Chapter Epilogue | True Love

Einah POV

Buong buhay ko lumaki akong walang magulang. Nakita ko ang apat kong anak. Akalain mo na pareho kami ni Lacey na apat ang anak. Sa akin dalawang lalake at dalawang babae.

Masaya kong pinag mamasdan ang mag a ama ko habang karga niya ang bunso namin anak si Matteo Louie na pinapaarawan. Kapapanganak ko pa lang. Akalain n'yo dalawang buwan ko pa lang pinanganak si Elisha nang mabuntis ako ulit ni Matthew. Kaya si Lacey tawa ng tawa sa nangyari sa akin. Ang babaeng hindi nakaranas ng normal delivery at si Andrew palaging nag aalaga sa mga anak nila.

Binatang binata na si Nicholas Luis pinadagdag ni Matthew ang pangalan nito pagkatapos na palitan ang apelyido niya na Madrid. Akalain mong Seventeen years old na ang binata namin. Nakasuot ng black eyeglasses. Sa ganyan edad ni Nicholas nang may nangyari sa amin ni Matthew. Namula ako sa naisip.

Tumatagal mas nagiging kahawig din ni Matthew si Nicholas siguro nakakasama nito ang tunay na ama.

Si Eirah na mag a anim na taon gulang kasama niyang kalaro ang kapatid na isang taon gulang si Elisha.

Lumapit ako sa mag a - ama ko.

"Hi! Mommy, good morning" Masayang bati ni Matthew hinalik niya ako sa labi.

"Good morning Daddy! Bakit hindi mo ako ginising?" Inabot niya sa akin si Matteo.

"Napuyat ka kagabi Mommy sa pag aalaga ng mga anak natin" Nakatitig si Matthew sa anak namin.

Hindi ko alam kung anong kababaghan ang nangyayari sa amin pamilya dahil si Matteo kamukhang kamukha namin ni Nicholas. Alin pa yun lalake sila pa ang mga xerox copy ko. Samantalang ang babae mga kamukha ni Matthew at Lacey. Minsan naiinggit sa amin si Lacey dahil mas mukhang anak niya ang mga anak kong babae. Halos lahat ng anak niya kamukhang kamukha ni Andrew.

Napataas ang kilay ko humahagikgik si Nicholas. Sabay kami ni Matthew napatingin sa binata namin anak.

"Sino ang kausap mo Nicholas?" Biglang natahimik ang anak nila.

"Nothing Mom!" Umiwas ang tingin niya sa akin. Iniumang ko ang aking kamay kaya napakamot sa ulo si Nicholas.

Tinignan ko ang Messenger sa Cellphone niya kausap nito ang kanyang pinsan si Andrei. Napakunot ang noo ko.

Masama ang tingin ko sa panganay naming anak at kay Matthew.

"Ano itong nababasa ko? Nagpabili ka ng kotse sa Daddy mo!" Nagkatinginan si Matthew at Nicholas.

"Dad, please help me!" Nakikiusap ito sa ama.

"Son, I need your help too!" Halatang takot silang dalawa.

"At ikaw lalake bakit mo bibilhan ng kotse ang anak mo? Ang bata bata pa n'yan baka kung saan saan yan pumunta?!" Bunganga ko sa asawa at anak. Nakita ko pareho silang napangiti sa akin.

***

Matthew POV

Kung ibang lalake kapag ang asawa nila bungangera. Ako naman natutuwa. Siya ang babaeng na hindi magagalit kapag walang dahilan. Ang babaeng walang takot mamatay para sa kaligtasan ng pamilya namin.

Una ko siyang makita sa mall nabighani talaga ako sa kagandahan niya.

Flashback

She's so beautiful!

"Sino yan dino drawing mo Matthew?" Nagulat ako nag salita sa likod ko si Daddy.

"A Girl of my dream" Sagot ko. Tinitigan ni Dad ang mukha ng dino drawing ko bago ngumisi sa akin. Napakunot noo ako sa reaction ni Daddy.

"Don't worry Son. You will meet her soon!" Napangiti ako sa sinabi ni Daddy.

"Son, I want to tell you something" Nakaupo kami ni Daddy habang nakatingin siya sa malayo pinagmamasdan ang lupain namin dito sa Colorado.

"What is it, Dad?"

"Naalala mo ba ang babaeng na I drawing mo sa akin?" Tumango ako.

"She will going to worked in our company in philippines" Sa oras na iyon. Nagmadali akong umuwi ng pilipinas kinausap ko si Daddy na siya muna mag ma - manage ng business namin dito sa US.

Sa loob ng sampung taon hinintay ko si Einah. Nasaktan ako nang malaman ko na kinasal siya kay Ivan Lester Black. Akala ko hanggang panaginip lang na makasama ko siya ulit.

Lalo na't sunod sunod na trahedya ang nangyari sa pamilya namin. Sinubukan ko na kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.

But i didn't know kung tadhana na ang nagpalapit sa amin nang malaman ko na nagkahiwalay sila ni Ivan.

Wala akong pakielam kung may anak sila ni Ivan. Tatanggapin ko ang anak nila at ituturing kong anak si Nicholas.

Pero unang kita ko kay Nicholas.

I know that boy is mine! Naramdaman ko ang lukso ng dugo. Hindi alam ni Einah na pina DNA test ko agad si Nicholas. Umaapaw sa saya ang puso ko nang mabasa ang result na anak ko si Nicholas.

Ibig sabihin sa akin lang si Einah simula nang makilala ko siya. May pinanghahawakan na ako.

Ang anak namin si Nicholas. It's a dream come true na siya ang naging ina ng mga anak ko Kahit lumayo siya kasama ng anak namin hindi ako tumigil na hanapin ko siya.

I'm not like Ivan na pinagpalit si Einah at magmahal ng iba. Mas higit akong natuwa na malaman ko nag buntis siya ulit sa pangalawang namin anak si Eirah Louise. Ginawa ko ang lahat para pumayag siyang magpakasal sa akin. Dalawang beses ko siyang pinakasalan sa judge at sa simbahan binigay ko ang marangyang kasal na pinapangarap ng mga kababaihan.

Mas hinigitan ko ang kasal nila ni Ivan.

Ngayon buo na kami ng pamilya ko. Sumunod na kinasal sina Lacey at Andrew.

I love my Einah so much.

She's my Goddess.

She's My Beautiful Secret Agent

***

Einah POV

After twenty five years.

Naiiyak ako habang pinapanood ko ang kasal namin ni Matthew sa theater ng bahay namin dito sa Colorado. Hindi ako mag sasawa sa kanya. Ngayon may mga apo na kaming dalawa.

"Hey! Why are you crying, Mommy?" Hinalikan niya ako sa pisngi.

Nakikita ko ang kulubot sa aming mukha subalit makisig at gwapo pa rin si Matthew. Kahit maraming babae nagkakagusto sa kanyang asawa. Hindi siya tumingin sa iba.

"Nothing Daddy! I'm just happy. Akala ko hindi na ako magiging masaya pa ulit. Pagkatapos nang mangyari sa amin ni Ivan." Mahinang natawa si Matthew pagkatapos niyakap ko niya ako ng mahigpit.

"Thank you for loving me Daddy!" Bulong ko.

"You're welcome and thank you for everything Mommy! Binigyan mo ako ng isang masayang pamilya kasama ng mga asawa ng mga anak natin at apo!" Nakaramdam ako ng lungkot dahil wala ang mga anak namin nasa kanilang asawa at may sariling pamilya.

"Hindi ako magiging buo kung hindi ka dumating sa buhay ko" Pinisil niya ang kamay ko bago hinalikan.

"Ako dapat mag sabi sa iyo n'yan Mommy. I love you very much!" Bulong ni Matthew sa tainga ko.

"I love you too. Daddy!" Ganting sagot ko.

Akala ko hindi ko na mararanasan pa ang maging masaya. Pagkatapos ng una kong kabiguan kay Ivan Lester Black. Sabi nga lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan. Kung masaktan man tayo. Hindi ibig sabihin nun susuko na tayo. Dahil mayroon talaga nakatadhana para sa atin na mas hihigit pa at mas mamahalin mo ng buong buhay. At ang dahilan ay si Matthew Luis Braun - Madrid ang aking True Love.

The father of my children and My Husband.

And I, Einah Sandoval - Madrid. A Former Secret Agent of Titan Defense Services and Ex - Lieutenant Colonel of US army and Executive Secretary of Madrid Techno Cars Incorporated

THE END

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.