Einah POV
Nakita kong lumuluha si Ivan habang yakap yakap niya si Harriet halos ayaw niyang bitawan ang isa't isa.
Naglaglagan ang luha sa aking mata. Dahil wala na akong babalikan na asawa.
Masakit sa akin na hindi niya ako pinili. Napakagat ako sa labing tumalikod. Tumakbo ako palayo sa kanila. May nakita akong bakanteng lugar kung saan napa luhod ako. Walang tigil ang pag agos ng luha ko sa aking mata.
Halos masuntok ko ang aking dibdib sa sobrang sakit.
I need to let him go! I really need to let him go! Tama na Einah! Una pa lang talo ka na sa laban. Wala ka ng babalikan pa na asawa. Si Ivan na mismo ang nakiusap sa iyo. Sana ibigay mo na sa kanya ang kalayaan na magsama sila ni Harriet. Hindi ka na mahal ni Ivan. Kasalanan mo ang lahat! Dahil pinili mo ang Mission napatayin si Bryan MacKenzie. Eto ngayon ang kabayaran mo ang mawala ang pinakamamahal mong Asawa.
Mas lalong lumakas ang hagulgol ko sa sobrang sakit.
***
Silver POV
Nag halo ang luha at sipon ni Einah. Awang awa ako sa kanya. Kitang kita ko ang sakit at hinagpis sa kanyang mukha. Napakuyom ang kamao ko. Ayokong makitang nasasaktan siya ng ganito.
Sa tagal namin pagkakaibigan at partner sa trabaho. Akala ko isang matapang at palaban na babae si Einah at hindi susuko sa lahat ng laban
Kung pwede ko lang saluhin ang sakit nararamdaman niya. Para ko na rin siyang kapatid.
Sinadya kong ligawan si Harriet para mailayo ko siya kay Ivan. Dahil alam ko na masasaktan si Einah kapag na inlove si Ivan at hindi nga ako nagkamali. Bumigat ang nararamdaman ko.
Inaamin ko hindi ko gusto si Ivan para kay Einah. Pero wala akong magawa nang sabihin ni Einah na magpapakasal na sila ni Ivan.
Isang taon pa lang nawala si Einah, Nagmahal na ng iba si Ivan sinubaybayan ko ang buhay niya sa pakiusap na din ni Einah protektahan ang pamilya niya.
I let you cry Einah ibuhos mo ang lahat ng sakit. Balang araw makakahanap ka din ng lalake na mas higit pa kay Ivan Lester Gonzales Black.
***
Harriet POV
"Ate Harriet, masaya ako para sa inyo ni Kuya Ivan" Inayos ni Amira ang belo sa aking ulo.
"Thank you masaya din ako ngayon" Naluluha kong sinabi. Sa wakas natupad na din ang pangarap ko maikasal. Akala ko pipiliin niya si Einah alang ala sa anak nilang si Nicholas. Halos gumuho ang mundo ko makita ko si Einah sa engagement party namin.
Kinakabahan ako habang paparating na ang sasakyan sa simbahan na pinili namin ni Ivan dito sa Los Angeles.
Walang kasing saya ang puso ko makita ko ang lalakeng nasa harap ng altar habang hinihintay niya ako naglalakad sa Aisle.
Natawa ako makita ko na pinunasan ni Ivan ang luha sa mata niya. Hindi ko akalain na pupuntahan niya ako sa Tel Aviv para mag propose ulit sa akin.
Paglapit ko sa kanya inabot ng aking ama ang kamay ko kay Ivan.
"Promise me to take care of my daughter" My father said to Ivan. Bago yumakap si Ivan kay Abba.
"I'll promise. Abba" Inabot ni Abba ang kamay ko kay Ivan.
"I love you" Bulong niya sa tainga ko.
"I love you too" Hinaplos niya ang aking tyan. Bago kami umupo sa harap ng pari.
***
Einah POV
Wala akong tigil sa pag inom ng alak. Ngayon ang araw ng kasal ni Ivan at Harriet.
Lahat ng ala ala namin isa na lang panaginip.
Napatingin ako sa dagger knife nasa ibabaw ng tokador na madalas kong gamitin tuwing nasa Mission ako.
Kinuha ko ito bago tinanggal ang takip sa lalagyanan nito.
Nakatitig ako sa Dagger knife. Itinaas ko ang right wrist bago itinutok kutsilyo. Ipinikit ko ang aking mata. Nang biglang bumukas ang pinto.
"What are you doing Einah?!" Nabiglang sigaw ni Silver. Nagmamadaling lumapit sa akin. Kinuha niya ang dagger sa aking kamay.
"Hindi mo ba naisip si Nicholas? Paano ang anak mo kung magpapakamatay ka?!" Mariin sinabi niya sa akin.
"Hindi ko na kaya! Ang sakit sakit. Silver!" Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Forgive me! Einah because I didn't tell you everything. Ayokong makita kang nasasaktan" Nanatili pa rin akong yakap ni Silver. Walang tigil ang pag luha sa mga mata ko.
Sana kung maibabalik ko ang panahon. Sana hindi ko piniling mahalin si Ivan na ganitong masasaktan ako. Akala ko hihintayin niya ang pag babalik ko para sa kaligtasan nila kaya nag sakripisyo ako na hindi ko sila makasama.
Lady Satinne is right! Wala na akong babalikan. Huli na ang lahat sa amin. Masyado ako naging kampante.
"Please Einah, don't do this again? Nicholas needs you! Hindi solusyon ang pagpapakamatay. Darating ang araw na may lalakeng mag mamahal sa iyo na mas higit pa kay Ivan balang araw pasasalamatan mo ako. Nakikiusap ako sa iyo huwag mo na ulitin ito." Masuyo niyang sinabi habang pinupunasan ang luha sa aking mata.
***
Two years later
Einah POV
Sa loob ng isang taon na pag ta trabaho ko sa Madrid Techno Cars Incorporated pagkatapos kong mag quit bilang Secret Agent sa Titan Defense Services isang taon na nakakaraan. Naging masaya naman ako. Mahigit dalawang taon na kaming hiwalay ni Ivan. Unting unti na din humihilom ang sugat sa puso ko.
Ang Madrid Techno Cars Incorporated sila ang humahawak ng mga sasakyan na kilala sa buong mundo. Na enjoy ko naman bilang Secretary ng COO si Mr. Michael Moore. Balita ko na ngayon araw darating ang anak ni Mr. Leonardo Madrid. Actually hindi talaga ako ang Secretary ni Mr. Michael Moore may Secretary talaga siya si Ms. Darlene Hayes. Executive Secretary talaga ako ng CEO.
Kinakabahan ako dahil balita ko na bata pa ang CEO. Nakapagtapos sa Harvard University.
Ngayon inaayos ko ang mga folders nakalagay sa Conference table. Nandito ang mga Board Members. Habang nag hihintay sa pag dating ni Mr. Matthew Luis Braun - Madrid.
Inayos ko ang salamin sa aking mata. Nakapusod ang aking buhok. Sana hindi naman suplado ang Boss ko. Baka mabaril ko siya sa ulo.
Bumukas ang pinto kaya napabaling ang paningin ko sa lalakeng matangkad at napakagwapo!
Gosh! Siguro kung nag paulan ng kagwapuhan sinalo lahat nito.
Sunod sunod ako sa pag lunok. Nakita kong hindi ngumingiti ang aking Boss.
Bakit ako kinakabahan? Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito. Dumako ang mata niya sa akin.
Teka? He looks familiar?! Nanlalaki ang aking mata.
Superman? Captain America? Oh noes! Sino ba sa kanila? Ang talande mo na Einah!
"Good morning!" He has a very deep voice.
May pumasok na ala ala sa isip ko.
Flashback
"I - I'm sorry too Miss! a-are y-you okay?" pulang pula ang mukha niya nakatitig sa akin. Why? He's very good looking boy!
Nanlaki ang mata ko matanto ang nakaraan.
Gone with the little boy. I met before?!
He look matured now at lumaki na ang kanyang katawan. Hindi na siya chubby. At mas higit na siyang tumangkad. I think nasa 6'0 feet or more and no more black eyeglasses and he's really gorgeous.
Tumiim ang mata niya habang ako nanatiling nakatitig sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Wala sa loob nailagay ko ang kanan kamay sa aking dibdib.
"Miss?" Hindi pa rin ako sumagot dahil nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya. Hindi ko napansin na lumapit siya sa akin.
"Ms. Sandoval -?" Nagising ako sa boses ni Sir Michael.
"Oh! I- I'm sorry Sir!" Nahihiyang yumuko ako at namula ang pisngi.
"I guess, I need to introduce myself to you Miss. I'm Matthew Luis Braun - Madrid" Inabot niya ang kanan kamay. Nanginginig ang kamay ko makipag shake hands sa kanya.
"I'm Einah - Einah Alonzo - Sandoval. Sir Matthew Luis Braun - Madrid. Nice to meet you!" Nakangiti kong bati. Parang may kuryente dumaloy sa aking katawan. Naramdaman ko ang pag pisil niya sa aking kamay. Nagtataka akong napatingin sa kanya matiim pa rin nakatitig sa akin.
"Same to you, Ms. Sandoval." Hinila ko ang aking kamay ngunit madiin pa rin ang pag hawak ni Sir Matt.
Tumikhim si Sir Michael kaya nawala ang attention namin. Halatang napilitan tanggalin ni Sir Matt ang aking kamay.
"So? Let's start the meeting" Anunsyo niya.
Pinilit kong mag focus sa meeting nakatayo ako sa likod ni Sir Matthew.
Naamoy ko ang kanyang pabango iniisip ko kung saan ko to naamoy. Parang may paru parong nag rambulan sa aking tyan.
Natapos ang meeting inabot kami ng limang oras.
Pagkarinig ko ng "Meeting adjourned!" Kulang na lang mag tatalon ako sa tuwa. Hindi pa naman ako naka pag almusal.
Sa gutom ko wala na akong pakielam. Nagpaalam ako kay Sir Matthew na mag la lunch.
But he said "No!" So, I need to stay.