Chapter SAVING GRACE: Chapter 12

“HINDI na kayo nagkita pagkatapos ‘non?”

Ngumiti ako kasi paos at nanginginig ang boses ni Martin. Sinulyapan ko ang katawan niya at napansin kong hindi naman siya nagtagumpay ma-distract sa kuwento ko. Nangangati na talaga ang kamay kong hawakan siya. Bumaba ang haplos ng kamay ko mula sa tiyan niya papunta sa waistband ng slacks niya.

Ipinatong niya ang kamay sa kamay ko, pinaglingkis ang mga daliri namin at hinila pabalik sa tiyan niya, palayo sa gusto kong hawakan. “Pay attention, Grace.”

Sumimangot ako at tiningnan ang mukha niya. “Hindi na.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit?”

“Kasi one night stand lang ‘yon. At binayaran niya ako.”

“Sabi mo wrong timing noong estudyante ka niya pero nang magkita kayo uli, hindi ba tama na ang timing?”

“No. It was an impossible timing. Kasi prostitute na ako ‘non, Martin. Hindi ako mag fi-fit in sa perpekto, istrikto at kontroladong mundo niya.”

“Kung talagang gusto mo dapat nag-effort kang ipakita sa kaniya na may chance maging seryoso ang relasyon niyo. Sigurado akong tatanggapin ka niya at mamahalin, Grace.”

“Pero ayoko,” nasabi ko bago ko pa napigilan ang paglabas ng mga salita mula sa bibig ko.

Natigilan si Martin at humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Ayaw mo ng relasyon o ayaw mong mahalin?”

Mariin kong tinikom ang bibig ko. Kumilos ako para lumayo sa kaniya at tinangka kong hilahin ang kamay kong hawak niya pero hindi niya ako binitawan. Nararamdaman ko ang malamig na pawis sa batok ko, senyales na sobrang naiilang ako at malapit na mag panic. Iniwas ko ang tingin at mahabang sandaling tahimik lang kami pareho. Ramdam ko na pinagmamasdan niya lahat ng emosyong dumadaan sa mukha ko. At katulad noong una kaming nagkita ni Martin, pakiramdam ko hubad na hubad ang kaluluwa ko sa presensiya niya. Na para bang may power ang titig at katahimikan niya, tinutunaw ang depensa ko.

Huminga ako ng malalim at tumitig sa kisame. “Nagdesisyon akong pakawalan si Quinn kahit alam kong hinihintay niyang sabihin ko bago kami maghiwalay na puwede pa kami magkita uli. Ayokong maging seryoso kami.”

“Go on,” malumanay na sabi ni Martin.

Mariin akong pumikit at nang dumilat uli nilingon ko siya. “Kapag hinayaan ko siyang mahalin ako, eventually maibibigay ko sa kaniya ang tiwala ko at mamahalin ko rin siya. At ayokong pagkatiwalaan at mahalin siya o kahit sino pang tao. Because most of the time, the people we love the most in the world are the same people who hurts us so much that it’s hard to recover afterwards. Na kung sino pa ang mga taong binigyan mo ng buong tiwala mo sila pa ang pagtataksilan ka.”

Matagal na tinitigan lang niya ako. “Bakit mo nasasabi ‘yan?” mahinang tanong niya, walang halong panghuhusga kung hindi purong kuryosidad lang.

Mariin akong pumikit. “Please don’t ask me that. Hindi ko kayang sabihin sa’yo.”

Ilang segundong katahimikan bago ko narinig at naramdaman na huminga siya ng malalim. Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Martin. Hinila niya ako hanggang lumapat ang pisngi ko sa dibdib niya. Pagkatapos pinaikot niya sa balikat ko ang isa niyang braso at niyakap ako. “Okay. Tapos na ang kuwentuhan. Let’s sleep. I have class tomorrow.”

Matagal na hindi ako nakakibo. In fact, natulala ako at hindi alam kung ano ang gagawin. Nang makabawi ako tiningala ko siya. Nakapikit na si Martin. “W-what? Are you a cuddler? Gusto mong matulog tayo nang ganito?”

Imbes na sumagot humigpit pa ang braso niya sa akin at isinama ako sa pagdausdos niya hanggang nakahiga na kami sa kama. Ang kamay kong hawak niya, hinila niya hanggang nakayakap na ako sa katawan niya. Then he wrapped his now free arm around my waist and sighed contentedly.

Kumabog ang dibdib ko at may bumara sa lalamunan ko. Ang una kong urge ay itulak siya palayo sa akin. Hindi ako nagpapayakap sa kahit na sinong lalaki pero ito na ang pangalawang beses na niyakap niya ako. Mas lalong hindi ako natutulog nang ganito. Pero bakit hindi ako makakilos para lumayo sa kaniya? Bakit ang kamay kong nasa likod niya, nagsimulang haplusin ang mainit at makinis niyang balat? Higit sa lahat, bakit sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, naging masarap at komportable ang tulog ko?

NAGISING ako na magkayakap pa rin kami ni Martin. Nararamdaman ko ang payapang hininga niya sa pisngi ko, patunay na natutulog pa rin siya. Sinulyapan ko ang direksiyon ng bintana. Kahit na nakasara ang mga kurtina nakikita kong maliwanag na sa labas. Huminga ako ng malalim at nanuot sa ilong ko ang mabango at lalaking lalaking amoy niya. Dahan-dahan akong tumingala hanggang makita ko na ang mukha niya. Nahigit ko ang hininga ko at may bumara sa lalamunan ko.

He looks beautiful even in his sleep. Hindi siya mukhang suplado ngayon. Siguro kasi hindi ko nakikita ang mga mata niyang masyadong intense at parang galit kung tumingin. Ang mga labi rin niya na kapag gising siya mariing nakatikom palagi, medyo nakaawang ngayon. Ang sarap ng tulog niya.

Hinaplos ko ng hintuturo ko ang hugis ng mga labi niya. His breath caught and his lashes fluttered. Kumilos siya, humigpit ang yakap sa akin at unti-unting dumilat, halatang inaantok pa. “Masyado kang trusting,” bulong ko, napunta na ang haplos ko sa panga niya. “Hindi ka dapat natutulog ng mahimbing na may kasamang estranghera sa kama. Paano kung ninakawan kita at nagising ka na wala nang gamit kahit damit na puwede mo isuot pauwi?”

Umangat ang gilid ng mga labi niya. It was a slow and sexy smile that brought tingling sensations on every nerve endings of my body. “Ikaw ang mahimbing ang tulog. Nagising ako kaninang madaling araw pero ikaw hindi tumitinag. So I just watched you sleep hanggang antukin na ako uli.”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi niya ako niloloko. Nagsasabi siya ng totoo na talagang binantayan niya ako. Uminit ang mukha ko at parang hinalukay ang sikmura ko. Oh, shit, what the hell is happening to me? I’m feeling embarrassed! At nakikita ‘yon ni Martin kasi kumislap sa amusement ang mga mata niya. Kumilos ako para kumalas sa yakap niya pero hindi niya niluluwagan ang mga braso niyang nakapaikot sa katawan ko. I squirmed harder, our bodies rubbing against each other. He groaned. Mahigpit niyang hinawakan ang balakang ko, pinipigilan akong kumilos. Naramdaman ko agad ang dahilan.

He’s getting hard. I can feel the length of him against my stomach and it’s making my skin hot and sensitive. Gusto ko siya makita. Gusto ko siya mahawakan. Gusto ko siyang matikman. Kaya sinamantala ko ang pagiging distracted niya at mabilis akong bumangon. Before he could react I’m already straddling his thighs.

Nanlaki ang mga mata niya. Ngumiti ako at sensuwal na hinaplos ang magkabilang hita niya. Marahas siyang huminga at nanigas sa sobrang tensiyon ang buong katawan niya. “May dalawang klase ng tao sa isang sexual act,” kaswal na sabi ko habang hindi tinitigil ang paghaplos ko sa kaniya, palapit ng palapit sa gusto ko talagang hawakan. Tumiim ang bagang ni Martin at naningkit ang mga mata.

“A dominant and a submissive. An alpha and a beta. The first is a taker of pleasure. Nakadepende sa kaniya kung maliligayahan din ba ang kapareha niya o uunahin niya ang sarili niya. Siya ang may kontrol. Sa kaniya umiinog ang mundo. The second one is a giver. Dependent sa kapareha. Hinahayaan niyang magamit siya para sa pleasure ng kapartner niya. The giver is the patient one. Uunahin ang kaligayahan ng kapartner bago ang sa kaniya. Minsan, ayos lang sa kaniya kahit siya hindi nagkaroon ng orgasm basta na-satisfy niya ang pangangailangan ng kapareha niya. Ang giver, bigay lang bigay kahit pa madalas, wala nang natitira pa sa kaniya. Alam mo ba kung alin ka roon, Martin?”

Hindi siya sumagot. Mahina lang nagmura kasi kinakalag ko na ang hook ng slacks niya at tumatama na ang likod ng mga palad ko sa pagkalalaki niya. Masyadong maingay ang tunog ng zipper niya habang ibinababa ko ‘yon. Umangat ang mga kamay niya, tinangka akong hawakan pero umusod ako pababa sa mga binti niya. “You’re a giver, aren’t you?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.