Monique's POV:
Nasa Awards Night kami ngayong gabi dahil inimbitahan kami sa event.
"and for tonight.. the Best Actor Awards goes to.. drum roll please.."
*drum roll*
"Xavier Fernandez, let's have a big round of applause"
At talagang nanalo pa sya na best actor ah tss..
Oh well papalakpak nalang ako
"Thankyou po sa award na ito at sisiguraduhin ko pong pagbubutihin ko pa pp next time, muli, maraming salamat po.."
Sabi ni Xavier, Pa-humble sh*t
"and now we're going to the best promising actress awards... She's none other than--"
*drum roll*
"Ms. Monique Lejares!"
WHUI?!! T-TEKA AKO YUN?!! AKO YUN AH! BEST ACTRESS!!! OMG I WAS SO SHOCKED!!!
Poise na poise akong tumayo para abutin ang aking award at binigyan sila ng matamis na ngiti , nagsipalakpakan ang mga tao.
Nathaniel's POV:
Nasa may awards night ako at tahimik na pinagmamasdan mula sa itaas ang pinakamamahal ko , nanalo sya ng award, nice.
Maya maya nang matapos ang event ay sumakay na si Nathalia sa kotse nya tamang tama , mag isa lang sya pagkakataon ko na to
"Nathalia!"
"Waah! Sino ka?!"
Akmang isasara nya na yung pinto pero pumasok ako at hindi ko alam kung bakit bigla ko syang hinalikan
"uhm... TULONG!!!! RAPIST!!!!"
tinanggal ko ang mask kong itim para hindi sya matakot saken
"may rapist bang ganito ka gwapo? Ha?..."
Napatulala sya bigla saken at halatang namula ang pisngi nya nang kumagat ako sa labi ko
"Kung hindi ka rapist bakit mo ko hinalikan?!!!"
"Monique listen to me! Just listen! You are not Monique, you are Nathalia!, Nathalia Gomez!! You're the one that i love!!!"
"NO! I'm not Nathalia! I am Monique!!! So please tigilan mo ko!"
"papatayin ka nila!!! Iniisip nilang nag di disguise ka lang!!!"
"what?!!! You're crazy!!! Just stay away from me!!! Go away!!! Hindi kita kilala!!"
Tinulak nya ko dahilan para mapalabas nya ko ng kotse nya pagkasara nya ng pinto ay nag drive na sya dahil sa sobrang takot
"teka lang!!! Nathalia!!!"
Ayaw nya talaga kong pakinggan.
Monique's POV:
Pag uwi ko sa bahay ay nag shower ako kaagad
Nakakatakot yung kanina... bigla nya kong hinalikan... I can felt his longing... Kung hindi ako nagkakamali sinabi nyang sya ang lover nung Nathalia Gomez na yun...
Hay ayoko na nga isipin natatakot lang ako lalo eh.. Hindi ko na alam kung kanino ako kakampi , may alam din sya , alam nyang may mga taong gustong pumatay saken... Bakit ako lang ang hindi nakaka alam nito? At ano ba talaga ang koneksyon ko sa Nathalia Gomez na yun? Gulong gulo na yung isip ko.
Nakapagpalit na ko ng pantulog na damit at nagsuklay ako sa harap ng tukador, hanggang sa may nahagip akong anino sa salamin, nagulat ako kaya lumingon lingon ako sa paligid.. Wala namang tao pero bakit ganun?... Natatakot ako..
*ding dong*
May nag do doorbell sa labas tinignan ko ang wrist watch ko, its almost 11 in the evening
Andyan naman yung mga maids namen sa labas pati yung mga guards bakit walang nagbubukas?
*ding dong* *ding dong* *ding dong*
Bakit ba walang nagbubukas?..
"manaaaang!!! manang may nag do doorbell!!!"
*ding dong*
Nainis na ko kaya bumaba na ko at binuksan yung pinto, pagbukas ko ay wala namang tao pero may nasipa akong box sa may sahig, kinuha ko iyon at dinala sa sala.
Pagbukas ko ay tumambad sakin ang isang patay na pusa na naliligo sa sariling dugo sa loob ng box
"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!"
"Monique! What happened?!!"
Napayakap ako kay Hector nang makita ko sya
"Hector, itapon mo yan!!! Itapon mo!!!"
Nanginginig na ko sa takot
"Dyos ko Mam! Bakit po?! Anung nangyare?!!! Bakit ho kayo sumisigaw?"
"ITAPON NYO YAN!!!! AYOKONG MAKITA YAN!!!!"
Pagtingin ni manang ay natakot at nagulat din sya
"Dyos ko po.. Sinung magdadala nyan dito?"
*hello?.. Oo.. Ngayon na! Paki trace kung sino, block 4 lot 8! Oo!*
"Sinung *sob* tinawagan mo? *sob* "
Tanong ko kay Hector
"yung mga security guards ng Village, pinapa trace ko kung sino yung hayup na nagdala dito nung package na yan, wag ka ng umiyak"
"Hector *sob* pwede mo ba kong samahan sa kwarto? *sob* kahit hanggang sa makatulog lang ako.. *sob* please?... *sob* "
Tinignan nya muna ako bago sya sumagot
"Oo.. Sige... Sasamahan kita... Pero dun lang ako sa sofa.. Ayokong ma tsismis tayo baka kasuhan pa nila kong child abuse eh"
"okay... *sob*"
Nathaniel's POV:
Pilit kong hinahabol yung nagdala ng package sa bahay nila Nathalia, naka motor lang sya at naka kotse ako, ang hirap naman ng ganito tsk, inilabas ko ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay ko ay nakahawak naman sa manibela, pinaputukan ko yun pero dumadaplis lang ang bawat bala ko sa motor nya tsk tsk!!
Hindi pwede to!!!
binuksan ko ang pinto ng kotse ko at umakyat ako sa taas ng bubong ng kotse habang umaandar ito , alam kong delikado tong ginagawa ko pero dito na ngayon nakalaan ang buhay ko, pinaputukan ko ang motor nya and BULLS EYE! nagpasirko sirko ang motor nya saka ko bumalik sa loob ng kotse ko para ihinto ito
"ARESTADO KA!!!"
pinosasan ko sya
"nadale mo bro! kanina ko pa hina-hunting yan eh!"
"Oh Agent Martin, kanina pa ba? oh eto na! i turn over mo na sa headquarters naten, another spy agent from Rain Corporation"
"Nathaniel, kaylangan mong sumama saken sa headquarters, hayaan mo muna si Nathalia mukha namang okay lang sya eh, nandun naman si Hector"
"wala kong tiwala sa Hector na yun, pero sige tara sa headquarters"
-SHADOW CORPORATION HEADQUARTERS
"HOY?! ANUNG KINALAMAN MO SA PINAPLANO NILANG PAGPATAY KAY NATHALIA?! HA?! SUMAGOT KA!"
pinaupo namin sya sa isang silya elektrikal,
"MAMAMATAY MUNA KO BAGO KO SABIHIN SA INYO!!! MGA INUTIL!!"
"AH! MATIGAS KA AH!"
kinuryente namin sya at nakita naming halos mangisay , ngisay sya, lumapit ako sa kanya at inilapit ang bibig ko sa tenga nya
"nakikilala mo ba yang demonyong kinakampihan mo? at nakikita mo rin ba ang kalagayan ng anghel na pilit nyang tinutugis? lahat kayo laruan lang nila, gamit lang nila para manira ng buhay ng may buhay! ngayon mo lang nakilala si Nathalia?.. sigurado akong binigay nila lahat ng impormasyon tungkol sa kanya, naniwala ka sa mga yun dahil, yun ang ipinapasok nila sa utak nyo! pero alam yan ng mga dati nang nag trabaho sa Rain Corporation na si Nathalia Gomez ay isa rin lang biktima dito, ngayon, KUNG AYAW MONG PASUKAN KO NG BALA YANG UTAK MO NANG HINDI GUMAGAMIT NG BARIL, PWES! SAGUTIN MO LAHAT NG TINATANONG NAMEN!!!"
"KAHIT PATAYIN NYO KO HINDING HINDI NYO MAKUKUHA ANG INPORMASYONG GUSTO NYO!!!"
"EH WALA NAMAN PALANG KWENTA TO MARTIN EH!"
kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko at binaril ko ang target namin sa ulo, nagulat naman si Martin at kinuwelyuhan ako, halatang nanggigigil sa galit at inis
"BAKIT MO SYA PINATAY?!!! WALA NA!!! HINDI NA NATIN MALALAMAN KUNG ANONG KINALAMAN NYA SA PAGPATAY KAY NATHALIA!!! AT KUNG HINDI NASASABI SAYO NI GENERAL, MARAMI NANG NAAAPEKTUHAN AT NAMAMATAY NANG DAHIL SA PAGTUGIS NILA KAY NATHALIA!!!"
"DESPERADONG DESPERADO NA KO MARTIN!!! EH AYAW MAGSALITA EH! KAYA WALA NANG PAKINABANGAN YAN!!! NAG AAKSAYA LANG TAYO NG ORAS DITO!!! WALA NANG ORAS!!! NGAYON KUNG GUMAGAMIT NA SILA NG DAHAS AT MARAMI NANG NADADAMAY DITO OH SIGE IAALIS KO SI NATHALIA DITO SA KAHIT ANONG PARAAN!!!"
tinulak ko sya
"MABUTI PA, LINISIN MO NA YANG KALAT NA YAN!!! KUNG AYAW NYANG MAGSALITA AT MAS GUSTO NYA PANG MAMATAY WALA NA TAYONG MAGAGAWA DON!!!"
umalis na ko dun at pumunta kung nasaan ang tracker na nilagay ko kay Nathalia, nasa batok nya ito pero hindi nya namamalayan dahil maliit lang ito, nilagay ko yun kanina habang hinahalikan ko sya.
sa ngayon ayon sa radar ko nasa bahay na sya , umakyat ako sa may bubong at naglagay ako ng harness, dahan dahan akong bumaba kung saan naroon ang bintana ng kwarto nya , nakitang ko syang natutulog na at nasa sofa lang si Hector, nakaupo at pinagmamasdan sya, wag na wag nya lang idadampi ang mga kamay nya kay Nathalia, magwawala ako dito oras na hawakan nya si Nathalia.
Kinaumagahan
Nakatulog ako sa Headquarters ng Shadow Corporation, nag ri ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito, unknown number eh
*0994-------
*hello?! Shadow Corp---???*
*Mr. Perez*
*Na-Nathalia?..*
*No. This is Monique, naiwan mo yung luxurious watch mo dito sa kotse ko nung hinalikan mo ko kagabe, do you want to get it back? o gusto mo itapon ko na?*
*ay hinde hinde! kuk-kukunin ko! puntahan kita! saan ba?*
*As you know, artista ako, at bawal akong maeskandalo kaya sa mas private na lugar sana*
*sige sige okay lang, name the place*
*sa may likod nalang ng Park ng Louissianna Village, walang gaanong tao dun, sa may coffee shop*
*sige.. I will come right away*
si-nave ko na yung number nya
[NathaliaMyLoves]
nilagay ko haha xD
Sa wakas. makakausap ko na sya.