Lacey POV
Pagkagising ko ng umaga halos bumaliktad ang sikmura ko sa pag susuka.
Wala naman akong kinain kagabi? Dalawang araw na akong ganito sa sobrang sama ng pakiramdam.
Isang linggo na kami hindi nag papansinan ni Andrew. Nasasaktan ako dahil madalas na umaalis si Andrew kasama ang ina ng batang si Andrei. Masakit sa akin na sa ikalawang pagkakataon masasaktan na naman ako ulit sa kanya.
Pinilit ko pumasok ngayon. Hindi maaring umabsent sa trabaho dahil may Conference meeting ang mga board members ng kumpanya. Inilagay ko ang mga folder sa conference table para i review ang kinita ng kumpanya. Halos lahat ng Chief of Accountant sa iba't ibang panig ng kumpanya nandito. Bilang secretary ng CEO kailangan kong gawin ang obligasyon. Kasama din ang asawa ni Misha si Brix or Brixton Saavedra ang COO ng W. Group of Companies LTD.
Na i kwento sa akin ni Misha ang nangyari sa kanila ni Brixton.
Lihim na minamahal ni Brix si Misha. Kahit mas matanda sa kanya ng dalawang taon si Misha. Hindi ko akalain na mag bestfriend pala sila ni Andrew noon.
Nalaman ko din na nagtrabaho si Misha sa Makati Winterson Hotel na pinamamahalaan ni Brixton.
Simula na umalis si Misha papuntang japan. Nagbago si Brix naging isang playboy at kabi kabila ang babae. Nagkaroon ng meeting si Brix sa palawan at si Misha ang temporary secretary nito. May nangyari sa dalawa kaya nabuntis niya si Misha. Muntikan na magpang abot ang dalawa. Inamin din ni Brix na mahal pa rin niya si Misha kay Andrew.
Kinilig ako sa kinuwento ni Misha about sa kanila ni Brixton.
Buti pa si Misha masaya na siya ngayon. Ako kaya?
Pagkatapos kong ilagay ang nga folders. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya muntikan na akong mahimatay dahil sa naramdaman kong pag didilim ng paningin ko.
"Mrs. Florencio, are you okay?" Nag aalalang tanong ng isang kasamahan ko na secretary ng COO ni Brix. Pinilit kong tumayo.
"Y - yes! I'm okay. Thank you for asking Mrs. Smith" Bulong ko dahil nag uusap usap ang mga may ari ng kumpanya.
Napatingin ako kay Andrew na nagtatakang nakatingin din sa akin. Ngumiti ako ng bahagya para ipakita na okay lang ako. Halos tatlong oras kami sa Meeting.
Sa wakas natapos din! Gusto ko nang humilata sa kama sa sobrang sama ng pakiramdam ko.
Mag a alas tres na ng hapon. Konti na lang at uuwi na ako. Kahit gustuhin ko man mag half day off subalit maraming kailangan tapusin. Wala din akong ganang kumain hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Hindi ko na napigilan na makatulog sa harap ng Laptop. Nagising ako sa malakas na tumikhim si Andrew kaya napatuwid ako ng upo.
"Go to my office. Lacey, I want talk to you" Kahit nahihilo pa rin sumunod ako kay Andrew. Kinakabahan akong pumasok. Nakatayo ako sa harap niya hinihintay ko ang itatanong niya sa akin.
"After your duty. We will going to the hospital" Nagtatakang napakunot ang noo ko.
"There's no need to br-" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"We will go later and don't argue with me Lacey" Napataas ang boses ni Andrew bahagya akong nagulat sa inakto niya. Wala sa loob napatango ako.
***
"It's positive. Mrs. Florencio, You are two weeks pregnant!" Anunsyo ng doctor. Wala sa loob napahawak ako sa aking tyan.
Buntis ako?
Buntis ako?
Buntis ako?
Anong gagawin ko?
Nakatulala akong nakatingin sa kawalan. Habang nag da drive si Andrew. Hawak ko ang Vitamins na binili namin kanina.
"What do you plan?" Tanong niya. Pagkatapos akong ihatid sa bahay namin ni Aaron.
"I - I don't know?" Sagot ko. Nagsalubong ang kilay ni Andrew.
"I know that baby is mine! Start packing your things and live with me. Lacey" Diin niyang sinabi sa akin nakita ko ang pag tiim ng bagang ni Andrew. Bahagya akong nakadama ng takot sa inakto niya.
"I can't be with you. Andrew, You know that I'm married" Nagulat ako na hinampas niya ng manibela.
"Shut up! I don't care if you are married with that guy. I want my child pagkatapos mong manganak kukuhain ko ang anak natin!" Hinawakan niya ang braso ko.
"Hindi laruan ang anak ko na basta basta na lang ipapamigay" Ganting sagot ko.
"Kung ayaw mong kuhain ko ang bata. Annulled your marriage with Aaron Florencio" Nanlaki ang mata ko. Napailing ako sa sinabi niya.
"Ayoko!" Nanlisik ang mata niya sa akin.
"Take it or leave it Lacey. You are going to live with me. Kaya pag isipan mong mabuti ito" Inayos ko ang sarili bago bumaba ng sasakyan niya.
Ano bang problema ni Andrew? Bakit ba gusto niya akong tumira sa kanya? Paano kung mag tagpo ang landas namin ni Angelina?
***
Galit na galit si Aaron nang sinabi ko tungkol sa pinag bubuntis ko.
"Lace naman, alam mong napaka kumplikado ng lahat. Baka madamay si Andrew dito!" Nahihimigan ko ang frustration sa boses ni Aaron.
"Wala na tayong magagawa. Aaron, bahala na kung ano ang mangyayari" Napakamot ako sa ulo. Pareho kaming natahimik sabay napabumuntong hininga. Hindi namin alam ang gagawin ngayon.
"Kumusta na si Kira?" Panunukso ko sa kanya para maiba ang usapan. Hindi ko akalain na may namumuo na palang pag ibig sa kanila ng highschool pa lang kami.
"She's still mad at me and I think she's pregnant again" Isa din sa pino problema ni Aaron, naawa na din ako sa kanya alam ko na gusto na niyang makasama ang anak nila ni Kira.
"Congrats kung ganon! pareho na tayong may problema. Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo? Para maintindihan niya ang lahat" Suggestion ko sa kanya.
"Ayoko silang madamay sa gulo ng buhay ko. Lace, Matapos lang ang lahat ng ito." Ang laki ng problema namin dalawa ni Aaron.
"Kailan ka lilipat kay Andrew?" Maya' maya tanong ni Aaron.
"Bukas" Tipid kong sagot.
"I see. Just called me kapag may mangyari hindi maganda. Anyway take care of yourself." Pagkatapos binaba niya ang tawag. Halos isang oras din kaming nag usap. Sana matapos din ang problema namin. Kung pwede ko lang tapusin ito mag isa. Sa ngayon iisipin ko muna ang anak namin ni Andrew. Hinimas ko ang aking tyan.
Hindi ko maiwasan ang saya sa puso ko. Isa sa pangarap ko na magkaanak kami noon ni Andrew kung di sana....
Ako na lang ang ina ni Andrei siguro mas higit na mas masaya kami ngayon.
Inayos ko ang ibang mga gamit na ipapasok ko sa loob ng maleta. Kinuha ko ang Family Picture namin.
Kumusta na kaya sina Mommy at Daddy?
Siyam na taon na ang nakakaraan subalit hindi pa rin ako nagpapakita sa kanila. Alam ko sabik silang makita ako ulit.
Bukas susunduin ako ng Driver ni Andrew. Nakiusap ako sa kanya na mag ta trabaho pa rin ako sa kumpanya subalit mahigpit na tinutulan na mag trabaho ako para sa safety ng baby namin. Sana bumalik ulit ang relasyon namin katulad ng dati. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako. Wala naman akong ibang inibig kundi siya lang simula umpisa.
Ang kinakatakot ko ang malaman niya ang totoo. Tatanggapin pa niya kaya ako?