Chapter SAVING GRACE: Chapter 17

“MAY aaminin ako sa’yo.”

Tumaas ang mga kilay ni Martin pero ngumiti naman. Kalalabas lang niya galing sa banyo. Nagtapon ng condom. “Dapat ba akong kabahan?”

Niyakap ko ang mga tuhod ko, hindi inabalang magtakip ng kumot kahit nakahubad pa rin ako. Bakit pa eh alam ko namang magkakaroon kami ng round two. “Hindi ko alam.”

Sumampa siya sa kama at umupo sa tabi ko. “Tell me.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ako nagdesisyong maging tapat sa kaniya. After all, it has been one week since we decided to see each other. Ito pa lang ang pangatlong beses na nag-sex kami pero halos araw-araw kaming nagkikita. Martin has an addicting way of fucking. He is intense and passionate yet gentle. He has a habit of staring at my face whenever I’m having an orgasm. He loves foreplay. Hindi siya nagmamadali. Marunong siya magkontrol at pinapatagal ang sexual act. But the end is always earth-shattering and satisfying. He can always give me multiple orgasms before he let himself get his own release. Unless I’m the one giving him multiple orgasms. Yes, I can do that. Nagawa ko kani-kanina lang.

Sa araw na hindi kami nauuwi sa hotel, tumatambay lang kami sa resto-café, sa lamesa na naging regular na naming puwesto, at nagku-kuwentuhan lang.

Tama siya nang sabihin niya noon na marami kaming mapag-uusapan. Matalino siya pero hindi ‘yung tipong ipu-push sa’yo ang mga alam niya. He’s a good listener as well. Kaya kahit hindi naman talaga ako pala-kuwento sa iba, nagiging madaldal ako kapag magkasama kami. He has an aura that will really make you talkative. Siguro kasi nararamdaman kong ligtas ang mga sikreto ko sa kaniya. Hindi niya ipagsasabi sa iba.

“Grace, tell me,” malumanay na sabi ni Martin, umangat sa ulo ko ang isa niyang kamay at marahang sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ko.

Huminga ako ng malalim at saka nagsalita, “Ikaw pa lang ang lalaking hinayaan kong halikan ako. Sabi ko na sa’yo dati ‘di ba na mayroon akong no-kissing rule. I have that rule for a reason. Ang totoo… nandidiri ako sa lips to lips kissing. I tried it a couple of times before but I always feel revolted.” Huminto ang mga daliri niya sa pagsuklay sa buhok ko at naging mataman ang titig niya sa akin. Mapait akong ngumiti. “Ang weird ko ‘no? I can give the best blowjob but I can’t kiss a man’s lips. Kaya nagulat ako na noong una mo akong halikan hindi ako nandiri. And as you know, I am addicted to your kisses lately.”

“Why?” tanong niya mayamaya.

Kumunot ang noo ko kasi may kakaiba sa tono niya. “Bakit ako naadik sa mga halik mo?”

“Bakit nandidiri ka sa mouth to mouth kisses?”

Na-caught off guard ako sa tanong niya. “H-hindi ko alam.”

Napunta sa batok ko ang kamay niya. Inilapit ang mukha ko sa mukha niya at marahang inilapat ang mga labi sa bibig ko. Pagkatapos bumulong siya. “Alam mo. Pinipigilan mo lang ang utak mong alalahanin.”

Nanlamig ako at kumabog ang dibdib ko. May dumaang imahe sa isip ko na agad kong pinalis. Ngumiti ako. At alam kong alam niyang peke ‘yon. “Hindi ko talaga alam. At ayoko na alamin. Because now I love kissing.” Saka ko tinawid ang pagitan ng mga mukha namin at mariin siyang hinalikan sa mga labi. He kissed me back, meeting my tongue with his, sucking at my upper lip and then lightly biting my lower lip.

Umangat sa batok niya ang kamay ko at hinila siya para lalong paglapitin ang mga labi namin. Lumapat ang kamay niya sa tagiliran ko, marahang humahaplos, binubuhay na naman ang pagnanasa na palagi kong nararamdaman basta kasama ko si Martin. Until now I don’t understand why I can get enough of him. And I know he can’t get enough of me too. Habang tumatagal, nasa kama man kami o nasa resto-café at nag-uusap lang, imbes na mabawasan ang sexual attraction sa pagitan namin kapag magkasama kami lalo lang ‘yon tumitindi.

Mayamaya siya ang kusang tumapos sa halik. Nagkatitigan kami. “May aaminin din ako sa’yo.”

Natigilan ako at medyo lumayo sa kaniya. May panlalamig na humagod sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko. “Oh, God. Please don’t tell me you’re already married. I will kill you because that’s the line I will never cross.”

“What? Hindi ako married. Bakit ‘yan agad ang naisip mong sasabihin ko?” natatawang sagot ni Martin.

Nakahinga ako ng maluwag. “Automatic reaction lang para sa’kin na isiping may asawa na ang isang lalaki kapag ganiyan ang sinasabi niya.”

Umiling si Martin. “Iba ang sasabihin ko.”

“Okay. Sabihin mo na.”

Tinitigan niya ako, hindi tumitigil ang kamay niya sa paghaplos sa tagiliran ko. “I have been celibate for two years before I met you.”

Napatunganga ako sa kaniya. “Seryoso?”

Naging mapait ang ngiti niya at marahang tumango. Napanganga na ako. Bigla kong naalala noong una kaming magtalik. When he was fully inside me and he doesn’t want to move because he wants to savor the feel of filling me. Noong ang gentle niya sa akin. Ang sabi niya hindi lang daw ‘yon para sa akin kung hindi para rin sa kaniya. Ngayon alam ko na kung bakit. It has been so long since he was inside a woman.

“Two years? Sa isang lalaking kasing guwapo at macho mo? Sa isang lalaking kasing galing mo sa kama at kasing sarap mo humalik? How can you last two years without a woman pushing you against a wall or something to have her way with you?”

Mahinang natawa si Martin, pinisil ang baywang ko at mabilis akong hinalikan sa gilid ng mga labi. “What made you think no woman tried? Magaling lang ako umiwas. Besides, not all women are us tempting as you, Grace.”

“Pero bakit? Choosy ka sa babaeng ikakama? Saka bakit sabi mo noong una, you can’t have sex with me. Na gusto mo pero hindi puwede?” nagtataka pa ring tanong ko.

Sumeryoso ang mukha ni Martin. Sinubsob niya ang noo sa balikat ko at matagal na tumahimik. Alam ko, pinag-iisipan niya kung sasabihin niya sa akin ang sagot sa mga tanong ko o hindi. Naramdaman kong na-tense ang buo niyang katawan. Medyo na-guilty naman ako. Umangat ang kamay ko sa buhok niya at marahan ‘yong sinuklay. “Huwag mong sabihin sa akin kung hindi mo kaya,” malumanay na sabi ko. Sino ba ako para pilitin siyang magsabi ng mga sikreto niya eh ako nga ang dami-dami kong itinatago.

“It’s because of a woman,” mahinang sabi niya mayamaya.

Tumaas ang kilay ko. “So, broken-hearted ka kaya hindi ka nakipag-sex sa loob ng dalawang taon?”

Mapait siyang tumawa at saka dahan-dahang iniangat ang mukha hanggang magkatinginan na kami. “My heart is not the only one that got broken, Grace.”

May kirot akong nakapa sa dibdib ko at parang may mariing pumiga sa sikmura ko. I know what it feels like to be broken and believe me, living like this is hell. Lumunok ako at bago ko pa napigilan ang sarili ko umangat na sa mukha niya ang kamay ko. “Anong pangalan niya?”

Pumikit siya at sa unang pagkakataon mula nang magkakilala kami nakita ko ang sakit at paghihirap sa facial expression niya. May bumara sa lalamunan ko at may naramdaman akong kurot sa puso ko na agad kong binalewala. Kasi narealize ko na kahit single siya at hindi na-involve sa kahit na sinong babae bago niya ako nakilala, apektado pa rin siya ng babaeng tinutukoy niya. Right now, he gives me freedom with his body.

But his heart is taken.

Lalo ko na tuloy gusto malaman ang tungkol sa babaeng ‘yon. Kailangan ko malaman kung sino siya at ano ang ginawa niya kay Martin.

“Sabihin mo na sa akin. Ako nga nasabi ko na sa’yo ang tungkol sa sex life ko bago tayo nagkakilala eh. Unfair naman kung ikaw lang ang maraming alam tungkol sa akin,” pabirong sabi ko.

Huminga siya ng malalim. “Her name is Joy.” Pagkatapos bigla niya akong hinila pahiga sa kama. Umunan ako sa braso niya habang siya naman tumingala sa kisame. “It was a very complicated story, Grace.”

“Sanay ako sa complicated,” komento ko. Praktisado ako dahil sa pamilya ko. Pero wala akong balak sabihin ‘yon kay Martin. My family is a topic I hate discussing. Malamang ako rin ang paksang ikakagalit nila kapag nabanggit ng kung sino.

Huminga siya ng malalim. “Two years ago, I took Joy as a patient. She was suffering from clinical depression due to a very traumatic experience. She almost killed herself because she neglected her health.”

Kumurap ako at biglang napabangon ng upo. “Teka lang. Anong ibig mong sabihin na pasyente mo siya? ‘Di ba college professor ka?”

Hinawakan niya ang braso ko. “Yes. Pero Psychiatrist talaga ako. Dalawang taon pa lang mula nang magturo ako sa University. At pumayag lang ako magturo kasi hindi ako puwedeng tumanggap ng pasyente nitong nakaraang dalawang taon.”

“Ha?” lito pa ring usal ko.

Umangat ang gilid ng mga labi niya at marahan akong hinila pahiga uli sa braso niya. Niyakap niya ako. “Makinig ka kasi sa akin. Makakarating din ang kuwento ko sa dahilan kung bakit ako naging professor. Don’t be impatient, Grace.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.