“GRACE, okay ka lang ba?”
Kumurap ako at nilingon si Angel nang marinig ko ang concern sa tono niya. “Okay naman ako. Bakit?”
Kumunot ang noo niya at tumabi sa akin sa sofa. “Sa nakaraang dalawang araw halos hindi tumitigil sa pagtunog ang cellphone mo pero hindi mo sinasagot ang tumatawag sa’yo. Ni hindi mo tinitingnan ang messages na pinapadala sa’yo. Nakatulala ka lang. Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Ano pang silbi ko bilang bestfriend mo kung hindi mo ako masasabihan ng mga sikreto?”
Tinitigan ko ang mukha ni Angel. Habang lumilipas ang araw napansin ko na lalo siyang gumaganda. Her beauty is shining from inside her skin and her eyes are full of life, happiness and… love. Nagkabalikan na kasi siya at si Jack Lopez at mukhang this time, hindi na matitibag pa ang relasyon nila. Mahal ko ang bestfriend ko pero sa nakaraang dalawang araw, hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiilang o maiinggit sa aura niya. Obvious na nahanap na niya ang kanyang peace of mind. She was able to free herself from the chain of her tragic past. She took a risk and courageously trusted and loved someone. Hindi katulad ko. Kasi hanggang ngayon duwag pa rin ako.
“Grace?”
Ngumiti ako at mabilis siyang niyakap. Halatang nagulat siya pero mayamaya lang gumanti na rin siya ng yakap. “I’m fine. Promise. Ang agency at mga kliyente ko lang ang tumatawag at nag-te-text sa akin kaya hindi ko sinasagot. Wala ako sa mood magtrabaho lately. Sa tingin ko… hindi na ako nag-e-enjoy, Angel.”
Umatras ang kaibigan ko hanggang matitigan na niya ang mukha ko. Nanlalaki ang mga mata niya. “Anong ibig mong sabihin?”
Bumuntong hininga ako. “Lately, the thought of fucking strangers every night no longer excites me.”
Umawang ang bibig ni Angel. “K-kailan eksakto mo unang naramdaman ‘yan?”
Nang makilala ko si Martin. Fuck. Iniisip ko pa lang para nang nilalamutak ang sikmura ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ako komportable na higit kaysa sa gusto ko ang epekto niya sa buhay ko. Worst, sigurado akong habang ngmumukmok ako sa nakaraang mga araw, siya normal lang ang takbo ng buhay. Baka nga nakalimutan na niya ako.
“Grace? Hello?”
Bumuntong hininga na naman ako, itinaas ang mga paa sa sofa at niyakap ang mga tuhod. “Since I met someone who I know will eventually break my heart if I let him into my life.”
Kumislap sa excitement ang mga mata ni Angel. “You had sex with him kaya ngayon hindi mo na gusto makipag-sex sa iba?”
Itinirik ko ang mga mata ko. “We didn’t have sex. Well, not the actual intercourse. Dalawang beses na kaming nagkasama sa kama. But on both occasion he didn’t fuck me. Palagi lang niya akong pinagkukuwento. Hindi ko gets kung bakit kasi alam ko naman na hindi lang ako ang nakakaramdam ng sobrang attraction kapag magkasama kami. I mean, I always feel as if there is electricity sparkling between us everytime we are together.”
Sunod-sunod na tumango si Angel. “Nage-gets kita. Ganiyan kami ni Jack mula pa noong una kaming nagkita.”
Gusto ko sana sabihin na iba kami ni Martin pero pinalampas ko na lang ang komento niya. Sandali akong nag-alangan bago ko inamin sa bestfriend ko ang naramdaman ko nang yakapin ako ni Martin hanggang makatulog ako. Sinabi ko rin ang tungkol sa halik na pinagsaluhan namin at ang panic na bigla kong naramdaman pagkatapos.
Matagal na natahimik lang kami ni Angel, mataman ang titig niya sa akin at may lungkot sa facial expression. Nag-iwas ako ng tingin kasi uminit ang gilid ng mga mata ko at may bumara sa lalamunan ko.
“Huwag ka matakot, Grace. Naiintindihan kita at alam mo ‘yan. Pero ‘di ba ikaw ang nagsabi sa akin na huwag akong maging miserable by running away from someone I really love?”
Mapait akong natawa. “I’m not in love with him.”
“Kasi nga pinipigilan mo ang sarili mo. Huwag ka matakot. He will love you too. Kasi hindi ka ma-a-attract sa kung sino lang. I know that you’re a good judge of character, Grace.”
Nagkibit balikat na lang ako. Kahit ang totoo gusto ko sabihin sa kaniya na imposibleng maging ganoon ang feelings ni Martin o ng kahit sinong lalaki sa akin. Angel chose a respectable path and I chose to become a prostitute. Noon pa alam ko nang walang lalaki ang talagang magmamahal sa isang fallen and broken woman na katulad ko. And I’m fine with that.
Iniba ko na lang ang usapan. “Hindi ka pa ba male-late sa trabaho?”
“Oh, my God, oo nga pala!” Napatayo siya, mabilis akong hinalikan sa pisngi, nagpaalam at halos tumakbo papunta sa front door ng apartment. Nang makaalis na siya, nabingi ako sa katahimikan kaya tumayo rin ako at nag-decide na lumabas rin.
NABABALIW na yata ako. Gusto ko sabunutan ang sarili ko nang matagpuan ko ang sarili kong pumasok na naman sa resto-café kung saan alam kong tumatambay si Martin. Iniwasan ko pumunta roon sa nakaraang dalawang araw pero ngayon hindi ko na natiis. Kung hindi pa ‘yon kagagahan, nag-effort pa ako magbihis at mag make-up na parang may ka-date. Pero nang sulyapan ko ang regular na lamesa niya, bakante ‘yon. Nadismaya ako, pagkatapos nainis. Shit, why am I acting like an innocent teenager?
Umiling ako at umorder ng iced coffee sa barista. Then pumuwesto ako sa bakanteng lamesa, inilapag sa harapan ko ang kape at tumitig sa labas. Hindi ko na namalayan ang oras. Nang kumurap ako at yukuin ang iced coffee halos tunaw na ang yelo ‘non. Inabot ko ‘yon at sisipsip pa lang sana ako sa straw nang sumulyap ako sa bumukas na glass door ng kainan.
Napahinga ako ng malalim at dumeretso ng upo nang pumasok sa loob si Martin. Nagulat ako kasi this time hindi pormal ang ayos niya at wala rin siyang bitbit na suitcase. Nakasuot siya ng simpleng pantalong maong at v-necked longsleeved shirt na halatang cotton ang tela kasi humahakab ‘yon sa katawan niya. Hindi siya mukhang galing sa University kasi hindi ‘professor’ ang aura niya ngayon. Kung wala siyang klase ngayong araw bakit siya nandito?
Ibinaba ko uli ang iced coffee ko sa lamesa pero nakatingin pa rin ako sa kaniya. Kaya nang bigla siyang lumingon sa direksiyon ko nagtama agad ang mga paningin namin. Lalong bumilis ang pintig ng mga pulso ko at kumalat ang masarap na kilabot sa buong katawan ko nang humakbang siya palapit sa akin. May determinasyon sa mukha ni Martin na para bang may napagdesisyunan siyang gawin. Na para bang nabura lahat ng alinlangan niya tungkol sa kung ano.
Huminto siya sa tabi ng lamesa at sandaling pinagmasdan lang niya ng maigi ang mukha ko. Then he smiled. And I swear I stopped breathing. There is something about the way he looks at me right now that makes my whole body tingle with lustful energy. Hinatak niya ang silya sa tapat ko at hindi inaalis ang tingin sa akin nang umupo siya roon. “Nagpunta ako rito na may expectation na maghihintay ako nang matagal bago kita makikita. I’m glad you’re here.”
Nagulat ako. “Nagpunta ka rito para makita ako?”
Umangat ang gilid ng mga labi niya at kumislap ang mga mata. Fuck, that sexy smile of his makes my panties wet. Pinigilan kong pagdikitin ang mga hita ko para hindi niya mahalata ang epekto ng ngiti niya sa akin.
“I can’t stop thinking about you, Grace. I want to keep on seeing you.” Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang sa mukha niya. He stares back at me. His eyes are crystal clear and very determined.
“Because I give the best blowjob?” nagawa kong sabihin.
Tumawa si Martin at natulala na naman ako. Sobrang guwapo na niya kahit parang ang sama niya tumingin at normal na nakasimangot ang mukha. Pero kapag tumatawa siya… oh, boy, he’s Godly. As in. Naniningkit ang mga mata niya kapag tumatawa, umaaliwalas ang mukha at ang mga labi niya, nakaka-tempt dukwangin para halikan. And the sound of his laugh is the sexiest sound I’ve ever heard. I think I can go down on him right now for another round of BJ because of that.
“Yes, you are the best, Grace. Pero hindi lang ‘yon ang dahilan kaya gusto kong makita at makilala ka pa.”
Tumaas ang kilay ko. “Eh ano pa ang dahilan? Do you like me?”
“Yes. I like you.”
“And do you want to fuck me?” hindi ko natiis hindi itanong. “Because I can’t live without sex. So if you want to keep on seeing me, you must fuck me.”
Naging mapang-akit ang ngiti niya at uminit ang titig sa akin. “You have no idea how much I want to fuck you, Grace. And I will. You can count on that.”
Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko na napigilan ipag-krus ang mga hita ko. Tumikhim ako. “So, this seeing each other thing, exclusive ba ‘to?”
Unti-unting sumeryoso si Martin. “Sa side ko, maipapangako ko sa’yo ang exclusivity. Ikaw ang magdesisyon sa side mo.”
Na-caught off guard ako sa sagot niya. Nagkatitigan kami at narealize ko na ikinokonsidera niya ang trabaho ko. “Hindi ka magde-demand na itigil ko na ang trabaho ko at humanap na lang ng iba? Ayos lang sa’yo na sa trabaho ko makikipagkita ako sa iba’t ibang lalaki, makikipag-date sa kanila at malaki ang posibilidad na makipag-sex sa kanila?”
Ngumiwi si Martin. “I actually don’t like to share you. But even if we are seeing each other, I don’t think I have the right to tell you what to do. Lalong ayokong i-demand na magbago ka para mag-fit in sa gusto ko. I like you the way you are, Grace. At kung magbabago ka man, gusto ko dahil ‘yon ang gusto mo at ‘yon ang sa tingin mo makakabuti sa sarili mo. Hindi dahil sa tingin mo ‘yon ang gusto ko.” Pagkatapos tipid siyang ngumiti, halatang gusto pagaangin ang usapan namin. “Just don’t tell me about it. I might get jealous.”
Umawang ang bibig ko at hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ako makahinga sa halo-halong emosyong nasa dibdib ko – mga emosyong matagal na panahon ko nang hindi nararamdaman. He doesn’t want to change me. He can but he won’t do it. Gusto niya ako bilang ako at nakikita ko sa mga mata niya na talagang sincere ang interes niya sa akin. May bumara sa lalamunan ko at kinailangan kong magbaba ng tingin kasi uminit ang gilid ng mga mata ko. Kailan pa ako naging iyakin? Kailan pa naging ganito ka-vulnerable ang puso ko? How can I like him so quickly when I guarded myself from all the men who came into my life for the past nine years?
“Grace? Ayaw mo ba?” Nagkaroon ng alinlangan ang tono ni Martin. “Kasi kung ayaw mo, kaya kita kumbinsihin pumayag. First of all, we are very sexually compatible. Even now, I can feel the tension between us. Malamang kahit ang mga tao sa paligid natin ay nararamdaman ‘yon. Kanina pa nila tayo tinitingnan.”
Napatingala ako sa sinabi niya at sumulyap. Nakatingin nga sa amin ang tatlong babaeng nakasuot ng college uniform. Nang ibalik ko ang tingin kay Martin hindi ko napigilan ngumiti. “Sa’yo sila nakatingin. You’re too gorgeous not to stare at.”
Ngumiti siya. “Iyan ang pangalawang rason para pumayag ka sa proposition ko.”
“Ano pa?” tanong ko. As if kailangan ko pa kumbinsihin. I’m already soaking between my legs since the moment our eyes met a while ago. Plus my whole being is screaming at me to agree.
“We are also mentally compatible. Marami tayong mapag-uusapan.”
“Ano pa?”
Naging mapang-akit na naman ang ngiti niya. “I’m very good in bed.”
Sa pagkakataong ‘yon, para na talagang sinisilaban ang buong katawan ko. Si Martin lang ang kayang i-arouse ako nang hindi man lang ako hinahawakan. Ipinatong ko ang mga siko ko sa lamesa at dumukwang hanggang halos isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin. I licked my lips. Bumaba ang tingin niya roon, nawala na ang ngiti at naging intense na ang facial expression.
“Kailan ko naman malalaman kung gaano ka kagaling sa kama?” bulong ko.
Lumunok siya. Pagkatapos umangat ang tingin hanggang nagkasalubong na uli ang mga mata namin. “Kung kailan mo gusto,” ganting bulong niya.
Kumabog ang dibdib ko sa antisipasyon. Ang balat ko, parang dinadaanan ng kuryente sa sobrang excitement ko. Hindi ako nakatiis, umangat ang kamay ko at hinawakan siya sa batok. Nang suklayin ko ng mga daliri ko ang buhok niya, nakita ko ang init ng pagnanasa sa mga mata niya. Pero hindi siya kumilos para hawakan din ako. Ni hindi siya gumawa ng paraan para tawirin ang natitirang espasyo sa pagitan ng mga mukha namin. Naghihintay lang.
Martin is definitely a giver. But there is no way he can be considered a beta or the submissive one in a relationship. There is too much fire and intensity in his eyes for him to be one. He’s a complicated man and I want to feel him inside me.
“Ngayon na,” mahinang sagot ko.
Saka lang siya gumalaw. Inabot niya ang kamay kong nasa batok niya, inalis ‘yon doon at pinaglingkis ang mga daliri namin. Pagkatapos may ginawa na naman siyang ikinagulat ko. He kissed my fingers, and then my palm until his lips went to my wrist. Hindi ko na napigilan ang paglabas ng mahinang ungol sa bibig ko. Nagkatitigan kami, hinalikan niya sa huling pagkakataon ang kamay ko at saka tumayo. “Let’s go.”
Tumayo ako agad, hinablot ang purse ko at saka humakbang palapit sa kaniya. Sa sobrang pagmamadali ko tumama ang binti ko sa paa ng silya. Maagap na humawak sa siko ko ang isang kamay niya at naglapat ang mga katawan namin. I swear, parang nagkaroon ng heatwave sa corner na ‘yon ng kainan. His gaze is smoldering and my whole body is burning with desire. Dahan-dahan humakbang kami paatras sa isa’t isa pero humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Let’s get out of here,” bulong ni Martin.
Ako na ang naunang humakbang at hinila siya palabas ng resto-café. Hindi na ako makapaghintay na masolo siya. At kung pagbabasehan ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko, sigurado akong gusto na rin niyang magkaroon kami ng privacy. Oh. I can’t wait.