Chapter 53: Difference

Nathalia's POV:

2 months na ang baby sa sinapupunan ko.. kung kaya't nagdesisyon na kong sabihin ito sa kanila sapagkat hindi ko na ito maitatago pa.. at darating ang panahon na malalaman at malalaman din nila ito.

-

SHADOW INTELLIGENCE CORPORATION

Natatakot ako at hindi ako mapakali.. baka galit sakin si tito Danilo.. baka ako pa rin ang sinisisi nya dahil sa pagkawala ni Nathaniel..

"Nathalia?"

"General Perez"

"I heard you have some good news, what is it?"

Lumingon muna ko kay Marco bago ako magsalita

"Go on.."

Tumingin ako sa mga mata ni Tito Danilo, I can see Nathaniel in his eyes.. Parehas na parehas ang mga mata nila..

"I'm pregnant and.. Nathaniel.. He was the father of the baby that I'm carrying"

Ang kaninang malungkot na mukha nya ay napalitan ng kagalakan

"totoo ba yan?.."

"yes.."

"magkaka apo na ko?.."

Tumango ako sa kanya bilang pag sang ayon, nagulat naman ako ng niyakap ako ni tito Danilo

"take care of that baby okay?.. Kahit wala dito si Nathaniel.. Akong bahala.. Hinding hindi ko kayo pababayaan ng apo ko"

"maraming salamat tito Danilo"

Naiyak nalang ako sa tuwa dahil kahit papano.. naiibsan ang sakit na nararamdaman ko..

"teka, alam na ba yan ng tatay mo?"

"hindi pa po.. pero.. sasabihin ko rin po sa kanya , humahanap lang ako ng tamang tyempo"

But on other side.. I hope Nathaniel is happy too.. I really miss him so much..

Nathaniel's POV:

"alright here we go, just get the money and have a great escape, copy?"

"yeah copy that!"

Nagsimula na silang gumalaw ang iba ay may hawak nang mga baril at tinatakot ang mga biktima na nasa loob pero itinatatak nila sa utak nila na wala silang dapat patayin.

"WALANG KIKILOS NG MASAMA!!!"

Naghihiyawan ang mga taong takot na takot sa amin

"please.. *sob* Parang awa nyo na... Kunin nyo na lahat wag nyo lang *sob* kaming papatayin.."

"TUMAHIMIK KA!!!"

Kinabitan ko na ng bomba ang loob ng safe at nagtago sa may pasilyo at nang sumabog na ito ay binuksan ko na agad ang safe at tumambad sa akin ang limpak, limpak na pera, minadali kong isilid iyon lahat sa bag.

"LET'S GO!"

Sigaw ko sa kanila at saka kami umakyat sa may pinakamalapit na bintana at tumalon kami sa kabilang building at doon naghihintay samin ang dala dala naming itim na van

"HAH! YOU'RE GOOD MAN!"

Sabi sakin ni Dennis sabay tapik sa likod ko, nagulat naman ako ng ginulo ni Mike ang buhok ko tuwang tuwa sila dahil nakuha namin ang lahat ng pera, hindi ko alam kung bakit ako nakikisalo sa ginagawa nila samantalang alam kong labag ito sa batas ng Dyos at sa batas ng tao.

"We should celebrate! Yeah!"

Sabi ni Jake

Marami kami sa grupo ngunit ang iba ay tila nananahimik lang si *Dennis ang leader ng grupo at halos magka edad lang sila ni Dad kung titignan pero mas matanda pa sya kay Dad, si *Mike naman ang magaling samen nag parkour, si *Jake ang magaling magbukas ng padlocks, kahit anong bagay na naka lock ay nabubuksan nya, si *Mark naman ang pinakatahimik saming lahat ngunit pagdating sa mabilisan ay sya ang expert at si *Jarred, marami syang tattoo sa katawan at mukha syang hindi gagawa ng maganda pero sya ang pinaka mabait at matulungin samin, para sa kanya, walang iwanan, at si *Anthony naman ang magaling mang hack ng mga cable sites, sa tuwing mahihirap na operation ang gagawin ay sya muna ang unang kumikilos, si *John naman ang expert sa motor bike, nakakalusot sya kung saan saan gamit ang motor nya, si *Migo naman ang magaling sa kanila sa martial arts, si *Troy naman sa boxing, at ang introvert na si *Dylan, wala syang ibang ginawa kung hindi maglaro at magbalasa ng baraha nya pero pag nagpapatawag si Dennis ng meeting ay nakikinig sya, bihira lang syang ma assign sa kahit anong field pero ang mga baraha nya, para itong may kapangyarihan dahil iyon ang ginagamit nya upang makapang- nakaw.

Dumaan ang maraming mga araw, at hindi ko na halos makilala ang sarili ko.. may mga pagkakataong mag isa lang akong umaakyat sa rooftop ng headquarters namen at pinagmamasdan mula dito ang mga street lights.. Palaging tanong sa aking isip kung makakabalik pa kaya ako sa dating ako.. It was like.. look at Nathaniel Perez.. A former Superstar , recording artist, that locked himself out and live on the shadows, turned into a spy agent and then turned into a... nothing.. a thief I guess...

Paano na ko makakaharap kay Nathalia nito? Nakakahiya ako.. Naihilamos ko nalang ang palad ko sa mukha ko.

-----------------------------------------------------

Nathalia's POV:

Sinabi ko na kay Dad ang kalagayan ko, buti nalang hindi sya nagalit at yun na rin ang naging tulay para magka ayos kame

Tahimik nga ang lahat ngunit wala naman dito ang lalaking pinakamamahal ko.. mas gugustuhin ko pang magulo nalang lahat basta nandito si Nathaniel..

Kasalukuyan akong nasa garden namen at namimitas ng mga bulaklak na ilalagay sa flower vase nang bigla akong matusok ng tinik ng rosas sa may hintuturo, tinignan ko ang dugo, nakakahilo pero pinilit kong wag matumba, napa upo ako sa may upuan malapit doon.

"ahm Ms. Nathalia? Okay ka lang?"

Tanong saken ni Lianne

"okay lang ako, medyo nahihilo lang"

"baka po sa pagbubuntis nyo yan, pasok po muna tayo sa loob"

Ginamot ko ang sugat ko at nagkulong lang sa kwarto.

Ayokong umiyak pero ang hirap huminga.. Dati naman kaya ko nang wala sya eh..

I can't believe you let me feel this kind of pain, Nathan.. I'm not a strong barrier.. but you still let me stand when all my walls are ruining..

How can you do this?..

Maya maya ay may biglang kumatok kaya lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan iyon at nakita ko si Xavier.

"uh.. Hi?.."

"An-anong ginagawa mo dito?.."

"ah.. Your dad thinks that maybe, we can.. See a movie or.. just hang out? or.. Anything crazy.. Wait. are you crying?"

"No. I'm fine, I'll just get dressed"

"okay, I'm just gonna uhm.. Wait down there"

"okay"

Nagbihis ako.. Hindi dapat ako nagkukulong dito..

Kaylangan ko rin lumabas paminsan minsan..

My little angel needs fresh air too.. I don't want to be selfish and that's the right thing, I guess.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.