CHAPTER THIRTY-ONE

ZURIEL POV

"Kumusta kayo ni Jewel, Bro." tanong ni Maru after ng meeting namin.

" Binigyan ko muna siya space para makapag-isip siya ng maayos hindi ko kaya mawala siya matagal akong naghintay para makita ko ulit siya." sagot ko sa kanya, isang linggo na simula ng gabing iyon na hindi ko na siya nakikita at kinaumagahan noon sinama  sila nila Mommy pauwi sa Hacienda kung nasaan ang kanyang ama.Wala din ako nagawa at hindi na rin ako nagpumilit na sumama pa para kahit maihatid man lang sana sila mag-ina  baka kasi kung anu pa mangyari sa kanya lalu na maselan ang kanyang pagbubuntis.

Kahit tingin hindi niya ako tiningnan

Nanatili ito tahimik hanggang makapasok sa loob ng sasakyan na maga mga mata nito. Gustong- gusto ko yakapin siya pero hindi ko magawa iniisip ko kalagayan niya ayoko ulit may mangyari masama sa kanya at sa baby namin, na minsan na muntik mawala.

"Take care Baby I love you at maghihintay ako." tanging nasabi ko at masuyo  ko hinalikan sa noo niya.

Pakiramdam ko sobra tagal na ang isang liinggo na hindi ko siya nakikita tanging si Flint at sila Mommy nakakausap ko kapag tumatawag ako hindi ko na rin pinilit sila na makausap ko si Jewel.

"Konting tiis lang Bro, hayaan mo muna lalu na buntis pa naman siya at kita ko naman na mahal na mahal ka niya, sa huli kayo pa rin."saad ni Ian.

"Yeah but hindi ko maalis na matakot I know Jewel baka iwan niya ako basta para sa pamilya lalu na kapatid niya ang masasaktan knowing Jewel siya na lang masaktan huwag lang isa sa mga mahal sa buhay niya. " malungkot ko saad.

"Pakatatag  ka lang Bro , isa lang ito pagsubok sa inyo dalawa at hindi  lang ito pagsubok na darating na haharapin kapag mag-asawa na kayo,  hindi ka nun bibitiwan ni Jewel tiwala  lang Bro." dagdag ni Maru.

Nasaksihan ko ang dalawa ko kaibigan kung paanu naging miserable ang buhay nila ng nagkaroon sila ng malaki pagsubok. And for that first time ko nakita ko sila umiyak dahil sa babae. Nasabi ko noon hindi ako matutulad sa kanila, sa relasyon nila. Pero ngayon naranasan ko ang naranasan nila noon at tama sila kailangan kong magtiwala kay Jewel at panghahawakan ko sinabi mahal niya ako at hindi niya ako iiwan.

"About kay Ava at Summer, anu plano mo Bro?may responsibilidad ka rin kay Summer, anak mo rin baka makalimutan mo.."tanong ni Maru..

"Bukas darating si Kuya William at mag-uusap kami nila Mommy and about kay Summer alam ko  sa sarili ko kahit kailan wala nangyari sa amin ni Ava dahil kung  anak ko si Summer mararamdaman ko sinasabi lukso ng dugo pero wala, kay Flint ko lang 'yun naramdam." sagot ko

"Hindi kaya si Ava may kinalaman dito?...lalu na obsessed siya sa'yo Bro and you know kung  paanu gumalaw lalu na kung mapera ka kahit anu kayang gawin." saad ni Maru.

Sasagot na sana ako ng bigla bumukas ang pinto sabay-sabay kami napatingin sa pintuan at iniluwa nun si Flint sa likod nito ang secretary ko nakahawak ang kamay nito kay Flint ng makita ako  agad ito bumitaw tumakbo papunta sa akin at agad naman ako tumayo para salubingin siya.

"Papa!Papa!Papa."  tawag nito sa akin hanggang magkalapit kami kasabay ng pagyakap nito sa akin ng mahigpit. At ang sumunod na sinabi nito ang hindi ko inaasahan.

"You're my real Papa." bulong nito sa akin na mas lalu humigpit pagkakayakap nito sa akin at hindi ko namalayan napaluha ako dahil sa wakas he knew na ako totoo Papa niya at salamat kay Jewel dito palang umaasa ako na hindi ako iiwan ni Jewel, lalu na ngayon alam na ng anak namin kung sino ako sa kanya.

""Son who is with you?"  tanong ko ng maghiwalay kami mula sa pagkakayakap kita ko sa mata nito pamasa-masa ng mga mata.

"Si Mama po kasama ko  and she's in your office kanina pa kami nandito hinihintay lang namin matapos meeting niyo po but Mama already sleep in your sofa because she's tired dahil sa haba ng biyahe namin papunta dito." sagot nito na kinabahala ko dahil maselan sa pagbubuntis ni Jewel baka anu mangyari sa kanya dahil sa pagod. Kahit inihatid sila ni Manong hindi pa rin maalis sa akin ang kabahan. Agad ko kinarga si Flint at bumalik sa kila Maru para magpaaalam sa kanila...

"Hello po, Tito Maru Tito Ian." bati ni Flint sabay humalik sa dalawa.

"Hey!little boy."sabay saad nila Maru..

"Mauuna na ako kami Bro, Jewel is here." paalam ko sa kanila..

"Goodluck Bro." saad ni Ian.

"Kami na bahala kay Flint mag-usap kayo ni Jewel at sunduin niyo nalang siya sa bahay namin." suhestiyon  ni Maru...

"Pa I will go with Tito's."saad ni Flint..

"Are you sure?" tanong ko

"Yes po." sagot nito ...

"Okey huwag makulit doon sunduin ka na lang namin ni Mama kapag pauwi na kami."

"Opo Papa." sagot nito kasabay ng pagkuha ni Maru sa akin.

"Thanks Bro, sige mauna na ako baka mangalay si Jewel nakatulog na sa sofa." paalam ko sa kanila..

"Sige na kami na bahala dito kay Flint...

Doon na rin kayo magdinner sa amin sigurado miss na rin nila Lhes si Jewel." saad ni Ian

'I will, tanungin ko muna si Jewel mahirap na buntis pa naman paiba-iba ng mood."

"Okey, text me early para makapaghanda." wika ni Maru.

Tumango ako bilang tugon bago lumabas ng conference room hinalikan ko muna si Flint..

Habang patungo sa opisina ko hindi ko maexplain ang nararamdaman ko halo-halo nararamdaman ko hindi ko alam kung anu rason ni Jewel kung bakit siya nagpunta dito, kung kasiyahan o sakit ba ang nagaabang sa akin sa pagpunta niya dito, but I'm hoping na kasiyahan ang mararamdaman ko, na hindi ako iiwan ni Jewel, ng magina ko. Bago ko buksan ang pintuan huminga muna  ako malalim pilit na inaalis ang kaba.

Nang makapasok agad dumapo ang mga mata ko kay Jewel na mahimbing na natutulog, agad ko ito nilapitan lumuhod ako sa harapan niya para makita ang buong mukha niya mas lalung gumanda ito sa pagbubuntis niya medyo tumaba na ito pero kahit ganun man tumaba man siya but she's still beautifu, siya lang magiging maganda sa mga mata ko. Gaya ni Jewel ang babae pinangarap ko na makasama habambuhay

Siya 'yung babae na maipagmamalaki mo na kahit anu pinagdaanan mahirap sa buhay lalu na sa pagpapalaki niya  sa anak namin na mag-isa nanatiling nakatayo at patuloy na lumalaban.

Pero ngayon hindi na siya mag-iisa  sa buhay niya. I will do everything para sa kanya at sa mga anak namin babawi  ako ibibigay ko ang lahat para sa kanila hindi lang materyal na bagay kundi pagmamahal na deserve niya, nila.

Buo tiwala ko nuon na mahahanap ko sila na kahit minsan gusto ko na sumuko pero mas nanaig yung kagustuhan ko mahanap sila kahit natagalan  sa paghahanap ko sa kanila sa huli nahanap ko rin sila. Sobra pasalamat ko kila Mommy na suportado nila ako sa paghahanap kay Jewel lalu na kasabay impormasyon na nahanap sila ang pagkakahanap rin namin kay Kuya William na tatlong taon na nawawala, gaya ko hindi rin sumuko kami nila Mommy At Daddy sa paghahanap kay Kuya hanggat wala kami nakikita bangkay niya.

Hinaplos ko mukha niya ng dahan-dahan, ayaw kong magising siya at hindi ko inaasahan makita ang damit kong hinubad noong gabi iyon na yakap-yakap niya ngayon. I know Jewel hindi nakakatulog  na hindi naamoy pabango ko every night kulang na lang sa ibabaw ko siya matulog dahil walang tigil  pag-amoy  sa akin, ako ang pinaglilihian niya.

Naisip ko, noon kaya ano or sino pinaglihian niya

Kung anu kinakain niya alam ko mahirap ang pagbubuntis hindi lang sa panganganak kundi sa mga pagkain na gusto kainin na kailangan maibigay sa buntis kung hindi magagalit sa'yo kapag hindi naibigay ang gustong kainin.

Ngayon lahat na gusto niya ibibigay ko narito na ako at ako na magaalaga na gusto kong maranasan gaya nila Maru na kahit mahirap pakisamahan ang pagbubuntis ng nga asawa nila sa huli sobra saya naman masasabi na WORTH it lahat.

Ilang sandali paghaplos ko sa mukha niya unti-unti ito nagmulat ng mga mata.

"Zuriel." malambing na tawag niya sa akin.

"Baby. " sambit ko na hindi ko maiwasang gumaralgal boses ko dahil sa tuwang nararamdaman. Damn! sobra miss ko na siya.

"Gutom na ako." nakangusong saad niya na parang  batang na naglalambing na makuha ang laruan na gusto hindi ko maiwasan mapangiti.

"Okey baby, what do you want?" saad ko habang inaalalayan siya makaupo. Nang makaupo ito ng maayos hindi pa rin bibibitiwan ang damit ko yakap pa rin niya ito.

"Mangga tsaka chocolate ice cream gagawin ko sawsawan ng mangga." napangiwi ako sa pagkain na gusto niya hindi ako sang-ayon pero ayoko naman magalit  siya sa akin lalu na ngayon hindi pa kami nagkakausap ng maayos. Pagbibigyan ko siya ngayon pero sa sunod hindi na dahil hindi healthy, kailangan niya healthy foods lalu na maselan pagbubuntis niya..

"Okey lalabas muna ako and wait here baby mabilis lang ako." paalam ko sana sa kanya pero akmang tatayo  na ako nang pagilan niya  ako...

"Dito ka lang puwede ka naman siguro makisuyo  ka sa iba, malapit lang naman 'yung store dito ayaw ko maiwan dito mag-isa Baby, please." malambing nito saad na kaagad rin ako bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya at tinawagan  ko na lang 'yung guard para makisuyo magpabili ng pagkain ni Jewel.

Habang naghihintay ng pagkain hindi ko inaasahan ang pagyakap ni Jewel sa akin wala man salita lumabas sa bibig niya alam at ramdam ko na okey na kami.

"I'm sorry Baby." bulong nito sa akin na mas lalung siniksik  ang mukha sa leeg ko at mas humigpit ang pagkakayakap sa akin.

Unti-unti ko hiniwalay ko siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ko magkabilang pisngi niya kita ko pagdaloy ng luha niya..

"Hindi mo kailangan magsorry baby kasalanan ko hindi ko agad sinabi sayo." malambing ko saad sa kanya kasabay nang pagpahid ko ng luha niya.

"Pero sorry pa rin Baby kasi ng gabi  iyon naisip ko lumayo sayo dahil ayaw ko masaktan si Summer dahil bali-baliktarin man natin anak mo pa rin siya responsibilidad mo siya at ayaw kong lumaki na walang ama samantala si Flint meron na hindi mo naman kadugo alam ko sinabi mo anak mo si Flint noong gabi iyon pero hindi ako naniniwala dahil napakaimpossible kahit medyo may pagkapareho kayo, iniisip ko kasi na sa dami tao sa mundo meron at meron tayo magiging kamukha pero sinabi nila Tita na totoong anak mo si Flint na matagal mo na ako hinahanap na kahit alam nila nakapaimpossble mahanap pa ako dahil wala ka naman impormasyon sa akin nakuha noon tanging meron ka lang 'yung pendant na magkapareho ng nasa sa akin...."..

" 'Yung unang magkita tayo sa mansyon baby hindi ko alam bakit may iba ako naramdaman sa'yo, na feeling ko nagkita na tayo dati lalu na noong nagsalita ka at pamilyar ang boses mo pinilit ko balikan 'yung nangyari noon sa tin pero malabo 'yung mukha ng babae until one day noong sinama  mo siya sa birthday ng anak nila Maru, 'yung sabi lukso ng dugo sinasabi nila naramdaman ko 'yun kay Flint at nakikita ko sa kanya noong bata pa ako at 'yung pagiging suplado niya, pagsalubong ng mga kilay niya na akung-ako noon. Mas lalu lumakas 'yung pag-asa ko na ikaw 'yung babae hinahanap ko dahil sa kwintas na suot niyo pareho ni Flint gaya noong nasa sa akin na nakuha sasakyan ko after may nangyari sa atin noon at hindi sa nagdadalawang isip ako noon pero gusto makasiguro na ikaw 'yung babae nakasama noong gabing 'yon gusto makasigurado hindi dahil pagdududa kundi dahil gusto ko masiguro na ikaw na 'yung hinahanap ko dahil ayaw kong masaktan sa huli. Nagpatulong ako kila Maru kumuha ako ng ilang buhok ni Flint para sa DNA test namin isang linggo lumipas nakuha namin result at positibo sobra  tuwa ko noon dahil sa wakas nahanap na kita pero hindi ko inaasahan na magbubunga 'yung isang gabi na pinagsaluhan natin noon...

Sobra pasalamat ko dahil may anak tayo at iniisip ko na hindi ka na makakawala pa sa akin at hindi na kita papakawalan pa." mahabang paliwanag ni Zuriel.

"Pareho tayo inisip na baka ikaw ' 'yung ama ni Flint pero sabi ko sa sarili ko impossible kasi sobra yaman niyo na hindi ka pupunta sa bar kung saan tayo pinagtagpo, hindi 'yun tipo ng bar na mga gaya na pupuntahan niyo.

"Sumama ako sa pinsan ko dahil heartbroken at doon napili namin pumunta kasi wala nakakakilala sa amin."

" I love you Zuriel. " saad ko.

"I love you  too baby, mahal na mahal kita, kayo ni Flint at magiging anak pa natin babawi ako sainyo. Nandito na ako hindi ka na mag-iisa pa baby lahat na nasayang na panahon pupupunuan ko, nating dalawa at bubuo tayo ng mga bagong memories na kasama mga anak natin." saad ko sa kanya na mas lalu ko pa siya niyakap...

Finally we're okey...

"Paanu si Summer at si-------". pinutol ko sasabihin niya ayaw ko muna pagusapan ngayon, dahil pagdating nila Sean at kuya malalaman na namin 'yung totoo about kay Summer.

"Shssshhhhhh...let's not talk about that Baby pagdating nila Sean at Kuya William malalaman natin 'yung totoo about kay Summer. Sinisiguro ko sa'yo hindi ko anak si Summer kahit kailan wala nangyari sa amin ni Ava dahil ikaw lang babae gusto ko anakan at magiging ina ng mga anak ko, kahit wala kasiguraduhan pa noon na mahahanap kita...pero ayaw ko sumuko sa paghahanap sa'yo mahanap ka lang..."...

"Thank you baby." malambing niya saad.

"Ako dapat magpasalamat sa'yo baby dahil hindi mo ako iniwan, dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, kayo ni Flint "..

"Basta Salamat pa rin..."..

"Bakit hindi mo sinabi pupunta kayo dito malayo 'yung biyahe niyo nag-aalala ako sainyo Baby dapat tinawagan mo nalang sana ako at ako na pumunta sa Hacienda l, ayaw ko may mangyari masama sa inyo." nagaalalang saad ko..

"Gusto namin surpresahin ka at sobra miss na kita hindi ako nakakatulog masyado kahit yakap ko ito damit mo, mas makakatulog ako mahimbing kapag katabi kita."

"I'm just worried baby, lalu na maselan pagbubuntis mo."

"I'm sorry kung pinag-alala kita hindi ko na ulit gagawin promise baby huwag ka na magalit." wika niya sabay nguso ng labi nito, cute.

"Hindi mo na talaga mauulit baby, nandito na ako wala ka na kawala pa sa akin." paninigurado ko sa kanya and by the way nasa bagong bahay natin "yung mga gamit, nabili  na natin 'yung bahay na gusto mo at magkakapitbahay na tayo ng mga kaibigan natin." saad ko na agad na bumitaw mula  sa pagkakayakap sa akin kita ko sa mga mata niya ang saya kahit hindi siya magsalita sa tuwang  nararamdaman niya mas masaya ako na masaya siya.

Ito na simula namin ang mabuo ang pamilya namin kapag maayos na lahat, kasal na namin pagtuunan ng pansin hindi ko na papatagalin pa ayoko na may masayang na oras sa amin , marami na oras at panahon na nasayang.

Nang wala siya masabi yinakap ko siya

I'm happy now na kasama at makakasama ko habambuhay ang babaing matagal na ko hinanap at na ngayon natagpuan ko na...

Thank you Lord.

At walang pasisidlan ang saya ko dahil sa huli pinili niya ako makasama.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.