Chapter Nineteen | True Love

Einah POV

Tulalang nakatitig si Matthew sa anak namin babae.

"She's really look like my younger sister Lacey!" Naluluhang niyakap ni Matthew ang anak naming babae. Bumaling ang tingin sa akin ni Matthew

"Thank you Mommy! You make me so happy!" Lumapit ako sa kanya at pinunasan ng daliri ko ang mga luha sa mata ni Matthew.

"Dad?" Narinig namin ang boses ni Nicholas na bagong gising. Kaya nagising siya dahil narinig niya ang boses ni Matthew.

"I'm here Son!" Sagot ni Matthew sa anak. Nakatingin sa itaas ng hagdan kaya nagmamadaling tumakbo pababa si Nicholas. halatang excited na makita ang kanyang ama.

"Hey son, be careful!" Nag aalalang sigaw ni Matthew sa anak. Iniumang ni Matthew ang isang kamay payakap kay Nicholas.

"I miss you so much, Dad" Umiiyak na sinabi ni Nicholas.

Now, I know kung kanino nag mana ang anak namin. Sa ama niya na iyakin din. Pareho silang namumula ang ilong at pisngi. Kahit kamukhang kamukha ko si Nicholas.

"I miss you too. Son" Pinunasan ni Matthew ang luha sa mata ni Nicholas.

"I'm sorry for everything. Son, because Daddy is coward" Umiling si Nicholas kay Matthew.

"I understand Dad. Mommy explained to me everything" Hindi ko mapigilan na maiyak. Akala ko mararanasan ni Nicholas na walang ama sa kanyang tabi. Ngayon masaya ako dahil pareho na kami ng mga anak ko na buo.

Salamat sa iyo. Matthew, binigyan mo kami ng pag asa ni Nicholas na maging buo at magkaroon siya ulit ng ama. Sa totoo lang hindi ko makapa sa puso ko ang pag sisi at hindi si Ivan ang naging ama ng mga anak ko.

Lahat may kasagutan kung bakit hindi kami ni Ivan sa huli dahil kay Matthew Luis Braun - Madrid na darating sa buhay ko. Hindi ko akalain na ang batang lalake nakabungguan ko sa mall ang siyang nakatadhana sa kin.

***

Iniwan ko ang mag aama sa sala habang nag lalaro sila ng chess ni Nicholas. Si Eirah natutulog sa sofa habang binabantayan ni Matthew. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko.

Iniwan ko sila sa sala para mag hugas ng pinagkainan namin. Napalingon ako nang maramdaman ko na may tao sa likod ko.

"Can we talk?" Matiim ang titig ni Matthew habang pinag patuloy ko ang ginagawa.

"Sure" Nakangiti kong tugon.

"Mommy, let's get married!" Napahinto ako sa pag huhugas ng pinggan. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Humarap ako kay Matthew nakatayo sa gilid ko.

Magpakasal? Oo kasal nga! Kinapa ko ang puso. Nandoon pa rin ang takot.

"I - I'm sorry but I can't marry you" Umiling ako sa kanya. Natulala si Matthew sa sagot ko.

"Why you can't? Kailangan ng mga bata na buo ang pamilya?!" Aburido niyang sinabi.

"Paano kung may makilala kang babae na gustong gusto mo. Ayokong pag sisihan mo na magpakasal ka sa akin" Naiiyak kong sinabi kaya tumalikod ako. Kumirot ang puso ko sa isipin na may magugustuhan ibang babae si Matthew.

"Einah! Ano ba?! Magkaiba kami ni Ivan. Do not compare me to your ex husband. Kung noon na may asawa ka nag hintay ako at umasa na mapasaakin ka din balang araw. Wala sa isip ko na humanap ng iba dahil buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko at mamahalin ko habang buhay. May mga anak na tayo kailangan nila na buo ang pamilya natin" Hinarap niya ako sa kanya.

"Ayoko na mangyari ulit ang nangyari noon. Please Matthew. Hingiin mo na ang lahat huwag lang ang kasal!" Halata ang inis sa mukha ni Matthew. Napa face palm siya.

"Bukas isasama ko ang Judge na mag kakasal sa tin. Pag isipan mong mabuti ito. Sa Ayaw o sa gusto mo magpapakasal tayo" Saka niya akong iniwan.

***

Dumating ang sinasabi ni Matthew na Judge. Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto. Nagtalo na kami kanina dahil pinapasuot niya sa akin ang binili niyang white gown.

Ano ba ang dapat kong gawin? Ayoko pa mag pakasal! Bakit kase minamadali ni Matthew na magpakasal kami?

Suot ko ang Engagement ring na binigay niya sa akin na Cartier. Noon nag paalam ako na lalayo muna sa kanya. Halos malula ako nang i check ko sa internet ang presyo ng Engagement Ring. Solitaire 1895 ladies platinum 1.78 CT cut White Diamond. Hindi ko akalain gagastos si Matthew ng ganitong kamahal na Engagement Ring. Hindi ko alam kung nakikipag paligsahan siya kay Ivan.

Kailangan kong tumakas ayoko muna siyang makita lalo na naiinis ako sa padalos dalos niyang desisyon na magpakasal kami.

Nag suot ako ng pang alis. Kailangan ko munang tumakas para makapag isip hindi naman siguro pababayaan ni Matthew ang mga bata.

Sinuot ko ang floral top at high waist jeans at converse shoes para madali akong kumilos. Alam ko nasa baba sila kaya naisipan ko sa bintana lalabas.

Binuksan ko ang bintana. Maayos ako nakatalon sa baba. Dahan dahan ako nag lakad para hindi nila ako mahuli. Umakyat ako sa bakod medyo may kataas ito. Walang ingay akong lumapag sa lupa. Pag tayo ko isang boses na lalake na hindi ko akalain nandito din pala.

"Saan ka pupunta Agent Phoenix?" Nakangisi ang mukha ni Silver. Nakasandal siya sa pader.

Damn it! Hindi ko man lang napansin dahil ang utak ko kung paano ako makakatakas.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay kong tanong.

"Binabantayan ka sa pag tatangka mong pagtakas" Mas lumaki ang ngisi niya.

Darn! Anong ibig sabihin nito? Kasabwat din ni Matthew si Silver. Lumapit sa akin si Silver.

"Inutusan ako ng anak ng boss natin na bantayan kita sa pagtatangka mong pag takas. At hindi nga kami nagkakamali mukhang tatakas ka nga!" Pang asar na sinabi ni Silver.

"Aalis lang ako para mag isip hindi para tumakas. Siguro naman hindi ko iiwan ang mga anak ko!" Umingos ako.

"Hindi ka pwedeng lumabas o tumakas hangga't hindi ka magpapakasal kay Sir. Matthew. Maliban na lang kung gusto mo akong labanan" Banta ni Silver.

"Teka nga?! Bakit ka ba kumakampi kay Matthew. Ako ang bestfriend at partner mo sa mission. Dapat sa kin ka kumampi" Naiinis kong sinabi. Natawa si Silver sa sinabi ko.

"Sorry! Sumusunod lang ako sa anak ng boss natin ibig sabihin boss pa rin natin si Mr. Matthew Madrid"

Arghh! Gusto kong mag wala. Wala na akong choice. Aalis pa rin ako. Nakipag titigan ako kay Silver bago mabilisan tumakbo.

"Damn it Einah!" Narinig kong sigaw ni Silver.

Dalawang kamay ang humawak sa baywang ko.

Shit! Nahuli ako.

Akala ko si Silver ang humawak sa baywang ko. Pag harap ko.

"Saan ka pupunta. Mommy?" Boses ni Matthew.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.