Chapter 09

(Thursday 3:00 pm)

"Predict the Unpredictable"

Hanggang ngayon ay nalilito parin ako sa ibinigay na acitivity sa amin ni Sir Jef. Paano ko ba iuugnay ang pangitain na nabunot ko bilang tema sa ganitong gawain?

Kung pwede ko lang sanang tanungin si Alain kung ano ang nabunot niya... pero hindi. Isa pa, hindi parin ako lubusang pinapansin ni Alain hanggang ngayon. Dahil ba sa mga nasabi ko sa kaniya kaya iniiwasan niya ako o dahil natatakot siya na baka tulad ng una'y magkaroon ako ulit ng pangitain tungkol sa kaniya?

Samut-saring katanungan na ang nasa aking isipan, ngunit hindi ko naman alam kung kanino ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung kanino ako mag tatanong. At mas lalong hindi ko alam kung paniniwalaan ba nila ako sakali mang sabihin ko sa kanila kung ano ang mga nakikita ko.

"Paano ko ba uumpisahan 'to?"

Tanong ko sa aking sarili.

Narito ako ngayon sa aking silid, nakaupo sa study table habang puno ng blangkong papel ang mesa. Kanina ko pa tinititigan ang mga papel, dahil hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung ano ang isusulat ko dito.

Napatingin ako sa orasan sa tabi ng computer ko, at ganoon na lang ang gulat ko dahil alas tres na pala ng hapon. Alas tres na pero wala parin akong naisulat mula kanina.

Kinuha ko ang ballpen at sinimulang mag sulat ng kahit na ano patungkol sa activity namin, na may tema ng pangitain.

"Simple at normal na mag-aaral lamang si..."

"Pangalan ko ba ang dapat na isulat ko rito o pangalan ng iba?" Muli kong tanong sa aking sarili.

Napakahirap mag aral, lalo na sa kursong napili ko. Ngunit dahil sa sitwasyon namin, kailangan kong pag butihan para makatulong kapag nakapag tapos na ako.

Muli kong hinawakan ang ballpen at kumuha ng panibagong papel. Ilang minuto ko pang pinag isipan ang isusulat ko...sa huli napag desisyonan kong iyon na nga lang ang ilgay ko.

"Simple at normal na mag-aaral lamang si... Alain. Papasok sa eskwela, at uuwi sa bahay lamang ang araw-araw niyang ruta. Hanggang isang umaga, bago pumasok sa eskwelahan..."

"Ate"

Napahinto ako sa pag susulat ng marinig ko ang boses ni Rhian na tila ba bumulong sa mismong tenga ko. Ngunit sarado ang pinto at tanging ako lang ang narito sa aking silid.

Ganoon pa man ay sumagot ako ng bakit ng pasigaw. Baka kasi nasa labas pala siya ng silid at doon tumatawag. Hinintay kong sumagot siya, ngunit makalipas ang dalawang minuto ay wala...hindi siya sumagot.

Muli akong nag patuloy sa pag susulat, umaasang guni-guni ko lang ang narinig ko.

"Huminto na muna sila ng kaniyang kaibigan upang bumili ng kakailanganin sa gagawin nilang activity. Nang mag desisyon si Alain na mauna na at tumawid patungong eskwelahan, si Alain ay..."

"Ate"

Sa pangalawang pagkakataon ay narinig kong muli ang boses ni Rhian na tila ba bumulong sa aking tenga. Sa puntong ito'y hindi na lamang guni-guni iyon. Dahil naramdaman ko pa ang bahagyang hangin na mula sa kaniyang bibig ng bumulong siya.

"Rhian ikaw ba yan?" Nag-aalanga'ng tanong ko. Nanatili akong nakatalikod sa pinto, at nakaupo lang sa study table kaharap ng computer at mga papel sa aking mesa.

Muli...walang sumagot. Nakakaramdam na ako ng kaba at pananayo ng balahibo, pero bakit ako matatakot kung ang kapatid ko naman iyon? Si Rhian nga ba?

Nag bilang ako sa aking isipan at humugot ng malalim na hininga bago nag pasyang lumingon sa gawing likuran.

Isa...

Dalawa...

Tumayo ako at handa ng lumingon.

Tatlo...

"Ate"

Sa ikatlong ulit, muli siyang nag salita. Hindi ko nagawang lumingon dahil sa lakas ng kabog sa aking dibdib.

"Rhian...hawakan mo ako." Giit ko.

Gusto kong makasiguro kung siya nga ang tumatawag sa akin ng paulit ulit. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

Doon palang ako nakahinga ng maluwag, dahil sa pamamagitan ng hawak niya'y napag tanto ko na siya nga 'yon.

"Anong kailangan mo..." Napahinto ako at hindi na naituloy pa ang sasabihin... dahil wala siya. Walang tao sa likod ko ng humarap ako! Wala si Rhian!

"Rhian... Rhian nasaan ka? Hindi magandang biro 'to!" Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng aking silid, umaasang narito si Rhian at nag tago lang. Ngunit wala! Ni bakas ng anino niya'y hindi ko makita.

Maya maya pa'y may kumatok sa pinto. Tatlong katok na wari mo'y may sampong sigundong pagitan.

"Sino yan?"  Malakas kong tanong.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto at akmang hahawakan na ang seradura, ngunit isang katok pa ang muli kong narinig. Matapos iyon ay wala na... hindi na nasundan pa.

"Rhian ikaw ba yan?" Muli kong tanong. Umaasang siya nga ang nasa labas.

"Bubuksan ko na." Giit ko. Bago mahinang nag bilang sa aking isip.

Isa...

Dalawa...

Hawak ko na... hawak ko na ang seradura at pipihitin na lang.

Tatlo...

Rinig ko ang lagitik ng mapihit ko ang pinto. Bago dahan dahang hinila upang bumukas.

"BOOOOooo!!".

"AHhhhhhhhh"

"Ate! Para kang nakakita ng multo ah!" Tatawa tawang saad ni Rhian.

Sapo ang dibdib na napasandal ako sa likod ng pinto. Hindi ko napigilan ang malakas na tili na kumawala sa bibig ko ng dahil sa kaniya. Kung may sakit lang siguro ako sa puso baka natuluyan na ako ng dahil sa kalokohan niya.

"Ako nga Rhian 'wag mong niloloko. Marami akong ginagawa, kanina kapa! Tawag ka ng tawag, hindi mo sabihin kung ano ang kailangan mo." Pikon kong singhal sa kaniya.

Hindi ako natutuwa dahil natakot talaga ako. Hindi naman ako matatakutin dahil mahilig akong manood at mag basa ng mga horror. Pero ng dahil sa mga nangyayari at nakikita ko'y nag bago ang pakiramdam ko sa mga kababalaghan at katatakutan.

"Hindi naman kita ginugulo ah. Kararating ko nga lang galing kila ate Alain."

Napatayo ako ng tuwid dahil sa sinabi niya. Kararating niya lang? Kung ganoon... sino?

"Kumatok ka ba dito?" Tanong ko.

"Hindi, nakita ko lang na umawang ng bahagya ang pintuan mo kaya ginulat kita. Kala ko kasi lalabas ka." Kung kararating niya lang at hindi siya kumatok... sino ang tumatawag sa akin ng ate kanina? Sino ang kumatok sa pinto ko kanina?

"Sigurado ka?" Giit ko.

Tumango lang siya at tinitigan niya ako sa mata bago naging seryoso ang mukha niya. Para bang wala siyang ginawang kalokohan kanina, at ngayon ay nakatitig sa akin ng mariin.

"Pwede mo ba akong samahan sa kwarto ko?" Tanong niya habang mariin paring nakatitig sa akin.

"Bakit?"

Imbes na sumagot siya ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng silid ko. Bago nag lakad papunta sa kaniyang silid.

Nakahawak pa rin siya sa kamay ko, hanggang sa tumambad sa amin ang pinto ng silid niya.

"Oh anong gagawin natin dito?" Muli kong tanong.

Habang siya naman ay nanatiling nakahawak sa akin, nakatayo at nakatingin lang sa pinto. Tinignan ko rin ang tinitignan niya, ngunit tanging ang pinto lang na nasa harap ang makikita. Baliwalang binuksan ko iyon at tinulak gamit ang aking kanang kamay, dahil hanggang ngayon ay nakahawak parin si Rhian sa kaliwa kong kamay.

"Ano ma... RHIAN!!!!!!"

Si Rhian!...

Kung ganoon sino?...Sino itong nakahawak sa kamay ko?

Gusto kong tumakbo, sumigaw at humingi ng saklolo. Dahil si Rhian... ang kapatid ko...

Dahan dahan kong tinignan ang kamay na nakahawak parin sa kamay ko.

Maputla...

Halos mangulay itim ang mga kuko...

Panaginip lang ba ito? Nananaginip lang ba ako? Hindi ito totoo... hindi 'to totoo!.

"Panaginip lang 'to, hindi 'to totoo. Gising Sandra!!! Gumising ka!"

Ipinikit ko ang mata ko umaasang panaginip lang ang lahat. Bago nag bilang kahit na nga ba ramdam ko parin ang malamig na kamay na hanggang ngayon ay nakahawak parin sa akin. Hindi siya si Rhian! Hindi si Rhian ang nakahawak sa akin! Dahil si Rhian... nakabitin!.

May tali sa leeg!

Nakatingin sa akin!

Ngunit walang buhay!

Sino? Sino itong hawak ko?.

Isa...

"Ate"

Dalawa...

"Panaginip! Panaginip lang ito!"

"Ate"

Tatlo...

Naramdaman kong lumapit siya sa akin... mas malapit. Hindi sa likod... hindi sa gilid...

"Gising Sandra... nananaginip ka lang! Tulong!"

Apat...

"Ate"

Sa harap! Nasa harapan ko siya! Tuluyan na akong nilukob ng takot at kaba... hindi ko kaya! Hindi ko kayang imulat ang aking mga mata. Ang malamig niyang kamay na kanina ay nakahawak sa aking kamay, ngayon ay nasa baba ko na at bahagyang itinaas ang mukha ko. Nanatili akong nakapikit, nanginginig na ang mga tuhod tila ba bibigay na ano mang oras. Dama ko narin ang pawis na dahan dahang bumabagsak mulo sa sintido patungo sa pisngi ko.

"Panaginip! Panaginip lang ito." Muli kong bulong sa aking sarili at akmang bibilang na ulit umaasang sa ika limang bilang ay magising na ako...

"Gusto mo bang ako na ang mag tuloy ng pag bibilang mo!?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.