Chapter MY FAVORITE BULLY CHAPTER 4

NAKARAMDAM si Tyra ng kirot sa puso niya habang pinagmamasdan ang wala pa ring malay na si Tyrone. Kung anu-anong aparato ang nakakabit sa katawan nito, at hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na ang mga iyon na lamang ang bumubuhay sa binata. Pitong taon mahigit nang comatosed si Tyrone sa ospital na `yon.

Hinawakan niya ang kamay ni Tyrone. “Tyrone, si Tyra `to. Naniniwala akong magigising ka. Kailangan mong magising.”

Minahal niya si Tyrone, pero hindi siguro sing lalim ng nararamdaman nito para sa kanya. Minsan nga, naiisip niyang komportable lang siyang kasama ito dahil pareho sila ng pinagdadaanan noon.

Anak si Tyrone ng isang drug lord, samantalang anak naman siya ng isang congressman na nakakulong ngayon dahil sa kaso ng katiwalian.

Noong kolehiyo sila ay pareho silang notorious ni Tyrone. Siya ang head mistress ng Beta Sigma Sorority at si Tyrone naman ang frat leader ng Alpha Kappa. Parehong kilalang bayolente ang mga pinamumunuan nilang grupo.

Si Tyrone ang una’t huli niyang naging nobyo. Naging sila noong eighteen years old sila, pero makalipas ang dalawang taon ay naghiwalay din sila. Iyon kasi ang panahon kung kailan naging napakagulo ng buhay niya.

“Anong ginagawa mo rito, Tyra?”

Pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya si Tita Teresa, ang ina ni Tyrone. Napatayo siya at pinunasan ang mga luhang hindi niya namalayan na pumatak na pala. “Tita –”

“Hindi ba’t sinabihan na kita na huwag na uli pupunta rito? Umalis ka na,” galit na pagtataboy ng ginang sa kanya. “Alam naman nating lahat na ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan ngayon ang anak ko.”

Napayuko siya. “Gusto ko lang naman ho na kamustahin ang kalagayan ni Tyrone.”

“Ngayong nakita mo nang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko, siguro naman ay puwede ka nang umalis?”

“Babalik na lang ho uli ako,” magalang na paalam niya.

“Hindi mo na kailangang bumalik,” halos pabulong na sabi ni Tita Teresa na nagpahinto sa kanya sa paglabas. “Simula nang makulong ang asawa ko, ikaw na ang tumulong sa’kin sa gastusin dito sa ospital. Pero sana naiintindihan mo kung bakit ayoko nang magkaroon pa ng ugnayan sa’yo ang anak ko.”

Hindi siya sumagot. Tahimik na lumabas na lang siya ng silid.

Pitong taon na ang nakararaan, magkikita sana sila ni Tyrone dahil may importanteng bagay daw itong sasabihin sa kanya. Pero sa meeting place nila, napag-trip-an siya ng isang fraternity group na galit sa kanya dahil minsan na-bully ng sorority niya ang kapatid na babae ng frat leader niyon. Ipinagtanggol siya ni Tyrone. Dumating din ang mga ka-frat ni Tyrone kaya nagawa nilang itaboy ang mga kaaway.

Pero nang patakas na ang mga kalaban, sinagasaan ng mga ito si Tyrone gamit ang van. Iyon ang naging sanhi ng pagka-comatosed ng binata.

I’m sorry, Tyrone...

PAGOD si Tyra pag-uwi niya ng bahay. Sa tuwing manggagaling siya sa ospital para bisitahin si Tyrone, parating bumibigat ang kalooban niya dahil naaalala niya ang nakaraan.

Himbis na maging tampulan ng tukso, pinatigas niya ang puso niya at lumaban siya sa mga taong nang-api sa kanya noon dahil sa nangyari sa ama niya. Umabot sa pisikal na pananakit ang ginawa niyang paglaban dahil ayaw niyang maapi. Iyon ang naging simula para makilala siya bilang “Tyra the Bully” sa kanilang unibersidad.

Nagustuhan siya nang noon ay Mistress ng sorority ng unibersidad nila at ginawa siya nitong “disipulo”. Naipasa niya ang lahat ng initiation kaya naging miyembro siya ng sorority na iyon. Nang umalis ang Mistress sa unibersidad nila, sa kanya nito ipinasa ang posisyon nito kaya naging sorority queen na siya noong nasa sophomore pa lang siya.

Pero nagbago siya dahil sa isang tao.

“I’m never gonna dance again! Guilty feet have got no rythm! So I’m never gonna dance again! The way I danced with you!”

Napakurap siya nang marinig ang malakas at sintunadong pag-awit na `yon. Iisang tao lang naman ang kasama niya sa bahay na `yon. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng boses at dinala siya ng mga paa niya sa kusina. Nabigla siya sa nakita niya.

Feel na feel ni Colin ang pagkanta at ginawa pa nitong mikropono ang sandok, habang gumigiling ito. Pero ang mas ikinagulantang ng buong pagkatao niya ay ang suot nito. Nakapantalon ito, pero wala itong suot na pang-itaas. Sa halip ay apron lang ang suot nito, kaya nakasilip ang halatang matitigas nitong mga braso.

“Hoy, bakit ganyan ang itsura mo?!”

Huminto sa makapagbagdamdamin nitong pag-awit si Colin at nilingon siya. Ngumiti ito. “Welcome home, babe!”

Inagaw niya rito ang sandok at pinukpok iyon sa ulo nito na ikinasinghap nito. “Anong kalokohan ba `to, ha?”

“Anong kalokohan? Nagpa-practice lang ako mag-burles para kapag ipininta mo na ko, hindi na ko mako-conscious,” katwiran nito.

Muli ay pinukpok niya ang sandok sa ulo nito. “Sira-ulo ka. Paano ka mako-conscious sa landi mong `yan? Inaakit mo ba ko?”

Ngumiti ito ng pilyo. “Umeepekto na ba?”

Pasimpleng pinasadahan niya ng tingin ang katawan ni Colin. Nakakatawa man ang itsura nito, hindi pa rin maipagkailang nakakaakit pa rin itong tingnan. Siguro mas tamang sabihing nakaka-“excite” ang itsura nito ngayon. Gusto niyang punitin ang apron na sumasagabal para malaya niyang mapagmasdan ang matitipunong dibdib at tiyan ng binata sa likuran niyon.

“Mukha kang sira,” sabi niya para mapagtakpan ang paghangang nararamdaman niya.

Nang sumimangot si Colin ay nilagpasan niya lang ito. Nagulat siya nang makita ang pagkain sa mesa. Ang gaganda ng plating ng mga Filipino dish do’n.

“Ikaw ba ang nagluto at naghanda ng lahat ng `to?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Wala nang iba.”

Tiningnan niya lang ito, pagkatapos ay umupo na siya at nagsimulang kumain para tikman ang niluto nito. Masarap. Para sa isang lalaking mahilig maghubad, may talento ito.

“O, bakit nakatitig ka sa’kin?” nagtatakang tanong ni Colin na napahinto pa sa pagsubo.

“Bakit nagta-trabaho ka sa’kin bilang nude model kung may cooking skills ka naman? Puwede kang magtayo ng restaurant.”

“Malaking responsibilidad ang pagtatayo ng sariling negosyo kaya ayoko. Nagustuhan mo ba `yong mga niluto ko?”

Tumango siya. “Oo. Masarap.”

Sa kanyang pagkagulat, ngumiti si Colin. Iyong klase ng ngiti na totoo at inosente. Dahil sa ngiting iyon, nagbalik sa kanyang ala-ala ang matabang binatilyo na gano’ng-gano’n ang ngiting ibinibigay sa kanya noon.

“Tyra!”

Hindi niya pinansin si Colin, pero gaya ng madalas nitong gawin, sinundan pa rin siya nito. Hindi pa ito nakuntento dahil kumapit pa ito sa braso niya.

“Tyra, may ibibigay ako sa’yo.”

“Ano?” iritadong tanong niya.

Hinila siya nito papunta sa oval field ng unibersidad nila. Umupo sila sa damuhan. Mula sa dala nitong malaking paperbag ay naglabas ito ng tatlong food container. Iba’t ibang putahe ang laman niyon.

“Sinabi ko bang ipagdala mo ko ng pagkain?” iritadong tanong niya rito.

Nagpaawa ito ng mukha. “Ako ang nagluto nito kaya tikman mo na. Please?”

Naiinis siya dahil tinatablan siya ng mga pagpapaawa ng matabang `to. Napaka-inosente at masayahin kasi ng mukha nito kaya hindi niya `to magawang tiisin. Tinikman niya ang mga niluto ni Colin. Pero nasarapan siya sa mga pagkain kaya sinunod-sunod na niya ang pagsubo.

“Masarap?” excited na tanong ni Colin.

Nakangiting nilingon niya ito. “Oo, Colin. Ang sarap mong magluto!”

Saglit na natigilan si Colin. Nang makabawi ay napangiti ito. “You’re smiling, Tyra.”

Mabilis siyang sumimangot. “I’m not smiling.”

Pabirong siniko siya ni Colin. Pero dahil malaki ang braso nito samantalang patpatin naman siya, nabuwal agad siya. Tinayo lang uli siya ng binatilyo.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Hindi ka ba natatakot sa’kin, Colin?”

Umiling ito. “Bakit ako matatakot sa’yo?”

“Ako ang sorority queen ng university natin. Kaya bakit lapit ka pa rin ng lapit sa’kin?”

“Kasi tanggap kita,” kaswal na sagot nito na tila ba `yon ang pinakanatural na sabihin sa buong mundo.

“You accept me despite my rotten attitude?”

“Hindi ka naman gano’n kasama, Tyra,” pagtatanggol nito sa kanya. “Mabait ka sa’kin, kaya alam kong kaya mo ring maging mabait sa ibang tao kung gugustuhin mo. Ty, bakit hindi ka na lang mag-quit bilang sorority queen?”

“At bakit ko naman gagawin `yon?”

Ngumiti ito. “Ganito na lang. Kapag nag-quit ka sa pagiging sorority queen mo, papayag din akong habambuhay mong maging pet.”

“Hindi ko kailangan ng tamagochi.”

Pero kahit sinabi niya `yon, nag-flash pa rin sa isip niya ang mga eksena kung saan tahimik lang silang kumakain ni Colin. A simple life, but it was very tempting. No’n niya naisip na nakakapagod din palang maging bully.

Pakiramdam niya, hinila siya ng antok. Naghikab siya. Sa kanyang pagkagulat ay hinila siya ni Colin sa paghiga nito sa damuhan. Ngayon tuloy ay nakahiga na siya sa matambok at malambot nitong tiyan. Napangiti siya. Mas masarap pa sa unan ang tiyan ni Colin.

“Colin,” sambit niya sa pangalan ng binata.

Natigilan si Colin at napakurap. “Tyra... ngayon ko lang uli narinig na tinawag mo ko sa pangalan ko. Naaalala mo na ba ko?”

Colin’s eyes looked very hopeful. Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy pa ang pagpapanggap niya. “Pumayat ka.”

Bumakas ang matinding kasiyahan sa mukha ni Colin, lalo na nang ngumiti ito. “Hindi ako pumayat, Tyra! I turned into a Greek god!”

Hindi na niya napigilang ngumiti. Pakiramdam niya ay bumalik na ang dating matabang Colin na may kakayahang pakalmahin siya. “Hindi ka lang pala pumayat. Yumabang ka rin.”

Tumawa lang ito. Buhay na buhay ang tawa nito na animo’y bumalik ito sa pagkabata. “I’m so happy that you finally remembered me! Puwede ba kitang yakapin? For old time’s sake.”

“Okay lang.”

Kung nagulat man siguro si Colin sa mabilis niyang pagpayag ay hindi na nito ipinahalata iyon. Mabilis itong tumayo at nilapitan siya. Pagkatapos ay niyakap siya nito mula sa likuran. “Sobrang saya ko talaga na naaalala mo na ko. Na-miss kita, Tyra.”

“Ang laki na ng pinagbago mo, Colin. You turned into a huge pervert now.”

Ngumisi lang ito. Tinusok niya ng tinidor ang kamay nito ang kamay nito na akmang lalapat sa kaliwa niyang dibdib, dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

“Aw! That hurts, Ty!” reklamo nito.

“Manyak ka kasi.”

HINDI inaalis ni Tyra ang tingin niya sa abs ni Colin. Iyon na kasi ang bahagi ng katawan nito na iginuguhit niya sa kanyang canvas gamit ang charcoal.

Nakaupo ngayon si Colin sa kama na may puting bed sheet. Simple lang ang pose nito. Bahagyang nakaliyad ito habang nakatukod ang mga kamay sa magkabila nitong gilid. Sa ngayon ay natatakpan pa ng puting tela ang pagkakalaki nito.

Ang totoo niyan, hindi naman niya kailangang takpan pa muna ang pagkalalaki ni Colin. Nasa kolehiyo pa siya ay sanay na siyang makakita ng mga hubad na modelo, mapalalaki man o mapababae. Ewan nga ba niya kung bakit pagdating kay Colin, naiilang siyang makita ang kahubdan nito. Marahil ay dahil napapatitig na lang siya sa katawan nito kapag nakahubad na ito kaya hindi siya makapag-concentrate sa pagpipinta.

Nakakatawa. Ilang hubad na katawan na ng lalaki ang nakita niya, pero pagdating kay Colin ay para siyang teenager na kinikilig-kilig pa.

Mula sa halatang matitigas na abs ni Colin ay bumaba ng kaunti ang tingin niya. Napalunok siya nang makita ang dalawang guhit sa magkabilang bahagi ng abdomen nito. Patungo ang mga guhit na iyon sa parte na tinatakpan ng puting tela.

Napalunok siya. I want to see it.

Umangat ng kaunti ang tingin niya. Colin’s taut hips were very attractive. Bigla-bigla ay naisip niya ang sarili niyang mga binti na nakapalupot sa baywang nito...

Bigla siyang napatayo. “Mag-break muna tayo.”

“Can’t handle the heat, Ty?” nanunuksong tanong ni Colin.

Tiningnan niya si Colin. Nakangisi ito, at hindi man lang ito nag-abalang itago ang matinding paghanga na may kasamang pagnanasa na nakikita niya sa mga mata nito.

“Tyra, kung ano man ang iniisip mo, gusto ko rin `yon,” nang-aakit na sabi ni Colin. “My feelings for you haven’t changed for the past eight years, even though we parted ways in a not so nice way.”

Nagulat siya sa sinabi nito, pero katulad ng nakasanayan niya, binale-wale na lang niya `yon. “I’m still not having sex with you, Colin.”

Colin smiled lazily and sexily at her. “But admit it. You’re attracted to me.”

“It’s just a normal physical attraction. At hindi `yon gano’n kalakas kaya halos hindi ko rin maramdaman,” pagsisinungaling niya saka niya ito tinalikuran.

Nagtungo siya sa mesa kung saan naghihintay sa kanya ang paborito niyang tunaw na Toblerone. Napapangiwi siya sa usapan nila ni Colin. Magaling naman siyang magtago ng emosyon, kaya bakit nahalata nitong attracted siya rito?

“Tyra?” malambing na tawag ni Colin sa kanya.

“O?” walang ganang tugon niya habang dinidilaan sa mga daliri niya ang tunaw na tsokolateng dumikit sa mga iyon nang buksan niya.

“I still like you. Alam mo naman kung anong nararamdaman ko para sa’yo noon, `di ba? It’s pure and unwavering.”

Natigilan siya. She knew how devoted he was to her in the past. Pero mahirap paniwalaang hindi pa rin `yon nagbabago sa mga lumipas na taon, lalo na’t tila ibang Colin na ang kasama niya ngayon.

“Tyra, you were my “the one who got away”. But now that we’ve met again, I’ll make you “the one who I won’t let go.””

Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa mga sinabi ni Colin. Mukhang seryoso nga ang mokong sa mga pinagsasasabi nito! Pumihit siya paharap sa binata pero natigilan siya nang makitang nakatayo na pala ito sa likuran niya.

Tumingala siya kay Colin. Inilapat niya ang kamay niyang walang tsokolate sa dibdib nito upang magkaroon sila ng espasyo dahil masyado itong malapit. Kakaiba agad ang init na naramdaman niya ngayong nararamdaman niya sa ilalim ng palad niya ang matipunong dibdib ng binata. Biglang nangati ang kamay niyang gumapang pababa sa abs nito, patungo sa...

“You’re too close, Colin.”

He smiled seductively. “You’re blushing, Ty.”

“I’m not,” kaila niya kahit ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.

Sa kanyang pagkagulat, hinawakan nito ang isa niyang kamay na may tsokolate at inangat iyon sa bibig nito. Pakiramdam niya ay huminto sa pagtibok ang puso niya nang isubo ni Colin ang daliri niya at dilaan ang tsokolate ro’n nang hindi binabali ang eye contact nila.

“Mmm. `Sarap,” sabi ni Colin sa mababang tinig, bago siya kinindatan at tinalikuran.

Naiwan naman siyang nakatulala lang habang sinusundan ito ng tingin. No’n niya lang napansin na hindi na pala nakatali sa baywang nito ang puting tela kaya ngayon ay malayang nakarap sa kanya ang puwitan ng binata habang nagsusuot ito ng boxers. And his naked butt looked firm and sexy. Again, it wasn’t her first time seeing a man’s butt. But it was the first time she felt so turned on.

Huminto sa pagsusuot ng boxers nito si Colin saka siya nilingon. Nakangisi ito. “I told you. You’re blushing.”

Taas-noong nilagpasan lang niya ito. Pero paglabas niya ng kuwarto ay napasandal siya sa pader at napadausdos ng upo. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.