Chapter Four | True Love

Matthew POV

Tumingin ako sa paligid. Alas tres na ng madaling araw kaya walang tao sa paligid. Nakasuot ako ng bonnet habang nasa likod ng sasakyan ang pamangkin kong lalake. Kasalukuyang natutulog. Inilabas ko ang sanggol. Hinalikan ko siya sa pisngi bago iniwan sa gate ng bahay nina Andrew dito sa Massachusetts.

Nakailang buzz ako nang makita kong may lumabas na matandang babae. Dali dali akong tumalilis. Nanlalaki ang mata ng babae pagkakita sa sanggol bago kinuha ang pamangkin ko at ilan mga binili kong Milk, Diapers at Feeding Bottles na may laman tubig.

Alam ko unexperience pa si Andrew sa pag aalaga ng sanggol. Ayokong magutom ang nag iisa kong pamangkin. Umalis na ako sa bahay nina Andrew. Malungkot akong napangiti.

Alagaan mong mabuti ang pamangkin ko Andrew.

***

Ilang buwan ng comatose ang kapatid ko habang nakahiga parin sa hospital bed. Pagkatapos niyang manganak hindi pa rin siya nagigising. Bumalik ako sa pag aaral. Kinausap ako ni Daddy na tapusin ang Master's Degree ko. Siya na ang bahala sa lahat.

Maayos na din si Mommy at Daddy. Kasalukuyan niyang pinamamahalaan ang Titan Defense Services. Dahil pina ambushed ni Bryan MacKenzie ang isa sa bestfriend ni Daddy si Samuel Sandoval.

Hindi talaga kami titigilan ni Bryan MacKenzie hangga't hindi nauubos ang lahi namin. Narinig ko ang tawag sa cellphone ko.

Si Daddy!

May bumundol na kaba sa puso ko.

"Matthew, ang kapatid mong si Lacey. Nawawala sa Los Angeles Hospital." Nanghihina akong napaupo sa upuan.

***

Three Years Later

Patuloy pa rin na pinaghahanap ang bunso kong kapatid na babae si Lacey. Ilang taon na din nakakalipas wala pa rin kaming balita. Walang araw hindi ko iniisip si Lacey. Nag aalala ako sa kanya. Hangga't hindi nakikita ang kapatid ko hindi kami titigil na hanapin siya.

Ngayon pinamamahalaan ko ang Braun Mart at MTCI simula nagtapos ako ng Master's Degree. Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng pilit kong kinakalimutan.

Ang kanyang napakagandang mukha. Nang gabing naging akin siya. Paulit ulit kong inaalala ang nangyari sa amin. Hanggang ngayon patuloy pa rin akong umaasa sa kanya.

"Kumusta na kaya siya?" Malungkot akong napangiti. Gustuhin ko man makibalita sa kanya subalit marami akong inaasikaso lalo na ako na ang humawak sa kumpanya namin.

I miss her so much!

***

Harriet POV

"Ate Harriet, masaya ako para sa inyo ni Kuya Ivan" Inayos ni Amira ang belo sa aking ulo.

"Thank you masaya din ako ngayon" Naluluha kong sinabi. Sa wakas natupad na din ang pangarap ko na maikasal kay Ivan. Akala ko pipiliin niya si Einah alang ala kay Nicholas. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko si Einah ang araw ng Engagement Party namin.

Kinakabahan ako habang paparating na ang sasakyan sa simbahan pinili namin ni Ivan dito sa Los Angeles.

Walang kasing saya ang puso ko na makita ko ang lalakeng nasa harap ng Altar habang hinihintay niya ako naglalakad sa Aisle. Inaamin ko nandun ang takot sa puso ko kapag nalaman ni Ivan ang tinatago kong sikreto.

Nawala sa isip ko ang agam. Nang makita ko si Ivan nag hihintay sa harap ng Altar. Natawa ako makita ko na pinunasan ni Ivan ang luha sa mata nito.

Hindi ko akalain na pupuntahan niya ako sa Tel Aviv para mag propose ulit sa akin.

Paglapit ko sa kanya inabot ng aking ama ang kamay ko kay Ivan.

"Promise me to take care of my daughter" My father said to Ivan. Bago yumakap si Ivan kay Abba.

"I'll promise Abba" Inabot ni Abba ang kamay ko kay Ivan.

"I love you" Bulong niya sa tainga ko.

"I love you too" Hinaplos niya ang aking tyan. Bago kami umupo sa harap ng pari.

***

Einah POV

Wala akong tigil sa pag inom ng alak. Ngayon ang araw ng kasal ni Ivan at Harriet. Lahat ng ala ala namin isa na lang panaginip.

Napatingin ako sa Dagger sa ibabaw ng tokador na madalas kong gamitin tuwing nasa Mission ako. Kinuha ko ito at tinanggal ang takip sa lalagyanan nito. Nakatitig ako sa Dagger. Itinaas ko ang right wrist bago itinutok ang dagger. Ipinikit ko ang aking mata. Nang biglang bumukas ang pinto.

"What are you doing Einah?!" Sigaw ni Silver. Nagmamadaling lumapit sa akin. Kinuha niya ang Dagger sa aking kamay.

"Hindi mo ba naisip si Nicholas? Paano ang anak mo kung magpapakamatay ka?!" Mariin sinabi niya sa akin.

"Hindi ko na kaya! Ang sakit sakit Silver!" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry Einah because I didn't tell you everything. Ayokong makita kang nasasaktan" Nanatili pa rin akong yakap yakap ni Silver. Walang tigil sa pag luha ang mga mata ko.

Sana kung maibabalik ko lang ang panahon. Sana hindi ko piniling mahalin si Ivan na ganitong masasaktan ako. Akala ko hihintayin niya ang pag babalik ko para sa kaligtasan nila kaya nag sakripisyo ako na hindi ko sila makasama.

Lady Satinne is right! Wala na akong babalikan. Huli na ang lahat sa amin. Masyado ako naging kampante. Pag aakalang hindi mag mamahal ng iba si Ivan.

"Please Einah, don't do this again! Nicholas needs you! Hindi solusyon ang magpakamatay. Darating ang araw na may lalakeng mag mamahal sa iyo na mas higit pa kay Ivan balang araw pasasalamatan mo ako. Nakikiusap ako sa iyo huwag mo na ulitin ito." Masuyo niyang sinabi habang pinupunasan ang luha sa aking mata.

***

Sa loob ng pitong buwan para akong living dead habang nag ta trabaho sa TDS. Wala pa rin tigil sa pag luha ang aking mata. Madalas pa rin akong umiinom ng alak tuwing gabi.

"Mom?" Napalingon ako kay Nicholas namumula ang kanyang mata pati ang pisngi.

"Anak? What's wrong? Why are you crying?" Malambing kong tanong habang pinunasan ko ang luha sa mata niya.

"Mom, can we?.... Can we start a new life without Dad?" Nakita ko ang namumuong luha sa mata niya. Para akong sinuntok sa dibdib. Na guilty ako dahil napabayaan ko si Nicholas ilang buwan na simula naghiwalay kami ni Ivan.

Bakit hindi ko naisip ang anak kong lalake? Alam ko pareho kami nasasaktan ng anak ko.

"Mom, please don't cry. I don't want to see you crying. I'm always here for you" Niyakap ko ang aking anak.

"I'm so sorry, Son, napabayaan kita. Hindi sinasadya ni Mommy. I'll promise i will take care of you!" Niyakap ko ng mahigpit ang aking anak. Pareho kaming walang tigil sa pag iyak.

Sa loob ng pitong buwan tumatawag na lang si Ivan para kumustahin ang anak niya. Nalaman ko nag buntis din si Harriet. Siguro nga kailangan kong mag move on. Mas pinili ko na lang hindi makausap si Ivan sa anak namin siya tumatawag. Hinayaan ko si Nicholas lang ang kausapin niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.