Nathalia's POV:
Nandito pa rin ako sa ospital habang si Nathaniel naman ay binabantayan pa rin ako sabi kasi ng doctor kaylangan muna ng ilang araw na pahinga baka kasi bumuka yung sugat ko
"Nathaniel.. nasan si Baby Alex?.. Nasan yung anak naten?.."
"nandun kila mommy"
Nagulat ako sa sinabi nya kaya napabangon ako ng bahagya
"ANO?!"
"oh, relax.. pumayag naman na si Daddy mo eh.."
"napa payag mo si daddy?.."
"syempre, ako pa haha"
"loko ka talaga!"
"hayaan mo na.. Sabik din naman si mommy na makita ang apo nya eh.. tuwang tuwa nga nung dinala ko dun si Alex.. Ay sya nga pala, nung pumunta ako dun kinausap ako ni Chill, good news ikakasal na daw sila ni Ace, inunahan pa tayo haha"
"Talaga?.. Oh my god.. Hindi pwedeng wala tayo dun.."
"kaya pag gumaling ka dun muna tayo sa bahay, ipagpapa alam kita kay tito akong bahala.."
"ah hindi na Nathaniel.. Ako na bahala kay daddy.. baka kasi masama pa rin loob nun dahil sa nangyare eh.."
"oh sige basta pag hindi ka umubra ako kakausap haha alam mo ba, tapos na ang lahat.. wala na ang Rain Corporation.. Wala nang hahabol satin.. wala nang magtatangka sa buhay natin at higit sa lahat.. hindi na natin kaylangang magkalayo pa.."
Ngumiti ako sa kanya at hindi ko man lang namalayan na umiiyak na rin pala ko dahil sa sobrang tuwa.. Sa wakas.. matatahimik na din kami.
Niyakap nya ko ng mahigpit at kasabay nun ay ang pag gawad nya sakin ng masuyong halik.
------------------------------------------
LEJARES RESIDENCE
niyakap ko agad si Daddy pag uwi na pag uwi ko sa bahay.
"Daddy.. thank you sa lahat.. mahal na mahal kita.."
"mahal na mahal din kita anak... kaya lang naman ako nagagalit kase biglaan nalang na nabuntis ka nung sira ulong Nathaniel na yun eh"
"hm, si daddy naman! Haha! parang hindi mo naman kilala si Nathaniel! eh diba.. bata palang kami binabantayan mo na kami?.."
"sinubukan kong kausapin ang mama mo noon, ngunit hindi nya ko pinahintulutan na makalapit sayo kahit na alam kong anak kita, iginalang ko ang desisyon nya, pero mahirap malayo sa isang anak kaya naiintindihan ko ang pinagdadaanan ni Nathaniel.. kaya anak, kung sa kanya ka sasaya hindi na ko tututol.. alam ko namang mahal nyo ang isa't isa eh.."
"thank you daddy.. the best ka talaga.. Sobra.. I love you"
"basta sa susunod ha? Wag padalos dalos naku kayong dalawang bata kayo!"
"haha! dad naman eh.."
"hey dad! hahaha!"
Nagulat ako sa sinabi ni Nathaniel, nainis naman si daddy kaya pinukpok nya ito ng dyaryo sa ulo
"ABA ANG KAPAL NAMAN TALAGA NG MUKHA MONG TAWAGIN AKONG DADDY! NAKIKI DADDY KA RIN?!! ANAK BA KITA?!!"
"future son-in-law po! Hahaha!"
"UMAYOS KA AH! HINDI PORKET HINAHAYAAN KONG MAKASAMA KA NG ANAK KO GAGANYAN GANYANIN MO NA KO!"
"hahaha! Okay sorry na po DAD!"
"BWISET!"
"dad tama na haha wag ka na ma- stress haha"
Pagkatapos naming magpaalam kay daddy ay pumunta na kami kila Nathaniel.
-
PEREZ'S RESIDENCE
"Nathalia.. Long time no see hija"
"hi tita.."
Niyakap ko si tita Madel
"here's baby.."
ibinigay sakin ni tita si baby Alex
"oh baby, I miss you.."
Hinalikan ko sya sa noo at nangiti naman sya
"ATE!!!"
narinig ko ang isang pamilyar na boses
"Ace!!"
"ate namiss kita! Sya na ba yung anak nyo ni kuya? yes! Tito na ko! Mananh mana saken oh! Parehas kaming gwapo! Haha"
"sira ulo! Haha!"
Sabi naman ni Chill
"ano? tuloy na tuloy na ba kasal?"
tanong sa kanila ni Nathaniel
"Oo naman kuya! Haha!"
Sabi sa kanya ni Ace
"Ay Oo nga pala! Ace halika!"
"bakit kuya?"
"man to man talk"
"hoy! Wag mong tuturuan ng kalokohan yang kapatid ko ah! I'm telling you!"
Sabi ko kay Nathaniel dahil inaakay nya si Ace dun sa may labas
"haha! Oo hinde! May pag uusapan lang kame! Haha!"
"ayus-ayusin mo lang Nathaniel ah!"
"haha hi ate, would you give me something borrowed?"
Tanong sakin ni Chill
"sure, how about shoes?"
"oh! I love it! Ang swerte swerte ko naman! Artista and magaling na spy agent ang maid of honor ko! Thankyou ate!"
"haha you're welcome Chill"
"baliktad nga eh.. dapat talaga nauna kami sa inyo eh haha"
Sabi naman ni Nathaniel sabay yakap saken
"eh bakit nakapag plano na ba kayo ni ate? Hindi pa naman eh.. Kaya mauna na kami ni Ace haha"
"sya nga pala mukhang pagod kayo sa byahe.. Sige na magpahinga na kayo, nakahanda na raw yung kwarto nyo.. Sige na anak"
Sabi samen ni tita
Pagpasok namin sa kwarto ay napaka ganda ng ambiance ng masters bedroom, inihiga ko muna si baby Alex sa kama at lumapit ako sa tukador, nakita ko ang sarili ko sa salamin habang si Nathaniel naman ay sinundan ako at tinignan nya ang imahe ko sa salamin.
"kung tatanungin mo sa salamin na yan kung sinong pinakamaganda sa lahat.. siguradong ikaw at ikaw lang ang babanggitin nya"
"talaga ba?.."
Hinalik halikan nya ko sa leeg at niyakap mula sa likod ngunit tinanggal ko ang mga braso nyang naka yakap sa akin.
"anong problema?.."
"wala.. pagod lang ako.. halika na magpahinga na tayo"
Tinanggal ko ang jacket ko at hinubad ko ang t-shirt ko pati na rin ang jeans ko at nagpalit ako ng pang tulog na nighties at saka humiga, nasa harap namin si Baby Alex..
"ahm, siguro lipat muna natin sya dun sa crib"
Sabi ni Nathaniel
"wag.. dito lang sya.."
"Nathalia, hindi sya pwede dito mamaya madaganan pa natin sya eh.. You know me.. malikot ako matulog"
"hay.. Okay fine"
Wala naman akong magawa kaya sinunod ko nalang yung sinabi nya nilagay ko si Baby Alex sa crib pero natatakot pa rin ako.. Ayoko lang kasi na magkatabi kami ulit, hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman.
Tumabi ako sa kanya at pumikit pero niyakap nya ko habang nakahiga kami pareho.
"you have no idea how much I miss you.. tapos ngayon tutulugan mo lang ako"
Napadilat ako sa sinabi nya at tinignan ko sya mata sa mata
"its just.. I don't know what to say.. now that you're here.. I know how much you tried to talk to me saying that you're my man.. but I didn't believe.. and I'm sorry because I lost my memory that time.."
"its okay.. I understand.."
"pero dahil dun sobrang nagalit ka saken.. Sobrang nagdamdam ka.. Pinahirapan pa kita.."
"wala na yun Nathalia.. nandito ka naman na eh.. You really don't really understand my feelings for you"
"its just.. I'm sorry I hurt you.."
"I'm sorry too I let your beautiful hands slipped to mine when we're on the cliff, I should have hold you tight"
hinalikan nya ko sa noo ngunit naiyak lamg ako.
"thank you for not leaving me behind.."
"bata palang tayo sinabi ko na sayo diba?.. Hindi kita iiwan.. Ililigtas kita lagi.. diba ako ang shining armour mo?.. mahal na mahal kita Nathalia, at pinagsisisihan kong lahat ng nagawa ko sayo noon.. kaya nga naglakas ng loob akong hanapin ka eh.. kase kahit anong gawin ko hindi nawala tong pagmamahal na to sa puso ko.."
"don't ever leave again.."
"I assure you"
Yun lang at nagyakap kami ulit at natulog na.