Chapter MFC 28

Tumango si Quinn at pinisil ni Vera ang balikat niya bago lumabas ng silid. Hindi naman siya nagugutom kaya nanatili lang siya sa kinauupuan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig dito pero ito lang ang pagkakataon niya para mapagmasdan ito nang di naiilang.

He looked so different yet familiar. Parang nalulusaw ang puso at ang buto niya niya habang nakatitig dito. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig dito pero wala siyang pakialam. Hindi siya nagsasawa na pagmasdan ito.

“Paano kita nagawang tiisin sa loob ng dalawang taon? Paano ko natiis na may malaking puwang sa puso ko? Bakit di ko naisip na mas magiging masaya ako nang nasa buhay kita?” mahinang usal niya at hinaplos ang buhok nito.

Umungol si Chance bigla at nataranta si Quinn. Bakit kasi nagdadrama pa siya? Baka narinig nito ang sinabi niya at magising ito.

Inangat nito ang kamay at akmang may kakamutin sa likod. Siguro ay nangangati ito. Pinigilan niya ang kamay nito at hinaplos ang likod nito. “Ito ba ang makati? Dito ba?” tanong niya. Kung hahayaan kasi niyang kamutin nito ang likod ay magkakakalmot iyon o kaya ay magsusugat. Baka lalo pang ma-allergy.

“Oo,” anito at kumalma na saka isinubsob ang ulo sa unan. “Quinn...”

“Yes?” tanong niya. “May gusto ka ba?”

“I wish you are really here with me.”

“I am here with you,” aniyang nangingiti.

“Quinn?” Bumalikwas ng bangon si Chance at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Bigla nitong hinapit ang kumot sa hubad na katawan. “Quinn, anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?”

“Binabantayan ka. Umalis lang siya sandali dahil may bibilhin siya. Hindi ka daw makakarating sabi sa usapan natin ni Tita Vera dahil may rashes ka. Kaya pumunta ako dito.”

Dumapa si Chance ngunit nakapaling palayo sa kanya ang ulo nito saka nagtalukbong. “Sinabi ko naman kay Mama na huwag sabihin sa iyo kung ano ang nangyari sa akin.”

“Hindi pwedeng hindi ko malaman.” Hinatak niya ang kumot mula dito. “Papawisan ka. Huwag kang magkumot.”

“Nakakahiya ang itsura ko.”

“Ngayon ka pa nahiya? Wala ka nang itatago sa akin.” Napangiwi siya nang makita ang pulang pantal sa matipuno nitong likuran. “Masakit ba? Makati?”

“Pareho,” matabang nitong sagot na parang nahihiyang umamin sa kanya. “Gusto ko ngang kamutin...”

“Huwag!” saway niya dito at pinigilan ang kamay nito. “Gusto mo bang lagyan natin ng ointment?”

“Huwag. Nakakahiya naman. Ako na lang...”

“Alam ko rin na bawal iyang kamutin o galawin pero may magagawa ba ako para maging komportable ka? Ointment?” alok niya.

Bumuntong-hininga ito at tumango saka dumapa. Mas kalmado na ito ngayon kaya naman inabot niya ang ointment. Nanginginig ang kamay niya nang lagyan ng ointment ang likod nito. Pasulyap-sulyap siya dito dahil baka hindi ito komportable o kaya ay nagsisisi ito dahil ginawa pa nito ang kondisyon niya.

“Chance, I am sorry. Hindi ko alam na bawal sa iyo ang matuyuan ng pawis. Naglakad-lakad pa tayo nang suot mo ang fat suit. Tapos ganito mangyayari sa iyo. Sana talaga pinahubad ko na lang iyon agad sa iyo. Nalait ka na ng fans mo, nagka-allergy ka pa. Siguro di na talaga bagay sa iyo ang maging mataba.”

“I don’t really mind. Nag-enjoy ka naman kasama ang Chance na naging kaibigan mo dati, hindi ba? Siya ang gusto mong makasama. Sandali mo nga lang siyang nakasama.” Magkahalong lungkot at saya ang nasa boses nito.

“Parang di ka talaga okay,” sabi niya.

Mariin itong pumikit. Bakas ang matinding pagpipigil nito na kantiin ang balat nito. “No. I am fine. Nagseselos lang ako sa Chance na mataba. Sana nayayakap mo rin ako tulad ng pagyakap mo sa kanya. Sana mas mapangiti kita. Mas mapasaya. Dahil noong mataba ako, naramdaman ko na importante ako sa iyo.”

“Chance, iba ang level of comfort ko kapag kasama ko ang dating ikaw. I can be my self. Habang guwardiyado ko ang kilos ko kapag kasama ka ngayon... With your fans and all. You are physically beautiful now. Alam mo naman na may image lagi akong pinangangalagaan. Kaya mapili ako sa kaibigan dahil ang iba gusto lang dumikit sa akin dahil maganda o cool ako. Di naman talaga sila concern sa akin. Kapag may weakness ako, they can easily use it against me. Pero iba ka. Di mo iyon pinapansin dati. Pwede akong maging matakaw kung gusto ko. Gaya nang di ko pinapansin ang mga physical flaws mo,” paliwanag niya dito.

“Pwede ka rin namang maging komportable kapag kasama mo ako.” Ginagap nito ang kamay niya. “Hindi naman ako katulad ng mga taong iyon. Nagbago lang ang anyo ko. I am still your old friend.”

Bumuntong-hininga siya habang nakatitig sa guwapong mukha nito. “You are too gorgeous now. Marami akong kaagaw sa atensiyon mo. Baka mamaya awayin pa nila ako.”

Hinaplos ng dulo ng daliri nito ang kamay niya na parang naglalaro. “Quinn, mas pipiliin kita kaysa sa kanila. Tanggap mo ako kahit na mataba ako. Tanggap mo ako kahit puno ako ng rashes. At least alam ko na wala kang ulterior motive sa akin. Alam ko na di lang katawan ko ang habol mo.”

“Talaga?” Itinukod niya ang siko sa unan nito at ikinatang ang kamay sa ulo niya. “Sigurado ka na di ko habol ang katawan mo?” Tinaasan niya ito ng kilay at pinagala ang mata sa katawan nito. “Huwag kang pakasiguro.”

Tumagilid ito at ikinatang din ang siko kaya halos pantay na ang mukha nila. “Mas gusto ko yata kung may ulterior motive ka. Well, it would be a compliment if you have hots for me. Sayang naman ang pinaghirapan kong pagpapaganda sa katawan ko kung wala namang epekto sa iyo.”

Napaurong siya. “Hoy! Umayos ka nga.”

Inaakit ba siya nito? Huwag naman sana. Isa siyang mahinang babae. Nagpipigil nga siya pagdating dito. Kinokontrol niya ang sarili dahil ayaw niyang mabigla ito. Huwag siyang biburuin dahil baka mamaya ay seryosohin niya ito.

Kumurba ang labi ni Chance at ipinatong ang kamay sa baywang nito. “ I am all yours.”

Parang kinuryente ang buong katawan niya nang nang-aakit siya nitong tiningnan. Napalunok siya. Wala ito halos saplot. At isang hawi lang niya sa kumot nito, wala na halos matitira sa imahinasyon niya.

Namigat ang dibdib ni Quinn. Kahit na malamig ang hangin ay parang sinusunog ang baga niya. It was torture. Ipinarada pa kasi nito ang katawan nito sa harap niya. Wala naman siyang ganitong dilemma sa dating Chance. Puro ang pag-ibig niya dito. Ayaw niya ng ganito.

Iniwas ng dalaga ang tingin dito. “Baka pikutin pa kita, umiyak ka pa diyan.”

Tukso, layuan mo ako! Kaya nga kapag mataba si Chance, ang tangi lang niyang alam gawin ay magmahal. Ngayon ay mas mahirap pa ang sitwasyon niya. Di lang pagmamahal ang nararamdaman niya.

Kasi naman! Bawal pa ako ng SPG!

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Umayos ka diyan! Kapag di ka tumigil, lalayasan kita diyan.”

“Alright. Magbe-behave na po,” sabi nito at dumapa ulit. Ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng ointment sa balat nito.

“Quinn, gusto mo pa rin ba akong makasama kahit na bumalik na sa dati ang itsura ko?” mahina nitong tanong. Nang lingunin niya ito ay malungkot ang mata nito.

“Nandito ako, hindi ba? Inaalagaan kita.”

“Paano bukas kapag magaling na ako? Hindi na ako makakapagsuot ng fat suit. Di na ako magiging Fat Chance.”

Hinaplos niya ang buhok nito. “Tanggap ko naman.”

“Baka kasi ayaw mo na naman akong makita kapag hindi na ako mataba.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Quinn, ako pa rin ang dating Chance. Nag-iba lang ang itsura ko. Mas minahal ko lang ang sarili ngayon. Iyon lang ang nagbago sa akin. Na-appreciate ko lang ang sarili ko gaya ng gusto mo.”

Tumango siya. “I know. At masaya ako para sa iyo. Huwag mong isipin na nakipag-ayos ako sa iyo dahil lang nakita ko ulit na mataba ka. Kahit naman di ka nagpapayat, plano ko rin naman na makipag-ayos sa iyo.”

“Really?”

Tumango siya. “Of course. Naisip ko na nakaraan na iyon. Hindi na ako dapat magtampo sa iyo. Hindi na tayo mga bata. Oras na para mag-mature na rin ako at maka-move on. And I miss you.”

“You miss me?” nanunukso nitong tanong.

“I miss you, my friend,” aniya sa malambing na boses at ginulo ang buhok nito.

Nalukot ang mukha nito at akmang kakamutin na naman ang likod. “Um! Sabing bawal,” saway ni Quinn sa binata.

“Oo. Di ko na nga alam kung ano ang gagawin ko,” anito at nalukot ang mukha.

Bumigat ang dibdib ni Quinn dahil hindi niya alam kung paano makakatulong dito. “What can I do to make you feel better?”

“A kiss will do,” he replied innocently. Mukha namang walang malisya ang naging sagot nito sa kanya.

“Okay.” Natigilan siya dahil di niya alam kung saan ito hahalikan. May rashes ang bawat parte ng katawan nito. Labi lang yata nito ang walang rashes. Tumutok ang mata niya sa labi nito. Kaya ba niya itong halikan sa labi?

His face distorted in agony. “Ah! Ang hirap talaga ng sitwasyon ko.”

Siya ang may kasalanan kung bakit ito nasasaktan. She wanted him to feel better. Pati ba ang simpleng halik ay ipagkakait niya dito?

Huminga ang dalaga nang malalim at kinuyom ang palad. Saka lakas-loob niyang inilapat ang labi sa labi nito. Dapat ay maghihiwalay agad ang labi nila matapos ang halik. But her lips parted a little and the kiss lingered. It was the sweetest thing that she ever experienced. Bakit siya natatakot sa isang bagay na napakaganda? Na maaring di na niya maramdaman pa sa buhay niya?

Dahan-dahang naghiwalay ang labi nila ni Chance. “Thank you. I feel better now. I never thought that a kiss could make me feel great.”

Nakangiti sa kanya si Chance. Walang halong malisya ang halik para dito. Hindi din siya pwedeng magkamalisya dito.

“A-Ah! Mabuti naman.” Tumayo siya at inayos ang kubre-kama. Hangga’t maari ay di niya sinasalubong ang tingin nito. Hindi niya maiwasang mailang. May malisya sa kanya ang halik. She should feel guilty but she didn’t feel guilty at all.

“Quinn, bakit nagba-blush ka? First kiss mo ba?”

Maang niyang inangat ang tingin dito. There was a taunting glint in his eyes. Alam nito na iyon ang unang halik niya at tinutukso siya nito. “Shut up!”

“Ah! First kiss mo nga ako.”

Nakuyom niya ang palad at inambaan ito ng suntok. “Kung wala ka lanubyuhkjg sakit… naku!”

Hina-highblood siya dito. How dare him! Matapos niya itong pagpantasyahan ay pagkakatuwaan lang pala siya nito.

“Thank you for the kiss. Thank you for being here for me. Kahit na may sakit ako, masaya ako dahil di mo ako iiwan. Please don’t leave me anymore, Quinn. I don’t know what I would do without you.”

Hinaplos niya ang buhok nito. “Sige na. Matulog ka na. Magpagaling ka.”

Ipinikit nito ang mata at maya maya pa ay mahimbing na itong natulog. She never thought that life could be so beautiful. Isinuko na ang sarili na di magmahal muli. Ngunit ngayong natagpuan na niyang muli si Chance, di niya alam kung kaya pa niyang mabuhay muli nang wala ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.