Monique's POV:
"Ms. Monique?"
Nakita ko si Agent Marco na pumasok sa kwarto ko na parang hindi naman kwarto kundi kulungan para saken..
"here.."
May binigay sakin na sulat si Agent Marco
"and.. Here"
Inabot nya ang isang bag binuksan ko yung bag at nakita ko ang badge ni Nathaniel.. lahat ng mga gamit nya.. Cellphone, Wallet, wristwatch at syempre yung baril nya..
Binuksan ko yung sulat, nakalagay sa likod ng sobre ang pangalan ko at ang initials na NP sa may bukasan ng sobre.
Monique,
I'm sorry for everything I've done, for ruining your life.. but you know how much I love you so I will leave Nathalia to my own thoughts, you're right.. You are not her.. And you we're never be.. I should accept the fact that Nathalia is dead.. I'm really really sorry.. I promised I will make it up to you.. I will clean up this mess.. and I will never let these people to hurt you again.. As you've been reading this I'm on their hideout trying to escape, please listen, you cannot trust me anymore... but I wanted you to do something, I booked a plane ticket to France, I wanted to see you there.
-
Nathaniel.
Pagkabasa ko nun ay nakita ko ang dalawang plane ticket at mga fake passports
No. I will gonna leave again.
"Monique?"
Napalingon ako at nakita ko si Hector
"Hector?"
"so you've decided"
"he said I can't trust him anymore so I will not gonna do it, dito lang ako Hector!"
"okay, we will trace that and detect Nathaniel again"
"is it possible?"
"yes"
Binigay ko sa kanya yung sulat at yung passport at iniwan nya na ko
Napaluha nalang ako ng mga sandaling iyon dahil hindi ko akalaing magagawa to saken ni Nathaniel...
Sobrang nasasaktan nanaman ako..
Tinignan ko ang mga gamit nya, binuksan ko yung wallet nya, picture ko lang ang nakalagay pero nagulat ako nang napakaraming credit cards at cash ang nakita ko , where the hell did he get these?..
Binuksan ko rin ang cellphone nya , walang password
Tumingin ako sa gallery, napakaraming pictures.. sobrang dami.. May ibang pictures na magkasama sila ni Nathalia, nag scroll up pa ko nang makita ko ang mga pictures.. Parang photoshoot, wait. Bloom Magazine? Parang nakita ko na to dati.. pamilyar..
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa rooftop, kung tutuusin maganda dito sa SIC , kaso nga lang medyo madilim dahil isa itong hideout, kulay blue ang mga ilaw at puno ng mga modern gadgets sa paligid at ang mga pader ay yari sa salamin.
Nagulat ako nang may makita akong parang swimming pool na gawa rin sa salamin ang mga harang nito, napakalinaw ng tubig at napakaganda, siguro mga nasa 4th floor yun kaya bumaba ako ng rooftop pero nasa 5th floor palang ako nang bigla akong madulas at dumere-derecho sa may swimming pool sa baba.
Hindi ako makagalaw dahil sumasakit nanaman ang ulo ko, hindi ako makalangoy para maka ahon.
*flashback*
wala na kaming ibang magagawa ngayon kundi talunin ang napakataas na cliff para makatakas... this is a dead end.. alam kong mapanganib ito, pero eto nalang ang naiisip naming paraan... hinawakan ni Nathaniel ang kamay ko..
"you'll die , i'll die too.. right?.."
sabi nya saken
"you'll die, i'll die.."
tumalon kami sa cliff ng magkahawak ang kamay... i can feel myself rushing through the air, as we go down.
*end*
Hindi ako makahinga.. Tulong..
*flashback*
Nathaniel... nasan ka?.. napadilat ako ng konti.. nakita ko syang walang malay pilit ko syang inaabot pero inilalayo ako ng alon sa kanya.. tulong...tulong... habang pilit ko syang inaabot ay nanghihina ako and then suddenly everything went... black...
*end*
Hindi ko na kaya.. Wala na kong makita..
"Monique!!!"
May sumigaw ng pangalan ko, hindi ko alam kung sino
Nagulat nalang ako nang makita ko si Marco, Oo, sya nga si Marco.. Naaalala ko na iniahon nya ko at nasamid samid ako pagla ahon namin sa pool.
"what the hell are you doing?! Are you trying to kill yourself?!!"
"Marco! Na-naaalala ko na lahat! Tumalon kami sa cliff nun, hinahabol kami ng Rain Corporation tama?!!"
Kinuwelyuhan ko sya dahil hindi sya kumikibo, nakakunot lang ang noo nya
"Marco sagutin mo ko, tama diba?! It's always been Nathaniel.. Hindi ako si Monique.. Ako si Nathalia.."
"Naaalala mo na lahat?..."
"O-oo.. Diba nagtulungan pa nga tayo noon sa Isla Jus Ratio tapos.. tapos..."
Niyakap nya nalang ako dahil naaalala ko na... Mahal nya ko noon pero... Pinili ko pa rin si Nathaniel...
Maya maya ay may nakita akong twalya sa may balikat ko
"sige na balik ka na sa kwarto mo.. tapos magpalit ka baka sipunin ka.."
Bumalik na ko sa kwarto ko at nagbihis
Sinuot ko ang spy agent suit na binigay nila saken, sinuot ko ang badge ni Nathaniel, ayaw nya eh, edi ako ang magsusuot.
Wala kong dapat sayanging oras, kaylangan kong mahanap si Nathaniel pero bago yun, kaylangan ko munang mahanap si Ace at saka si Dad, naaalala ko na...
Bakit nga ba nagpaloko ako kay Antonio Lejares? Pinaniwala nya kong anak nya ko.
"hey, where are you going?"
Tanong saken ni Anne
"Anne, I miss you.."
Niyakap ko sya
"so. Nathalia's back?"
"Yes, and I'm sorry.. For all the mess"
"it's okay ang mahalaga nakabalik ka na"
"do you have a car?"
"anung gagawin mo?"
"Anne I created this chaos, so I must stop it"
"you're going to need more guns and a car"
"yes"
Pagkakuha ko nung bag na may lamang mga baril ay dumerecho na ko sa kotse at saka lumabas ng SIC.
----
Marco's POV:
Habang papalabas ako sa may lobby ay nakita kong nagtatalo ang asawa ko at si Hector.
"whoa! What's going on here?!"
"bakit hindi mo tanungin yang asawa mo?!!!"
"I let Nathalia go.."
"what? Teka.. Saan daw sya pupunta?.. "
"sa pamilya nya, remember may kapatid sya diba? si Ace"
"oh right.."
"ANO?! GANUN NA LANG YUN?!!!"
Sabi ni Hector
"Hector wag ka mag alala kaya nya na ang sarili nya, you just messed up with a great assassin, she killed more than 300 demons"
"oh yeah, well you've forgotten that she is suffering from her amnesia right?!"
"actually, she's back on track, bumalik na ang ala ala nya kaya wag ka na mag alala, here."
Binigyan ko sya ng plane ticket
"go, visit your family and have some vacation trip, utos yan ni General"
"te-teka , akala ko ba may plano si Nathaniel?"
"hindi na, ayaw ni Nathalia ng plano nya sigurado akong may mas magandang plano si Nathalia"
"salamat"
"oh and please, sa susunod ayokong nakikipag away ka sa asawa ko"
"pasensya na"
"come on honey, you did great"
Sabi ko kay Anne
"nga pala si Calvin?"
"sa ngayon nasa bahay na sila at kakauwi lang, tinext ako ni Samantha, nasundo nya na daw galing school"
"ah good"
"ah siguro uuwi na ko, anung gusto mong dinner? Magluluto ako at saka para mabantayan ko rin ang anak naten... Lagi nalang naiiwan kay Samantha eh.. Alam mo naman yung kapatid kong yun.. Minsan may pagka ewan at kung anu anong pinag gagagawa kay Calvin"
"ahm.. Kahit anong luto nalang, lahat naman ng luto mo masarap eh.. And you should go home.. Take care of our son.."
"sige"
"take care sweetheart.. I love you"
"i love you too... See you later"
Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad sya palayo
"hay.. Ang swerte ko talaga sa asawa ko.. Maaalalahanin..."
---
Nathalia's POV:
Gomez Group of Companies
Come on where the hell they are..
"A-Ate?.."
Te-teka.. Si Ace ba yun?.. Grabe ang laki nya na.. nagtatrabaho na sya dito sa Company.
Tumakbo sya palapit saken
"ate!!!!"
Sumisigaw sya habang tumatakbo at halos lahat ng tao nakatingin sa kanya
"ate!"
Niyakap nya ko ng mahigpit.
"ate! Akala ko! Akala ko patay ka na ate salamat naman at bumalik ka!"
"Ace... Na-miss kita.."
Tumulo ang mga luha ko
"namiss din kita ate.. Sobrang na miss.. Kaylangan kang makita ni Daddy matutuwa yun.."
Pumasok kami sa office ni Dad pero imbis na matuwa ay nagalit pa ito pero hindi ko alintana iyon at niyakap ko sya.
"Dad..."
"get away from me! Hindi kita anak!"
"pero Dad.. *sob* bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit kayo nagkakaganyan *sob* lagi nalang, simula pa nung bata ako malayo na ang loob mo sakin *sob* hindi ko maintindihan tapos ngayon, itatakwil mo ko?"
"Wala akong anak na may dugong Lejares, naiintindihan mo?!!!"
"an-anong pinagsasasabi mo Dad?.."
"HINDI NGA SABI KITA ANAK! IKAW ANG BUNGA NG KATAKSILAN NG NANAY MO SAKEN! KAYA LUMAYAS KA DITO!!!"
"PERO DAD SUMOSOBRA NA KAYO!! DAD PAMILYA NATEN SI ATE!"
"HINDI MO SYA KAPATID! NAIINTINDIHAN MO?!!"
"UMALIS KA DITO! WALA AKONG ANAK NA KATULAD MO!"
Napatakip nalang ako ng bibig, nanginginig ang mga kalamnan ko at tumakbo nalang ako palayo, palabas sa pamilyang ako lang pala ang nag iilusyon.. Ang pamilyang akala ko totoo..
"ate sandali!"
Hinahabol ako ni Ace pero hindi ko sya nililingon
"ate!"
Pabalik na ko sa kotse ko nang yakapin ako ni Ace mula sa likod, humarap ako sa kanya at yumakap
"ate.. sama na ko sayo.. Wag mo kong iwan dito.."
"hanggang ngayon ba naman Ace *sob* ganyan ka pa rin?.."
"pero ate.. iyak ako ng iyak nung akala ko patay ka na.. Ate please.. Ayoko na dito.. "
"babalik ako Ace wag ka mag alala.. Hindi kita pababayaan dito.. *sob* babalik ako ha?..*sob*"
"sige ate, hihintayin kita.. Mag iingat ka.."
"wag kang mag alala *sob* okay lang ako.."
Kaylangan kong puntahan ang tunay kong tatay sa selda.