CHAPTER TWELVE

Gaya ng sinabi ni Zuriel nagsimula ako kinabukasan at hindi talaga siya pumayag na hindi kami magkasabay at wala na rin ako nagawa kesa naman mawalan ako trabaho  at mahirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon.

Days passed, bilis lang mag-iisang buwan na ako nagtatrabaho ganun lagi routine ko sa loob ng opisina na mga gagawin ko throughout may work nakasanayan ko na rin, minsan kapag wala ako gawa at nasa meeting si Zuriel tinutulungan ko secretary niya sa ibang papers work gaya ng pag-encode which may alam naman ako.

Hindi sa pagyayabang matalino naman ako kasali ako sa honor list noong mag-graduate ako pero 'yun nga lang 'yung katalinuhan hindi ko nagamit noong gabi nakapag one night stand ako sa taong hindi ko kilala.

"Tapos na Candy." saad ko sabay abot sa kanya ng folder..

"Thank you Jewel at sa sahod ko babawi ako, libre kita." wika nito habang inaayos mga pinaencode niya sa akin.

"Huwag na Candy, okey lang sa akin na walang kapalit, masaya ako sa pagtulong ko sa'yo tsaka wala naman kasi ako masyado trabaho nakakabagot sa loob ng opisina ni Sir.."

"Okey, ikaw bahala pero sana magbonding naman tayo kung may time ka bar tayo, what do you think?"

"Pag-iisipan ko Candy, alam mo during weekend time ko 'yun sa anak ko."

Yes! alam ni Candy na may anak ako...

Madali makagaan ng loob ko si Candy..

Gaya ko nagtatrabaho din siya para sa anak na wala rin ama, pero pinagkaibahan namin siya nakapagtapos ako hindi.

Medyo nakakaangat din sa buhay si Candy at siya noong time na kailangan niya ng tulong at suporta sa pagbubuntis kahit galit sa kanya ang mga magulang nanatili nasa tabi niya ang mga ito, at hindi gaya ko na itinakwil ng mga magulang ko.

"Tawagan mo na lang ako Jewel, sige na pumasok ka na sa loob pabalik na 'yun si Sir.."

"Okey, tawagan na lang kita para sa planu natin magbonding Candy.."

"Sure.." nakangiting wika nito

"Sige pasok na ko." saad ko bago tuluyang pumasok.

Tumango naman ito bilang sagot

At pumasok na rin ako sa opisina ni Zuriel.

Ilang sandali naman bumukas ang pintuan at niluwa nito ang binata na halata ni Jewel na pagod ito base sa mukha nito.

It's already 7pm pala hindi ko na namalayan.

Kakatapos lang ng meeting nito sa mga investor.

Agad naman ako lumapit sa kanya para kunin mga dala nito at gaya na kinagawian ako ang nagtatanggal ng coat niya. Umupo ito sa sofa at pinikit ang mga mata at tumabi naman ako sa kanya.

"Zuriel, gusto mo na kumain bago tayo umuwi?  mag-oorder ako para pag-uwi natin matutulog ka na lang, pagod ka na kasi sa itsura mo."

Kapag kami lang dalawa gusto niya tawagin ko siya sa pangalan niya. Sumangayon na rin ako para wala na mahabang usapan pa.

"Hindi tayo uuwi sa mansiyon, sa condo muna tayo uuwi Jewel mas malapit, I'm tired para magbihaye pa pauwi sa mansyon." sagot nito.

"Okey, sige ayusin ko lang mga gamit mo then uuwi na tayo at magluluto na lang ako dinner natin." pagsangayon ko sa kanya kawawa naman kung magdadrive pa medyo malayo-layo rin ang mansyon.

Akmang tatayo na ako ng higitin nito ang braso ko dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya at agad na pumalibot ang dalawaag braso nito sa bewang ko at isiniksik nito ang mukha sa leeg, ramdam ko ang init ng paghinga nito..

"Zuriel." tanging sambit ko

"Just stay for a while like this Jewel, please." mahinang saad nito pero sapat na marinig ko at halata sa boses nito ang pagod pero naroon pa rin lambing sa boses nito.

"Tara na Zuriel para makapagpahinga ka na at bukas may trabaho ka pa dami mo pa naman meeting." saad ko ilang minuto na kami sa posisyon namin.

"Hmmmm.." tanging sambit nito.

"Pakawalan mo na ako para maayos gamit mo at umuwi na tayo magluluto pa ako." wika ko habang pinapasadahan ko buhok niya gamit ang kamay ko, bango at sobra lambot ng buhok niya.

"You don't need to cook, mag-oorder na lang tayo." wika nito kita ko sa mukha pagod na pagod, ikaw ba naman apat na meeting.

"Okey, so tara na at tayo na lang nandito sa building." yaya ko dito.

"Okey.." saad nito at pinakawalan ako mula sa pagkakayakap nito pero hindi pinakawalan ang isa kong kamay na ikinalingon ko..

" 'Yung kamay ko Zuriel paanu ko kukunin gamit mo?.

"Leave my things 'yung coat lang kunin mo."

"Bakit kasi ayaw mo bitiwan kamay ko?.

"Nothing." Simple sagot niya.

"Nothing, nothing ka d'yan, naku kung 'di lang ako mawawalan ng trbaho kanina pa kita nasapak Sir."

"It's just that, when I'm holding your hand and hugging you, nawawala pagod ko at alam mo 'yung pakiramdam na masaya ako kapag kasama kita."

"Sinasabi mo sa akin kasi wala dito asawa mo....at ramdam at nakikita ko naman nangungulila ka sa kanya kaya ganito trato mo sa akin at sinabi mo YOU LIKE me....bakit hindi mo tawagan or puntahan asawa mo kung nasaan man siya mayaman ka naman, you can do everything, nakikiusap ako Zuriel huwag ako gaya ng sabi ko ayoko mainvolve sa isang sitwasyon na ikakawala ng trabaho at ikakasira ng isang pamilya....Please Zuriel don't act like this at isipin mo may pamilyado ka na." 'gusto ko paniwalaan sinabi mo na gusto mo ako na nagkakilala na tayo dati ..kasi pareho tayo nararamdaman pero hindi na puwede kung sakali man...gusto idagdag sana.

"Let's go." tanging saad nito sabay hila sa akin palabas ng opisina.

Hanggang makauwi kami wala imikan pero nanatili magkahawak kamay namin at hindi niya ito binitawan, kahit pumasok kami sa isang restaurant para bumili ng pagkain nila para sa dinner.

Binitawan lang ito ng makapasok sila sa condo na agad pumasok sa kwarto ang binata habang ako naman  tinungo ang kusina para ihanda ang mga pagkaing binili niya.

Matapos maihanda ko pagkain agad ko naman tinungo kuwarto Ni Zuriel para tawagin kumain.

Nakailang katok na ako pero wala pa rin sumasagot kaya binuksan ko na pinto. Nainis ako sa nakita pagbukas ko palang ng pinto naamoy ko na Amoy alak, umiinom ito ng alak na wala pa laman ang tiyan.

Padabog ko sinara ang pinto nilapitan at inagaw ang baso hawak nito may laman alak. Nakakainis alam na pagod at gutom inuna pa ang alak.

"Zuriel hindi ka pa kumain pero alak na inaatupag mo gusto mo ba magkasakit, pagod ka tapos alak ka agad na wala pa laman tiyan mo." naiinis ko saad, pero nanatili lang ito tahimik.

"Kakain na tayo nakahanda na ang pagkain, masama pinaghihintay ang pagkain." dagdag ko pa.

"I don't want to eat, kumain kana." malamig na saad nito..

"Galit ka ba dahil sa mga sinabi ko kanina? tanong ko dito na hindi maiwasan mainis lalu.

Pero wala ako nakuha sagot dito.

Lumapit ako dito tumayo sa harapan nito habang ito nakaupo. Pero hindi man lang ako tiningnan.

" Zuriel anu ba mahirap intindihin sa mga sinabi ko kanina? lahat naman sinabi ko totoo?alam mo mali di ba?" saad ko hindi maiwasan mapataas boses ko sa kanya, nawawalan na ako pagtitimpi sa kanya sa inaasta niya.

Hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya.

"I know na hindi ka maniniwala sa sinasabi ko pero 'yun ang totoo, hindi lang gusto kita kundi mahal na kita Jewel at sa araw-araw na magkasama tayo lalu ako nahuhulog sa'yo, the truth why I hired you as my personal secretary dahil gusto ko lagi kita nakakasama." saad niya na ramdam ko sensiridad sa mga sinabi nito.

"Mali Zuriel ito, meron ka na asawa't anak nasasabi mo lang 'yan either naniniwala ka ako 'yung babae matagal mo na hinahanap o namimiss mo lang asawa mo."

"What if, sabihin ko sa'yo wala ako sariling pamilya at hindi ako kasal? lahat ng nalaman mo tungkol sa akin ay hindi totoo, it's only for publicity." sagot nito na ikinalito ko..

"Paanung----?tanging nasambit ko...

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo, pero trust me Jewel walang mali sa sinabi at ginagawa ko, malalaman mo rin pero hindi pa ngayon." mahinang wika nito.

"Kung totoo man sinasabi mo hindi pa rin puwede Zuriel. "

"Why?"...takang tanong nito at nakakunot ang noo.

" Sa mata ng mga tao kasal ka Zuriel at may anak na ako at hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko sapat na anak ko, kami mag-ina , focus ako sa anak ko, gusto ko maabot mga pangarap niya at 'yun makatapos siya pag-aaral kasi 'yun lang maipapamana ko sa kanya." wika ko

"I will help you at tatanggapin ko anak mo ng buong-buo na tunay kong anak, hayaan mo ako papasukin sa puso at sa buhay mo, hayaan mo ako ipakita at iparamdam sa'yo na mahal kita please." saad nito at kita ko sensiridad sa mga sinabi at kita ko sa mga mata niya.

Pero sabi ko nga hindi puwede dahil ayoko maging responsibilidad ang anak ko at mas lalu na hindi kami nababagay na dalawa ang layo 'yung feeling na nahahawakan mo siya at nakakasama pero pakiramdam ko ang layo ko sa kanya....in short mayaman sila mahirap ako at walang akong maipagmamalaki sa kanya at sa pamilya nito..

Aaminin ko pareho kami nararamdaman pero kailangan ko pigilan, hangga't maaari lagi ko iniisip ang trabaho ko at ang anak ko.

Kontento na ako sa anak ko

Pero alam ko sa sarili ko gusto rin may makakasama habang-buhay pero hindi ang gaya ni Zuriel, hindi gaya niya na layo ng agwat ng buhay namin dalawa, mas deserve niya si Ava na maipagmamalaki niya.

"Ayo------" hindi na nito pinatapos sasabihin ko ng sakupin na nito labi ko, banayad at puno ng pagmamahal. Hindi ko mapigilan tumugon sa halik niya kasabay paghawak ko sa batok niya at sinabayan ang paghalik niya.

Hanggang siya na una bumitaw pareho kami naghahabol sa paghinga namin. Bumababa ako ng tingin, nahihiya ako dahil ang mga sinabi ko taliwas sa ginawa ko pagtugon sa halik niya. Inilapat niya noo ko sa noo niya, nanatiling nakatingin ako sa baba habang nilalaro mga daliri ko.

"Hey..." tawag nito sa akin pero nanatili pa rin tingin ko sa baba.

"Baby. . ." tawag ulit niya pero isiniksik ko mukha ko sa pagitan ng balikat at leeg niya dahil sa kahihiyan.

Naramdaman ko naman pagpulot ng braso nito sa aking bewang na mas nilapit nito ang katawan ko sa katawan niya.

"Baby, we will eat dinner..." bulong nito sa akin na akala mo walang nangyari. Pero nanatili ako tahimik.

"Ayoko. . ." ilang sandali sagot ko.

"Alam ko gutom ka na and Im also." saad niya habang pinipisil- pisil bewang ko.

"Nahi--hi--ya ako sayo. ." mahina ko saad na hindi maiwasan kabahan.

Pinilit nitong itaas mukha ko at nagtagumpay naman ito at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Hinawakan nito magkabilang pisngi bago nagsalita.

"Baby huwag ka mahiya.."

"Kasi-----"..

"Stop Baby, huwag ka mag-isip na kahit anu-anu, I'm happy kasi kahit papaanu may pag-asa ako sa'yo dahil ramdam ko 'yun, huwag ka matakot at lalu na huwag mo iisipin sasabihin ng ibang tao. Ang importante 'yung tayo hindi sila at hindi kita mamadaliin, just give me a chance, please?"

"Hindi ko alam sasabihin ko Zuriel, dami pumapasok sa isip ko mga tanong na dapat masagot sana pero sabi mo hindi pa ngayon ang tamang panahon at paanu ako makakasiguro sa huli hindi ako masasaktan at hindi lang ako pati anak ko."

"Just trust me Baby.." saad nito nasa boses nito pagsusumamo at nangangako.

Ilang sandali bago ako nakasagot sa kanya.

Dami pumapasok sa isip ko na possible mangyari kapag nagdesisyon ako na pumayag ako bigyan siya ng pagkakataon.

Ramdam ko sensiridad niya

Pero paanu?..

Bahala na....

"Baby..."untag nito sa akin..

"Okey." tanging sagot ko. Kita ko kasiyahan sa mga mata nito.

"Okey? meaning bibigyan mo pagkakataon Baby?paninigurado nito.

"Oo Zuriel, just make sure na hindi mo ako sasaktan at wala ka talaga asawa at anak." paalala ko sa kanya.

"Hindi kita sasaktan Baby, as I promised tatanggapin ko anak mo at ituturing ko totoo anak, sana tanggapin din ako ng anak mo and I want to meet your son, Baby."

"Hindi muna ngayon Zuriel, ayaw ko muna biglain anak ko, gusto ko muna siguraduhin at malaman 'yung anu dahilan kung bakit nagpapanggap lang kayo at ayaw ko umasa ang anak ko dahil alam ko sabik ang anak ko magkaroon ng ama baka masaktan siya at 'yun hindi ko hahayaang mangyari mas okey na ako masaktan huwag lang ang anak ko Zuriel."

"Okey, I understand Baby, maghihintay ako." saad nito sabay halik sa noo ko..

"Let's eat..." yaya nito sa akin.

Magkahawak kamay kami lumabas ng kwarto...

Matapos kumain at maligpit pinagkainan namin napagpasyahan namin matulog na.

"Baby, wala naman ako gagawin hindi ko naman pipilitin ang isang bagay na gawin sayo na hindi ka pa handa...I just want to cuddle with you, 'yon lang." pakikiusap nito na tatabi kami matulog

"Sige pero siguraduhin mo lang kundi sapak aabutin mo sa akin." pabiro ko pagbabanta sa kanya

"Promise, wala ako gagawin, kiss at hug lang."

"hug okey lang pero kiss hindi." pagsusuplada ko sa kanya at para naman bata naagawan ng pagkain dahil itsura niya dahil sa sinabi at hindi ko maiwasang mapangiti.

"Nahhhh.... baby kiss na nga lang at hug." pagrereklamo nito.

"Hindi pa nga tayo , nakakahalik ka na"..

"Gusto mo naman, Baby." panunukso nito.

"Matulog na nga tayo maaga pa tayo bukas, maaga meeting mo." saad ko sabay hila papasok sa loob ng kwarto niya.

Nauna na ito nahiga dahil nakapagshower na rin siya.

Matapos ko magkapagshower at matuyo buhok, nahiga na rin ako, akala ko tulog hindi pa pala agad ako nito hinila palapit sa kanya at yinakap.

"Good night Baby..." sabay dampi ng labi nito sa labi ko ng mabilis.

"Good night Zuriel." mahigpit naman ako yumakap sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.