Chapter 60: All Around The Bullets

Nathalia's POV:

Masama talaga ang pakiramdam ko.. pero kaylangan kong alagaan si Alexandre

Hay.. Grabe..

Pumunta ako sa kusina para ipagtimpla sya ng gatas sa bote nya, para masanay na.. ang hirap ng breastfeed eh at saka ilang buwan na rin naman sya.. siguro naman kaya nya na

"Hi Nathalia!"

"Oh Anne! Nandito ka pala"

"ehh.. Si Calvin eh.. gusto nya daw kalaro si Alexandre"

Lumapit naman sakin si Calvin at yumuko ako para magkaharap kami

"hello! Tita Nathalia!"

"Hi Calvin!"

"tita where si baby Alex?.. I want to play"

"he's there upstairs.."

"ipapakita ko sa kanya tong bago kong shoo shoo train nibili to ni daddy saken eh.."

"haha oh sige.. bantayan mo muna sya ah?"

"opo tita tenchu!"

Hinalikan ako ni Calvin sa pisngi.. He was really sweet just like Marco.

"pagpasenyahan mo na ha.. Kinukulit kase talaga ko nyan eh.."

"haha okay lang yun ano ka ba.."

Lumapit sakin si Anne at hinipo ang noo ko

"teka Nathalia, nilalagnat ka ah?.. Nasan si Lianne at saka si Tito Antonio?"

"ha?.. Nilalagnat ako?.."

Hinipo ko rin ang noo ko at mainit nga ako

"Oo nga.. Nilalagnat nga ako.. Kaya pala ang bigat ng katawan ko.. si Daddy nasa office, remember pinag leave nya muna ko ngayong araw kase nga dahil nag bar ako nung isang gabi"

"so you're grounded?"

"ah siguro.. Ewan ko.. "

Pagkatapos kong magtimpla ng gatas ay pumunta na kami sa kwarto at nakita namin na ngumingiti si baby alex kay Calvin habang pinapa andar ni Calvin yung toy train nya sa kama, natuwa kami pareho ni Anne.

"ahm.. Buti pa Nathalia, kumain ka muna tapos uminom ka ng gamot ako na bahala kay Alex"

"sige.."

Binigay ko kay Anne yung bote ng gatas ni baby Alex at saka na ko dumiretso sa kusina para tumingin ng maka kain.. 

--------------------------------------

Nathaniel's POV:

Ayokong mawala sa sarili kong pag iisip pero pinipilit nila ko.. Pakiramdam ko nangangalit ang mga litid sa katawan sa tinurok nilang gamot sakin.. Hindi ko alam kung pano ito kokontrolin!

"hoy bata! Labas na dyan!"

Binuksan nila ang aking kulungan at hinigit ako sa aking magkabilang braso at inilabas nila ko sa masikip na lugar na iyon, inupo nila ko sa silya at saka pinosasan upang hindi ako makatakas

"hoy!"

Sinapak ako sa ulo ni General ngunit hindi man lang ako nasaktan, imposible to.. Pakiramdam ko manhid ang buong katawan ko

"haha aba magaling! Akalain mong tumalab sayo yung gamot na yon? Haha!"

"an-anong ginawa nyo saken?.."

Yun nalang ang nasabi ko sa kanila at sa tingin ko ay bigla akong nawalan ng malay.

-----------------------------------

Marco's POV:

"Its almost '8 on the evening but they are not yet prepared"

"oh they will, you just have to wait patiently"

Sabi sakin ni General Perez

Nag set ako ng mga binoculars sa paligid upang makita ang status ng lugar, sa ngayon hindi ko alam kung ano nang ginagawa ni Nathalia sa loob ng bahay pero sigurado ako na inaalagaan nya lang si baby Alex.. bumisita kasi kanina ang mag ina ko kila Nathalia at umalis ng bandang alas tres ng hapon, kung kaya't masisigurado ko ang kaligtasan nila ngunit ang hindi ko masisigurado ay ang kaligtasan ni Nathalia at ng anak nya, pero sigurado akong kung anomang binibalak ni Nathaniel kay Nathalia ay hindi nya magagawa yun dahil nasa loob ang isang bagay na nag uugnay sa kanilang dalawa.. Yun ay ang anak nila ni Nathalia.. Pero kung sakaling magkanda leche leche dito, hindi ako tatayo nalang at mahhihintay, papasok ako sa loob at magmamasid nang mabuti upang maprotektahan ko si Nathalia at ang pamangkin ko.

"General they are heading into the east, they will occupy the spaces now with loaded guns"

Sabi naman ni Agent Loki

"okay, we'll better be moving"

"atras pa , kaylangan nating umatras.. Sa tingin ko marami sila"

Sabi naman ni Agent Martin

"okay, move along team!"

"its looks like they have 47 spy agents here"

Sabi ko kay General Perez

"they are still outnumbered to us we have 70 spy agents here napapaligiran natin sila ngunit mas malapit sila sa lugar, Agent Marco, kumontak ka sa SIC at magpadala pa ng mga spy agents sa hideout ng Rain Corporation, make sure to eliminate them, this is a serious operation the Global Intelligence hire us to shut them down, so you just need to be fast, tutal ginigipit nila tayo dahil hawak nila ang anak ko, gigipitin din natin sila"

Pumwesto na kami kung saan nasa likuran namin ang mga spy agent ng Rain Corporation, napakalayo samin ni Nathalia.

Maya maya ay nakita ko na si Nathaniel at dahan dahan nang pumasok sa bintana ng kwarto ni Nathalia.

Go signal ko na yun para makapasok sa bahay nila Nathalia nang hindi ako nahuhuli ng Rain Corporation, kaylangan kong maging maingat.

"General Perez kahit anong mangyare, ang plano ay plano.. uunahan natin sila, at sisiguraduhin ko ang kaligtasan ni Nathaniel at ni Nathalia, wag ka na mag alala"

"salamat Marco"

Yun lang at bumaba na ko sa building kung saan kami nagtatago at maingat na pumuslit papasok sa loob.

----------------------------

Nathalia's POV:

Ibinaba ko na si Baby Alex sa crib nya dahil mahimbing na syang natutulog, sinabi ko kasi kay Daddy na kung pwede sana na ilipat nalang yung crib nya dito sa kwarto ko para mas mababantayan ko sya pero syempre naglagay din kami ng divider na tela.

Masama pa rin ang pakiramdam ko at hindi pa ko tuluyang magaling pero hindi na katulad nang kanina na sobrang nanghihina ako.. naghilamos ako at sinuklay ang buhok ko dahil gusto ko na ulit matulog, kinuha ko ang tabletas ko at isang basong tubig, ininom ko na yung gamot sa lagnat pero nang mapatingin ako sa may bintana ay nabitawan ko ang hawak kong baso at nabasag ito, nagulat ako sa nakita ko dahil nasa harapan ko si Nathaniel at nakatayo.. Napahawak ako sa bibig ko

"Nathaniel?... hindi na ba to panaginip?"

Dahan dahan pa kong lumapit sa kanya pero nang masiguro kong hindi nga ako nananaginip ay tumakbo na ko palapit sa kanya, niyakap at pinaghahalikan ko sya at hindi ko na napansin na umiiyak na pala ko.

"Nathaniel.. *sob* san ka ba nagpunta?.. *sob* bakit ngayon ka lang nagpakita?.. *sob* sobrang namiss kita *sob*"

Hinalikan ko sya pero bigla nya kong tinulak

"LUMAYO KA SAKEN!!"

nagulat ako at nabalot ng takot ang kalamnan ko nang itulak nya ko at binunot nya ang baril sa may tagiliran nya, tinutok nya ito sakin, itinaas ko ang dalawa kong kamay na simbolo ng pagsuko at tumayo ako kaagad.

"Nathaniel.. *sob* ano ba tong ginagawa mo?! *sob*"

"IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGKAGANITO!!! WALANG IBANG DAPAT SISIHIN KUNDI IKAW!"

"I know *sob* I know I hurt you so much.. but please.. *sob* I beg you.. I'm so sorry... *sob*"

"HINDI NA MAIBABALIK NG SORRY MO ANG LAHAT!! HALOS MAMATAY NA KO KAKAPROTEKTA KO SAYO PERO HINDI MO PA RIN YUN MAKITA!!! HINDI MO KO PINAPAHALAGAHAN!!!"

"Nathaniel hindi totoo yan.. *sob* please itigil mo na to.. *sob* magsimula tayo ulit.."

"HULI NA ANG LAHAT NATHALIA! TUTAL ITO NAMAN TALAGA ANG MISYON MO DIBA?! ANG PATAYIN AKO? NAGTAGUMPAY KA NA DAHIL PINATAY MO ANG BAHAGI NG PAGKATAO KO!! AT NGAYONG NAGDURUSA TAYONG DALAWA ISASAMA KITA SA IMPYERNONG KINALALAGYAN KO!!!"

"mahal na mahal kita.. *sob* parang awa mo na Nathaniel.. *sob* natatakot na ko please.. *sob* "

"LUHOD!!!"

hindi ako gumagalaw at umiiyak lang ako sa harapan nya

"LUHOD SABI EH!!!"

natakot na ko nang sinigawan nya ko kaya't ginawa ko na, lumuhod ako ng dahan dahan ngunit nanginginig din ang paghawak nya sa baril nya habang tinututok nya ito sakin.

"Nathaniel.. *sob* please.. *sob* don't do this.. Please.. I'm scared.."

Kakalabitin nya na sana ang gatilyo ng baril nya nang biglang umiyak si Baby Alex

*Uhwaaaaa~* *uhaaaa~* *uhwaaaa~*

tumayo ako kaagad at pumunta kay Baby Alex.. Nataranta na ko kaya kinarga ko sya kaagad at hinele hele

"tahan na anak.. *sob* Hindi na.. "

Dahan dahang lumalapit sakin si Nathaniel, nakatutok pa rin ang baril nya saken, natataranta na talaga ko sa takot, hindi ko na alam ang gagawin ko.. hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan.. Hindi ganyan ang Nathaniel na kilala ko..

*uhwaaaaah~* *uhaaaa~* *uhwaaaaaaah~*

"tahan nanaman na anak.. *sob* wag ka na umiyak please.. *sob*"

"bakit may bata dito!"

tinatanong nya ko ngunit hindi ko sya pinapansin.. mamaya ay napansin kong maluha luha na rin sya

"SAGUTIN MO KO! *sob* BAKIT MAY BATA DITO?!!! *sob*"

inilapit nya pa lalo ang baril nya sakin at hinawakan ko nang mahigpit si Baby Alex

"please.. *sob* Nathaniel itigil mo na to.. *sob* parang awa mo na.. *sob* walang kasalanan ang anak naten dito! *sob* patayin mo na ko! Wag lang sya! *sob* nakikiusap ako.. *sob* parang awa mo na.."

Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko, Iyak nalang ako ng iyak nun at hindi na ko makapagsalita dahil masama talaga ang pakiramdam ko, hinehele ko pa rin si Baby Alex dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak

*uhwaaaaah~* *uhaaaa~* *uhwaaaaaaah~*

Ibinaba ni Nathaniel ng dahan dahan ang baril nya sa kahoy na estante

Tinignan ko sya at nangingilid na rin ang mga luha nya sinubukan kong masalita ulit.

"bu-buntis ako *sob* nung iniwan mo ko *sob* kaya-- kaya hindi ko matanggap na *sob* wala ka sa *sob* wala ka sa tabi ko *sob* sobrang nahirapan ako.. *sob* hin-hindi ko alam gagawin ko nun *sob* huhuhuhu.."

"There are 47 guns and a hundred bullets surrounds us and yet I still wanted to press your soft lips on me, I'm sorry... *sob* kung alam ko lang.. hindi na sana ko nagpadaig sa takot *sob* ano ka ba?.. hindi *sob* ganyan ang paghele dyan.. *sob* amin na nga *sob*"

kinuha sakin ni Nathaniel si Baby Alex at sya ang naghele, hindi namin alintana ang panganib sa aming paligid sa mga oras na yun..

-------------------

Marco's POV:

*sir permission to engaged fire!*

*permission granted!*

Sa utos ko ay sabay sabay nilang pinakawalan ang mga bala ng kanilang baril direkta sa mga spy agents ng Rain Corporation.. habang si General naman ay pilit na nakikipag ugnayan sa kabilang kampo.

*Agent Marco,  naririnig mo ba ko?*

*yes, General*

*kaylangan ko nang umalis, delikado ang kanilang kampo, ikaw na ang bahala dito!*

*sir yes sir!*

------------------------------

Nathaniel's POV:

Hindi ko namalayang nakayakap na pala ko sa mag ina ko.. bigla bigla nalang, nabunutan ako ng tinik sa dibdib nung mga oras na yun.. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay naghilom at nanumbalik ang dating ako.

hinalikan ko si Nathalia kagaya ng halik na iginawad nya sakin kanina, halik ng pagka sabik, isang halik na punung puno ng pagmamahal... upang tumigil na sya sa pag iyak habang ang anak namen ay nakatulog na sa mga bisig ko.

maya maya ay naudlot kami sa aming ginagawa nang makita namin si Marco.

"ayos na ang lahat"

inihiga ko na muna ang baby namen ni Nathalia sa kama upang makatulog nang mahimbing, maya maya ay nakarinig kaming tatlo ng putok ng baril.. kasabay ng biglang pagbagsak ni Nathalia sa mga bisig ko at sya namang hugot ni Marco ng baril nya upang harapin ang walang pusong gumawa nito.

"Nathaniel.."

"hey! sweetie! Hold on! I got you! dadalhin kita sa ospital ha?!"

"Nathaniel si Baby.. si.. baby Alex.."

yun lang at nawalan na sya ng malay, dali dali ko namang nakita sa may pintuan si Antonio Lejares

"anong nangyayare dito?! Sagutin mo ko Nathaniel!"

"Tito! Ikaw na munang bahala sa anak namen! Dadalhin ko si Nathalia sa ospital, nabaril sya!"

binuhat ko na si Nathalia palabas  at dali daling nagmaneho.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.