Einah POV
Alas tres ng umaga niya akong hinatid sa bahay. Hininto ni Sir Matthew ang sasakyan sa harap ng bahay ko.
"We're here" Tipid niyang sagot. Nababanaag ko ang pagod sa kanyang mukha. Wala pa rin umiimik sa amin. May nag uudyok sa akin na sabihin ang nasa isip ko.
"Do you - " Inilinis ko muna ang lalamunan. Namula ang mukha ko bago yumuko.
"Do you want to sleep with me?" Halos bulong kong sinabi. Napakagat ako sa labi. Nahihiya ako sa kanya kaya iniwas ko ang mata. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Hindi pa rin sumasagot si Sir Matthew habang nakatitig lang sa akin.
"Suggestion la - " Bigla siyang nagsalita.
"Of course! I want to sleep with you. Baby" Biglang nag ramble ang utak ko sa kilig na nararamdaman ko. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.
O imahinasyon ko lang? Buti na lang saturday kaya wala kaming pasok ngayon actually ako lang. Siya naman ang mag ha - half day sa opisina. Pero sa kalagayan niya malabong makakapasok pa si Matthew. Sa ngayon.
Inayos niya pag park ng sasakyan sa labas ng Town house ko. Sa kwarto ko siya pinatulog dahil tatlong lang ang kwarto sa townhouse na binili ko. Isa sa akin at isa kay Nicholas at isa sa kasambahay ko.
Nakahiga na kami sa kama. Bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa labi bago ipinikit namin ang mga mata.
Sa loob ng apat na taon ngayon lang ako nakatulog na may ngiti sa labi.
***
Gumising ako ng alas siyete para ipag handa ng breakfast ang anak kong si Nicholas. Patapos na ako sa pag luluto nakita kong lumabas sa kwarto ang gwapo kong anak.
"Good morning Mommy!" Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Good morning hun! How's your sleep?" Hinawakan ko ang kanyang ulo para guluhin ang buhok. Natatawang iniwasan niya ang aking kamay.
"I'm good! At last it's saturday!" Tuwang tuwa niyang sinabi.
"Nahhh! I know you have lot's of assignment in your school!" Natatawa kong sinabi. Sumimangot ang mukha ni Nicholas.
"Yeah" Tamad niyang sagot. Bilib ako sa aking anak. Mag aral man o hindi mataas pa rin ang nakukuha niyang marka sa eskwelahan.
Masaya kaming nag ke kwentuhan. Nabaling ang tingin namin nang lumabas si Sir Matthew sa loob ng kwarto ko. Napakagat ako sa aking labi napatingin ako kay Nicholas naguguluhan ang kanyang mukha kaya bumaling ang tingin sa akin ng anak ko.
Halatang nagtatanong ang tingin. Napansin ni Sir Matthew nakatingin kami sa kanya. Nabaling ang tingin niya sa aking anak. Mariin niyang tinititigan actually dalawa silang nag titigan.
"Eh? Good morning?" Alanganin kong sinabi kay Sir Matthew. Bumaling ang tingin niya sa akin na may magandang ngiti.
"Good morning Baby!" Malambing niyang sinabi. Biglang namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Mom? Who is he?" Mahina tanong ni Nicholas sa akin.
"He is - he is my boss!" Alam ko likas na matalino ang anak ko kaya mahirap malusutan ang sinabi ko.
"Oh, you're the one who gave me the Gundam robot! Thank you Sir." He politely said to Sir Matthew. Tumingin sa kanya si Nicholas.
"You're welcome. Young man" Lumamlam ang mata ni Matthew nakatitig kay Nicholas.
Ako lang ba nakapansin?
"By the way, Mom, If he is your boss? Why did he sleep in your room? And why did he call you baby?" Akusa tanong ni Nicholas.
"Because -" Sasagot sana ako biglang pinutol ni Sir Matthew ang sasabihin ko.
"Because I'm your mom's boyfriend!" Matapang niyang sinabi. Umawang ang labi ko sa gulat.
Ang anak ko naman nanlalaki ang mata pabalik balik ang tingin sa amin dalawa ni Sir Matthew nang mahimasmasan napangiti na lang si Nicholas samantalang napayuko ako sa kahihiyan.
"Oh well! I didn't know that my Mom having a boyfriend! Anyway let's eat Sir? - " Bale wala niyang sinabi at bumalik sa pinagkainan.
"Just called me Daddy Matt or Daddy if you want. Young man" Nahulog ang hawak kong spoon sa sahig.
"Sir Matt!!" Gulat kong sigaw. Natatawang lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ako sa labi bago bumaling ang tingin sa anak kong si Nicholas na walang pakielam na kumakain habang nakatingin sa amin.
Sir Matthew ka ng Sir Matthew nilaspag ka na nga kagabi! My kinky mind said.
Naalala ko ang nangyari kagabi kaya iniwas ko ang tingin kay Matthew.
"What's your name young man?" Tanong niya sa anak ko.
"I'm Nicholas Sandoval - Black" Magalang na sagot ni Nicholas. Tumiim ang bagang ni Sir Matthew. Kumunot ang noo ko sa reaction ng mukha niya.
"Nice meeting you, Nicholas!" Nag shake hands pa ang dalawa.
"Same to you, Daddy Matt!" Gusto kong umirap sa ere akala mo matatanda na nagpakilala ang dalawa. Pero isa lang ang nagpa gulat sa akin madaling tinanggap ni Nicholas si Matthew. Eh ubod ng suplado ang aking anak hindi ito basta basta nakikipag usap sa estranghero.
Nanatili akong tahimik habang nag uusap ang dalawang lalake sa hapag kainan na akala mo matatanda. Tinititigan ko si Matthew at Nicholas kung pag mamasdan mabuti may pagkakahawig silang dalawa. Napailing na lang ako sa naisip.
Teka?! Ano ba itong nasa isip ko?
Narinig ko favorite ni Matthew ang maglaro ng Chess pareho pala sila ng anak ko.
"Hey Mom, Daddy Matt invite us to go outside!" Masayang sinabi ng anak ko. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na gusto nilang mamasyal na magkasama kami. Bumaling ang tingin ko kay Matthew nakikiusap ang itsura niya. Kitang kita ko ang sabik sa mukha ni Nicholas kaya tumango ako.
"Thanks Mom!" Masaya niyang sinabi habang tinuloy nito kumain. Kung titignan para kaming isang masayang pamilya.
***
Sa buong oras na pamamasyal namin sa MOA. Halos silang dalawa na ang nag uusap samantalang ako tahimik lang na sumusunod sa kanila. Kung titignan para silang mag ama. Maraming napapatingin sa amin.
"Hey Mom! Look!" Masayang sinabi ni Nicholas nang makita namin ang Fireworks sa Manila Bay.
"It's Beautiful!" Sabi ko nakatingin sa kalangitan.
"Yeah! You are so Beautiful!" Napabaling ang tingin ko kay Matt na mariin nakatitig sa akin. Namumulang inalis ko ang tingin sa kanya.
Einah! Stop acting like a teenager! My Badass mind.
"My mom is really beautiful, Daddy Matt" Dagdag ni Nicholas nakatitig din sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi ng anak ko.
Bakit ba parehong mag isip ang dalawang ito?
Umiwas ako ng tingin sa kanila nagkunwari akong walang narinig. Natapos ang Fireworks nagyayang umuwi si Nicholas dahil inaantok na siya. Nakatulog na ito sa sasakyan habang pauwi na kami ng bahay.
Nanatili akong tahimik habang nag da drive si Matt. Marami akong gustong itanong subalit nanatiling tikom ang aking bibig.
Kinarga ni Matt si Nicholas papunta sa kwarto nito. Parang may humaplos sa puso ko nang nakita kong hinalikan niya sa pisngi ang anak kong lalake bago niyakap.
Humarap si Matt sa akin.
"Would you mind if I sleep here again?" Nag aalangan niyang tanong. Halatang kinakabahan sa isasagot ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon subalit nahihiya akong tumango.
Masaya siyang lumapit sa akin bago siniil niya ako ng halik.
"Thank you Baby!" He said napangiti ako sa gesture niya sa akin.
"I'm going to my house. Kukuha ako ng mga damit ko" Mga?! Means matatagalan? Akmang magsasalita ako. Hinalikan niya ako ulit.
"I want to stay with you and our s - Nicholas!" Kinurot niya ang pisngi ko. Nanatili akong nakatulalang lumabas sa kwarto ni Nicholas.
Teka! bakit ganito na ang nangyari? We just having a sex last night pero eto naging clingy na siya sa akin.
***
Nicholas POV
I know it sound's weird but I feel something to that man named Matthew. My Mom's boyfriend. If you asked me. I don't want my Mom to have a new boyfriend since my Dad broke her heart and married to another woman named Harriet.
Inaamin ko masama ang loob ko kay Dad. Nakita kong umiiyak si Mommy habang nanatili akong tahimik sa isang gilid.
Nagtatago ako nang marinig ko nag uusap sila na mas pinili ni Dad si Mama Harriet.
I like Mama Harriet she's really kind and nice woman but I loved my Mom so much. Pinilit ko na lang intindihin sila kahit bata pa ako.
Hindi ko pinakita kay Mom na apektuhan ako sa nangyayari sa kanila ni Dad. Kinausap ko si Dad na gusto kong makasama si Mommy dahil mag isa na lang siya kung iiwan ko pa. Buti na lang pumayag si Dad na manirahan kami sa pilipinas.
Kaninang umaga nakilala ko si Daddy Matt. Nakita kong bumalik ang saya sa mukha ni Mom sa loob ng dalawang taon puro lungkot at pag iyak ang nakikita ko sa kanya.
Ayokong mawala iyon kaya madali sa akin tanggapin si Daddy Matt kung siya ang kaligayahan ng Mommy ko.
Why not? And I think Daddy Matthew is very nice guy. Hindi ko alam pero hindi ako tumutol nang sabihin niyang boyfriend siya ni Mommy. Mas naging palagay ang loob ko na marami kaming pagkakapareho.
If you asked me now i wish that Daddy Matthew is my real father.