Nakita niya na na-amaze ang mga participants sa session sa araw na iyon. May bente katao din ang mga ito na mula sa iba’t ibang school. Noong una ay lima lang ang mga ito pero dahil na rin sa pangangampanya nila ay dumadami ang mga ito. Umaasa sila na makakapag-accommodate pa sila ng mas madami.
Magaling na host si Sosimo dahil ang kadalasan ay may kaseryosohang session ay naging masaya. Puro kasi ito jokes.
“May special guest tayo sa araw na ito. Kilala ba ninyo ang writer ng poems na si King?”
“Yes,” usal ng mga ito. Walang teenager na di nakakakilala kay King. Maraming followers ang mga ito na kaedad nila.
“Kasama natin siya ngayon.”
“Weh?! Seryoso?” tanong ni Berny na bagong kasapi nila.
“Hindi. Joke lang. King, samahan mo kami dito,” tatawa-tawang sabi ni Sosimo at inilahad ang kamay kay Chance na nakatayo sa likuran ng stage.
Sinalubong ito ng palakpakan. Dama din ni Quinn ang kilig na nagmumula sa mga kababaihan.
“Siya nga iyon. Siya nga si King,” namamanghang sabi ni Viktoria.
“Ang guwapo naman niya,” anang si Berny na kulang na lang ay lumitaw ang heart na drawing sa mga mata.
“Hello, everyone. I am King. Pero di ako humaharap sa inyo dito bilang si King. Nandito ako para ipakilala sa inyo kung sino ako bago ako naging si King. I am Chance Anonuevo.” Lumabas sa wide screen sa likod nito ang larawan nito noong high school noong mataba pa ito. “Yes. That was me. Sabi ng nanay ko mabait naman ako. Alam ko na matalino ako at mabait kaya lang mataba ako. Most of time, ginagawa ko na lang invisible ang sarili ko. Nabu-bully ako most of the time pero di ko na lang pinapansin iyon. Ni hindi ko sinasabi sa magulang ko dahil ayokong mag-alala sila. At sa palagay ko ganon din kayo. Lahat ng nararamdaman ko ay isinasalin ko na lang sa tula. Iyon lang ang tanging kaibigan ko.” Tumango ang mga ito. “Then this girl came into my life. Siya ang naging una kong kaibigan.” At tumingin ang binata sa direksyon niya saka ngumiti. I don’t know how it happened. She is the campus queen. Pero kinaibigan niya ako.”
“Pero imposible naman iyon.”
“Baka naman ganyan ka na kaguwapo kaya ka niya kinaibigan.”
Nag-flash ang mga larawan nila sa screen. “They are my friends. Sila ang unang nagtiwala sa akin.”
“That’s Miss Quinn,” bulung-bulungan ng mga participants.
“Yes. That’s her. Siya ang unang nakapansin sa akin. Siya ang unang naka-appreciate sa magagandang bagay na pwede kong gawin. Na pwede ko palang maging kaibigan ang tulad niya. Nila. Pero itinapon ko lang ang lahat ng iyon dahil sa sarili kong insecurities. Nawala ang mga kaibigan ko sa akin noon. Hindi ko naipaglaban ang sarili ko at binalewala ko ang pagmamalasakit nila. Akala ko kasi hanggang doon lang ako. I underestimated the value of their love.”
Nagtaas ng kamay si Adonis. “May isinulat kang tula tungkol diyan. Take Me Back.”
Binuksan ni Chance ang libro nito. “Gusto mo bang basahin?” tanong nito at inabot sa lalaki ang aklat.
Binasa iyon ni Adonis. “Take me Back...”
Hindi mapakali si Quinn sa kinatatayuan. Parang gusto niyang magpunta na lang sa restroom. But Chance’s eyes were on her. Hindi siya pwedeng basta na lang mag-walkout dahil baka isipin pa ng mga tao doon na may issue pa sila ng binata. Mas gusto niyang mag-focus ang mga ito sa tula o sa kay Chance mismo.
Take me back to the day when you first stood up for me
You were a warrior princess who slayed my dragons
I never believed that such hero would exist for me
Because I was used to hiding inside my personal cave to feel safe
You held your hand and told me it was safe to be me.
Take me back to that day when you first smiled at me
It was the first the first time that I saw something so heavenly
Like an angel was sent to brighten up my day
Because I was used to jeering smirks and insulting laughter
You showed me that I am not a nuisance in this wonderful world.
Take me back to the day when you offered me your light
When I felt that the whole world shut me out
I was too busy feeling sorry for my self and just closed my eyes
I didn’t notice nor care that you were there for me
And you decided to walk away because you’ve had enough
Take me back to that day before you walked away
So I could slap my self and wake up from my horrible nightmare
I would run after you, hold your hand and beg you to stay
You are my light, my hero and my angel but I never thought you were hurting, too
Give me a chance to be a better man, please take me back.
Tumalikod si Quinn at pasimpleng pinunasan ang mamasa-masang mga mata. Sa tulang iyon ay naramdaman niya na pinahalagahan naman pala ni Chance ang nagawa niya para dito. Pero para saan pa ang tula at panghihinayang kung marami nang nagbago. He was a better man now. Hindi na siya nito kailangan.
“What is the point of this poem?” tanong ni Chance. “Minsan di naman talaga tayo nag-iisa. Minsan may mga tao na pwedeng umalalay sa atin at mag-ahon sa atin sa kumunoy ng depresyon. May kakampi tayo. Pero dahil sa kawalan ng tiwala natin sa sarili natin, nasasaktan na natin ang mga taong nagpapahalaga sa atin. Hanggang nagsasawa na rin sila na mahalin tayo.” Tumitig nang direkta sa kanya si Chance. “I am sorry, Quinn,” he uttered, as if with a silent plea that he wished she would take him back.
Tumikhim ang dalaga. Hindi niya inaasahan na iyon ang kalalabasan ng araw na iyon. Masyado nang nagiging personal. She didn’t want to this personal issue to be discussed there.
“Baka may gusto kayong itanong kay King,” sabi ni Quinn at sumenyas kay Sosimo na i-facilitate ulit ang programa.
Hindi niya kayang sagutin ang tungkol sa paghingi ni Chance ng sorry sa ngayon. At lalong hindi sa harap ng maraming mga tao. And she didn’t want to reanalyze her feelings for him. Nakaraan na iyon. Tapos na.