Nathaniel's POV:
Nasa hideout ako at nakahiga sa may kwarto nang biglang may kumalabog sa labas
Dali dali akong lumabas at nakita ko na nagpapalitan ng bala sila Jared at Mark at tumatakbo, sinundan ko sila at tinignan ko kung sino yun, nagawa kong makapunta sa likod nang armadong lalaki na bumabaril sa kanila at dinaganan ko ito upang mapadapa ito
"ANG LAKAS NG LOOB MONG PUMUNTA DITO AT TALAGANG MAG ISA KA LANG?!"
susuntukin ko na sana ito nang bigla nyang tinanggal ang itim na telang nakatakip sa mukha nya at nakita ko si Marco
"NATHANIEL!!!"
"WAG KANG MAINGAY! HINDI AKO YUN! HINDI KITA KILALA KAYA UMALIS KA NA!"
Yun lang at binitiwan ko na sya at tumalikod na ko sa kanya
"EH G*G* KA PALA EH! HALIKA NA! SUMAMA KA NA SAKEN! KAYLANGAN KA NI NATHALIA!"
"MARCO HINDI MO BA NAKIKITA?! IBANG TAO NA KO NGAYON! HINDI NA AKO SI NATHANIEL PEREZ! HINDI NA AKO ANG PINSAN MO!"
"ANO BANG SINASABI MO?!!! ANO?! GANUN GANUN NALANG YON?! TATALIKURAN MO NALANG SI NATHALIA?! NAGHIHINTAY SAYO YUNG TAO!! KAYLANGAN KA NYA!HINDI MO BA NAIINTINDIHAN?!"
kinuwelyuhan nya ko at inalog alog ngunit tinulak ko lang sya
"MARCO AYOKO NA!!! NAPAPAGOD NA KO! SAWANG SAWA NA KO! PURO SAMA NALANG ANG NABIBIGAY SAKEN NI NATHALIA! AYOKO NA! AYOKO NA SYANG MAKITA!! NATATAKOT NA KO! BAKA SA SUSUNOD MATULUYAN NA TALAGA KONG MAMATAY KAKASAKRIPISYO KO NG BUHAY KO PARA SA KANYA!!! AYOKO NA!! SABIHIN MO YAN SA KANYA!!!"
tumakbo na ko palayo kay Marco at maluha luha ako kung kaya't pagtalon ko sa kabilang pader ay hindi ko nakitang may naka usling bato kung kaya't natisod ako at gumulong gulong sa isang open area, tumayo ako at sinuntok ang pader.
Hindi ko naman ginustong magkaganito ang lahat eh..
Naiinis ako hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito..
-------------------------------------
Nathalia's POV:
Inugoy ugoy ko yung crib ni baby alex ang cute cute nya.. Ngumingiti sya habang natutulog, siguro nananaginip sya ng masaya..
Maya maya ay naramdaman ko umiiyak na pala ko..
Kasi naman eh.. bakit kase wala daddy mo dito?..
Miss na miss ko na sya eh.. Ayokong isiping wala na sya.. Ayoko talaga..
"baby.. *sob* pasensya ka na kung *sob* pasensya ka na kung wala dito ang daddy mo *sob* ako kasi may kasalanan.. *sob* ako ang dahilan kung bakit-- kung bakit wala sya dito ngayon.. *sob* sorry... *sob* I'm really sorry... *sob*"
Napatigil ako sa pag iyak nung mapansin kong umiiyak na din si baby alex
*uha uhaa.. uhaaa..*
Agad kong pinahid ang luha ko at kinarga sya at hinele hele
"tahan na anak.. Hindi na.. Nagugutom ka ba?.."
*uhaaaa.. uhaaaa..*
Kinuha ko yung bote ng gatas nya at pinadede ko sya
"hay.. nagugutom ka pala eh.."
Ibinukas nya ang mga mata nya.. he has bright brown eyes.. just like Nathaniel..
maya maya ay nakatulog na si baby alex hiniga ko na sya sa crib nya at humiga na rin ako sa may kama sa gilid pero nagulat ako nang may sumitsit sa bintana ko at nakita ko si Marco , dali dali kong binuksan ang bintana at pinapasok sya
"bakit naman dyan ka dumaan? Pwede namang kumatok sa baba diba? May maids naman dun.."
"hassle eh.."
Bagsak ang mga balikat nya at parang lungkot na lingkot sya
"hassle sus sabihin mo tamad ka lang.. Sya nga pala.. Any news?.. Please Marco I can't wait any longer.."
"I found him.."
Agad agad akong nagsuot ng jacket at kinuha ang harness nya
"whoa! Whoa! Whoa! Where are you going?!"
"To him! Marco please.. Dalhin mo ko sa kanya!"
"can't do.."
Tinulak ko sya ng marahan
"dyan ka lang, bantayan mo si Alexandre"
"Marco please.."
"SINABI NA NGANG HINDI EH!"
"bakit ka ba nagagalit? Ano bang nangyare?!"
"hindi na sya babalik.."
"wag mo namang sabihin saken yan..."
"NATHALIA AYAW NYA NA SAYO! WAKE UP! HINDI NA SYA BABALIK! PINIPILIT KO SYANG SUMAMA SAKEN PERO AYAW NYA!"
"ano?.."
"ayaw ka na nyang makita..."
"nasan ba sya ngayon?.. Please sabihin mo saken.. Pupuntahan ko sya.."
"sira ulo ka ba?! Kakapanganak mo lang gusto mo mabaliw?.. dapat nga hindi ka pa nagkikikilos eh..."
"matagal na kong baliw Marco"
"huh! Oo nga pala kase hindi mo man lang iniisip! Nagpa buntis ka nalang sa pinsan ko nang ganun ganun nalang!"
"Marco pwede ba! Umalis ka na! Umuwi ka na! Hinahanap ka na ni Anne saka ni Calvin"
"sya nga pala nagpunta ba yung mag ina ko dito kanina?.."
"Oo.. tuwang tuwa nga si Calvin kay Alexandre eh..."
"kaylangan kong bumawi sa kanila.. minsan ko nalang kasi sila makasama.. Palagi akong nasa trabaho.."
"Oo nga.. Sige na.. lumabas kayo.. Mag date kayo ni Anne.."
"sige una na ko.. About dun kay Nathaniel.. Wag ka nang umiyak.. kilala ko ang pinsan ko.. Halos sabay kami lumaki nyan.. at kahit naguguluhan yun ngayon babalik at babalik din yun sayo.."
"salamat Marco.."
Yun lang at lumabas na sya ng kwarto ko, sinara ko ang bintana at napahiga nalang.
*NATHALIA AYAW NYA NA SAYO! WAKE UP! HINDI NA SYA BABALIK! PINIPILIT KO SYANG SUMAMA SAKEN PERO AYAW NYA!*
Napaiyak ako sa sinabi ni Marco dahil naaalala ko.. I've just let my tears run dry as I fell asleep.
----------------------------
Nathaniel's POV:
Ang hirap magpigil ng luha kaya nagtakip nalang ako ng unan
Naaalala ko si Nathalia.. At kahit na anong gawin ko sya pa rin ang tinitibok ng puso ko.. Gusto ko syang makita.. Gusto ko syang makasama.. Mahal na mahal ko sya..
At hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko kanina kay Marco..
Nakukunsensya ko.. Pero.. Hinding hindi ko sya pwedeng isangkot kung nasaan man ako ngayon.. Kilala ko na si Dennis sigurado palaisipan sa kanya kung sino ang nasa likod ng mga pag atake na yun.