Monique's POV:
11:30 p.m na kakatapos lang ng shooting namen... hindi ko akalaing aabutin ako ng ganitong oras dito sa shoot.. tapos yung Van namen nasiraan pa, ayoko namang magpa-sundo kay Xavier kase alam kong may kapalit nanaman ang pagtulong nya saken... si daddy naman for sure tulog na yun... pagod sa trabaho eh... ayaw ko nang mang istorbo.
"Mam?... "
tinawag ako ni Lianne
"kaylangan ko na pong umuwi eh, kase po may emergency sa bahay sinugod daw sa ospital yung kapatid ko.. "
"ah.. ganun ba?.. oh sige.. salamat nalang sa pagsama saken dito ha.."
"eh mam, kaya lang wala po kayong kasamang uuwi?..."
"ah hinde , ahm.. puntahan ko nalang yung kotse ko.. nandun naman yun sa Parking Lot eh.."
"ay Oo nga pala eto pala yung susi mo mam.. nahulog mo kanina habang nagmamadali ka sa shooting"
binigay nya saken yung susi ng kotse ko
"salamat.."
"ingat po kayo mam ha.."
"sige, ikaw rin.."
nagmamadali na rin syang umalis kaya hindi ko na inabala, at saka it's her family who needs her... kahit naman ako.. i will do everything to my family... i will do everything to my Dad...
hay... makapag taxi na nga lang , mag di disguise nalang ako.
Nathaniel's POV:
-Shadow Corporation, Computer Room 4th Floor-
I was checking all the datas of Evo Fabian when i remembered those death threats... hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng isang kagaya nyang wlang sinasanto kung pumatay ..
pero dahil pinipigilan ko sya sa mga pina-plano nya... for sure.. sa akin na nakabaling ang atensyon nya ngayon at hindi na kay Nathalia...
habang nakaharap ako sa computer ay parang may naramdaman akong nasa likuran ko .
"one.bad.move. and you will die."
ngumiti lang ako
"do you honestly believe that i will die?..."
bigla kong binali ang braso nya at tinanggal ang baril sa kamay nya, sinuntok nya ko ng sinuntok. Nanggigigil sya sa galit
"HINDI ISANG KAGAYA MO ANG SISIRA SA MGA PINAPLANO KO!!!"
"HINDI KO HAHAYAANG PATAYIN MO SI NATHALIA!!!"
"THEY CREATED A MONSTER AND THAT IS NATHALIA! SO I NEED TO ELIMINATE HER!!!"
"NO! I WILL NOT LET YOU!!!"
nang makabawi ako ay ako naman ang sumuntok sa kanya at hindi ko sya tinantanan nagpagulong gulong kami sa loob ng building ng Shadow Corporation, hanggang sa bumangga kami sa salamin at nahulog, bumagsak kaming dalawa sa kotse, nawasak ito pero hindi ko pa rin sya tinantanan, nabigla nalang ako nang may tinapon syang granada sa kotseng pinagbagsakan namen kaya tumalon ako kaagad bago sumabog iyon ngunit nahagip pa rin ako nito kaya napagulong gulong ako at bumangga sa poste.
nakita ko ang target ko na tumatakbo.
"damn. ang sakit nun ah!"
muli kong naalala ang assassination plan na nakita ko sa journal , lagot na, siguradong pupuntahan nya si Monique!!! kaylangan ko syang sundan!!!
kinuha ko ang motor bike ko.
Monique's POV:
"taxi!!!"
para ako ng para ng taxi pero wala namang tumitigil para isakay ako, grabe naman...
nakatayo lang ako dun hanggang sa may itim na sasakyan na huminto sa tapat ko.. sino kaya to?.. sana hindi si Xavier... nagulat ako nang may lalaking lumabas sa kotse at bigla akong isinakay sa loob ng kotse , tinakpan nya ng panyo ang bibig ko
"BITIWAN MO KO!!! BITIWAN MO KO!!! BITIWA--"
nahihilo ako.. may nilagay sila sa panyo na sobrang sakit sa ilong... >.< everything went black.
-----------------------------------------------------------------------
Nagising ako na nasa loob pa rin ako ng sasakyan, nakagapos ang mga kamay ko.
"Opo General, hawak ko na po si Nathalia ako na pong bahala sa kanya"
Nathalia?... who's Nathalia?.. I'm not Nathalia.. I'm Monique!!! you idiot !! hindi nya ba ko kilala?!! artista ako!! for God's sake! >.< malaman ko lang na si Xavier may pakana nito lagot sya saken!!! >.<
"kung susubukan mong tumakas mas mabuti pang wag mo nalang tangkain dahil hindi ka mananalo"
sabay tutok ng baril sa ulo ko
"hindi nga ko si Nathalia eh!!! hindi ko sya kilala!! hindi ako si Nathalia!!!"
nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril
"AAAAAAAHHHH!!!"
"TUMAHIMIK KANG BABAE KA! NAIIRITA AKO SA SIGAW MO!!!"
"EH HINDI NGA KASE AKO SI NATHALIA!!! NAGKAMALI KAYO NG KINIDNAP!!! ARTISTA AKO! AKO SI MONIQUE!!"
"WALA KONG PAKEELAM!!! KAYLANGAN MONG MAMATAY!!!"
"HINDI NGA AKO SI NATHALIA!!"
"bakit naman ako maniniwala sa isang tusong kagaya mo?.. kilala kita Nathalia"
sinusubukan kong makawala sa gapos pero hindi ko magawa, napaka bilis nilang magmaneho... naririnig ko pa rin ang sunod sunod na putok ng baril ... natatakot ako , kaylangan kong makatakas..
tinignan ko yung lalaking nakamotor na humahabol samen.. i see his eyes.. it's so brown... hindi ko mai-alis ang tingin ko sa kanya hanggang sa marealize ko nalang na mahuhulog na sa lawa ang sasakyan kung saan narito ako ngayon at sinusubukang makatakas...
the water is so cold... at hindi ko alam kung mamamatay na ba ko ngayon... pero sinubukan kong itulak ang pintuan ng kotse... sinipa sipa ko iyon pero ayaw nitong bumukas we were trapped... hindi ko man lang napansin na napaka lalim pala ng lawang iyon, someone grabbed my wrist it was the man who kidnapped me so i pushed him away and then i saw this guy ... he is trying to pull the door open and when he opened it i lose my breath and everything went black.
Nathaniel's POV:
Nagawa kong makuha sa kanila si Nathalia, haha sige lang magtakbuhan kayo na parang mga kawawang aso -_- hindi nyo makukuha saken si Nathalia, hanggat nandito ako, walang pwedeng manakit sa babaeng pinakamamahal ko.
wala syang malay... inihiga ko sya sa lupa saglit at sinubukang alisin ang nainom nyang tubig... nasamid samid sya at parang nahihilo nang makadilat sya pero nawalan sya ng malay ulit kaya mas minabuti ko nang dalhin sya sa ospital.
--Ospital
hinalungkat ko yung bag nya, nakita ko yung cellphone nya, ayos pa naman.. hm, waterproof ... nice.. ngayon may kaylangan akong malaman.
inscroll ko ang contacts nya
nagulat ako sa nakita ko .
(Daddy +639956788890)
sinong Daddy?.. ibig sabihin ba nito nakabalik sya sa pamilya nya?... naguguluhan ang utak ko.. how come na naging sya si Monique Lejares?.. bakit at paano???...
pumasok ako sa kwarto kung saan maaliwalas na natutulog si Nathalia.. hinaplos ko ang kanyang mainit na pisngi at pinisil ang kamay nya .. hindi ikaw si Monique... ikaw si Nathalia.. bakit at paanong hindi mo ko nakikilala?... biglang pumasok ang nurse .
"ahm... miss pag dumating yung manager ni Ms. Monique o kaya yung daddy nya pakisabi nalang na car accident ang nangyare at wala naman akong hinihinging kapalit, gusto ko lang tumulong"
"ah .. sige po ano po bang pangalan nyo sir?..."
"hindi na nila kaylangang malaman kung sino ako.. ang mahalaga ligtas si Ms. Monique"
"ah sige po sir..."
naramdaman ko namang gumalaw ng konti si Nathalia, sa tingin ko nagigising na sya , hindi pa ito ang tamang oras para magtagpo ang landas natin mahal ko... kaya iiwan muna kita pansamantala... hinalikan ko sya sa noo at saka tumakbo palabas ng hospital room nya.