakit siya pa ang nagpapasalamat sa akin?

"Ehh? Bakit ka nag T-thank you? 'di ba dapat ako? Kasi nag effort ka para sa dinner natin, Ezekiel I am very happy and its because of you. Thank you..." Hinaplos ko ang pisngi niya na kaagad niya ring hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya.

"My pleasure Love, all I want is to make you happy with me. Gagawin ko ang lahat para sa ikasasaya mo, ganu'n kita ka-mahal. Mahal na mahal kita..."

"And I love you too Hubby." Kaagad kong sagot sa kaniya, ngumiti siya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi at niyakap.

"Tara, ituloy na natin ang date natin." Sabi niya ng pakawalan niya ako sa yakap niya.

Naupo ako sa throw pillow na nakapatong sa blanket then kinuha ko ang isa para yakapin.

"Ezekiel, ang ganda oh! Stargazing muna tayo!" Sabi ko habang nakaturo sa kalangitan na sobrang ganda dahil sa napaka-daming starts.

Napatingin ako sa likuran ko ng maramdaman kong may jacket na pumatong sa balikat ko ng lingunin ko, si Ezekiel, hinubad niya ang jacket niya at ipinatong sa akin, kaya naka long sleeve sweater jacket na lang siya. Naupo siya sa tabihan ko, inayos ko ang jacket niya sa likod ko bago sumandal sa balikat niya naramdaman kong ipinalibot niya sa bewang ko ang kamay niya.

"Ano nga ulit ang sinabi mo?"

"Stargazing muna tayo..."

"Bakit hindi ka pa ba nagugutom? Pwede naman tayong mag stargazing habang kumakain ah?"

"Mamaya na! Tingnan mo 'yon oh? Ang ganda! Ang ganda-ganda!" Itinuro ko ang mga bituin na nakikita kong para talaga silang shape rin ng start at ang kinang ng mga bituin. Ang ganda!

"Oo nga... Maganda." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko siyang naka-titig sa akin ng seryoso.

"Pero mas maganda ang asawa ko." Napangiti ako ng marinig ko ang sinabi niya, ngumisi siya sa akin.

"Bolero!"

"Of course not! Maganda ka Gab, magandang-maganda ka sa mata ko." He said.

"Hm... Oo na! Kumain na kaya tayo?" Umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya at tiningnan ko kung ano ang laman ng basket.

"Hm... Dami mo talagang escuse ah," Naiiling na kinuha ko ang plates at siya naman ay binuksan ang mga tupperware na may lamang kanin at ulam. Sa kalagitnaan ng tawanan namin habang kumakain, nakarinig ako ng sunod-sunod na putok at ng tingnan ko kung saan nanggagaling nanlaki ang mata ko ng makita ko ang makukulay na fireworks. Wow!

"Wow..." Hindi ko maiwasang mapamangha, grabi. Mas nanlaki ang mata ko ng makita ko ang naubong salita sa fireworks na siyang hindi ko na mapigilang maluha sa sobrang saya ko. "I love you my Love" salitang nabuo sa fireworks.

Oo kanina pa ako masaya, sobrang saya ko! Pero hindi ko alam na may mas isasaya pa ako, Umiiyak ako dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko.

"H-hey! Why are you crying? Sh... Tahan na, kung alam kong iiyak ka kapag nakakita ka ng fireworks ide sana hindi ko na ginawa, sh...shh, Love. Don't cry..." Pagpapatahan niya sa akin at niyakap ako, niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa kaniyang balikat, feel ko lang na umiyak, sa sobrang saya.

Unknown Point Of View

"Nasaan sila?" Seryoso kong tanong sa tauhan ko na nasa kabilang linya.

"Nasa isang park sila Boss. Sa tingin ko ay masayang-masaya sila at walang makakapag-hihiwalay sa kanila, ano boss? Tuloy pa ba ang Plano?

Ibinato ko ang basong hawak ko dahil sa sinabi ng tauhan ko! Hayop sila! Wala ba talagang makakapagpapa-hiwalay sa kanila? Talaga lang huh?

Hangat buhay ako, hindi sila pwedeng mamuhay ng masaya, hindi magtatagal maghihiwalay rin sila kapag sinimulan ko na ang plano ko, tingnan lang natin kong saan aabot ang sayang nararamdaman niyo ngayon, makikita niyo ang pait at sakit na naramdaman ko ng mga nakalipas na taon! Hindi ako papayag na maging masaya kayo habang ako ay miserable! Magsasama tayo miserable sa hukay! Hangat may oras pa sulitin na nila.

"Ito ang katapusan ng kasiyahan nila, tandaan mo 'yan!" Matalim na sambit ko sa tauhan ko na inutusan kong manmanan ang bawat galaw ni Rem at ng asawa niya.

"Hindi kayo magiging masaya hangat may isang Brianca." I smirked.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.