Chapter 14: Dance of Danger

Nathalia's Pov:

Pinag aralan kong mabuti ang bawat sulok ng Casino na nalagyan namen ng CCTV,  at nadiskubre kong droga nga ang laman ng isang kwartong tinuro ni Marco kagabe,

"Thalia ? Coffee?"

Alok ni Marco, napailing nalang ako at napa face palm

"Gusto mo ba kong mamatay ha Marco? Kanina mo pa ko pinapainom ng kape eh "

"Eh sabi mo kase magpupuyat ka para mapag aralan mong mabuti at saka para mabantayan mo yan eh"

"Tss.. Eh ikaw? Bakit nagpuyat ka din? Diba sinabi ko na ngang kaya ko naman na to?"

"Wala lang bakit ba? Gusto ko sabay tayong matulog eh"

"Ang kulit mo noh?.."

"Nga pala, anong next move naten?"

"Sa ngayon, wala pa, naghihintay pa ko ng command ni General at saka isa pa, kulang pa ang mga nalaman natin gamit tong mga CCTV Cams na to.. Kaylangan pa nating matuklasan ang lahat ng tinatago nila"

"Eh kung... Dyan nalang kaya ako magtrabaho sa Agency nyo? Para magkasama na tayo"

"Marco, ano ba?.. Ano bang binabalak mo?.."

"Wala, i just wanna be with you"

"I mean... Why are you torturing yourself ?.."

"Im not torturing myself... Look Nathalia, i love you, at wala akong hinihinging kapalit... Ang gusto ko lang makasama ka, kahit sandali lang... Yung maramdaman lang kita , Gusto ko..."

Lumapit sya saken

"Gusto ko yung ganito kalapit.."

"Okay, fine, ikaw ang bahala"

Nag iwas nalang ako sa kanya ng tingin at tinuloy ang ginagawa kong trabaho

"Sir reporting for duty sir!"

"Agent Nathalia, anong balita dyan?"

"Sir, positive, may nakita nga kaming isang off limits na kwarto at puro drugs ang laman nun, ayon sa research ko puro maximum drugs ang mga yon.."

"Okay, magaling, the next move is you need to get closer to Mr. Lejares at bantayan lagi ang bawat kilos nya wala na tayong oras Agent Nathalia, siguradong pag natunugan nila ang ginagawa mong pag e espiya, baka malagay sa panganib ang buhay mo"

"Opo sir, gagawin ko po yun as soon as possi-"

Bigla namang may kumalabog kaya napatingin ako kay Marco na natabig ang vase sa may pasilyo at nagkabasag basag ito

"Anong ingay yon? May kasama ka ba dyan Nathalia?"

"Ahm.. Wala po sir, natabig lang po ng pusa yung vase dito"

Nagsalita nalang ng mahina si Marco ng "sorry" dahil hindi naman sya pwedeng humarap doon dahil masisira ang buong plano at mapapahamak din si Nathalia

"Oh sige maya maya ay meron nang ipapadala sayo si Agent Sam na picture gusto kong pag aralan mo yon ng mabuti makakatulong yon sa mission mo"

"Sige po sir"

"Oh pano balitaan mo nalang kami ulit dyan for the next move"

Nang matapos kong kausapin si General ay lumapit ako kay Marco

"Pambihira naman Marco! Muntik na tayong mahuli dun ni General!"

"Sorry na... "

"Sige na magpahinga ka na alam ko puyat ka"

"Ha? Pano ka?.."

"Matutulog na rin ako, kaylangan may lakas tayo mamayang gabi for the next mission"

Nathaniel's Pov:

Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung gabing nakita ko sya dun sa Casino Lejares.. Bakit nya ko nilalayuan?.. Ibig sabihin ba hindi ako ang target nya ngayon?.. Kung hindi ako, sino?..  Napakaraming tanong na naglalaro sa isipan ko..

Nasa dalampasigan ako ngayon at naglalakad lakad mamaya pa kase ang shoot ng next scene namen ..

Hinubad ko ang t-shirt ko at lumusong sa dagat .. Gulong gulo na talaga ang utak ko.. Hindi ko na alam.. Nathalia itigil mo na to.. tama na.. Wag mo na kong pahirapan ng ganito.. Alam mo bang ang sakit sakit na?.. Yung tipong nasa malapit ka lang pero hindi kita malapitan dahil magagalit ka sa sandaling magtangka akong lumapit?.. Parang napakalawak ng lugar na to pero hindi ako makahinga..

Pagka ahon ko sa dagat ay nakita ko si Nathalia na naglalakad sa dalampasigan, napatingin sya saken pero ang nakikita ko lang sa mga mata nya ay lungkot..

Kinagabihan pagkatapos ng shooting namen ay dumerecho ako sa Casino Lejares, nagbabakasakali kase akong makita ko ulit si Nathalia dun at hindi nga ako nagkamaling bumalik dun dahil nakita ko sya , naka itim na dress sya tss.. ano bang meron sa itim?.. -_-

Nakaupo lang sya sa isang couch sa may Bar, habang ang ibang tao naman sa loob ay nagsasayawan.. pinagmasdan ko muna sya saglit , isinuot ko ang maskara ko dahil masquerade party pala 'to , palapit na sana ko sa kanya nang may makita akong lalaking lumapit sa kanya at niyaya syang sumayaw , pumayag sya at nakangiti pa syang sumama rito.. Sino yung lalaking yun?.. Pumasok ako sa loob ng Bar , tinanaw tanaw ko sila habang naglalakad papalapit at nasa gitna sila ng mga nagsasayawan , pinanuod ko lang silang magsayaw sa gilid, maya maya ay may nag alok saken ng wine kaya napainom ako ng konti , nang matapos na ang tugtog ay hinalikan ng lalaki ang kamay ni Nathalia , hindi ko maiwasang wag manggigil sa galit pagkatapos nun ay umupo na ulit si Nathalia sa isang couch dun pero bago yun ay parang may ibinulong muna yung lalaki sa kanya bago tuluyang umalis ,sinamantala ko na ang pagkakataon na yun para lapitan sya at kaladkarin palabas ng Bar

"Nathaniel nasasaktan ako!!!"

"Ako rin nasasaktan !! Ano ha? Sino nanaman yung lalaking yun?!! Yun ba yung pinalit mo saken ha??!! Kaya ka ba lumalayo saken dahil sa kanya??!! Ano yung binulong nya sayo kanina ha?!!"

"Nako naman Nathaniel ! Hindi sya ang dahilan kung bakit ako lumalayo sayo! May ibang dahilan! at wala ka nang pakeelam kung anuman yung binulong nya saken! Its none of your business!!"

"youre my business Nathalia!!"

"Stop this nonsense please! Look, ayoko na makipag usap sayo, pwede bang pagbalik nalang naten dun saten saka nalang tayo mag usap? Your ruining everything!!"

"Ano ba talagang ginagawa mo dito ha?!"

"May trabaho nga ako dito!"

"Anong trabaho ha?! Prostitute nanaman?!, gold digger ? Why wont you just stay with me? May pera naman ako eh!!"

Nasampal nya ko sa sobrang inis nya

"Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo saken ha Nathaniel ?!!!"

Naitulak ko sya sa pader dahil nadala na rin ako ng galit , nauntog sya pero hindi nya ininda iyon

"Oo ! Bakit? Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?!"

"Bahala ka! Isipin mo kung anong gusto mong isipin! Now! If you will Excuse me! May trabaho pa ko!!"

Tinulak nya ko at padabog syang naglakad palayo, kahit anong gawin ko hindi ko talaga sya mapaamin na spy agent sya..

Nathalia's Pov:

Pumunta ko sa Ladies Room para maghilamos, naiinis kase ako kay Nathaniel, ang kulit kulit nya ang dami nyang tanong >.< nasampal ko sya kanina.. Hindi ko talaga gustong gawin yun pero nasasaktan din ako sa mga sinabi nya saken.. Kung alam nya lang kung gaano kahirap ang trabaho ko..

Pagkatapos kong ayusin ang make-up ko ay lumabas na ko ng Ladies Room at nakita ko si Marco na nagmamanman habang hawak hawak ang baril nya kaya hinatak ko sya sa isang pasilyo ngunit nahawakan nya ang kamay ko at naitutok nya saken ang baril nya dahil madilim sa lugar at hindi nya ko makilala

"Aray! Marco ! Ang sakit ! Let go of me!"

"Nathalia?! So-sorry ! Hindi ko sinasadya akala ko kung sino yung humatak saken eh"

"Are you nuts?! Bakit nilalabas mo yang baril mo dito?! Delikado!"

"Sorry, kakapasok ko lang dito , dun ako dumaan sa likod ng Casino dahil may underground passageway akong natuklasan don , nung una ay akala ko ay puro alikabok lang ang naroon pero nang inexamine kong mabuti ay punong puno pala ng pulbura ang ilalim ng Casino, mukhang nag aangkat rin sila ng mga granada sa ibang bansa para pagkakitaan"

"Pulbura? You mean, katulad nung nasa basement naten sa resthouse?"

"Oo pero triple nung nasa basement ng resthouse ang nakita ko sa underground passageway na yun , hindi ko sya matawag na basement dahil walang pintuan at makipot ang daanan"

"Sige, ire report ko agad yan kay General"

"Ahm.. Nathalia, tungkol dyan , alam na ng Rain Corporation na tinutulungan kita sa mission mo"

"Ano?! Te-teka pano nila nalaman?! Anong sabi ni General?!!!"

"Relax ka lang wag kang magpanic, nung una akala ko ay sila ang mga tumutugis saken pero nagkamali ako, pumunta dito si Agent Sam para tignan ang kalagayan mo at nagkausap kami bago ako pumunta rito at sundan ka, and guess what, pinayagan na nila kong tumulong sa mission dahil masyado na raw akong maraming nalalaman"

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Marco

"At tungkol dun sa sinabi ko sayo ngayon ngayon lang , alam na nila yan na i report ko na sa kanila"

Ang bilis ni Marco, magaling syang spy agent..

"Marco.. Thank--"

"Ssshhh..."

Tinakpan nya ng hintuturo nya ang labi ko

"Pang ilang beses mo na yan na nagpapasalamat ka saken.. Masaya ako sa ginagawa ko para sayo kaya wag ka na mag thankyou.. Ahm sya nga pala eto oh.."

Inabot nya sakin yung isang baril nya

"Baka kaylangan mo lang ng reserba"

"Salamat, ahm Oo nga pala nasa labas na ng Casino ang ilang Spy Team at naghihintay ng Go Signal para makapasok dito sa loob, ngayong gabi huhulihin ang target, At tungkol din pala dun sa kwartong nakita mo sa CCTV Cam "

"Oo.. pupuntahan ko na .. Pagkatapos ay susundan kita sa private room ni Mr. Lejares"

"Sige , mag iingat ka ha.."

Ngumiti sya saken

"Oh anong nginingiti ngiti mo dyan ha?"

"Wala lang... Ahm.. Ano .. Tutal sabi mo mag ingat ako ... Baka pwedeng makahingi muna ng halik bago ko umalis"

"Tss... Gawin mo muna yung mission mo, pag nagawa mo ng maayos saka kita bibigyan ng halik.. Sige na bye"

"Uy Nathalia, teka sandali, ang daya naman.."

Tumakbo na ko palayo kay Marco dahil alam kong kukulitin nya nanaman ako

Nathaniel's Pov :

Ipinakilala ako ni Mrs. Lauchengco kay Mr. Lejares na syang nagma may ari ng Casino, at nagulat ako dahil sya ang lalaking kasayaw ni Nathalia kani kanina lang

Maya maya pa ay nakita ko nanaman si Nathalia na papalapit samen

"Hey Beautiful, sya nga pala Mr. Perez, this is Ms. Nathalia , Nathalia this is Mr. Nathaniel Perez"

Pinakilala saken ni Mr. Lejares si Nathalia kaya nag play around nalang ako

"Nice to meet you Mr. Perez"

Sabi saken ni Nathalia at inilahad ang kamay nya saken, kinuha ko naman iyon at hinalikan

"Pleasure to meet you my lady, youre the most beautiful woman that i laid my eyes on ..."

Ngumiti sya saken

"Ahm.. Nathalia , sweetie why would you entertain our guest, you should dance with him.."

"Anyting for you my king.."

Nagsayaw na kami ni Nathalia sa soft tango music na pinapatugtog sa Casino, inilapit ko sya sa mga nagsasayawan, nasa gitna kami ng mga nagsasayawan kung san malayo kay Mr. Lejares, para hindi nito marinig ang mga gusto kong sabihin kay Nathalia

"Gulong gulo na ko Nathalia.. Palagi mo nalang ginugulo ang isip ko.. Sino ba talaga yung lalaking yun?.. Bakit ganun ka makipag usap sa kanya?.. "

Nagbuntong hininga sya bago sumagot

"Gusto mo talagang malaman?.. Business partner sya ng dad ko, at gusto ni daddy na magkakilala kaming dalawa"

"Anong binabalik ng daddy mo?"

"He said ive never dated anyone thats why.."

"Ibig sabihin ipinagkasundo ka nya sa lalaking yun?!"

"Oo ganun na nga .. Yun ang dahilan kung bakit gusto kong mawala ka nalang sa buhay ko Nathan.."

"Hindi Nathalia, hindi ako papayag na sa ganyang klase ng lalaki ka lang mapunta, unang tingin ko palang sa kanya ay parang gagawan ka na nya ng masama eh"

"Its fine with me... You dont have to worry, im gonna be fi--"

"No! I wont let you!"

"Just let me go !! Mas lalo mo lang akong pinapahirapan!!"

"Nathalia... I cant ..."

"GoodBye.."

Tumulo na ang luha nya kaya tumakbo na sya palayo saken bago ko pa man sya habulin , tumingin ako sa direksyon ni Mr. Lejares pero wala na sya dun kaya sinundan ko si Nathalia, kaylangan kong malaman kung ano ba talagang binabalak nyang gawin dito, nakita ko syang may inaayos na baril, nanlaki ang mata ko dahil parang pamilyar saken ang baril na yun... San ko ba yun nakita?.. Hay.. Nathaniel isip isip..

*flashback*

-GunClub

"Insan, patingin nga ako ng mga baril na ginagamit mo"

Kinuha ni Marco ang isang malaking suitcase na lalagyanan ng mga baril, kinuha nya ang isang baril

"Itong baril na to ang pinakamaganda sa lahat"

"Ang ganda"

"Gusto mong hawakan?"

"Sige pahawak nga"

Hinawakan ko yung baril at nabigatan ako

"Grabe insan, ang bigat neto ah, magandang klase nga ng baril to"

*end of flashback*

Tama! Naaalala ko na! Yun yung baril na ipinakita saken ni Marco, paano napunta sa kanya ang baril na yun?! At saka pano nya nahahawakan ng maayos ang baril na yun samantalang napakabigat nun para sa isang babae?.. Ibang klase talaga sya..  kumatok si Nathalia sa isang private room , merong nagbukas ng pinto na security guard

"Hi"

Bati nya sa guard

"Hi you are miss Nathalia?.."

"Yes"

"Mr. Lejares is expecting you"

"May i come in?.."

"Sure.."

Pinagbuksan sya ng guard ng pinto at pumasok sya roon

Nathalia's Pov:

Ayokong magsinungaling kay Nathaniel pero kaylangan... Kaylangan ko nang puntahan ang target ko, inayos ko ang baril na binigay saken ni Marco at sinukbit sa hita ko para matakpan ito ng dress ko

-Mr. Lejares , Private Room

Agad naman akong pinapasok ng guard at nakita kong umiinom ng wine si Mr. Lejares, tamang tama , malalagyan ko ng sleeping pills ang iniinom nya

"Nathalia, im glad to see you here.. Halika at umupo ka sa tabi ko"

Umupo ako sa tabi nya

"Salinan mo pa ko ng wine please.."

Sinalinan ko sya ng wine, pero tumayo sya

"Teka sandali, may kukuhanin lang ako"

Pagkakataon ko na yun para lagyan ng pampatulog ang iniinom nyang wine kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at agad ko namang naitago ito nang magbalik si Mr. Lejares na may dala dalang isang kahon , nakangiti nyang inilapag iyon sa lamesa

"Ano yan?.."

Tanong ko sa kanya , binuksan nya ang kahon at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong isang mamahaling necklace ang nasa loob nito, isang tunay na diamond amulet iyon, kinuha nya ang necklace at akmang isusuot nya na saken

"Wag kang mag alala isa itong regalo, ibinibigay ko lang ang mga ganito sa mga babaeng katulad mo.."

Isinuot nya saken ang diamond necklace at pagkatapos ay sinalinan nya ng wine ang isang walang lamang wine glass sa tapat ko

"Lets celebrate"

Sabi nya saken kaya nag cheers kami at sabay na uminom ng wine pero ang ikinabigla ko ay nahilo lang sya ng konti at hindi sya tinablan ng pampatulog na inilagay ko

"Nice try sweetie!"

Tinulak nya ko sa pader at tinutukan ng baril sa ulo

"Sa tingin mo maiisahan mo ko ha? Agent Nathalia Gomez?!"

Pano nya nalaman ang identity ko ?..

"Haha hindi ako tatablan ng simpleng pangpatulog lang matagal kong hinintay ang pagkakataong ito , alam mo bang nilagyan ko ng kemikal ang ininom mong wine kanina?.. At ilang sandali lang ay tatalab na iyon at basta basta ka nalang matutumba sa kinatatayuan mo, yan ang pumatay sa iyong pinakamamahal na ina at sa pagkakataong ito ay yan ang din ang papatay sayo, parehas kayong mahina!!"

Lason?.. Pina inom nya ko ng lason!!!! Lagot na

"Wag mong idamay dito ang momny ko!"

"Nung una palang kitang makita dito ay alam ko nang nagbalik ka para ipaghiganti sya , pero nagkamali ka ng kinalaban Nathalia, do you think na isang kagaya mo lang ang makakapagpatumba saken?!"

"Kung mamamatay ako ngayon sisiguraduhin kong mamamatay ka rin, hayup ka!"

"Hindi ko alam kung bakit ako ang tinutugis mo samantalang ang korporasyong kinabibilangan mo ang syang nagtataksil sayo!"

Malaman yung sinabi nya at mukhang may katuturan pero sumasama na ang pakiramdam ko at parang tumatalab na nga ang kemikal na sinasabi ng demonyong nasa harapan ko

Pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng private room at nakita ko si Nathaniel , and the next thing i know is nakalapit na sya kay Mr. Lejares at nakikipag agawan ng baril dito

"Nathalia tumakbo ka na!"

"Hindi kita pwedeng iwan dito!!"

"Wag nang matigas ang ulo mo sundin mo nalang ako! Takbo na! Bilis!!"

Pinilit kong tumakbo palayo kahit na susuray suray na ko maglakad at nagbu blurred na ang paningin ko , nakalayo na ko ng konti nang madapa ako at naramdaman kong sumisikip na ang dibdib ko.. Mommy.. Tulong.. Tulungan mo ko..

Pinilit kong buksan ang mga mata ko nang makita ko si Marco at Sam na lumapit saken

"Nathalia?! Asan ang target ?!!"

Tanong ni Sam, nahihilo na talaga ko

"Sam!! Iligtas mo si Nathaniel! Nakikipag agawan sya ng baril kay Lejares, sa mga oras na to! Bili-san mo!!! Iligtas mo si Nathaniel !! Please! I beg you! Iligtas mo sya!"

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko Nathalia , Agent Marco, ikaw na ang bahala kay Nathalia "

Sumisikip na talaga ang dibdib ko

"Nathalia! Anong nangyare sayo?! Anong masakit? Anong nararamdaman mo?!"

"Ma-may nilagay syang la-son sa wine na nainom ko --"

Hindi ko na kinaya at nag black out na ang paningin ko

Marco's Pov:

Nang mawalan ng malay si Nathalia ay binuhat ko sya at sinalubong naman kami ng mga co-spy agents nya

"Anong nangyare kay Nathalia?!"

Tanong ng isang spy agent

"Sa tingin ko may nainom syang lason na kaylangang maagapan agad ! "

Pinulsuhan nya si Nathalia at nagulat sya

"Ba-baket?!!"

"Nakakamatay ang lasong nainom nya! Dali ! Sumunod ka saken! Kaylangan natin itong maagapan agad!"

Nathalia.. Please.. wag ngayon please.. wag naman ngayon.. kaylangan pa kita.. kaylangan ka rin ni Nathaniel.. Hindi ka pwedeng mamatay...

Bumalik kami sa resthouse kung san naroon ang ibang spy agents.. May tinurok syang gamot kay Nathalia

"Teka an-ano yung tinurok mong gamot sa kanya?.. "

"Pangpatanggal yun ng lason na nainom nya ilang sandali lang ay maaalis na yun sa katawan nya, mabuti nalang at nadala mo sya kaagad dito"

"Salamat, Agent ???"

"Agent Anne"

"Salamat Agent Anne "

Ilang sandali lang ay bumula ang bibig nya

"Teka, Agent Anne anong nangyayare sa kanya?!!"

"Normal lang yan para sa taong nakainom ng lason , isa yang magandang senyales na naalis na ang lason sa katawan nya dahil sa itinurok nating gamot"

"Namumutla sya.. tsk tsk.."

"Babalik rin ang kulay nya , teka kaylangan ko muna syang kunan ng blood samples para ma identify kung anong klase ng lason ang nainom nya, sige na ako na ang bahala sa kanya , hindi bat pinsan mo si Nathaniel Perez? Alamin mo rin ang kalagayan nya"

"Sige.. Salamat ulit Agent Anne"

Tinignan ko muna saglit si Nathalia

Nathalia.. dyan ka muna ha.. magpagaling ka... titignan ko lang ang kalagayan ng pinsan ko.. gusto ko pagbalik ko sana maayos na ang lagay mo..

Pagkabalik ko doon ay nakita kong may tama ng baril si Nathaniel at inaalalayan sya ni Sam

"Ako nang bahala sa pinsan ko Agent Sam.. Salamat.."

"Marco? Anong ginagawa mo dito?"

"Saka ko na ipapaliwanag sayo , sa ngayon mahalagang magpagaling ka muna"

"Si Nathalia?! Nasan si Nathalia?! Masama ang pakiramdam nya"

"Okay na si Nathalia.. Maayos na ang lagay nya.. Kaylangan na nating magpunta sa ospital .. Bago ka pa maubusan ng dugo dahil sa tama ng baril mo"

Dinala ko na agad si Nathaniel sa ospital .

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.