Chapter 12: Arrival

Nathaniel's Pov:

3 a.m na pero gising pa rin ako , iniisip ko kasi si Nathalia, ayaw nya kong patulugin , san sya pupunta? bakit parang natatakot sya? bakit parang balisang balisa sya?.. nag aalala na ko sa kanya

hinawi ko ang kurtina ng bintana ko at nakita kong inaayos nya na yung mga bagahe nya sa likod ng kotse nya

iiwan nya nanaman ako..

--- Sa Set

pumunta ako ng Set dahil may taping kame ngayon masyado ko nang napapabayaan ang trabaho ko dahil kay Nathalia , hindi ko muna sya dapat isipin ngayon

"Nathaniel?.."

pero ayaw nya talaga kong patahimikin

"Nathaniel?!"

akmang tatawagan ko na sana sya para malaman kung nasaan sya nang makita ko na naka On pala ang GPS ng cellphone nya at pagtingin ko ng location ay nasa NAIA sya , pero parang hindi naman sya sasakay ng eroplano dahil wala sya sa mga terminals gaano ba kalayo ang pupuntahan nya at bakit kaylangan nya pang lumabas ng bansa?

"NATHANIEL !!!"

napatalon ako sa gulat nang sigawan ako ni Mrs. Lauchengco

"ba-bakit po?"

"baket?!! ha??! baket??!! kanina pa kita tinatawag!! lumulutang yang diwa mo?!! inaral mo na ba yung script?!  15 minutes  nalang bago mag start ang shoot mo! "

"im so sorry im just.. tired.. sorry"

"hala! aralin mo yang script mo! pasaway!!"

tumayo na ko at binasa ang script

"tss bakit ganito?"

tanong ko sa sarili ko habang binabasa yung script pero may nakarinig ng sinabi ko

"ano po yun sir? may problema po ba?"

"hindi ah wala.."

naiinis kase ako sa script >.< pano ba naman kase eto yung scene na kung saan kaylangang makipag break saken ng leading lady ko , talaga bang nang aasar sila?!! nakaka asar talaga eh sobra!! >.<

Nathalia's Pov:

Nakasakay na ko sa Chopper ngayon at pinagmamasdan ang kagandahan ng buong Isla..

buti nalang at dala ko ang DSLR ko para picturan ito

"mukhang tuwang tuwa ka sa view ah, tandaan mo hindi ka basta basta magbabakasyon lang dito "

sabi naman ni Sam habang inilalanding ng maayos at buong ingat ang chopper

"alam ko yun Sam , no need to remind me "

"oh pano? hanggang dito nalang ako, inutos saken ni General na i monitor ang target habang nandito ka sa Isla, ako rin ang mag bibigay ng lahat ng impormasyong kakailanganin mo, ibig sabihin dalawa tayong hahawak ng misyon na to ako ang mag mo monitor at ikaw naman ang papatay , maliwanag ba? oh sige na ingat ka dyan ah at saka pag uwi mo pengeng pasalubong"

"sige haha anung klaseng pasalubong?"

"babae! haha biro lang! sige na bye bye"

tumango lang ako sa kanya at pina andar nya na ulit ang chopper, nag lakad nako papunta sa resthouse na inilaan nila saken para sa misyon na ito.

Pagpasok ko sa resthouse ay napakaganda ng loob nito , tinignan ko ang isang garden na nasa likod pero nagkamali ako hindi yun basta basta garden lang merong isang napakagandang kama sa gitna nito, ito ba ang magiging kwarto ko? Ang ganda.. humiga ako sa kama at dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko .

*flashback*

"Thalia! Tara laro tayo dali !"

"San ba tayo pupunta Nathan?!"

"May sorpresa ako sayo!"

"Ha? Sorpresa? Ano naman yun?.."

Piniringan nya ang mga mata ko

"Pag ako pinagti tripan mo lang lagot ka saken, hindi na ko makikipaglaro sayo"

"Haha hindi kita pinagti tripan noh, sige na tanggalin mo na yung blindfold"

Tinanggal ko ang blindfold ko at nakita ko ang isang tree house

"wow, ang ganda ganda naman dito Nathan"

"Nagpatulong ako kay Daddy para gawin yan, simula ngayon dyan na tayo maglalaro "

"Wow.. Pwede ba umakyat at pumasok sa loob Nathan?"

"Oo naman , tara akyat tayo"

Hinawakan nya ang kamay ko.

*end of flashback*

Nathaniel's Pov:

"And... Cut !! Good job Nathaniel"

Pagkatapos ng isang scene ay tinignan ko ulit ang cellphone ko pero hindi ko na ma detect kung nasan si Nathalia bakit kaya??.. Saan ba sya nagpunta? Bakit lumayo nanaman sya saken?.. Meron nanaman ba syang napaka delikadong misyon??...

"Nathaniel ?!"

Tawag sakin ni Alexandria

"Sama ka samen mamaya mag Bar naman tayo para makapg relax tayo, nakaka stress kaya tong trabaho naten"

"Sige.."

Yun nalang ang nasabi ko , magpapakalasing nalang ako, wala naman sya eh iniwan nya nanaman ako .

Marco's Pov:

I tried my very best to stay away from Nathalia but i just cant...

Nandito din ako ngayon sa Island of Prisoners at hinahanap sya pero tinutugis ako ng Web Corporation , ang dating agency na pinagta trabahuhan ko , ang tingin nila saken ngayon ay isang taksil na kaylangang patayin kaya nagtatago akong maingat pero habang naglalakad ako ay may bumaril sa akin at tinamaan ako sa braso pagkatapos nun ay sunud sunod na putok na ng baril ang narinig ko kaya tumakbo na ko ng mabilis , kaylangan ko nang mahanap si Nathalia bago pa man nila ko mapatay, mahirap tumakbo dahil mabuhangin ang lugar pero bigla akong nadulas at napunta sa isang butas

"Asan na sya ? , ser nawala ho , natakasan kame"

"Mga inutil ! Hanapin nyo ! Hindi pa nakakalayo iyon!"

Muntik na ko dun ah , dapat ba kong magpasalamat dahil nahulog ako dito?.. Teka?.. Hindi lang to isang butas.. Isa syang basement .. Tumuloy pa ko sa pinaka loob at nakakita ng isang kahoy na pinto , nakabukas iyon kaya pumasok ako habang hawak hawak ang baril ko at nang makita ko ang loob nito ay --- Holy Sh*t !! Ang daming pampasabog na dinamita at mga baril , mukhang isa itong patibong o kaya'y planta ng mga pampasabog , nakakita ako ng hagdan kaya inakyat ko iyon ng buong ingat para hindi ako makagawa ng ingay pero mukhang wala namang tao sa loob ng bahay na iyon , nilibot ko ang buong bahay at nakakita ng isang garden ... Ayos ah.. May garden sa loob ng bahay?.. Ibang klase ang pagkakagawa sa bahay na to.. Binuksan ko ang loob ng garden at nakakita ako ng isang dyosang mahimbing na natutulog...

"Sa wakas nahanap din kita Nathalia.."

Bigla akong nahilo at bumagsak dahil hindi na kinaya ng katawan ko .

Nathalia's Pov:

"Nathaniel!!"

Bigla akong nagising dahil sa isang masamang panaginip , narinig ko ang sarili kong tinatawag si Nathaniel.. Masama 'to.. Bakit ba pati sa panaginip ko sumusulpot sya? Hay nakakainis talaga, sabihin mo naman saken kung bakit ako dapat magsisi na iniwan kita dyan na wala man lang proteksyon..

Pagbangon ko ay nakita ko ang isang lalaking nakahandusay sa sahig at duguan ang braso , inalis ko ang sumbrero nito at nagulat ako dahil si Marco pala iyon

"Marco! marco ! Gumising ka! Marco!"

"Nathalia.."

Hindi nya maibukas ang mga mata nya at namumutla na sya

"Anong ginagawa mo dito?! Bakit nandito ka?!"

"Nathalia.."

Hinawakan nya ang pisngi ko at inilapit nya ang mukha nya sa akin dahilan para mahalikan nya ko

"Marc-- ano ba?!"

Sinampal ko sya dahil naiinis ako, duguan na nga sya hahalikan nya pa ko >.< sira ulo talaga

"Aray Ang sakit ng sampal mo"

Tinutukan ko sya ng baril sa dibdib, napadilat sya at ngumiti saken

"Ano? Papatayin mo ko?.. Sige na gawin mo na.. Tutal wala naman nang saysay ang buhay ko eh at isa pa hindi na ko spy agent ngayon"

Ibinaba ko ang baril ko

"Bakit ka nga kase nandito?!"

"Tinutugis nila ko .."

"Halika nga gamutin natin yang sugat mo"

Inalalayan ko syang tumayo para makahiga sa kama

"Dyan ka lang may kukunin lang ako saglit"

Kinuha ko ang first aid kit ko

"Kagatin mo tong bimpo ah"

"Bakit?.."

"Basta kagatin mo!"

Sinunod ko yung sinabi nya at tinanggal ko ang bullet sa braso nya at nilinis ang sugat nya

"Aaaaahhhhhh!!!!"

napapasigaw sya sa sakit pero wala kong pakeelam, tiisin nya dahil kaylangang malinis ko ng mabuti ang sugat nya

Matapos kong linisin ang sugat nya ay hinang hina sya

"Sige na magpahinga ka na muna.. Ako na bahala.."

Maya maya ay biglang may kumatok , pagbukas ko ng pinto ay nakakita ako ng mga grupo ng lalaki na may hawak na mga baril

"Ahm sino po sila?.."

"Ahm.. Mam itatanong ko lang sana kung may nakita kayong lalaki na nagawi dito? Ito ang itsura nya"

Pinakita nila saken ang picture ni Marco

"Wala eh.. Kakarating ko lang kase dito para magbakasyon"

"Ah sige ho mam, mag iingat nalang ho kayo dito, mapanganib ho kase ang lugar na ito"

"Sige salamat"

Pagkasara ko ng pinto ay pinuntahan ko na ulit si Marco sa kwarto nahagip ng mata ko ang dala dala nyang bag , sinubukan ko itong buksan

"Shemay may password"

Hay.. Ano kayang password neto?... Gusto kong mangalikot ng gamit baka may dala syang magandang baril dito

Ay alam ko na password neto i know how much he likes me kaya sinubukan kong ilagay ang pangalan ko

n*a*t*h*a*l*i*a*

> password eror <

aysh! Peste! >.< ayaw ... Hmpff..

"Hahaha... Dagdagan mo pa, kulang.."

Bigla naman akong napalingon kay Marco nung nagsalita sya , nakakahiya na caught-in-act nya ko na sinusubukan kong buksan yung bag nya >.< 

"Bwiset ka! Ano nga kasing password neto?!"

"Bakit ba? Ano bang titignan mo dyan?"

"Guns... Gadgets.. Kahit ano"

"Wag na andyan yung mga undies ko eh nakakahiya haha"

"Hindi naman yun ang titignan ko eh!!"

"Wew.. Talaga lang ha.. Eh bat ka namumula ?.. Haha"

"Rossy cheeks talaga ko! Tumahimik ka na nga lang dyan! Barilin kita eh! Sarap mong patayin eh kung hindi lang kita kaylangan sa misyon ko dito eh"

"Ano bang misyon mo dito?"

"Gusto nilang patayin ko ang taong pumatay sa mom ko.."

"Good for you.. Maipaghihiganti mo na ang pagkamatay ng mom mo"

"Marco im scared..."

Hinawakan nya ang kamay ko..

"Im here.."

Tinanggal ko ang kamay nya

"Bakit ka ba kase nandito?.."

"Gusto mo ba talagang malaman?.."

"Syempre.."

"Nandito ako kase sinusundan kita.. iniingatan kita ng palihim.. Akala mo lang lumayo ako pero hindi ako nawala sa tabi mo kahit kelan.. "

"So.. From being a spy agent you turn into a stalker?.."

"Pero aminin mo hindi ba't napakagwapo kong stalker?.. Haha"

Kinurot ko yung braso nyang may sugat

"Ahhh!! Aray!! Oww!! Nathalia naman eh! Wag!! Masakit!! Hahaha"

"Tigil tigilan mo nga ko! Lakas ng trip mo eh noh! Baliw!!"

"Haha oo na titigil na ko, ahm.. May pagkain ka ba dyan?.."

Napabuntong hininga nalang ako

"Sandale! Kukuha akong pagkaen!"

"Teka, kaylangan bang laging nakalagay sa katawan mo yang baril mo?"

"Its only for self deffense"

"Nandito naman ako eh you dont have to worry.. I can protect you"

"Wala kong tiwala sayo"

"Ouch..."

Pumunta na ko sa kusina para magluto ng maka kain naalala ko rin kasing hindi pa ko kumakain eh medyo kumakalam na rin ng sikmura ko >.<

Nathaniel's Pov:

"And... Cut!! Okay , thats all for tonight see you tommorow at 4 a.m "

"4 a.m direk? Bakit naman ho ang aga? Saan ba ang venue ng shooting bukas?"

Tanong ko sa director namen

"Bakit Nathan? Hindi ka ba sinabihan ni Mrs. Lauchengco na sa isang Isla gaganapin ang next shoot naten?.. Isang buwan mahigit tayo dun dahil dun iikot ang buong tema ng pekikula"

"Ganun ho ba? Eh saang Isla ho ba yun direk? Hindi ko po alam eh hindi ako nasabihan ni Mrs. Lauchengco"

"Sa Isla Jus Ratio, also known as Island of Prisoners, i did a better research.. Maganda ang lugar na yun at nakakuha na rin kami ng permit para makapag shoot doon"

"Bakit Island of Prisoners?.."

"Eh kase may history yan, dyan dati pinapatapon ang mga masasamang tao na nagkakasala sa batas, yung mga pumapatay at nagnanakaw at kung ano ano pa.. Pero sa ngayon tahimik ang lugar at ligtas naman tayo doon, medyo malayo layo naman ang site nila sa pag sho shootingan naten eh.."

"Ah ganun ba.. Sige ho.. Una na ho ako"

Sinalubong naman ako ni Alexandria

"Sayang noh... Hindi tayo makakapag unwind ngayon, bat kase ngayon pa natapat yang vacation shoot na yan pero atleast.. Maganda yung lugar makakapag relax pa rin tayo"

"Oo nga, sige uuwi na ko"

Sumakay na ko sa kotse ko at nagmaneho

Mas mabuti na rin sigurong libangin ko muna ang sarili ko habang hindi pa bumabalik si Nathalia .

Nathalia's Pov :

Nasa kusina ako at naghahanda ng pagkain nang makita kong nakatayo pala sa gilid ko si Marco at nakangiti

"Oh bakit ka tumayo? Hindi ka pa magaling ah"

"Galos lang naman to eh malayong malayo sa bituka, naamoy ko kase yung niluluto mo eh ang bango"

"Gutom ka na talaga noh?"

"Oo eh.. Ilang araw na kong hindi nakaka kain ng matinong pagkaen eh.. "

Pumunta na kami sa dining room at kumain , grabe ang lakas nyang kumain , mukha syang gwapong patay gutom >.<

Ngayon ko lang sya nakitang ganyan, napatingin naman sya bigla saken nang mahuli nya kong nakatitig lang sa kanya

"Oh , bakit hindi mo ginagalaw yung pagkain mo? Ang sarap kaya ng luto mo "

"Eh kase hiyang hiya naman ako sayo eh gutom na gutom ka talaga eh, oh ano? Kanin pa?"

Tumango lang sya saken kaya nilagyan ko pa ng kanin yung plato nya, ang cute nya para syang bata

"Wag mo kong pansinin kumain ka na lang dyan"

"Fine, whatever"

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kwarto , inalalayan ko syang humiga dahil iniinda nya pa rin yung sugat nya kahit nakakatayo na sya

"Nathaliamyloves, yun yung password ng bag ko haha"

"Kadiri ka talaga"

Sinubukan ko yung baduy na password na sinabi nya at nabuksan ko nga bwiset talaga >.< biruin mo yun , password nya , Nathalia my loves , kadiri ang sakit sa tenga >.<

Pagkabukas ko ng bag nya ay nanlaki ang mata ko , tatlo yung baril nya dito, mga high class na baril.. Mahal to pag binili, it will cost millions..

"Hoy! Bat meron ka neto?!!"

"Secret.. Haha"

Kinalkal ko pa yung bag nya at nakakita ako ng maraming perang nakakalat lang sa loob ng bag nya, iba ibang klase may Euro, may U.S Dollars meron ding Won pero meron din namang peso

"Hmm.. Ang dami mong pera ah tapos hindi ka kumakain ng maayos, baliw ka talaga"

"Hindi lang nagkasya sa wallet ko yan kaya tinambak ko nalang dyan"

Sa loob ng bag nya ay meron pang isang zipper kaya binuksan ko iyon at nakakita ako ng ilang alahas

Kinuha ko yung necklace na may diamond na amulet, totoong diamond sya dahil mabigat ito

"Wow.. Its diamond.. Beautiful.. Teka, ninakaw mo to noh? Ikaw! Kawatan ka talaga!"

Bumangon sya at umupo rin sa sahig para magkatabi kame

"Binili ko yan nung araw na tinulungan kita sa misyon mo nun sa recording studio, ibibigay ko na sana sayo kaya lang ..."

"Nagustuhan ko.."

Yun nalang ang nasabi ko sa kanya dahil hindi na sya makapagsalita  , alam kong nasasaktan sya kaya ayaw nya nang ituloy yung sinasabi nya

"Ahm... Let me wear it to you.."

Hinawi ko ang buhok ko at sinuot nya saken yung diamond necklace

"Its beautiful.. You're beautiful.."

Sabi nya saken habang tinitignan ako.. Hindi ko alam pero bakit parang may sinseridad sa mga mata nya.. Dahan dahan nyang hinawakan ang leeg ko at hinila ako palapit sa kanya , nilapat nya ang mga labi nya saken and then again.. We kissed..

Alam kong mali.. Alam kong hindi dapat pero hindi ko alam kung bakit tinugon ko ang mga halik na yun..

"I love you.. Nathalia.. I really do.."

Biglang may kumawalang luha sa mga mata ko

"Marco im sorry.. Im sorry.."

Niyakap nya ko ng mahigpit..

"Kalinutan mo na si Nathaniel.. Ako nalang ang mahalin mo.. I promised i will give you everything i had.. I will give you all my love .. I can make you the happiest girl that you ever wanted.."

"Its not what ive dreamed of Marco.. "

"I love you so much.."

Hinalikan nya ko ulit at nagulat ako dahil this time he grabbed my legs and put it on his hips the next thing i know is were on the bed and he's kissing me over and over damn.. I can feel his manhood through my waist..

"Marco stop.."

"I love you.. Please just be mine Nathalia.."

"I cant.. Please stop this Marco.. Nanghihina ako.."

" I want you.."

He's kissing me on my neck and unbottonned my blouse i grab the gun in the side table and put it to his chest

"Isa! Marco naman eh! Pag hindi ka tumigil --"

Hindi na ko makapagsalita dahil iyak na ko ng iyak

"Tumigil ka na nga kase! Nakakainis ka na eh! Sinabi ngang hindi pwede eh!!"

"Im sorry.. "

Kumalas na sya sa pagkakapatong saken at umupo nalang sa sahig , niyuko nya ang ulo nya

Nilapitan ko sya

"Marco, im not rejecting you, ayoko lang na umasa ka habang mahal ko pa si Nathaniel.. Believe me, i dont wanna hurt you.."

"Okay lang ako.. Sorry.."

Hinawakan ko ang kamay nya, at napatingala sya saken

"Tutulungan mo ko sa misyon ko diba?.. Were partners here.."

"Okay, allright , youre always win"

*boy i need you here with me~ i cant go on this way im falling hard for you all i can sa--*

Nag ri ring yung phone ko kaya nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ni Marco para hindi sya magsalita, baka kase magkaproblema pag nalaman ng corporation na may iba kong kasama dito, pero isang hindi inaasahang tawag ang natanggap ko

*hello?*

*hello? Nathalia*

*Oh..bakit ka napatawag?.. *

*ahm wala lang, gusto ko lang kasing malaman kung okay ka.. Hindi ko kasi alam kung nasan ka eh .. *

*okay lang ako wag ka na mag alala, babalik din ako *

*okay, tatawag tawag nalang ako, sana sagutin mo ha..*

*yeah sure..*

*okay.. Bye take care.. I miss you so much..*

*okay..*

-Call Ended

"Ahm.. Sino yung tumawag?.."

"Wala. Co-spy agent ko"

"Wag ka na ngang magsinungaling alam ko namang si Nathaniel yun eh.."

"Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa? Tss.. May pupuntahan pa ko bukas gusto ko nang matulog"

"Sige.. Dito nalang ako sa sofa matutulog"

"Okay.."

Nathaniel's Pov:

"Hmm.. Mukhang nananahimik ang mga paparazzi ngayon ah.. Parang naninibago ako sayo Nathaniel.. May problema ba hijo? Palagi kang tahimik this past few days.."

"Ahm.. Wala lang po Mrs.Lauchengco, kayo naman oh wag nyo kong intindihin okay lang ako"

"Napansin ko lang kase wala kang dina date na kahit sinong artista o babae ngayon hindi ka rin nagpupunta sa Bar, pero lagi kang active sa trabaho at mas pinaghuhusayan mo pa ang pag acting"

"Buti nga nagbago na ko eh ayaw nyo ho ba nun? Tss"

"Youre doing great hijo, keep it up"

Nasa chopper kame at nililibot ang buong Isla

"Ang gaganda pala ng mga resthouse dito ..."

"Sinabi mo pa Hijo"

Pagbaba ko ng chopper ay dumerecho na ko sa isang resthouse , dahil pinapili nila ako kung anong gusto kong resthouse , itinuro ko yung resthouse na katabi nung isang resthouse na may garden, mukha kasing maganda ang view mula doon..

Pagpasok ko ng resthouse ay nagpahinga na agad ako sa kwarto dahil sobrang pagod ako bigla namang pumasok si Direk

"Nathan?"

"Direk? Bakit po?"

"Sige magpahinga ka muna siguro mamayang mga 1 pm start na tayo ng shoot "

"Sige po Direk"

9 am palang ng umaga kaya naka iglip pa ko ng konti , nagising ako ng mga bandang 12 a.m maganda ang beach dito masarap mag swimming , pero pinili kong mag libot libot nalang dahil mamaya ay mag sho shoot na kame ng scenes , kinuha ko ang DSLR ko at nag take ng pictures , habang nagta take ako ng pictures ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng naka bistida at naka shades, she's beautiful.. Lapitan ko kaya sya ... Tinangka kong lumapit pero nang makita nya ko ay binilisan nya ang lakad at pumasok sa isang resthouse.. Hmm.. Sino kaya sya?..

"Oh Nathaniel? Ano ready ka na? Malapit na tayong mag shoot"

"Ah opo Mrs. Lauchengco, magsho shower lang ho ako tapos lalabas nako"

"Sige hijo better be ready.."

Sino kaya yung babaeng nakita ko... Hay.. nako naman.. May Nathalia na ko hindi na ko dapat tumingin sa iba..

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.